You are on page 1of 39

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tungkol sa kaligiran ng pananaliksik at ang mga

katanungan na sasagutin sa pag-aaral. Ito rin ay naglalaman ng katuturan ng pag-aaral at

ang mga dahilan sa likod ng katagumpayan nito.

Introduksyon

Bakanteng oras (vacant period) ito ay pumapatungkol sa oras sa paaralan na kung

saan maaaring mong gamitin upang gumawa ng iba’t ibang gawain. Ito ay makakatulong

sa mga mag-aaral na nahihirapang magbalanse ng mga gawain dahil sa kakarampot na

oras. Pamamahala ng oras ay isa sa mga pinakamahalagang aspeto sa buhay. Ang tamang

paggamit ng oras ay nagbibigay-daan sa mga tao upang makamit ang mga layunin at mga

target nang walang anumang problema. Ito ay panahon na upang makakuha ng tamang

iskedyul o plano sa pagbibigay sa iyo ng isang pagkakataon upang pamahalaan ang mga

magagamit na oras sa isang magandang paraan.

Ang oras ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw, at sa gaano katagal

ang iginugol sa isang paggawa. Ito ay isang mahalaga at kakarampot na yaman. Kaya

naman ang oras o panahon ay itinuturing na mainam na pambalanse sa lahat ng bagay.

Tayo ay pinagkalooban ng dalamaput-apat na oras bawat araw anumang estado o

katayuan sa buhay. Ngunit sa kabila ng kahalagahan nito, hindi binibigyan ang oras ng

kaukulang pansin. Marami pa rin ang hindi nakauunawa sa kahalagahan nito. Mayroon

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

1
nga tayong tinatawag na Filipino time sa ating kultura. Kapag ang magkakaibigan ay may

usapan na magkikita at dumating ang isa sa lagpas sa itinakdang oras, ayan ang tinawag

sa Filipino time. Ibig sabihin, hindi siya marunong tumupad sa pinagkasunduang oras.

Ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. Hindi

siya naaantala o nahuhuli. Nakakatapos siya ng gawain sa takdang oras. Ang pagiging

maagap ng tao ay nagpapahiwatig na may pagpapahalaga siya sa oras ng ibang tao. Hindi

niya nanaisin na masayang ang sariling oras pati na rin ang oras ng kaniyang kapwa. Ang

ganitong uri ng tao ay itinuturing ang panahon o oras bilang isang kayamanan.

Ang bawat tao ay bumabatay sa panahon. Ang mga gawain ay naipakikita ng

isang manggagawa kung anong oras mayroon siya. Kung titingnan natin, ang lahat ng

narito sa mundo ay dikta ng oras. May nakatakda kung anong oras dapat matapos ang

gawain. Tulad ng isang manggagawa, hindi niya makakamit ang kanyang gana o suweldo

sa katapusan ng buwan kung hindi niya matatapos ang gawaing iniaatas sa kanya. Kaya

para sa isang manggagawa, pagsisikapan niyang gamitin ang oras na mayroon siya sa

maghapon at sa loob ng isang buwan para matapos ang gawain.

Ito ay nagpapatunay na napakahalaga at hindi kailanman mabibili ang oras at

panahon. Ipinahihiwatig din na ang pagpa-prioritize at pagpaplano ng gawain sa takdang

panahon ay makatutulong upang ikaw ay maging mapanagutan, kapaki-pakinabang at

matagumpay na mag-aaral, gayon na rin bilang kasapi sa isang pamilya, lipunan at bansa.

Ang oras o panahon ay nararapat lamang na ginagamit nang husto at wasto ayon sa

pangangailangan ng gawain. Ito ay dapat matalinong inilalaan sa makabuluhang gawain.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

2
Kapag ito ay nagamit nang maayos, ang bawat araw ay magiging ganap at produktibo.

Kahit ang mga mag-aaral ay hindi kayang gawin ang lahat ng gawain kaya naman

kailangan na nakaplano ang pagsasagawa ng bawat isa batay sa halaga ng mga ito.

Inilahad ni Alison (2015) ang pangunahing layunin ng bakanteng oras sa paaralan.

Ayon sa kanya, ito ay isang libreng oras upang ang mag-aaral ay maging pokus ang pag-

iisip at handa kung sakali magsimula ang isang pag-aaral. Ito ay ikinokonnsidera rin na

isang responsibilidad ng bawat guro.

Ayon naman kay Martin (2008), ang bawat mag-aaral ay limitado sa kung paano

nila kaepektibong magagawa ang hirap sa oras ng pag-aaral sa mas kanais-nais,

nakakarelaks na oras at sa oras kung saan makakagawa ka ng kasiya-siyang trabaho lalo

na pagkatapos ng iyong mga gawain.

Rasyonal

Binigyang-diin nina Taylor and Francis (2014) na ang pananaliksik tungkol sa

pagkakaroon ng bakanteng oras para sa mga mag-aaral, kaugnay ang pang-akademikong

kakayahan ay maaaring makapagbigay o makapagpresenta ng mga pananaw patungkol sa

kung paano ito makaaapekto sa pang-akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

mga pananaw ay maaaring makatutulong sa mga mag-aaral, guro, at magulang.

Katulad ng ibang mananaliksik, sila ay may layunin sa pagsasagawa ng

pananaliksik. Ang layuning ito ay batay sa kanilang sariling karanasan at pagkakatanto.


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

3
Dahil naranasan nila ang kawalan ng bakanteng oras habang kumukuha ng pang-

akademikong istrand, napagtanto nila na lubhang mahirap ang pagsasanay ng mga araling

natatanggap nila tuwing oras ng klase. Malaki ang nagiging epekto sa kanilang pang-

akademikong pagkatuto. Isa pa, nakatutulong din ang bakanteng oras para makapaghanda

ang mga mag-aaral para sa susunod na aralin o asignatura.

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw sa bakanteng oras (vacant

period): ang implikasyon nito sa kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral sa

Senior High School ng Batangas Eastern Colleges. Ang pananaliksik na ito ay may mga

katangiang nais sikapin na bigyang kasagutan:

1. Ano ang pananaw sa kahalagahan ng bakanteng oras ng mga mag-aaral ng

Batangas Eastern Colleges.

2. Bakit kinakailangan na magkaroon ng bakanteng oras sa paaralan ang mga mag-

aaral?

3. Anu-ano ang mga epekto ng tama at maling paggamit ng bakanteng oras ng mga

estudyante?

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant

period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko ng mga Mag-aaral sa

Senior High School ng Batangas Eastern Colleges”. Masasabi nating malaki ang

naitutulong ng bakanteng oras sa mga estudyante pati na rin sa kakayahang pang-

akademiko ng mga ito. Ang kahalagahan ng pag-aaral ay naglalayon na malaman ang

epekto ng pagkakaroon ng bakanteng oras sa paglinang ng kakayahang pang-akademiko

ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkakaroon sila ng

sapat na oras upang makagawa ng ilang mga gawain sa iba’t ibang asignatura. Bukod dito

magkakaroon din sila ng sapat na oras upang makipag-interaksiyon sa kani-kanilang mga

kamag-aaral.

