You are on page 1of 26

Kabanata I

Ang Surilanin at Kaligiran

Panimula

Ang pag-aaral ang magiging tulay tungo sa magandang kinabukasan , ngunit hindi lang

basta pag-aaral ang gagawin.Kailangan ng pagsisikap at tiyaga. Kailangan nating pag-hirapan

ang bawat bagay na ang kapalit ay kaginhawaan; tulad nga ng sabi ko kanina “hindi magiging

madali ang daan tungo sa kaunlaran”.Ang hirap na dinaranas ng mga magulang natin, ang pagod,

patak ng pawis at dugo na alay nila para lang matustusan ang ating pag aaral, para lang maibigay

sa atin ang mga kailangan natin sa edukasyon

Bilang estudyante ng ika labing-isang baiting inaamin kong hindi madali ang pag-aaral,

nandiyan yung sobra ka nalang maiistressed sa patong-patong na gawain, mapapagod sa puro

praktis na kung saan saan pa kayo makakarating makapag ensayo lang, nariyan pa ang kailangan

na oras ninyong magkaklase na matulog sa iisang bahay para sama samang tapusin ang iniatas sa

inyo ng inyong mga guro, puyat sa pananaliksik, gutom dahil mas gusto mo pang unahin ang

ginagawa mo kaysa kumain.Tunay nga namang kay hirap mag-aral.

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa mundo. Isa sa mga

hindi magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga Pilipino sa takdang oras o tinatawag

na “Filipino Time” marahil nasa kultura na nga nating mga Pilipino ang pagiging huli. Ngunit sa

kasamaang palad ito ang kulturang kinakailangan palitan.Mas makakabuting isipin na ang mga
Pilipino ay kung ano ang magiging epektong dulot nito sa kaugaliang ito sa kanilang buhay kung

palaging ganyan ang mangyayari.

Batayang Konsepto

Maraming mga epekto ang Makatutulong ito


Ang aming pananaw dinadala nitong problema. sapagkat maaari silang
sa epekto ng Kung magiging kaugalian na gumawa ng hakbang
kadalasang pakahuli
ang itong kasanayan,sa mga upang hikayatin ang
sa klase ng mga piling
estudyante. Meron nga itong mga estudyante na
mag-aaral ay hindi
dinadalang positibong dumalo ng maaga sa
nakakabuti sa kanila.
epekto kagaya na lang ng klase. Makatutulong
pagtaas ng oras sa pagtulog din ito sa paggabay.
ng isang estudyante pero nila sa mga mag-aaral
mas marami itong magagawa

sa negatibong paraan.
Palalahad ng Suliranin

Sa aming napiling paksa, may mga ilang tanong kami ukol sa pagiging late sa

eskwelahan at ang mga reresponde dito ay ang mga mag-aaral sa HCA sa Senior High School.

Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng pananaw at sa loobin ng mga respondent. Mas

binigyan pansin ang mga mag-aaral na may kaalaman sa paksa o mga estudyante na mas madalas

mahuli sa klase. Dahil sa mga ito ay mas mapapatibay ang pananaw sa nabanggit na suliranin.

Isasaalang-alang din ang opinyo ng bawat mag-aaral na maging balanse ang isinasaad na datos.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang dahilan ng pagiging huli sa klase?

2. Ano ang mga reaksyon ng mga respondent sa pagiging huli sa klase?

3. Ano ang pinakamabisang paraan para malutasan ang problema?

4. Gaano kadami ang mga nagiging huli na estudyante sa klase?

Kahalagahan ng Pananalisik

Sa pag-aaral nito. Mahihinuha natin ang mga dahilan ng pagiging late ng mga mag-aaral

na nasa SHS sa HCA at kug ano ang magiging epekto nito sa kanila. Makukuha natin dito ang

bilang ng mga late sa bawat seksyon o mga estudyante ng SHS sa paaralang ito.

