You are on page 1of 27

MANWAL

Matapos ang aralin inaasahan ang mga ss:


1. Natutukoy ang kahulugan ng manwal
2. Naiisa-isa ang mga uri ng manwal ayon sa
gamit
3. Nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng
manwal para sa paggamit
4. Nakasusulat ng manwal para sa paggamit
ayon sa balangkas ng mga bahagi nito
Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano
gagamitin o gagawin ang isang bagay.

Higit na komprehensibo at malawak ang saklaw nito


kaysa sa instruksyon.

Nagbibigay ng mga panuto para sa mga


komplikadong gawain katulad ng pagsasaayos ng mga
kompleks na kagamitan. Sa malalaking sistema
katulad ng eroplano o sasakyan .
Iba't ibang uri ng manwal ayon sa gamit:
1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)
- para sa kontruksiyon o pagbuo sa isang gamit,
alignment, calibration, testing at adjusting ng isang
mekanismo.
2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User
Manual o Owner's Manual)
- naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng
mga kagamitan at mga pangunahing operasyon o gamit ng
isang mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual)
- kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual)
- routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit
ng depektibong bahagi.
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual)
- nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi,
operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
6. Manwal para sa Pagsasanay (Training manual)
- ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng
partikular na mga grupo o indibidwal.

KOMPONENT NG MANWAL
Karaniwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa
ss:
a. tiyak na depinisyon
b. deskripsiyon ng mga mekanismo
c. sunod-sunod na hakbang o instruksiyon
d. pagsusuri ng mga proseso
AWDIYENS
- Pangunahing konsiderasyon sa
pagbuo ng manwal para sa gumagamit
ay ang awdiyens. ang wika at teknikal na
detalye ay dapat na angkop at
nauunawaan ng inaasahang gagamit ng
isang produkto o mekanismo.
DISENYO
1. Madaling basahin at madaling sundan ang mga
panuto.
2. May kaakit-akit na disenyo
3. May mga ilustrasyon upang palawakin ang pag-
unawa ng mambabasa.
4. Magagamit na reperensiya sa hinaharap 4
5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain,
pamamaraan at iba pang impormasyong nakaayos
sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
Balangkas ng isang Manwal o Gabay sa Paggamit
1. Pabalat na Pahina
• malinaw na pamagat
• Ang pamagat ang sa tanong na “Tungkol saan
ang manwal na ito?” o “Ano ang nilalaman ng
manwal?”
2. Talaan ng nilalaman
• itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-
sunod ng mga gawain sa loob ng manwal.
3. Introduksiyon
• nagpapaliwanag sa ANO-PAANO-SINO.
• Ano ang nilalaman ng manwal tungkol saan ang
manwal?
• Paano gamitin ang manwal?
• sino ang gagamit o para kanino ang manwal?
4. Navigation Tips
• pahina na may biswal na simbolo na
magagamit upang unawain ang mga bahagi ng
manwal
a. Gamit at Tungkulin - dito nakalahad kung
paano ginagamit o saan ginagamit ang isang
bagay.
• Saklaw - kung ano lamang ang mga paksang
tatalakayin sa manwal.
- mungkahi kung saan maaaring pumunta o
tumawag kung ang isang problema ay hindi na
sakop ng manwal.
• Takdang Gamit - isa-isang nakalahad ang mga
gamit o usage ng isang bagay
• Deskripsyon - inilalarawan ang bawat bahagi ng
bagay at kadalasang karugtong ito ng mga
takdang gamit.
• Espesipikasyon - iniisa-isa ang mga katangian ng
gamit gayundin kung may espesyal na mga
katangian ang mga ito na wala sa ibang
kagamitan.
b. Prinsipyo ng Operasyon - binabanggit dito kung
ano ang disenyo at kung bakit ito dinisenyo nang
gayon. Kung may iba't ibang operasyon para sa
bawat bahagi ng kagamitan, iniisa-isa itong
larawan.
• Introduksiyon - ipinapakilala nito kung ano ang
katawagan sa gamit o instrumento. Inuulit at
binibgyang-diin din ang mga takdang gamit nito.
• Teoretikal na Kaligiran - isinasaad ang mga
pinagbatayang teorya at mga pag-aaral na naging
• Gamit ng Instrumento - isinasaad dito ang
pangkalahatang gamit ng instrumento
• Pagsusuri ng Datos - dito nakalagay ang pagsusuri o
analisis n mga datos na pinag-aralan sa pagbuo ng
produksiyon ng gamit o instrumento.
c. Instruksiyon sa Operasyon - sinusunod na mga
panuto at pamamaraan sa paggamit ng mga bagay
o kung paano gagamitin o paandarin ang mga ito.
• Ang gumagamit - inilalarawan kung sino ang mga
maaaring gumamit ng instrumento. nagbibigay ito ng
paalala para sa kanilang kaugnay sa paggamit at
pangangalaga nito.
• Mga Kontrol at Indikasyon
- ito ay may guhit ilustrasyon o larawan ng mga kontrol
na pinipindot o ginagalaw upang magamit ang
instrumento.
- May pangalan at paliwanag ang mga simbolo sa mga
kontrol at ipinapaliwanag ang mahahalagang indikasyon
tulad ng mga kulay ng ilaw na makikita depende sa
sitwasyon
• Pamamaraan sa Pagsisimula - iniisa-isang
ipaliwanag ang bawat hakbang na kailangan sundin
upang mabuksan at magamit ang instrumento, kung
kuryente o baterya at kung ano-ano ang buton na
pipindutin.
• Mga Hakbang sa Paggamit - nakalahad kung paano
gamitin ang bawat bahagi ng gamit o instrumento. Mga
prosesong dapat sundin.