Sa mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong dahil ang pag-iimplika ng

pagkakaroon ng bakanteng oras ay maaari nilang magamit upang magkaroon sila ng oras

na makausap ang kani-kanilang estudyante at magagamit din nila ito upang makapag-

anunsiyo ng iba’t ibang paalala kung kinakailangan.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong din sa kanila sapagkat

magiging kapaki-pakinabang ang bakanteng oras, sa paraang hindi na madami ang


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

5
gawaing pampaaralan na gagawin ng kanilang anak dahil nagawa na nila ito sa

bakanteng oras, kung kaya’t makakatulong na ang mga ito sa mga gawaing bahay.

Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-

pakinabang sa kanila sapakat magkakaroon sila ng gabay kung nanaisin nilang gumawa

ng pananaliksik na patungkol din sa paksang ito. Sa pananaliksik ding ito ay makakukuha

sila ng mga datos patungkol sa bakanteng oras na magagamit nila sa kanilang

pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-tuon at pangunahin lamang na tumatalakay

sa bakanteng oras at ang implikasyon nito sa kakayahang pang-akademiko ng mga mag-

aaral. Magiging tulay ito upang matamo ng bawat mag-aaral ang kalagayang

nakakaunawa na sila ng mga dapat gawin kung sakaling magkaroon sila ng bakanteng

oras hindi lamang sa paaralan kundi maging sa kanilang tahanan. Ang mga respondente

ng pananaliksik ay sampung (10) mga mag-aaral na nagmula sa Senior High School

Department at nag-enrol ngayong Taong Panuruan 2019-2020 sa Batangas Eastern

Colleges. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa BEC Basic Skills Training Center

(BSTC), Mabini St., Poblacion, San Juan, Batangas at Gusaling Adelaida, Perez

Compound, Lipahan, San Juan, Batangas. Isasagawa ito sa ikalawang semester ng

akademikong taon na ito.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

6
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang magkaroon ng kamalayan ang mga

mag-aaral sa kahalagahan ng pagkakaroon ng bakanteng oras at malaman ang kanilang

pananaw hinggil dito. Karagdagan pa dito, makatutulong ito upang malaman ang

implikasyon nito sa kanilang kakayahang pang-akademiko. Gagamit ng talatanungan ang

mga mananaliksik sa pagpapanayam bilang instrumento upang makakalap ng tamang

datos na siyang susuporta sa pananaliksik.

Katuturan ng Pag-aaral

May tatlong dahilan kung bakit isasagawa ang pananaliksik na ito. Una, upang

malaman ng mga mag-aaral ang wastong pag gamit ng bakanteng oras. Maraming mag-

aaral ang nagagamit ang kanilang bakanteng oras sa mga bagay na hindi naman dapat nila

doon ituon, ito’y dahil na rin sa kawalan ng sapat na oras para sa kanilang mga gawain na

dapat nilang tapusin. Sunod naman na dahilan ay upang malaman ang kalakasan at

kahinaan ng bakanteng oras. Ang bakanteng oras ay may mga kalakasan at kahinaan,

maaaring ito ay mga benepisyo at maaaring kabaliktaran naman noon para sa mga mag-

aaral. Maaaring magamit nila ito sa tama o mali. Pinakahuling dahilan nito ay upang

malaman kung paano makakaapekto ang bakanteng oras sa pang-akademikong

kakayahan ng mga mag-aaral. Sa kawalan ng bakanteng oras o sapat na oras, maaaring

mahirapan ang mga mag-aaral upang magawa nila ang mga gawain sa panahong ibinigay

ng mga guro kaya naman maaaring makaapekto ito sa akademikong kakayahan ng mga

mag-aaral.
Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

7
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng mga depinisyon ng mga

terminolohiyang hindi gaanong maintindihan ng mga mambabasa.

Aspeto. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang aspeto ay isang partikular na bahagi o

tampok ng isang bagay. Ito ay tuntunin na dapat sundin.

Bakante. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang bakante ay ang pagiging libre sa

aktibidad o trabaho. Ito ay maaaring oras sa paaaralan na maaari mong gamitin upang

gumawa ng mga gawain na hindi mo pa natatapos sa iba’t-ibang asignatura.

Balanse. Ayon sa Cambridge Dictionary, ang balance ay ang kalagayan ng isang tao o

isang bagay kung saan ang bigat nito ay pantay na hinati upang maaari itong manatili sa

isang posisyon o mapangasiwaan habang lumilipat. Pagiging pantay o patas sa iba’t-

ibang bagay.

Edukasyon. Ayoon sa Merriam Dictionary, ang eddukasyon ay ang kilos o proseso ng

pagtuturo o ng pagiging edukado. Tumutukoy sa mga pinag-aaralan ng mga mag-aaral.

Filipino Time. Ayon kay professor Paul ng WordPress, ang Filipino Time ay kaisipan ng

mga Pilipino na gumawa ng paraan sa paggawa ng sariling oras. Hindi siya marooning

sumunod sa napagkasunduang oras.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

8
Guro. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang guro ay isang tao o bagay na nagtuturo

ng isang bagay, ang trabaho ay turuan ang mga mag-aaral tungkol sa ilang mga paksa.

Gumagabay sa mga estudyante tuwing bakanteng oras.

Implikasyon. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang implikasyon ay isang posibleng

epekto sa hinaharap o resulta. Pagpapatupad ng mga gawain sa mga mag-aaral.

Iskedyul. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang iskedyul ay isang prosidyural na

plano na ginagamitan ng oras at pagkakasunod sunod ng bawat pangyayari. Mga gawain

na dapat sundin sa takdang oras.

Kurikulum. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang kurikulum ay isang hanay ng

mga kurso na bumubuo sa isang lugar ng pagkadalubhasa. Modyul na dapat sundin upang

maging maayos ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Mag-aaral. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang mag-aaral ay isang taong nag-

aaral sa isang paaralan o kolehiya. Mga taong masipag na pumapasok sa paaralan.

Oras. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang ora ay ang sinusukat o nasusukat na

panahon kung saan umiiral o nagpapatuloy ang isang pagkilos, proseso, o kondisyon. Ito

ang sukat kung gaano katagal ang isang pangyayari.

Paaralan. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang paaralan ay isang intitusyon na

nagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral. Tinaguriang ikalawang tahanan ng mga mag-

aaral.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

9
Pakikipagkapwa. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang pakikipagkapwa ay

matalik na pagsasama o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Pakikisalamuha na may halong

kabutihan sa iba’t-ibang mag-aaral.

Pang-akademiko. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang pang-akademiko ay may

kaugnayan sa panitikan o masining kaysa sa pag-aaral sa teknikal o propesyunal. Ito ay

isang track na mayroon sa K-12, nakailalim dito ang tatlong strand ang Science

Technology Engineering and Mathematics (STEM), Accountancy Business and

Maagement (ABM) at ang Humanities and Social Sciences (HUMSS).