Sa mga mambabasa. Makikita nila dito kung gaano ka importante ang pagiging maaga sa

pag pasok hindi lang sa paaralan kundi sa iba pang aspeto sa buhay na kailangan maging maaga
sa pagpasok satamang oras. Makikita din nila sa pamanahong papel na ito ang mga impormasyon

tungkol sa pagiging late. Kung anong magiging epekto. Kung ilan ang bilang ng mga late sa

ating paaralan at kung ano ang paaran kung paano ito maiiwasan at kung pano ito mababawasan.

Sa mga responde. Maibabahagi nila dito o maidagdagkung ano ang magiging opinyon at

komento tunkol sa paksang ito, Sila din ang magiging dahilan at sila din ang magbibigay linaw

kung bakit nagiging huli sila at kung ano ang mapapaliwanag nial ditto tungkol sa pagiging huli

maibibigay din ng mga responde ang pagmumungkahi tunkol sa pagiging late sa pagpasok sa

paaralan.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Ito ay makatutulong sa kanila sapagkat maaari pa

nila itong palawakin at bigyan solusyon ang mga malalaman at mauunawaang kadahilanan ng

pagiging huli sa klase ng isang mag-aaral.

Saklaw at limitasyon

Ang sinasaklawan lamang ng pananaliksik na ito ay ang mga asignaturang apektado ang

akademikong pagganap ng ilang mag-aaral na nasa SHS mula sa HCA. Saklaw din ng

pananaliksik na ito ang mga apektadong articular na bahagi ng akademikong pagganap sa ilang

asignatura batay sa pagiging huli sa klase ng ilang mag-aaral na nasa SHS mula sa HCA. Batid

din ng pananaliksik na alamin ang mga kadalasang dahilan sa pagiging huli sa klase ng ilang

mag-aaral na nasa SHS mula sa HCA. Hindi rin sinasaklawan ng pananaliksik na ito ang
magbigay ng lunas sa mga problema na ito at kung hindi magsisilbing gabay lamang ito sa mga

piling mag-aaral na sangkot sa problemang madalas na pagiging huli sa klase.

Depenisyon ng mga terminolohiya

Upang mas maunawaang ang ginawang pananaliksik, narito ang mga depinisyon ng
ibang salita ayon sa kung paano ito ginamit batay sa pag-aaral oras.
Pananaliksik-ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay
sa layuning masagot ang mga katunungan ng isang mananaliksik.
Filipino time- kinagawian nating mga Pilipino sa pagiging laging huli sa takdang oras na

pinagkasunduan.

Pananaw-ay tumutuko sa paniniwala o pagkakaunawa opersonal na perspektibo ng isang tao


sa mga bagay bagay.
Pagiging huli sa klase – Ito ay tumutukoy sa pagpasok sa hindi tamang oras ng isang mag-aaral
sa kanyang klase.
Respondent- isang tao na tumugon sa isang bagay, lalo na ang isang nagbibigay ng
impormasyon para sa isang survey o palatanungan o pagtugon sa isang patalastas.
Balido-sigurado
Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral na “Isang Pag-aaral sa mga Dahilan at Epekto ng Pagiging Huli ng

mga Estudyante sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan” ni Arnie A. Cuabo et al.

(2010) ang problema ay isa lang sa mga elemento ng buhay. Walang buhay dito sa mundo ay

nagkakaroon ng walang problema. Ang bawat problema dito ay may solusyon.

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa mundo. Isa sa mga

hindi magagandanag kaugalian ay ang pagiginh huli ng mga Pilipino sa takdang oras o

itinatawag nilang Filipino Time”. Marahil nasa kultura na nga ng mga Pilipino ang pagiging huli.

Ngunit sa kasamaang palad ito ang kulturang kinakailangang palitan. Mas nakakabuting isipin ng

mga Pilipino kung ano ang magiging epekto ng kaugaliang ito sa kanilang buhay kung palaging

ganyan ang mangyayari.

Maraming mga epekto ang dinadala nitong problema. Kung magiging kaugalian na ang

itong kasanayan, magiging Malala ito na nagreresulta ng pagiging dropout ng mga estudyante.

Meron nga itong dinadalang positibong epekto kagaya na lang ng pagtaas ng oras sa pagtulog ng

isang estudyante pero mas marami itong magagawa sa negatibong paraan.

