You are on page 1of 1

Bakit kaya nagpatupad ng NO HOMEWORK Policy?

Sang-ayon ka o di sang-ayon sa
pagpapatupad nito?

Sa totoo para sa akin sang-ayon ako sa pagkapanukala ng batas na ito.Di dahil sa hindi na
bigyan ng mga takdang-aralin kundi minsan kasi kapag sa internet makukuha ang kasagutan sa takdang-
aralin paano naman yung nakatira sa walang signal o walang source ng kukunan ng impormasyon. Hindi
lahat ng estudyante may kakayahan lalo pa’t kailangan pang pumunta sa bayan para magpacomputer
shop o magdata sa cellphone upang may makuhang sapat na impormasyon para sa takdang-aralin at
problema na pati din ang panghihna ng signal. Ang inaalala ko pa paano yung mga estudyante na walang
magulang o kaya nasa guardian lang, sino magiging katulong nila o suporta sa pagsasagot ng takdang-
aralin nila? Hindi naman sa lahat kaya nilang masagutan yun ng mag-isa kailangan pa rin nila ng
katulong sa pagsagot. Ang sinasabi ko di lahat dapat kapag takdang-aralin ay sa internet ang source ng
lahat o sa network tungkol. Sapagkat mayroon pa ring mga estudyante na di makakasagot ng mga iyon.

Sa batas na ito kapag ang guro ay di sumunod sa di pagbibigay ng takdang-aralin, magmumulta


ng may kaukulang bayad. Pareho kinder hanggang grade 12 ng private o public schools ang sakop ng
batas na ito. Suportado ng DepEd ang batas na ito at sila pa ang nagpakilala nito sa mga mambabatas.
Maaari pa naman na magbigay ng takdang-aralin sa estudyante na di lalagpas sa apat na oras para
matapos.

Ipinapatupad ang batas na ito para magkaroon ng oras ang magulang at bata. Mabawasan ang
iniisip ng mga bata pagdating ng bahay. Maglaro at magsaya kasama ang kaibigan at pinsan. Gawin
ang maaaring pagkaabalahan o talents. At ang batas na ito ay magsisilbing daan para mabalanse ang
pagbubuo ng mga akademiko at personal growth ng estudyante sa pamamagitan ng mga oras sa
maenganyong mga artibidad kasama ang pamilya.

Ayon din dito ay pagbabawalan nang magdala n mga libro sa bahay ang mga estudyante para
mabawasan ang mga pasanin ng mga bata, o magdala ng mabigat na bags dahil sa mga schoolwork na
dapat sa paaralan tatapusin. Ito ay iaapply sa kinder to grade 6 na mag-aaral lamang.

Sa pag-aapila ng batas na ito mas matututukan ng estudyante ang kanilang mga pang-
extracurricular skills. Mababawasan rin ang stress ng mga bata dahil sa maraming gagawing takdang-
aralin na ibinigay ng iba’t ibang mga guro nila sa magkakaibang mga asignatura.

Pagkadating ng mga mag-aaral sa kanilang mga bahay ay makakapagrelax at


makakapagpahinga na lamang sila. Magbobonding time ang pamilya, magkwekwentuhan ang mga bata,
magsasaya ang mag-anak o kaya pagpofoodtrip ang marahil na maging gimik ng pamilya at may
marami pang maaaring pagkaabalahan.

Hangga’t hindi pa naisasabatas o naaaprobahan ang NO HOMEWORK POLICY ay maaari


pang makapagbigay ang mga guro ng mga takdang –aralin sa kanilang mga estudyante. May isang guro
na nagsabi samin na ” Nasa sainyo ang desisyon kung gagawa kayo ng takdang-aralin na ibinigay ko o
hindi ”. Sa kaisipang iyon, nasa estudyante ang kilos o pagdedesisyon kung ibig niya bang gawin at
sagutan ang mga takdang-aralin na ibinigay ng kanyang guro.

Kapag naisabatas na ang NO HOMEWORK POLICY sa elementary at secondary ang mga


guro ay limited nalang makakapagbigay ng mga takdang-aralin. Kung bibigay naman ng homework sa
mga bata dapat ay mga 4 na oras pababa lamang ang oras na maaaring maigugol sa pagsasagot ng mga
bata. Kung sino man ang lumabag sa batas na ito ay maaaring pagmultahin ng limangpung libong piso
at maaaring makulong ng dalawang taon sa bilangguan.

You might also like