d. Serbisyo at Pagmementena - mga paraan ng pagsasaayos
ng gamit o instrumento kung sakaling magkaroon ng anumang
di-inaasahang problema sa paggamit dito. Nakalagay rin dito
kung saan ang mga lugar o opisinang maaaring puntahan
upang ipagawa o mapangalagaan sa maintenance ang gamit o
instrumento.
 Karaniwang Problema - ilahad ang mga posibleng
mararanasang problema ng gamit o instrumento at ang
mga posibleng dahilan kung bakit umuusbong ang
problemang ito.
 Hal.: hindi gumagana dahil mali ang paglagay ng baterya.
Simpleng Solusyon - nagbibigay ng mungkahing
solusyon sa mga karaniwng problema. ang solusyon ay
maaaring gawin ng user.
Hal. Ayosin ang pagkakalagay ng mga baterya.

APENDISE
huling bahagi ng manwal kung saan nakalagay ang iba
pang
impormasyong gustong idagdag na maaaring balikan
ng mga gumagamit nito.
5. Apendiks - ang mga kalakip na dokumentong may
kaugnayan sa kabuuan ng nilalaman ng manwal.
a.Glosaryo para sa mga termino
- nakatala ng paalpabeto ang mga termino/salita

6. Bibliyograpiya

HANDBOOK
Isang halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng
mga manggagawa.
Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal
Gumamit ng mga payak na salita. Iwasan ang mga
jargon o teknikal na salita, maliban kung sadyang
kailangan.
Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na
gagamitin ito.
Buuin ang mga akronim sa unang banggit
Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya,
tono at estilo ng pagsulat.
Gumamit ng maikling pangungusap
Gumamit ng numbered lists.
PORMAL ang paggamit ng wika sa mga manwal upang
malinaw na maihatid ang mga impormasyong nakasulat
dito.
QUIZZZZZZZZZZZ
ZZZ
Piliin ang tamang sagut
1. Anong uri ng manwal ang naglalaman ng gamit
ng mekanismo o ng pangunahing operasyon ng
mekanismo.
a. Manwal para sa Paggamit
b. Manwal sa Pagbuo
c. Manwal na Operasyonal
2. Uri na manwal na para sa programang
pampagsasanay ng partikular na mga grupo o
indibidwal
a.Manwal sa Operasyonal
b.Manwal para sa Pagsasanay
c.Manwal sa Pagbuo

3. - 7. Magbigay ng 5 uri ng Manwal


8. -9. Bakit kailangan isaalang alang ang wikang
gagamitin sa pagbuo ng manwal?

10. Ano ang naitutulong ng manwal sa isang


customer?
Assignment:
Magdala ng isang halimbawa ng
Manwal
Mag-isip ng isang Imbensiyon. Maaaring isa
itong
 Ginagamitan ng teknolohiya
 mahalagang gamit sa bahay
 kinakailangan ng baterya o kuryente
 hindi mo kayang mabuhay kung wala ito.

You might also like