Bilang isang Pilipino, hindi masama ang magpahalaga sa kulturang nakagisnan pero

minsan hindi dapat ang sobrang pag-ibig sa kultura ng puso ang pairalin. Dapat gamitin rin ang

utak.
Hindi lahat ng kultura ay may tama. Masmabuti sa mga Pilipino ang matutong

magpahalaga sa kanilang sariling oras at hindi ito aksayangan sapagkat para ito sa kabutihan ng

lahat.

Banyagang Pag-aaral

Batay sa pag-aaral na “Analysis on Students’ Late-Coming Factors in Selected

Secondary Schools in Zaria: Implications for Educational Managers” ni Abubakare M. Jumare et

al. (2015) Ang “punctuality” ay ang kaluluwa ng isang hanap-buhay at wala ng mas hahalaga pa

sa “punctuality” pagdating sa pag-aaral (Ezewu, 1982). Ang “punctuality” ay maaring makita sa

dalawang dimension, yun ay ang pagpasok sa tamang oras at paguwi sa tamang oras. Ang

ugaling “punctuality” ay parehong responsibilidad ng bawat guro at mag-aaral. Ang mga guro’y

di maaring makapagtrabaho kung walang mag-aaral at gayon din kung babaliktarin.

Matutulungan ang mag-aaral ng kanilang “punctuality” upang magkaroon ng oportunidad na

sila’y makadalo sa bawat programa ng kanilang paaralan ang mga aktibidad.

Lokal na Literatura

Ayon kay Philip S. Chua, M.D. (2007) sa kanyang artikulong “The ‘Filipino Time’

Syndrome” sa tuwinang naririnig niya ang tanyag na palusot o deskripsyon na “Filipino Time”,

nakakaramdam raw sya ng napakalalang pangiinsulto sa kanyang kapwa, kahit ng ang

generalisasyon ay madalas na nasasambit ng kanyang kapwa Pilipino. Para matanggap ang

paratang na ang “tardiness” ay isang katangian na ng mga Pilipino ng simula ng sila’y isilang,
dapat nating pagsabihan ang ating kapwa or ating aminin na tayo ay hindi pa sapat na disiplinado

ukol sa ating kultura, na bastos an gating lipunan at para bang walang kabihasnan.

Banyagang Literatura

Ayon sa artikulong “Being Late for School” na isinulat ni Shweta (2009) Sa panahon

ngayon napakaraming mag-aaral ang pumapasok ng huli sa klase sa kanilang paaralan. Dapat

nating seryosohin ang suliraning ito dahil sinasabi nga natin sa mga mag-aaral kahit nung maliliit

pa lamang sila na ang “punctuality” ay isang yaman ng bawat tao, pero eto pinagmamasdan

lamang natin sila na paulit-ulit na maparusahan para sa kamaliang mga ginagawa.

Aking iminumungkahi na sa halip na maging tagapagmasid, dapat nating subukan na

imbestigahan kung ano ang dahilan ng pagiging huli sa klase sa bawat araw, halos araw-araw ng

isang mag-aaral.

Lokal

Ayon kay (Remus Peronalim,2013),nagiging sakit na ng ilang mga estudyante ang

pagiging huli sa klase. Mga nagiging dahilan nila ay ang late gumising, hindi tumunog o hindi

nakapagset ng alarm clock, traffic sa dinadaanan at minsa pa ay sinisisi sa iba ang pagiging late

katulad ng sinasakyang transportasyon na kung magpaandar ay daig pa ang pagong sa

pagpapatakbo, hindi paggising ng kanilang mga magulang sa mahimbing at tila napakasarap na

panaginip, at kung
minsan pa'y nagagalit sa kanilang guro dahil binibigyan sila ng parusa at kanila pa itong

inirereklamo.

