You are on page 1of 7

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Pamilya ay ang pinaka pangunahing sangkap ng lipunan. Ang kadalasang

kahulugan nito ay isang grupo ng mga tao na binubuo ng ama, ina at mga anak kung

saan ang bawat isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal. Ito din ang pinakamaliit na yunit

ng isang lipunan kung saan unang nahuhubog ang pagkatao ng bawat miyembro ng

komunidad. Ang pamilya ang nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa sa pamamagitan

ng pagmamahal, pagbibigay kasiyahan, pagmamalasakit at pagtutulungan sa bawat

isa. Ito ang nagiging sandalan sa oras ng pangangailangan at hindi mawawala sa bawat

suliranin sa buhay. Ito ang kaisa isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman

mababago sa mundo.

May mga iba’t-ibang uri ng pamilya. Ang pangkaraniwang pamilya ay ang

Pamilyang Nuclear, ito ay binubuo lamang ng nanay, tatay at dalawa o tatlong anak.

Ang ikalawa naman ay ang Pamilyang Extended kung saan kasali na ang lolo at lola,

mga tiyuhin at mga pinsan na kasamang naninirahan sa iisang bahay. Ang pangatlong

uri naman ay ang Malaking Pamilya na binubuo ng nanay, tatay at maraming anak. Ang

susunod na uri ay ang Maliit na Pamilya kung saan ito ay may nanay, tatay at iisang

anak lamang. At ang panghuling uri ng pamilya ay ang Single Parent na nag iisang

magulang ang siyang gumagawa sa lahat ng gampanin kapwa bilang tatay o nanay sa

anak o mga anak. Maraming kaso dito sa Pilipinas na kung saan, may mga magulang

na nagpapabaya, o hindi nagpaparamdam ng apeksyon sa kanilang mga anak

nanagreresulta sa paglayo ng loob ng kanilang mga anak (Birditt, 2013).

Sa pag aaral na ito nais ng mga mananaliksik na alamin ang epekto ng

pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya sa akademikong pagganap ng estudyante sa

mataas na paaralan ng Betis. Ang mga kabataan na galing sa hindi kumpletong pamilya

ay nasisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natuto na rin na gumamit

ng pinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng kabataan ay napapariwara ang buhay

dahil sa pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya.

1
Ang kahalagahan ng pag aaral na ito ay para malaman kung gaano

nakakaapekto sa academikong pagganap ng estudyante ang pagkakaroon ng hindi

kumpletong pamilya. At kung ano ang mga maaaring maging kadahilan o suliranin ng

na haharapin ng isang mag aaral sa pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya.

Ayon sa seksyon 1 Artikulo XV ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,

kinikilala ng estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat

nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na

pag-unlad niyon. Ayon naman sa utos ng nakatataas bilang 209 o ang The Family Code

of the Philippines, July 6, 1967. Sinasabi dito na ang pag-aasawa ay isang espesyal na

kontrata ng permanenteng pagkakaisa sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na

pinasok alinsunod sa batas para sa pagtatatag ng mag-asawa at buhay ng pamilya.

Sa pag aaral na ito nalilinang ang kaisipan at mas nadaragdagan o mas

napapalawak nito ang kaalaman ng mga mananaliksik sa isyu o paksang tinatalakay

nila. Nahahasa rin ang kasanayan sa paglutas ng suliranin na kinakaharap ng

komunidad. Pinapaunlad din ng pananaliksik na ito ang analitikal at kritikal na pag iisip

ng mananaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at pagsusuri nito. Mas

naiintindihan rin ng mga mananaliksik ang mga simpleng bagay na hindi kadalasang

nabibigyang pansin noon o mga dati ay walang kasagutan na ngayon ay unti unti nilang

napapaliwanag sa kanilang isipan at sa komunidad.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nais na malaman ang epekto ng pagkakaroon ng hindi

kumpletong pamilya sa pag aaral ng ilang piling indibidwal sa mataas na paaralan ng

Betis sa taon na 2019-2020. Upang maisagawa ito, ang mga mananaliksik ay kailangan

sagutin ang mga sumusunod na tanong;

1. Ano ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng hindi buong pamilya?

2. Ano-anu ang epekto ng pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya sa

sikolohikal na pananaw ng mag aaral?