Responsibilidad. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang responsibilidad ay ang

kalidad o esstado ng pagiging responsible. Mga gawaing dapat gampanan ng mga mag-

aaral.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

10
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na literatura at pag-aaral para sa pananaliksik na ito ay nagbibigay

pansin sa mga pag-aaral sa implikasyon ng bakanteng oras sa kakayahang pang-

akademiko ng mga mag-aaral.

Lokal na Pag-aaral

Naniniwala si Becker (2013) na ang bawat mag-aaral ay nangangailangan ng

bakanteng oras upang magawa nilang makapagsanay sa mga aralin sa akademikong oras.

Nagbibigay ito ng oportunidad upang ang bawat mag-aaral ay makapageksperimento at

makapaglaro. Nakatutulong din ang bakanteng oras upang maiwasan ang sobrang stress

sa paaralan at makapagbigay ng oportunidad para magamit nila ang mga natutunan sa

pag-aaral sa bakanteng oras.

Ayon kay Harris (2004), isa mga suliranin na kinakaharap ng mga magaaral dahil

sa kawalan ng bakanteng oras ay ang pagsasantabi nila sa mga gawain na iniatas sa kanila

na nagiging dahilan ng hindi nila paggawa nito. Kung makikita natin, ang pamamahala

ng oras ay mahalaga lalo na kung sasamahan ito ng bakanteng oras para sa akademikong

kakayahan ng nga nagaaral. 

Ayon naman kay Juster (2015), nakapokus ang ating kultura sa pag-aaral sa

paglalaan ng sobrang oras dito. Nakikita natin ang bakanteng oras bilang isang hindi

kapaki-pakinabang na bagay sa pag-aaral at kawalan ng potensyal sa pag-unlad. Ngunit


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

11
sa katunayan ay ang bakanteng oras ay nagbibigay ng pagkakataon sa pag-unlad ng

bawat mag-aaral. Sa pag-eeksperimento, nakakatulong ito upang magkaroon ng

kamalayan ang bawat mag-aaral sa mga dapat nilang gawin upang magamit ang kanilang

kaalaman sa tama.

Ayon kay Martin (2013) ang bakanteng oras ay makakatulong upang magkaroon

ng magandang ugnayan ang mga estudyante at mga magulang. Nagagawa na ng mga

estudyante ang kanilang gawain sa paaralan, dahil dito magkakaroon sila ng ugnayan o

"family bonding". Mahalaga na matamasa ng mga estudyante ang aruga ng isang

magulang. Marami sa kanila ang nakararanas ng depresyon dahil sa mga gawaing

pampapaaralan. Kaya ang aruga ng magulang ay isa sa mahalagang salik na maaaring

makaapekto sa kakayahang pang-akademiko ng mga estudyante.

Sa anumang sistemang pampaaralan, ang pang-akademikong kakayahan ang

itinuturing na pangunahing prayoridad ng mga mag-aaral maging ng mga guro. Marami

nang pag-aaral ang nakapagpresinta at nakapagpatunay na ang motibasyon at bakanteng

oras ay may malaking epekto sa pag unlad ng mga mag aaral sa paaralan . (Gbore, 2002).

Batay kay Laurel (2002), ang pamamahala at ang bakanteng oras ay mahalaga

lalo na sa mga mag-aaral dahil ito ay makakatulong sa kanilang grado at matutulungan

din nito ang mga mag-aaral na maging produktibo sa mga gawain.

Inilahad nina Lisa at Robert taong 2008, na ang bakante at pamamahala ng oras

ay nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral. Mas mabuting magkaron

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

12
ng bakante at labis na oras para na rin sa mga magaaral na nangangailangan nito para

sakanilang mga gawain.

Binigyang diin ni Cantre (2008) sa kanyang pag-aaral na malaki ang relasyon o

kinalaman ng kakulangan ng oras sa anumang magiging resulta o antas ng kakayahang

pangakademiko ng mag-aaral partikular na kung ang sinasabing kulang na oras ay ang

oras na nakalaan para aa paghahanda para sa eksaminasyon.

Dagdag pa rito, sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon, patuloy din ang pagdami

ng mga gawain ng mag-aaral. Hindi maiiwasan na dumating sa punto na natatambakan

sila ng mga gawain sa eskwelahan dahil sa kakulangan ng oras at panahon sa

pagsasagawa nito. Malimit na hindi natatapos ang mga gawain sa panahong kailangan na

itong matapos. Nawawalan din ng panahon ang mga mag aaral na magkaroon ng

pagkakataon upang makapagpahinga sila at makapagrelax maging panahon upang

makasama ang kanilang pamilya. Nakakain na ng mga gawain ang kanilang oras para sa

iba’t-ibang bagay. Dahil dito, nagdudulot ito upang magkaroon ng depresyon ang mag-

aaral (Manalo, 2009).

Kaugnay nito ay ang pag-aaral ni Arturo (2012), ginagamit ng ibang mag-aaral

ang kanilang bakanteng oras bilang oportunidad upang magamit nila sa pamamagitan ng

aksyon ang kanilang natutunan sa paaralan. Ang ilan sa kanila ay nagbabahagi ng

kanilang kaalaman sa magulang tuwing may mga pagkakataon na nagkakaroon sila ng

libreng oras. Gumagawa naman ang ibang mag-aaral ng mga bagay na magsisilbing

inspirasyon nila na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Nagsisilbi itong motibasyon


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

13
upang ipakita nila at ibahagi sa iba ang mga bagong natutunan nila at mga bagong

kakayahan at talento.

Sang-ayon naman si Imperio (2010) na ang libreng oras ay makakatulong upang

mahasa ang isipan ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang asal at pakikipagkapwa at

malaman ang mga dapat baguhin. Sa loob ng bakanteng oras, maaari silang makapag-isip

ng mga bagay na gusto nilang baguhin sa kanilang sarili na makakatulong maging sa

komunidad. At pagkatapos, maaari na silang magsimula sa pagsasaayos nito. Maaari

nilang maiaplay ang kanilang pananaw at mas mapatibay ang relasyon. Hindi lahat ito

maisasakatuparan ng bawat mag-aaral kung hindi sila bibigyan ng pagkakataon na

magkaroon ng bakanteng oras sa pag-iisip at pagsasagawa.

Ayon kay Lopez (2009) ang bakanteng oras ay mahalaga sa mga estudyante. Ito

ay makakatulong upang mapaunlad ang kanilang kritikal na kakayahan sa iba't ibang

asignatura sa pamamagitan ng pagsagot ng iba't ibang aralin. Dahil sa bakanteng oras,

mas magiging aktibo sila sa paggawa ng mga takdang aralin, sa halip na gagawin pa nila

ito sa kanilang bahay. Mas nagiging mahusay din ang estudyante sa pagsagot sa kanilang

mga guro dahil sa bakanteng oras.

