FLYERS, LEAFLETS AT
PROMOTIONAL
MATERIALS
LAYUNIN.
a. Matukoy ang katangian ng flyers, leaflet at
mga promotional materials;
b. Maisa-isa ang kahalagahan at gamit ng
flyers, leaflet at promotional materials;
c. Masuri ang pagkakaiba-iba ng flyers, leaflet
at iba pang mga promotional materials.
MGA GABAY NA TANONG?
1. ano ang flyers at leaflet ?
2. Ano ang gamit ng flyers at Leaflet at ang mga
katangian at gamit nito?
3. Paano naiiba ang flyers sa Leaflet sa iba pang
mga promotional materials?
4. ano ang kahalagahan ng mga promotional
materials at saan ito nagagamit?
PANIMULANG GAWAIN:
Sa inyong bag ay kumuha ng alin mang gamit.
Batay sa gamit na napili ay gawan ito ng
script upang makabuo ng isang patalastas.
KATANGIAN NG MGA
PROMOTIONAL MATERIALS
Kalimitang ipinamumudmod ang mga
flyer/leaflet at promotional material upang
makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang
produkto o serbisyo. Bukod pa rito,
nagbibigay-impormasyon din ang mga
materyales na ito para sa mga mamimili o
kung sinumang makababasa ng mga ito.
vs
Kapansin-pansin din ang pagiging tiyak at
direkta ng mga impormasyong nakasulat sa
mga ito. Hindi maligoy ang pagkakasulat at
impormatibo sa mga mambabasa.
Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga
flyer/leaflet at promotional material ay
katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o
ang mga batayang impormasyong may
kinalaman dito.
Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan
ang mga ito upang higit na makita ang biswal
na katangian ng isang produkto. Makulay rin
ang mga ito na posibleng makatulong na
makahikayat sa mga potensiyal na gagamit o
susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot
sa mas nakararami.
Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may
kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng
pagbuo ng mga nasabing materyales, gayundin ang
kanilang logo.
May mga pagkakataon ding pumapasok ang
paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa
paglikha ng mga flyer/leaflet at promotional
material upang lalong tumatak sa mga mamimili
ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon
hinggil sa isang produkto o serbisyo. Makikita ito
halimbawa sa kanilang mga tag line.
ANO ANG GAMIT NG FLYERS,
LEAFLET AT IBA PANG
PROMOTIONAL MATERIALS
Ang mga flyer at leaflet ay kadalasang inililimbag sa
isang pahina lamang.
Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout,
ipinamimigay upang maipakilala ang isang produkto o
taong ikinakampanya
Ginagamit din ito bilang pabatid sa mga okasyon o
bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang
patalastas.
PAANO NAIIBA ANG FLYERS
AT LEAFLET SA IBA PANG
MGA PROMOTIONAL
MATERIALS
Ang mga iba pang mga promotional material katulad ng
brochure ay kalimitang mas mahaba sa isang pahina.
Kalimitan ding nakatupi ang mga ito na siyang
nagtatakda ng pagkakahati-hati ng mga impormasyong
nakasulat dito.
Nagsisilbing gabay ang brochure sa mga mamimili dahil
naglalahad ito ng higit na detalyadong paglalarawan sa
isang produkto
Samantala, nagagamit din bilang promotional
material ang poster na kalimitang nasa mas
malaking sukat kaysa sa mga naunang
nabanggit na may higit na kaunting salitang
nakasulat upang mas mapagtuunan ng pansin
ang biswal na paglalarawang nakalagay rito.
ANO ANG EPEKTO NG PAGGAMIT NG
FLYERS LEAFLETS AT PROMOTIONAL
MATERIALS SA ISANG PRODUKTO?
Ang paggamit ng mga flyers, leaflets, at
promotional materials sa isang produkto ay isa na
sa mga pinakatanyag na pamamaraan upang
ipakalat ang produkto sa maraming tao at lugar. Sa
pamamagitan ng mga ito ay mas maraming
makakaalam tungkol sa produkto.
Ang mga flyers at leaflets ay maaaring iabot
isa-isa sa mga taong nakikita o
nakakasalubong sa lansangan. Maaari ring
magbahay-bahay o kaya naman ay ipaskil ang
mga ito sa mga pader, poste, o pisara basta’t
may pahintulot ng mga nagmamay-ari
PAGKAKATULAD NG FLYERS
AT LEAFLETS
1. Isang nakalimbag na materyales na ginagamit sa
adbertismo at bilang “ Marketting tool”.
2. Karaniwang simple at kadalasang binubuo lamang ng
isang pahina. Maaaring itoy hindi natutupi o natutupi.
3. Hindi naka-desenyo ng pangmatagalang gamit.
4. Madaling maimprenta at karaniwang ipinamumudmod
sa mataong lugar o maramihang target ng pagbibigyan.
PAGKAKAIBA NG FLYERS AT
LEAFLET
flyers leaflet
Ang flyers ay binubuo ng isang pahina Ang leaflets naman ay natutupi at
at hindi natutupi at karaniwang ang nahahati sa ilang mga pahina.
isang bahagi lamang ang naglalaman ng
mga nakaimprentang impormasyon Ang leaflet naman ay naglalaman ng
mas maraming nakasulat na nilalaman
Ito ay nakapokus sa simpleng mensahe kaysa sa larawan o illustrasyon.
at higit na nangingibabaw ang
illustrasyon o mga nakakaakit na Mas impormatibo kaysa sa Flyers
desenyo. ngunit higit na maaksaya.
Mas madaling maimprenta at matipid
GAWAIN 1: VENN DIAGRAM: Gumawa ng Venn Diagram upang
Ilarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Flyers at Leaflets.
PAGKAKATULAD
flyers Leaflets
HALIMBAWA NG FLYERS
GAWAIN 2: GAMIT ANG MGA NATUTUNAN, GUMAWA
NG FLYERS TUNGKOL SA ISANG PRODUKTO,
KINAKAILANGANG MAGING MALIKHAIN SA
PAGGAWA.