Ang pagiging late gumising ang kalimitang dahilan ng ilang mga estudyante, dahil sa

kanilang pagpupuyat sa kakapanood ng mga walang katuturang mga palabas sa telebisyon,

pagbabasa ng wattpad stories, pag-iinternet ng magdamagan, pagpo-post sa facebook ng kung

ano-ano, pagtambay sa kalye kasama ang mga kaibigan, pakikipagtext sa boyfriend/girlfriend na

kung akala mo ay hindi sila magkikita ng ilang araw, lahat ng mga ito ay dahilan kung bakit

napupuyat at nalelate ang mga estudyante. Sa paggising sa umaga cellphone kaagad ang hawak

hawak at itetext ang tropa mga tropa kung anong nangyari sa kanyang panaginip, uunahing

magpost sa facebook bago kumain, imbes na gawin ang mga dapat gawin sa pagpasok, kung

ano-ano pa ang unang ginagawa at hindi namamalayan na late na sa klase.

Kung mababago ang nakagisnan na gawi ng mga estudyante, ang kanilang sakit sa

pagiging late ay nagamot, mababawasan at maaaring wala ng mga estudyante ang malate sa

kanilang klase at magiging isang responsableng mag-aaral ito at sa pagpasok sa klase ng tamang

oras, mapapataas pa ang mga grado.

Ang problema ay isa lang sa mga elemento ng buhay. Walang buhay dito sa mundo ay

nagkakaroon ng walang problema. Ang bawat problema dito sa mundo ay may solusyon. (Arnie.

A. Cuabo, Marso 2010)

Maraming hinaharap na mga problema ang mga estudyante ngayon. Ang pagiging huli sa

paaralan, mga gang, kakulangan ng mga libro at ang maagang pagbubuntis ang ilan sa mga ito.

At habang tumatakbo ang mundo, lumalaki naman ang mga problemang ito. (Ernest Allen Del

Norte, Marso 2010)


Ang pag-aaral ang magiging tulay tungo sa magandang kinabukasan , ngunit hindi lang

basta pag-aaral ang gagawin.Kailangan ng pagsisikap at tiyaga. Kailangan nating pag-hirapan

ang bawat bagay na ang kapalit ay kaginhawaan; tulad nga ng sabi ko kanina “hindi magiging

madali ang daan tungo sa kaunlaran”.Ang hirap na dinaranas ng mga magulang natin, ang pagod,

patak ng pawis at dugo na alay nila para lang matustusan ang ating pag aaral, para lang maibigay

sa atin ang mga kailangan natin sa edukasyon

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa mundo. Isa sa mga hindi

magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga Pilipino sa takdang oras o itinatawag

nilang “Filipino Time” Marahil nasa kultura na nga ng mga Pilipino ang pagiging huli. Ngunit sa

kasamaang palad ito ang kulturang kinakailangang palitan. Mas nakakabuting isipin ng mga

Pilipino kung ano ang magiging epekto ng kaugaliang ito sa kanilang buhay kung

palaging ganyan ang mangyayari. (Mac Yvonn Ray Gomez at Anthony B. Sabaysabay,

Marso 2010)

Maraming mga epekto ang dinadala nitong problema. Kung magiging kaugalian na ang

itong kasanayan, magiging malala ito na nagreresulta ng pagiging dropout ng mga estudyante.

Meron nga itong dinadalang positibong epekto kagaya na lang ng pagtaas ng oras sa pagtulog ng

isang estudyante pero mas marami itong magagawa sa negatibong mga paraan. (Marianne

Charisse T. Corales, Berthel Lyn T. Gumapac at Alfare Tia Marie L. Henry, Marso 2010)

Hindi lang sa mga ganyang sitwasyon nakakaapekto ang pagiging huli sa anumang dapat

gawin. Maging sa paaralan napakalaki ng ginampanan ng pagkakaroon ng huli. Lalo na sa aspeto

ng inatawag nating pagkahuli sa klase. Nagbubunga ang kagawiang ito ng mga hindi kanais-nais
na kaugalian kagaya ng katamaran. (Kim L. Nacionales, at Louise Cassandra Roa. Marso

2010)

Bilang isang Pilipino, hindi masama ang magpahalaga sa kulturang nakagisnan pero

minsan hindi dapat ang sobrang pag-ibig sa kultura ng puso ang pairalin. Dapat gamitin rin ang

utak. Hindi lahat ng mga kultura ay may tama. Masmabuti sa mga Pilipino ang matutong

magpahalaga sa kanilang sariling oras at hindi ito aksayangan sapagkat para ito sa kabutihan ng

lahat. (Ydgene Mae Soria at Klyn Venus Villavito, Marso 2010)