Sa pag-aaral ni Gomez (2011), inilahad niya na hindi lahat ng eskwelahan ay

nabibigyan ang mag-aaral ng bakanteng oras sa loob ng paaralan. Batay sa kanyang

pagsasaliksik, nakikita ng mga magulang ang kaibahan ng kanilang mga anak sa loob at

labas ng paaralan. Ayon sa mga magulang ay masyadong naghahapit ang kanilang mga

anak sa mga gawain sa paaralan na dumadating sa punto na hindi na madalas nila


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

14
nakakasama tuwing nagkakaroon ng pagsasama- sama. Nawawalan na din ng oras sa

pagkain ang kanilang mga anak dahil sa markang hinahabol.

Ipinaliwanag ni Santos (2008) ang kanyang obserbasyonnaanag mga mag-aaral ay

nagiging mas matagumpaysaoa ilang napiling larangan o karera kung merong sapat o mas

mahabang oras sa pagsasanay at pa-aaral. Nakasulat sa kanyang pag-aaral na nakasalalay

ang magiging "study habit" ng isang mag aaral sa oras na meroon siya para maproseso,

mapag aralan at maunawaan ang isang partikular na aralin.

Sa kabila ng kagandahang dulot ng pagkakaroon ng bakanteng oras, kalakip nito

ang masamang naiidulot nito sa mga mag-aaral. Ayon kay De Castro (2012), ang

pagkakaroon ng bakanteng oras ang nagiging dahilan kung bakit nakagagawa ang mga

estudyante ng mga bagay na hindi dapat. Sa oras na bakante, ay malaki ang posibilidad

na walng guro ang gumagabay sa kanila, kung kaya’t hindi nababantayan ang mga

ginagawa ng mga estudyante sa bakanteng oras. Maaaring sila ay naglalaro lamang sa

kani-kanilang mga selpon o hindi naman kaya ay nanunuod ng mga panuoring hindi

nararapat sa loob ng paaralan.

Dayuhang Pag-aaral

Ang oras ay mahalagang bagay para sa kalusugan ng bawat tao. Ito ay

makakatulong upang makabuo ng isang magandang gawain sa pag-oorganisa ng pang

araw-araw na mga gawain. Ito ay itinuturing din na isang mahalagang parte ng pag-aaral,

ginagamit sa mga pagbuo ng importanteng iskedyul para sa layuning pang-akademiko.

Gayunpaman, sa kabila ng simpleng kahulugan ng oras, ang oras sa pangedukasyunal na


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

15
kalagayan ay isang kumplikadong isyu. Ito ay sa kadahilanang an halaga ng oras sa mga

gawaing pagtuturo at kahusayan sa pagtuturo ay mahirap matukoy dahil ang oras sa

pagtuturo ay nakadepende sa relasyon nito sa kurikulum at ekwalidad sa pagtuturo (Baker

et.al, 2004).

Sa patuloy na pagtaas ng demand sa mga prioridad ng edukasyon, ang

pamamahala sa oras ang pinakamahalagang kailangang obserbahan na pagsasanay ng

mga estudyante sa loob at labas ng paaralan. Dahil dito, ang mabisang pag-iiskedyul ng

klase ay isinasagawa para makatulong sa mga gawain sa eskwelahan. Pero ang isang

problema hinggil dito ay nakikita natin ang pagsasagawa ng mabisang pag-iiskedyul

bilang isang mahalagang bagay at hindi makakatulong sa pag-unlad ng bawat

indibiduwal. Ang bawat mag-aaral ay kailangan ng bakanteng oras para sa pagpoproseso

at pagsasanay ng bawat aralin na itinuturo at natututunan nila sa pang-akademikong oras

(The Pedagogy of Baker, 2018).

Maraming mga pag-aaral ang isinagawa ng bawat mananaliksik patungkol sa

bakanteng oras ngunit ilan lang sa kanila ang nagpaliwanag tungkol dito. Ang bakanteng

oras o libreng oras ay ipinaliwanag sa iba’t ibang paraan. Batay sa mga mananaliksik,

lahat ng aktibidad na ginagawa ng bawat tao na hindi nagtatrabaho ay isang paglilibang

(Brightbill, 2000; Smigel, 2003). Maraming nagsasabi na ang bakanteng oras ay hindi

laging nakakatulong. Ipinaliwanag nina Kleiber, Walker and Mannel (2011) na ang

bakanteng oras ay isang dingding na naghahati ng mga nakamit na pang-akademiko mula

sa mga mag-aaral.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

16
Ang pagkilala sa mga mag-aaral na may kakayahang mawalan ng kagustuhang

makatuto sa bakanteng oras ay pagkabalisa (Deiner, Lucas & Smith, 2005). Sa

pananaliksik ni Campbell, Converse & Rodgers (2013), natuklasan nila ang pananaw ng

mag-aaral sa bakanteng oras ay isang makabagong pamamaraan para maging handa sila

sa susunod na klase. Sa katunayan ay gusto ng mga mag-aaral na magkaroon ng

bakanteng oras hindi lamang para matuto kundi para makapagpahinga. Sa kabilang banda

naman, nakabuo si Argyle (2011) ng konklusyon na ang bakanteng oras ay isang

magandang paraan upang makasali sa bawat aralin ngunit ilan sa mga personel ng

paaralan ay hindi sumang-ayon. Isip nila na ang pagsasanay at pagrerebyu ay hindi dapat

gawing dahilan upang magkaroon ng bakanteng oras sa kadahilanang madami pa din sa

mga mag-aaral ang hindi susunod sa nais kung sakaling magkaroon ng bakanteng oras.

Ipinaliwanag ni Martin (2008) na ang bawat mag-aaral ay limitado sa kung paano

nila kaepektibong mapapalit ang hirap sa oras ng pag-aaral sa mas kanais-nais

nakakarelaks na oras, at oras kung saan makakagawa ka ng kasiya-siyang trabaho lalo na

pagkatapos ng iyong mga gawain. Ang paglalaan ng oras ng mga mag-aaral ay hindi

dapat lagging tungkol sa gawaing pang-eskwelahan, tungkol din ito sa paglalaan ng oras

para sa pahinga, paggalugad at pagsasanay ng kanilang mga natutunan at ganun din

naman, ang oras ay patungkol din sa pakikipagkapwa ng bawat tao. Ito ay makakatulong

hindi lamang sa pang-akademikong kasanayan kundi para din sa kanilang ugnayan sa iba.

Sa pamamagitan nito, makakaiwas sila sa hirap ng ginagawa sa school at maaari

din nila itong magamit ang kanilang natututunan sa pang araw-araw na gawain. Sa

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

17
kasamaang palad, ang bakanteng oras ay isang dayuhang konsepto sa maraming paaralan.