3. Ano-anu ang mga posibleng maisagawa ng mga mag aaral upang

malampasan ang kahirapan sa pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya?

2
Kahalagahan ng Pag aaral

Sa pananaliksik na ito, hangad ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng

pagkakaroon ng hindi kumpletong pamilya ng mga mag aaral sa mataas na paaralang

ng Betis. Ang resulta ng pag aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

estudyante na malampasan ang suliranin na dulot ng pagkakaroon ng hindi kumpletong

pamilya.

Mga Magulang. Ang pag aaral na ito ay pwedeng maging gabay sa mga magulang

upang mamulat ang kanilang mga mata sa responsibilidad na nakaatas sa kanila. Ito

ang magsisilbing paalala sa kanila kung gaano kahirap ang magiging buhay ng kanilang

mga anak kung sakaling mapagdesisyunan ang paghihiwalay ng mag asawa.

Mga Guro. Ang pag aaral na ito ay pwedeng makatulong sa pagbibigay ng kaalaman

kung papaano iintindihin at gagabayan ang mga estudyante sa paaralan.

Mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag aaral na ito ay makakapag bigay ng dagdag

kaalaman sa mga susunod na gagamit nito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag aaral

Nakatuon ang pag aaral na ito sa epekto ng pagkakaroon ng hindi kumpletong

pamilya sa akademikong pagganap ng ilang piling mag aaral sa mataas na paaralan ng

Betis. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng kwestyoner sa ilang piling mag aaral na

nakakaranas lamang ng pagkaka watak watak ng pamilya mapababae o lalaki. At ang

mga kaugnay na literature naman ay nagmula sa internet o kaya naman ay sa mga

limbag ng ibat ibang manunulat na kawangis ng pag aaral na ito.

3
Depinisyon ng mga Termino

Pamilyang Nuclear

- Normal na bilang ng pamilya, ito ay binubuo ng nanay, tatay, at anak.

Pamilyang Extended

- Pamilyang binubuo na kasama na ang lolo, lola, mga tiyuhin sa iisang

tahanan.

Malaking Pamilya

- Binubuo ito ng nanay, tatay, at maraming anak.

Single Parent

- Ang isang magulang ay tinataguyod ng mag isa ang pamilya at

ginagampanan ang parehong responsibilidad ng pagiging ama at ina.

4
Ang Epekto Ng Pagkakaroon Ng Hindi Kumpletong Pamilya Sa Akademikong
Pag ganap Ng Mga Estudyante Sa Mataas Na Paaralan Ng Betis

A Thesis
Presented to the
Faculty of the Senior High School
Betis High School
San. Nicolas II, Guagua, Pampanga

In Partial Fullfillment of the Requirements in the subject of PPTP

By:

Group 1
Marie Rose Marcelo
Marjori Tolentino
Francis Quiambao
Prince Ian Santiago
April 2020

5
Talaan ng Nilalaman

KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Panimula..........................................................................................................................1
Suliranin ng pag-aaral....................................................................................................2
Kahalagahan ng pag-aaral.............................................................................................3
Saklaw at delimitasyon..................................................................................................4
Depinisyon ng mga terminong ginamit........................................................................5

Sanggunian:

Seksyon 1 Artikulo XV ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. KapitBisig.com

Philippines. Lahat tungkol sa Panitikan ng Pilipinas. Nakuha mula sa

https://www.kapitbisig.com/philippines/ang-1987-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-

artikulo-xv-ang-pamilya-ang-1987-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas_677.html

The Family Code of the Philippines: Utos ng Nakatataas bilang. 209 Chan Robles

Virtual Law Library. Nakuha mula sa

https://www.chanrobles.com/executiveorderno209.htm#.XlYrYE8za01

Maceda. F. (2018). Epekto ng Pagkakaroon ng Watak-watak na Pamilya sa Pag-aaral

sa Ilang Piling Indibidwal sa Isang Pribadong Paaralan ng Lanao del Norte. Nakuha

mula sa https://www.academia.edu/36055653/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Watak-

watak_na_Pamilya_sa_Pag-

aaral_sa_Ilang_Piling_Indibidwal_sa_Isang_Pribadong_Paaralan_ng_Lanao_del_Norte

6
7

You might also like