Banyagang Pag-aaral

Kapag ang mga mag-aaral ay dumating sa klase huli, maaari itong matakpan ang daloy ng isang

panayam o talakayan, guluhin ang iba pang mga mag-aaral, hadlangan ang pag-aaral, at sa

pangkalahatan ay mabubura ang moral na klase. Bukod dito, kung maiiwan ang hindi mapigilan,

ang pagkahilo ay maaaring maging talamak at kumalat sa buong klase. Sapagkat mayroong isang

bilang ng mga posibleng kadahilanan na dumating sa klase ang mga mag-aaral, kung isasaalang-

alang kung aling mga sanhi ang nasa ugat ng problema ay makakatulong sa mga tagubilin sa mga

naaangkop na mga sagot at diskarte. Gayunpaman, ang pag-unawa sa mga dahilan, ay

hindi nangangailangan ng pagpaparaya sa pag-uugali. (Carnegie Mellon University, 2019)

Ang indibidwal na kasangkot sa panonood ng mga pelikula at mga video sa bahay ay

maaaring hanggang huli na ng gabi matutulog , maaari itong magresulta sa paggising ng huli,

tulad ng maaaring maibawas mula sa literal na kahulugan ng kasabihang "maagang matulog nang

maaga upang bumangon".(Nakpodia & Dafiaghor,2011)


Ang ugali ng pagiging huli sa oras ay pwedi ring matutunan mula sa mga kapamilya.

Halimbawa, ang taong nakakakita ng tatay na laging aga-aga sa trabaho ay maaari ring malaman

ang ugali, kung gayon huli ring pumunta sa lektura. Sinusuportahan ito ng Peretomode (2001) at

Egbule (2004), nang ipaliwanag nila ang konsepto ng kalikasan-kalikasan dahil nakakaapekto ito

sa mga gawi ng indibidwal. Bukod dito, maaaring ito ay dahil sa kawalan ng pangangasiwa ng

magulang, karahasan sa tahanan, kahirapan, at magkakaibang mga saloobin sa edukasyon. (U.S.

Department of Justice, 2001)

Iba't ibang mga kultura ay may iba't ibang mga pamantayan tungkol sa pagiging huli sa

oras. Gayunman, ang punctuality ay hindi talagang isang seryosong bagay para sa ilang mga

kultura, kung ihahambing sa kung paano napapansin ang punctuality sa mga kultura sa kanluran

at mga binuo bansa.(Breeze et al., 2010)

Maraming mga pag-aaral ang nagpakita na ang pagiging huli sa paaralan ay may

negatibong epekto sa mga resulta ng pagkatuto.

Sa pamamagitan lamang ng pagpapaala na ang pagiging huli sa klase ay nagkukulang sa oras sa

paaralan, ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng mas kaunting oras ng pagtuturo kaysa sa mga

mag-aaral na nasa klase kapag tumunog ang kampana.

Ngunit hindi lamang ang isang mag-aaral na patuloy na darating na huli sa paaralan ay

nagtatag ng masamang gawi na maaring gayahin ng iba, ang kanilang pagiging huli sa klase ay

nakakagambala din sa pag-aaral ng ibang mga mag-aaral sa kanilang mga klase.

May Isang pag-aaral galing sa (Hammill Institute on Disabilities(Caldarella, Christensen,

Young & Densley, 2011)


Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral na madalas na huli sa paaralan

ay madalas na nawawalan ng mahalagang mga anunsyo sa pagbubukas at mga aktibidad sa

akademiko.

Ang mga guro ay maaaring maging bigo habang ang mga mag-aaral ay nakakagambala sa

pagtuturo, na madalas na nangangailangan ng muling pagsasaayos ng kanilang napalampas. Ang

pag-uugali ng malas ay maaari ring negatibong nakakaapekto sa pangkalahatang kapaligiran sa

silid-aralan, 'sabi ng pag-aaral.