Ang recess ay karaniwang maikli lamang ang oras at ang mag-aaral ay madalang na

mabigyan ng bakanteng oras na hindi sakop ng pagtuturo. Inilahad ni Alison (2015) ang

pangunahing layunin ng bakanteng oras sa paaralan. Ayon sa kanya, ito ay isang libreng

oras upang ang mag-aaral ay maging pokus ang pag-iisip at handa kung sakaling

magsimula ang isang pag-aaral. Ito ay ikinokonsidera din na isang responsibilidad ng

bawat guro. ang oras ay naghihikayat ng pag-unlad ng panlipunan at pangkomunikasyon

na kasanayan. Sa pamamagitan nito, ang bawat bata ay matututo, makikilala ang sarili ng

mas maayos, at makakadiskubre ng bagong responsibilidad at kung paano ito

mangangasiwa.

Sintesis

May mga problema ding nakakasalamuha ang mga estudyante dahil sa kawalan

ng bakanteng oras, isa na dito ang kawalan ng oras sa pamilya, at pagiging stress dahil sa

maraming mga gawain at kakulangan sa oras. Dahil na din sa kawalan ng bakanteng oras

ay nararanasan ng ilang estudyante ang breakdown dahil sa sabay sabay na mga gawain

sa maikling oras kung kaya’t hindi nila malaman kung sa anong oras nila ito magagawa.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang bakanteng oras ay may malaking epekto sa

kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral. sa bakanteng oras dito nila nagagawa

ang iba pa nilang gawain sa iba’t ibang asignatura. Sa oras ding ito nila nagagawang

mag-eksperimento at maiaplay ang kanilang mga natutunan. Sa tulong din ng bakanteng


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

18
oras, nagagawa nilang makipag-interaksyon sa kani-kanilang mga kamag-aaral. ang

bakanteng oras din ang nagsisilbing oras ng mga mag-aaral upang makapaghanda sila sa

susunod na klasse at ang bakanteng oras din ang nagsisilbi nilang pahinga sa kabila ng

marami nilang gawain.

Sa kabilang banda naman, nagkaroon ng isang konklusyon na nagsasabing ang

bakanteng oras ay isang magandang paraan upang makasali sa bawat aralin ngunit ilan sa

mga personel ng paaralan ay hindi sumang-ayon. Isip nila na ang pagsasanay at

pagrerebyu ay hindi dapat gawing dahilan upang magkaroon ng bakanteng oras sa

kadahilanangmarami pa rin sa mga mag-aaral ang hindi susunod sa nais kung sakaling

magkaroon ng bakanteng oras. Sa bakanteng oras din ay maaaring walang guro ang

nagbabantay kung kaya’t hindi masisigurado kung tama at naaayon ang ginagawa ng

bawat estudyante sa oras na iyon.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

19
KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng pangkalahatang ideya tungkol sa

disenyo ng pananaliksik, lokal ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik at proseso

ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong pananalisik kung saan ito ay

isang pag-aaral na nakadisenyo upang ilahad at ilarawan ang pananaw ng mga mag-aaral

sa bakanteng oras gamit ang talatanungan. Ang disenyong ito ay makatutulong upang

mas mapalawak ang eksplanasyon ng kahalagahan ng bakanteng oras sa mag-aaral at ang

implikasyon nito sa kanilang kakayahang pang-akademiko. Magbibigay tulong ito upang

magkaroon ng kaalaman at maibahagi sa iba ang pananaliksik na ito.

Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa BEC Basic Skills Training Center

(BSTC), Mabini St., Poblacion, San Juan, Batangas at Gusaling Adelaida, Perez

Compound, Lipahan, San Juan, Batangas. Sa Gusaling Adelaida namamalagi ang ilan sa

mga mag-aaral sa Senior High School level na kinabibilangan ng STEM at HUMSS. Ang

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

20
pananaliksik na ito ay gagawin sa pasimula ng Ikalawang semester ng Taong Panuruan

2019-2020.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng talatanungan at gamit bilang pangunahing

kagamitan sa ginawang pangangalap ng mga datos. Ang mga talatanungan ay binubuoo

ng limang mga tanong ayon sa suliraning inilahad. Gumagamit din sila ng mga

konseptong babasahin tulad ng mga aklat at iba pang sanggunian na may kaugnayan sa

pinapaksa ng pag-aaral at ibinabatay sa suliranin ang mga tanong na gagawin sa pag-aaral

na ito.

Proseso ng Pananaliksik

Matapos maisagawa ang pag-aaral sa kaligiran at mga dating literatura, isasagawa

na ang pagkalap ng datos sa pamamagitan ng panayam. Ang mga mananaliksik ay bubuo

ng talatanungan tungkol sa suliranin na inilahad sa unang bahagi ng pananaliksik. Sa

tulong ng mga guro at nakakataas, masusing susuriin ang mga katanungan kabilang na

ang gagamiting mga salita at pormat nito. Kasunod nito ay ang paghingi ng mga

mananaliksik ng permiso mula sa tagapamahala ng paaralan upang magkaron ng

susunding oras para maisagawa ang panayam at makaiwas sa pagkakaabala ng ibang

klase o ano mang aktibidad.


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

21
Matapos ang lahat ng ito, magsasagawa ng panayam ang mga mananaliksik ng

personal sa sampung (10) mag-aaral na mula sa Baitang 11 at 12 ng iba’t-ibang istrand

upang maging mga respondente ng pag-aaral. Pipili ang mga mananaliksik ng isang mag-

aaral sa bawat istrand ng Baitang 11 at 12. Ang mga datos na makakalap ay maingat na

aanalisahin at pag-aaralan ng mga mananaliksik upang malinaw na maipresenta ang mga

resulta ng pananaliksik upang makabuo ng konklusyon at rekomendasyon.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

22
KABANATA IV

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga nakalap na datos bilang resulta ng

isinagawang panayam.

1. Ano ang gagawin mo kung magkakaroon ka ng bakanteng oras?

R1. Gagawin ko ang ibang mga gawain sa ibang asignatura.

R2. Kung sa mga oras o panahon na ito ay magkakaroon ako ng bakanteng oras,

ay tatapusin ko an gaming research/pananaliksik. Igugol ko ang oras na ito para sa

aming pananaliksik.

R3. Gagawin ko ang mga takdang-aralin o iba pang gawain sa iba-t-ibang subject.

R4. Naglalaro ng ML para sa stress reliever.

R5. Kapag nagkaroon ng bakanteng oras maari ko ng magawa ang mga bagay na

hindi ko pa nagagawa. Ito ay kagaya na lamang ng pagsasagot ng mga iniwang

gawain o takdang aralin ng mga naunang larangan/asignatura.

R6. Gagawin ang mga bagay na hindi nagawa noong mga nakaraang araw.

Gagawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang.

R7. Kung may mga projectna hindi ko natapos ay gagawin koi yon perong kung

wala magcecellphone.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

23
R8. Ipahinga ang isip.

R9. Kung magkakaroon ako ng bakanteng oras, ilalaan koi to sa pag-aaral ng mga

asignaturang nahihirapan ako, o kaya naman ay sa paggagawa ng iba’t ibang mga

gawain.

R10. Ang gagawin ko kung mayroong bakanteng oras ay mga aktibidad na hindi

pa nagagawa, pagtulog at pagbabasa kung sakaling may quiz.

