You are on page 1of 22

DESKRIPSIYON

NG PRODUKTO
Ang modyul na ito ay naglalayon mapatatag ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa mga konsepto ng
teknikal-bokasyonal na pagsulat na nakatuon sa
pagsulat ng deskripsyon ng produkto.

Sa pamamagitan ng mga pinakamahalagang


kasanayan sa pagkatuto na nakikilala ang iba’t ibang
teknikal na sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian,
anyo, target na gagamit at naipapaliwanag nang
pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling
anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga
termino, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang
malinang at matamo ang mga sumusunod na layunin:
•nabibigyang-kahulugan ang
deskripsyon ng produkto;
•natutukoy ang kahalagahan ng
deskripsyon ng produkto;
•nagagamit ang mga paraan sa pagsulat
ng deskripsyon ng produkto; at
•nakasusulat ng deskripsyon ng
produkto na magagamit sa pagbebenta.
Ang deskripsiyon ng produkto ay
isang maikling sulatin na gumagawa
para sa pagbebenta ng mga
produkto para sa isang negosyo.
Kinakailangan ang paglalarawan sa
produkto upang maging kaakit-akit
at mabenta ito sa mga target na
awdiyens o mamimili.
Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto
upang mabigyang impormasyon ang
mamimili tungkol sa mga benepisyo,
katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pang
produktong nais ibenta. Sa gayong paraan,
nabibigyan ng pagkakataon ang mga
mamimili na magdesisyon kung bibilhin o
tatangkilikin ang produkto o hlndi. Mahalaga
rin mg deskripsyon ng produkto upang
maipakita sa mamimili na ang produkto ay
akma sakanilang mga pangangailangan.
Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o
negosyo dahil napakalakas ng kompetisyon ng
iba't Ibang kompanya. Sa modernong
panahon, hindi na lamang mga boutique o
mga posikal na estruktura ng mga tindahan
ang gumagawa ng mga deskripsiyon ng
produkto, na dati ay inilalagay lamang sa mga
magasin. Laganap na rin ang mga online store
na totoong may mas mahigpit na
kumpetisyon dahil mas malawak ang
maaaring marating ng produkto at mas
maraming potensiyal na kliyente. Kaya
mahalaga na sa dinami-daml ng produktong
Karaniwan, ang deskripsiyon
ng produkto ay isang maikling
talata lamang. Maaaring
oumamit ng bulleted lists sa
pagsulat ng deskripsiyon sa
produkto lalo na kung sa
online stores.
MGA PARAAN SA
PAGSULAT NG
DESKRIPSYONG NG
PRODUKTO
Maikli lamang ang deskripsyon
ng produkto.
Sa larangan ng negosyo, ipinapalagay
palagi na ang mga mambabasa o
mamimili ay walang panahon para
magbasa ng mahabang teksto. Kailangan
masabi sa maikling talata ang mga
kinailangang larawan tungkol sa
produkto.
Magtuon ng pansin sa ideyal na
mamimili.
May iba’tibang buyer persona ang
bawat produkto. Ito ay kung para kanino
ibinebenta ang isang produkto.
Mahalagang malaman ang katangian ng
target na mamimili sapagkat sa pagsulat
ng deskripsyon ng produkto, sila ang
nararapat na direktang kausapin.
Mang-akit sa pamamagitan ng
mga benepisyo
Bigyan ng diin ang mga benepisyong
makukuha ng mamimili mula sa
produkto.
Iwasan ang mga gasgas na
pahayag
Gumamit ng mga paglalarawan na magbibigay
ng impresyon ng kalidad
Patunayan ang paggamit ng
superlatibo.
Kung gagamit ng mga salitang
magpapakita ng pagiging pinakmahusay
o pinakamabisa, magbigay ng
espisipikong patunay kung bakit.
Patunayan ang paggamit ng
superlatibo.
Kung gagamit ng mga salitang
magpapakita ng pagiging pinakmahusay
o pinakamabisa, magbigay ng
espisipikong patunay kung bakit.
Pukawin ang imahinasyon ng
mambabasa.
Maging malikhain sa paglalarawan.
Mag-isip ng mga senaryong pamilyar at
malapit sa kanila.
Makuwento tungkol sa
pinagmulan ng produkto
Mahusay na estratehiya ng mga
kilalang produkto ang paglalarawan ng
mga kompanya nito sa pamamagitan ng
pagkukuwento sa pinagmulan nito.
Gumamit ng mga salitang
umaapela sa pandama
Gumamit ng mga pang-uring
pandama. Nagbibigyan ang mga ito ng
kapangyarihan sa mga pangungusap.
Gumamit ng testimonya o
patunay mula sa social media
Nagiging personal at mas kaakit-akit
kapag may ibang mga taong
nagkukuwento tungkol sa iyong
produkto.
Gumamiit ng pormat na
madaling i-scan
Tinatawag na scannable format kapag
madaling basahin ang isang pahina.
Maglagay ng kaakit-akit na ulo o headline.
Gumamit ng subheadings.
Lakihan ang font size para madaling basahin
ng sinuman.
Gumamit ng video o mga litrato para
mapataas ang pagkagusto ng mamimili na
bilhin ang produkto.
Gumamit ng maraming putting espasyo upang
Gumamit ng kaakit-akit na
larawan ng produkto
Sa larawan pa lamang, kailangang
mapukaw na ang atensiyon ng target na
mamimili, kaya kinakailangang maganda
ang kulay, anggulo, at kuha ng modelo
(kung mayroon) ng litrato ng produkto.
Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay
ng paglalarawan sa isang produkto.
Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto,
mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa
mga katangiang ilalahad sa deskripsiyon.
Mahalaga ring panatilihin ang pagiging
payak, tiyak, makatotohanan, at akma sa
aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng
deskripsiyon nito upang maiwasan ang
kalituhan ng mambabasa.
Kalimitang binubuo ang deskripsiyon
ng tuwiran at detalyadong paglalarawan
sa mga produktong inaasahan ng mga
ibig bumili o gumagamit nito.
Pormal ang paggamit ng wika sa
pagsusulat ng deskripsiyon ng produkto
at maaaring kakitaan ng mga salitang
teknikal na kinakailangan sa isang
partikular na trabaho.

You might also like