Pagdating ng huli hanggang paaralan ay maaari ding mangahulugan na ang mga mag-

aaral ay hindi mawawala sa mga aktibidad na idinisenyo upang makabuo ng mga koneksyon sa

kanilang mga kapantay, na maaaring makaapekto sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa lipunan

at lumikha ng isang higit na pakiramdam ng pag-ihiwalay mula sa kanilang mga kamag-aral.

Parusa o positibong pampalakas?

Kaya, paano malutas ng mga guro ang isyu? Ang ulat ay iminumungkahi na sa

pangkalahatan ay hindi kapaki-pakinabang para sa mga guro na parusahan ang mga nahuling

mag-aaral sa sandaling makarating sila sa klase, dahil maaaring mapalubha nito ang sitwasyon.

'Mukhang kakulangan ng ebidensya na nakakatulong ang pagparusa sa mga nahuli ay

nagbubunga ng anumang positibong resulta,' sabi ng pag-aaral.

Sa halip, iminumungkahi ng mga may-akda gamit ang papuri bilang isang tiyak na

positibong diskarte sa pampalakas, dahil napatunayan na ito ay epektibo para sa pagtugon sa

pag-uugali ng problema. Ang papuri ay kinikilala na marahil ang pinakamadaling pagbabago ng


mga guro na maaaring gawin upang matugunan ang mga pag-uugali sa problema ng mga mag-

aaral,' ang mga tala sa pag-aaral.

Kapag ipinatupad ang diskarte na ito, itinuturo ng mga may-akda na maraming bagay

ang dapat isaalang-alang. Una, iminumungkahi nila ang paggamit ng mga kasalukuyang data sa

paaralan upang makilala kung aling mga mag-aaral ang nagpapakita ng pare-pareho na pattern

ng pagiging huli. 'Halimbawa, walang katuturan na makialam sa isang mag-aaral na may pattern

ng pag-iingat sa simula ng taon ng pag-aaral ngunit kasalukuyang paminsan-minsang paminsan-

minsan.'

Napapansin din nila na ang mga batang mag-aaral ay madalas na umaasa sa isang may

sapat na gulang upang mapunta sila sa paaralan sa oras, at ang mga guro ay dapat mag-ingat sa

katotohanan na ang pagiging mag-aaral ay maaaring bunga ng pag-uugali ng magulang kaysa sa

pag-uugali ng mag-aaral. 'Sa ganitong mga kaso, maaaring kailanganin ang interbensyon sa mga

magulang,' sabi ng pag-aaral.

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya at

gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga

interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong

linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at

walang taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa

mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-

aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M. Underwood, 2009).
Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang computer,

mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets? Ang kabataan at mag-

aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong gadyets.

sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumanginiisip

na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong

teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007).

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na

ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang

mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang

katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa

(Chandler, 2000).

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (20000) at B. Winston (1998) kanyang inalisa sa

kanyang artikulo na How are Media Born and Developed ang mga mabubuti at masasama na

naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan. Naniniwala

siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pagunlad ng ating mundo. Ngayon tayo aynasa ik

a-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay gayun na din sa ating

mga pribadong buhay.Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga tao.

Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago ng

internet (K. Croxton 2000)

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo sa mga taong bingi kaya’t

siya ay interesado sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong ang tunog ay tumatalbog at
naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig na ito ay maaaring gawing sunud-sunod

na mga takbo ng kuryente na maaaring maipadala sa pamamagitan mga kable mula sa isang

lugar patungo sa iba. Mula dito ay naimbento niya ito. Ang kanyang imbensyon ay Hindi lamang

ginawang posible ang pakikipag-usap sa mga kaibigan na milya ang layo kundi nagbukas ng

pintuan para sa mga intercoms, radyo, fax transmission at pati na rin sa Internet. Ito ay

nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham Bell 1876)

Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga tahanan, ang

mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang nakapagpapabukas

at nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon, o kumukontrol sa temperatura

ng iyong refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga sasakyan ay nag-aayos

ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-

rays. Alam mo ba na ang mga kompyuter ay pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot

na kalkulasyon matematika?

Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na kalkulasyong

matematika ay nag-ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga abakus ng Intsik. Ang abakus ay

isang grupo ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC

ang Electronic Numerical Integrator and Calculator ay isinilang.Ito ang kauna-unahang

kompyuter.

Subalit, di Gaya ng karamihan sa mga kompyuter sa ngayon, nangailangan ito ng isang

napakalaking silid at mayroong sariling air-conditioner. Ngayon, salamat sa mga bagong

pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter chips, ang isang kompyuter na may parehong kakayahan

ay maaaring magkasya sa palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan
na sa lahat ng mga opisina. Sa katunayan, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag-aaral at

paglalaro.

Lokal na Literatura

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of Technology 

on  Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. 

Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa kanilang kinagisnan na

komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at kultura ay may

malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan.

Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang 

impluwensya ng gadyets. 

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila na ang

disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya ng

impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika.

Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila

Makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong

teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, Mp3 players, at online social networks gaya ng

facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter

ay maaaring makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. 


Ang mga ito ay may malaking impluwensya saacademic performance nila sa loob ng

klase. (Howe, Markiewicz at Strauss, 2008).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na ang

pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas

pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay. Ayon sa

pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral ngayon na sinasabi kung

gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at

kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba

kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext

at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na

disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano kalaki ang

nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung malaki ba ang

naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos 29% na kanilang oras ay

nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga

estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media

sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon itong

malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang kaibigan,

kamag-aral, at guro.

Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na globalisasyon, at patuloy na

umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay


masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na

bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan ay

halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga

eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit nan g computer sa kanilang pakikipag-

transaksyon. Kung walang personal computer ay may mga makabagong cellphone na

nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag- transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos

na ang Pilipinas ang siyang cellphone capital of the world, dahil ultimong mahihirap na

pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o hindi, lalo

na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad maging sa teknolohiya ay

may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng

edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay malaking

tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng teknolohiya

ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o hindi. Kanilang

hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung nakalalamang ang positibo ay

kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naayon sa umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa

edukasyon.

Lokal na Pag-aaral

Marami sa kabataan ang may sakit na “manana habit” o ang hindi pagsimula kaagad ng

dapat gawin. Mas gustong laging naghahabol. Ayon sa iba, may mga kabataan na lumalabas daw
ang kanilang galing kapag may "pressure" o kaya kapag naghahapit na ngunit kakaunti lang sila.

Kung di mo rin matatapos ang gawain mo kaagad, sana ay siguraduhin na ang kalidad ng iyong

gawa ay hindi mababa at bara-bara. Hindi na maibabalik ang oras. Kapag sinabi ng guro o

propesor mo na tapusin ang isang "term paper" o proyekto, isipin kaagad at i-panahon ang iyong

paggawa ng mga dapat gawin. Sa gayon, walang magaganap na paghahabol sa oras. (Martinez,

Fernando, Ramones, 2001)

Ayon dito, isa sa mga paraan ng paglaban sa paghahapit ay ang pagsimula kaagad ng

gawain kapag binigay ito para sa pagdating ng pasahan, ay hindi na magmadali at kahit papaano

ay maayos ito at presentable at hindi bara-bara.

"Excessive procrastination" ay isa sa mga simula ng mga problema sa paaralan. Una,

dahilan ito ng iyong pagiging balisa dahil sa wala ka pang natatapos. Nagiging "manic-

depressive" ka at hindi makatulog. Laging nagka-cram sa mga huling minuto ng pagpapasa ng

project. Pangalawa, nagiging dahilan ito ng malaking panghihinayang dahil hindi mo nagawa

ang mga bagay na dapat mong natapos na dapat. At ang mas matindi pa sa lahat, ang

"procrastination" ang magiging dahilan ng iyong mabababang grado. Dahil sa tinapos mo lamang

sa maikling panahon ang isang bagay, siguradong apektado ang kalidad ng iyong gawa. Sa lahat-

lahat, ang procrastination o pagpapasandali ng iyong mga gawain ay makakadulot ng mabagal na

paglago ng sarili at pag-angat sa buhay. (Guevarra, Angeles, et al, 1999)