1. Ano ang gagawin mo kung magkakaroon ka ng Dalas Porsyento

bakanteng oras?
Gagawin ang mga bagay na hindi pa nagagawa at mag- 6 60 %

aaral sa mga asignaturang mahihirap.


Maglalaro ng ML para stress reliever. 1 10%
Ipahinga ang isip. 1 !0%
Magcecellphone 1 10%
Matutulog 1 10%

Batay sa naging resulta sa panayam, animnapung porsyento ang sumagot

na gagawin nila ang mga bagay na hindi pa nagagawa at mag-aaral sa mga

asignaturang nahihirapan kung sila ay magkakaroon ng bakanteng oras. Sa

kabilang banda naman, may ilang mag-aaral ang nagsasabing ilalaan nila ang

kanilang bakanteng oras batay sa sariling mga kagustuhan tulad ng paglalaro ng

mobile games, pagtulog at pagcecellphone.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

24
2. Ano sa tingin mo ang gamit ng bakanteng oras?

R1. Upang maipahinga ang katawan at pag-iisip ng isang tao.

R2. Ang pagkakaroon ng bakanteng oras, ito ay para sa mga aktibidad na hindi

natapos ssa isang asignatura. ito ang oras kung gagawin mo ang iba’t-ibang bagay

na related sa mga asignaturang meron ka.

R3. Layunin nitong maglaan ng oras para sa mga gawaing dapat tapusin ng mga

mag-aaral.

R4. Para magkaroon ng sapat na oras sa paggawa ng mga hindi natatapos na

gawain.

R5. Sa aking palagay ang layunin ng pakakaroon ng bakanteng oras ay upang

magawa ng mga mag-aaral ang mga gawain na may kinalaman sa eskwela na

hindi natapos sa kanilang tahanan.

R6. Upang gawin ang mga bagay na hindi pa nagagawa at upang magkaroon ng

pahinga ang mga estudyante.

R7. Gawin ang mga bagay na hindi nagawa na konektado sa pag-aaral.

R8. Layunin ng bakanteng oras na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-

aaral na gawin ang kanilang mga ibang gawain.

R9. Sa tigin ko, ang layunin ng pagkakaroon ng bakanteng oras ay makatulong na

mas maging ‘productive’ ang mga mag-aaral.


Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

25
R10. Layunin nitong makatulong sa mga estudyante upang magkaroon ng pahiga

o kaya naman ay magawa/matapos ang mga hindi pa tapod na gawain.

2. Ano sa tingin mo ang gamit o layunin ng Dalas Porsyento

pagkakaroon ng bakanteng oras?


Magawa ng mga mag-aaral ang gawaing may 1 10%

kinalaman sa eskwela.
Magkaroon ng sapat na oras sa mga hindi natatapos na 7 70%

gawain.
Maipahinga ang katawan at pag-iisip ng isang tao. 1 !0%
Mas maging produktibo. 1 10%

Matapos maisagawa ang panayam, lumabas sa resulta na pitumpong

porsyento ng mga mag-aaral ang nagsabing ang gamit o layunin ng bakanteng

oras ay upang magkaroon ng sapat na oras sa mga hindi pa natatapos na gawain.

Dagdag pa rito ang natitirang porsyento ng mga respondent ay sumagot na gamit

o layunin ng bakanteng oras ay magawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing may

kinalaman sa eskwela, mas magng produktibo at maipahinga ang katawan at isip

ng isang tao.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

26
3. Ikaw ba ay naniniwala na mayroong mga oportunidad na mapaunlad ang kakayahang

pang-akademiko sa pamamagitan ng bakanteng oras? Bakit?

R1. Oo, sapagkat sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng repleksyon sa

ating sarili upang mas maintindihan natin ang mga dapat gawin bilang isang mag-

aaral.

R2. Oo, dahil dito minsan lumalabas ang kanilang katalinuhanat ang kanilang

kasipagan sa lahat ng bagay.

R3. Oo, dahil kung gagamitin sa tamang paraan ang bakanteng oras, mabilis na

matatapos ng mga estudyante ang mga dapat nilang gawin at mababalanse nila ng

ayos ang kanilang oras.

R4. Oo, dahil sa pagkakaroon ng bakanteng oras, mas napapaunlad ang pang-

akademikong kakayahan.

R5. Depende dahil may mga estudyaante naman na ang kanilang bakanteng oras

sa paglalaro ng mga online games. Ngunit doon sa mga mag-aaral na ang

bakanteng oras ay magiging produktibo ay maaaring maging daan para mas

lalong mapaunlad ang kanilang kakayahang pangakademiko.

R6. Oo, naniniwala ako sapagkat sa pamamagitan ng ma bakanteng oras ay mas

mapapaunlad ng mga etudyante ang mga bagay na kailangan pa nilang paunlarin

at pagpraktisan gawa ng mga gawain sa performance tasks.

R7. Oo, magagamit ko bakanteng oras para mag-aral kung mayroon mang

quizzes.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

27
R8. Oo, sapagkat nagiging malay ang ating utak o isip na makapagisip ng iba’t-

ibang bagay o pang-akademikong gawain.

R9. Oo, dahil sa pamamagitan nito maaari nating magamit ang bakanteng oras sa

paggawa ng mga gawain. Maaari nga ring gamitin ang bakanteng oras sa pag-

aaral sa mga nahihirapang subject. Depende na ri talaga ‘

R10. Oo, dahil magagamit ito upang magkaroon ng oras sa pag-aaral ng iba’t-

ibang subject.

3. Naniniwala ka ba na mayroong mga oportunidad namapaunlad Dalas Porsyento

ang kakayahang pang-akademiko sa pamamagitan ng bakanteng

oras? Bakit?
Oo, napapaunlad ang kakayahang pang-akademiko. 1 10%
Oo, kung gagamitin sa tama, matatapos ng mabilis ang mga 1 10%

gawain at mabalanse ang oras.


Oo, lumalabas ang katalinuhan at kasipagan sa mga bagay. 1 10%
Oo, repleksyonsa sarili upang maintindihan ang dapat gawin. 2 20%
Oo, nagagamit para sa iba’t-ibang subject(asignatura). 2 20%
Oo, magaaggmit kung meron mang quizzes. 1 10%
Depende, may mga estudyanteng nilalaan ang bakanteng oras sa 2 20%
Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

28
online games ngunit may mga estudyante na nilalaan ito sa

pagpapaunlad ng kakayahang pang-akademiko.

Batay sa mga naging kasagutan ng mga respondent, malumpung porsyente ang

naniniwalang mayroong oportunidad na mapaunlad ang kakayahang pang-akademiko sa

pamamagitan ng bakanteng oras, partikular na sa mga gawain tulad ng pag-aaral tuwing

may pagsusulit at gayunding sa mga gawain sa iba’t ibang asignatura. Dagdag pa rito,

nagkakaroon ng repleksyon ang mga mag-aaral sa kanilang sarili at lumalabas ang

katalinuhan at kasipagan sa mga bagay upang mabilis na matapos ang mga gawain.