Maraming problemang idinudulot ang "procrastination" o ang pagpapasandali ng iyong

mga gawain hindi lang na nakakadulot ito ng mababang mga grado sa iilan, kundi nagpapapuyat

ito, nagiging dahilan ng maling disiplina at hindi lang sa paaralan, nagiging oarte rin ito ng iyong

araw-araw na pamumuhay.
May ilang bagay na kailangang isaisip kung ayaw maging biktima ng "Procrastination".

Kalimitang, hindi ang bigat at hirap ng proyekto ang problema kung hindi ang attityud sa

trabaho. Una, hikayatin ang sarili na gawin kaagad ang gawain at isaisip na dapat kaagad ito

masimulan at matapos. Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari bukas, gawin na ngayon

ang trabaho at piliting tapusin iyon ngayon. Wala nang pabukas-bukas pa. Pangalawa, ilista at

unahin ang mga pinaka-importanteng gawin. Iwasan ang sobrang gala kapag may takda. Tigilan

ang masyadong panonood ng TV o paglalaro ng "video games". Sabi nga nila, "PRESSURE first

before PLEASURE". Mas magandang mag-mol at gumimik kasama ang mga kaibigan kapag

wala ka nang iniisip na trabaho o "deadlines". (Cobbarubias, 2007)


Kabanata III

Metodolohiya

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik.

Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananalik sa pag-aaral na ito ang mga iba’t-ibang

kadalasan na dahilan ng mga mag-aaral na nasa SHS sa HCA na kadalasang nahuhuli sa klase.

Respondente at Population

Ang pamamaraan na ginamit sa pagpili ng respondente sa pag-aaral na ito ay ang systematic

sampling. Ang systematic sampling ay ang pagpili ng mga respondenteng kailangan para sa

pananaliksik na gaganapin. Ang mga napiling respondente ay mga mag-aaral na mula sa SHS sa

HCA. Sila ang napiling respondente ng mga mananaliksik dahil sila ang pinakamalapit na

populasyon sa mga mananaliksik at sila ang naaayon na respondent para sa suliranin ng pag-

aaral. Tatlumpung respondente lamang ang napili ng mga mananaliksik para sa isasagawang

pagsisiyasat.

Teknik sa Pagpili ng mga mananaliksik

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng mga piling mag-aaral upang maging

respondenteng kasangkapan sa pananaliksik na ito na mula sa SHS ng Holy Child Academy.


Kung kaya ang bawat mga kwantitatibong datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa

mga respondent ay balido na siyang makikita sa bawat talahanayan ng tesis na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Kweystyuner ang pangunahing instrumento na ginagamit sa mga pananaliksik. Ang

kweystyuner ay naglalaman ng mga katanungan na maaraing pagkuhanan ng sagot at

pananaw ng mga respondent patungkol pagiging huli sa klase at ang epekto nito sa kanilang

pag-aaral .Ang tala tanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap

ng datos o impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay agad

isasagawa ang pagkuha ng bahagdan sa bawat sagot ng mga katanungan na nakabase sa mga

pananaw ng mga respondente.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga kweystyuner na sasagutan ng mga respondente.

Pagkatapos ito sagutan ng mga respondente, pag-aaralan ito kung saan pagsasamahin ang

mga magkakatulad na sagot. Kukuhanin ng mgamananaliksik ang bahagdan o

porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondent sa bawat tanong

sakwestyuner. Masusing pag-aaral at gagawan ng pagbubuodat konklusyon ng mga

mananaliksik ang mga magiging kasagutan ng mga respondente.Sa paraang ito ay makukuha
ng mga mananaliksik ang pananaw sa epekto ng pagiging huli sa klase at epekto nito sa

kanilang pag-aaral.
Pag-aaral sa Epekto ng Kadalasang Pakahuli sa Klase ng mga

Piling Mag-aaral ng SHS.

PAARALAN

You might also like