Ngunit, dalawampung porsyento ang nagsasabing nakadepende na sa estudyante kung

gagamitin nila sa tama o hindi ang bakanteng oras.

4. Ano ang dapat mong gawin kung mayroon kang bakanteng oras?

R1. Nararapat na gamitin ito sa tamang gawain o maaari din itong gamitin upang

maipahinga ang sarili.

R2. Tapusin ang dapat tapusin na gawain para makapagpasa ng tma sa oras.

R3. Marapat na gawin ng mga mag-aaral na tapusin ang mga gawaing naka-atang

sa kanila.

R4. Tapusin lahat ng gawain.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

29
R5. Nararapat lamang na gawin ng isa kong kagaya na mag-aaral pa lamang ay

ang mga bagay na may kaugnayan sa eskwela. Isama na rin ang mga bagay na

sigurado akkong hindi ko magagawa sa tahanan.

R6. Gumawa ng kapaki-pakinabang at makakapag-unlad ng aking gawain sa

paaralan.

R7. Mag-aaral ng mga aralin na hindi mo gaanong naintindihan sa diskusyon.

R8. Ang nararapat kung gawin kung mayroon akong bakanteng oras bigyang

pansin ang mga iba’t-ibang gawain na kinakailangang pagtuunan ng pansin.

R9. Dapat akong maging ‘productive’. Alam kong dapat ko ‘yong ilaan sa mga

makabuluhang bagay.

4. Ano ang dapat mong gawin kung mayroon kang Dalas Porsyento

bakanteng oras?
Gagawin ang mga bagay na may kaugnayan sa eskwela. 3 30%
Tapusin lahat ng gawain. 5 50%
Maipahinga ang saarili. 1 10%
Mapa-unlad ang isip. 1 10%
R10. Gamitin ito sa edukadong paraan. Maaaring gamitin ang bakanteng oras

upang mas mapa-unlad ang kaisipan ng bawat mag-aaral.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, limampung porsyento ang nagsasabing ang

dapat gawin kung mayroong bakanteng oras ay ang tapusin ang lahat ng gawain.

Tatlumpung porsyento naman ang sumagot na gagawin sa bakanteng oras ang mga bagay

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

30
na may kaugnayan sa eskwela, at ilan sa mga respondent naman ang nagsasabing

gagawin nila sa bakanteng oras ang pagpapahinga ng sarili at pagpapaunlad ng isip.

5. Ang pagkakaroon ban g bakanteng oras ay makatutulong sa iyo upang makapaghanda

o makapag-aral sa ibang asignatura? Bakit?

R1. Oo, sapagkat nagkakaroon kayo ng sapat na oras upang mas maging handa

tayo sa ibang asignatura.

R2. Oo, dahil minsan may mga quiz, so may time pa para makapagreview at

kapag di ko natapos ang activity ko ay dito ko tinatapos.

R3. Oo, dahil mas napagtutuunan ko ng pansin ang mga gawaing dapat kong

gawain ng hindi nagagahol sa oras.

R4. Oo, dahil nakakapaghanda sa mga asignatura.

R5. Lubos itong makatutulong dahil magkakaroon ako ng oras para mabalikan,

maalala ang mga bagay na pinag-aralan noong nakaraang araw at magkakaroon

ako ng oras para makakuha ng mga ideya na magagamitko sa panibagong

talakayan.

R6. Oo, sapagkat magkakaroon ako ng sapat na oras.

R7. Oo, dahil ang bakanteng oras ay maaaring magamit upang makapag-advance

reading para sa susunod na asignatura.

R8. Oo, sapagkat nagkakaroon tayo ng oras na pag-aralan o basahin an gating

mga aralin.
Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

31
R9. Oo, dahil mas maraming oras ang maiilaan sa paghahanda ng hindi napre-

pressure.

R10. Oo, dahil sa pamamagitan ng bakanteng oras ay mapapag-aralan ko ang

aralin sa ibang asignatura. makatutulong ito sa akin upang may maisagot ako sa

mga tanong ng guro.

5. Ang pagkakaroon ba ng bakanteng oras ay Dalas Porsyento

makatutulong sa iyo upang makapaghanda o

makapag-aral sa ibang asignatura? Bakit?


Oo, magkakaroon ng oraas upang mabalikan at maalala 4 40%

ang mga bagay na pinag-aaralan.


Oo, makakapaghanda para sa asignatura. 4 40%
Oo, napagtutuunan ng pansin ang mga gawain upang 2 20%

hindi magahol sa oras.

Lahat ng respondente ang nagsabing ang pagkakaroon ng bakanteng oras

ay makatutulong sa kanila upang makapaghanda o makapag-aral sa iba’t-ibang

asignatura. Apatnapung porsyento ang nagsabing sa bakanteng oras ay

magkakaroon sila ng panahon upang mabalikan at maalala ang mga bagay na

napag-aralan. Apatnapung porsyento din ang nagsabing sa oras na ito ay

makapaghahanda sila sa susunod na asignatura at dalawampung porsyento naman

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

32
ang nagsabing mapagtutuunan nila ng pansin ang mga gawain upang hindi

magahol sa oras.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

33
Kabanata V

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom, kunklusyon at rekomendasyon sa

pag-aaral.

Lagom

Ang mga mag-aaral ay kailangang magkaroon ng bakanteng oras, lubos itong

makatutulong upang magkaroon sila ng pagkakataon para mag-aral, makapagpahinga at

makipagkapwa sa mga kamag-aaral at maging sa mga guro. Sa kabila nito, maaaring may

ilan paring makipag-argumento sa paglalapat o pagpapatupad ng bakanteng oras para sa

mga mag-aaral. Ayon sa mga kaugnay na pag-aaral, ang mga bata o mag-aaral ay

ibabaling ang kanilang oras sa ibang bagay higit sa pag-aaral, at ang oras sa paaralan ay

dapat inilalaan sa mga pang-akademikong gawain at hindi sa mga paglalaro o paggamit

ng mga selpon. Sinasabi ng ilan na sa tuwing marami ang mga pang-akademikong

gawain at klase ay sa pagtaas ng grado na maaaring makuha ng isang estudyante. Ngunit

hindi lang ang gradong makukuha ang siyang mahalaga, sapagkat mahalaga ring maging

malusog ang kalusugang pangkaisipan upang magkaroon ng matataas na grado o marka.

Ayon sa paglalarawan ng ilang mga mananaliksik, ang paaralan ay ang lugar para sa

pagkatuto ng mga mag-aaral, ngunit hind magiging maayos ang proseso ng pagkatuto

nila kung hindi nila magagawang magkaroon ng sapat na pahinga dahil sa maraming

gawain sa paaralan na kailangan nilang gawin at tapusin sa kanilang tahanan. Kaya

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

34
naman, ayon sa ilang respondente, minsan ginagamit nila ang bakanteng oras para

magpahinga o matulog.

Ang bakanteng oras ay pagkakataon din ng mga mag-aaral upang makapaghanda

para sa mga pagsusulit o eksaminasyon. Ito rin ay maaaring magamit upang magkaroon

ng bond at makapag-aral ng sama-sama ang magkakaibigan, ito ay upang

makapagtulungan at makakuha ng opinion sa isa’t isa at kaalaman ukol sa mga leksyon sa

iba’t-ibang asignatura.

Konklusyon

1. Ang mga pananaw sa kahalagahan ng bakanteng oras ng mga mag-aaral ng Batangas

Eastern Colleges ay magsisilbing oras upang maisagawa nila ang mga gagawing hindi pa

natatapos. Dagdag pa rito, magagawa ng mga mag-aaral sa bakanteng oras ang mga

gawaing may kinalaman sa eskwela, mas magiging produktibo at maayos ang katawan at

isip ng isang mag-aaral sa tulong ng bakanteng oras.

2. Mahalaga na magkaroon ng bakanteng oras ang mga mag-aaral sa paaralan. Malaki

ang oportunidad na mapaunlad ng mga mag-aaral ang kakayahang pang-akademiko sa

pamamagitan ng bakanteng oras sapagkat maaari nilang maisagawa ang mga gawain

tulad ng pag-aaral kung magkakaroon ng pagsusulit at gayundin naman para sa iba pang

asignatura. Nagkakaroon ng repleksiyon ang mga mag-aaral sa kanilang sarili at

lumalabas ang katalinuhan at kasipagan sa mga bagay upang mabilis matapos ang mga

gawain. Ngunit lahat ng ito ay nakadepende kung paano gagamiitin sa tama o mali ang

bakanteng oras.
Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

35
3. Ang bakanteng oras sa paaralan ay isang magandang solusyon para maisakatuparan ng

mga mag-aaral ang mga nais nilang magawa sa oras na iyon. Kapag nasa tama at maayos

na paraan ang paggamit ng bakanteng oras, makakamit ng mga mag-aaral ang

minimithing grado at mapapataas ang kanilang kakayahang pang-akademiko. Sa kabilang

banda, kung mali naman ang paggamit nito, hindi magiging produktibo ang oras ng isang

mag-aaral. Napakahalaga ng paggamit ng bakanteng oras kaya kailangang gamitin ito sa

tamang paraan.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay mga panukalang rekomendasyon batay sa analisis ng

mga nakaraang kabanata.

1. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng pag-aaral tungkol sa tamang

pamamahala ng oras upang mas mapadali para sa mga estudyante at hindi sila magagahol

sa oras na nagiging epekto ng pagkabalisa o kawalan ng gana sa pag-aaral.

2. Lubos na inirerekomenda ng mga mananaliksik para sa mga susunod na mananaliksik

na magkaroon ng pananaliksik tungkol sa magagandang layunin ng bakanteng oras na

makatutulong sa kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral.

3. Lubos na inirerekomenda ng pananaliksik na ito na magkaroon ng iba pang

pananaliksik tungkol sa wasto o tamang paggamit ng bakanteng oras upang maituro o

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

36
mai-apply ito sa lahat ng paaralan, sa tulong nito ay mas mapapagaan ang pag-aaral ng

mga mag-aaral.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

37
Bibliograpi

Alison. (2015, September 5). WhyYour Students Need Free Time At School (And How
You Can Make It Happen!). Retrieved From https://learningattheprimaryp-
ond.com/blog/free-time- at-school/

Argyle,M. (2001). The Psychology of Happiness. 2nd Edition. East Sussex: Routlege.

Arturo, L. (2012). Epekto ng bakanteng oras sa mga mag-aaral ng San Francisco


University. Retrieved September, 2019 from https://www.verita849.ph/epekto-ng-
bakanteng-oras-sa- mga-mag-aaral-ng-San-Francisco-University.

Baker,D. P., Fabrega, R., Galindo, C., & Mishook, J. (2004). Instructional time and
national achievement: cross-national evidence. Prospects: Quarterly Review of
Comparative Education, 34(3),311-344.

Becker, G.S. (2013). A Theory of the Allocation of Tone”. The Economics Journal, vol.
75, Issue 299, pp. 493-517.

Brightbill, C.K. (2000). The challenge of leisure. Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall.

Campbell,A., Converse, P.E., & Rodgers, W.L. (2013). The Quality of American Life.
New York: Russell Sage Foundation.

Cantre, A. (2008). Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. StudyMode.com. Retrieved


September , 2019 from
http://hdl.handle.net/123456789/688/thesisanddessertation.

De Castro F. (2012). Masamang Dulot ng Labis na Oras. The Negative Effects of Time
Management. CONE Publications.

Deiner,L. & Smith. (2005). A Fine Student . Journal of Willingness. Vol. 3, No. 1, pp. 2-
19.

Gbore, L.C. (2002. Measuring Between Free Time Availability and Student Performance
Perceptions. Marketing Education Review. pp. 12, 21-32.

Gomez, P. (2011). Retorika, Wikang Filipino at Pananaliksik. SCRIBD,


https://www.scribd.com/doc/13240366/156244935/pananaliksik.

Harris, D. (2004). Factors Affectin College Grades: A Review of the Literature, 1930-
1937. Psychological Bulletin, vol. 37, Issue 3.

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

38
Juster, F. and Stafford, F. (2015). Response Errors in the Measurement of Time Use.
Journal of the American Statistical Association, 81, (394). pp. 390-407.

Kleiber, D.A., Walker, G.J., & Mannell, R.C. (2011). A social psychology of leisure (2nd
ed.). State College, PA. From https://schoolorg.comdiener/,E.,Suh,E.M.,

Laurel, S. (2002). Kakayahan sa Pang-akademikong Pagsulat ng mga Mag- aaral.


Maynila: Saint Luis University Press

Lopez, K. (2009).Kahusayan ng mga mag-aaral sa paaralan. Philstar Global.


https://www.philstar.com/opinyon/201206/28822087/editoryal/kahusayan-ng-
mga- magaaral-sa-paaralan.

Lopez, L. (2008). Measuring between free time availability and student performances
perception. Marketing Education Review, 12, 21-37.

Martin, S. (2008). West Visayas State University Handbook (2000) Office of the student
services: from http://learningatprimarypond.com/

Navarro, K. (2002). Cognition, study habits, test anxiety and academic performance
journal of education Psychology, 75, 121-126.

Santos, D. S. (2008). Ang Paggamit ng Maayos na Oras. The Study Habits of the
Students. pp. 99.

Smigel, E.O. (Ed.) (2003). Work and leisure: A contemporary social problem. New
Heaven: College & University.

Taylor and Francis (2014) – A study of time use and academic achievement among
secondary school students International Journals of Adolescence and Youth.
From https://doi.org/ 101080/02673843.2013.86273

The Pedagogy of Breaks. (2018, December 23). Retrieved


from https://www.arthurmorganschool.org/importance-of-free-time-for-students/

Pananaw sa Bakanteng Oras (vacant period): Ang Implikasyon nito sa Kakayahang Pang-akademiko
ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Batangas Eastern Colleges

39

You might also like