You are on page 1of 41

Modyul sa Filipino

Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Larawang Sanaysay
(Pictorial Essay)
Unang Bahagi
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Larawang Sanaysay (Pictorial Essay) Unang Bahagi
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rozar Ric C. Catabian

Editor: Mary Ann F. Vidallo

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka aking mag-aaral? Kami ay natutuwa at patuloy mong tinatahak ang

daan patungo sa iyong mga pangarap! Ngayon ay sisimulan naman natin ang yugto ng
pagtuklas ng bagong kaalaman.

Ang mahalagang gamit ng wika mula sa ating mga napakikinggang balita o

panayam sa radyo, napanonood sa telebisyon at nababasa sa mga social media sites ay
nagiging instrumento natin para sa mas mahusay na pakikipagkomunikasyon. Ang
modyul na ito ay gagabay sa iyo upang malinang ang iyong mga kasanayan at
kakayahan sa paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon gaya ng pakikipag- usap,
pakikipanayam o pagsulat ng anomang teksto.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang

sumusunod:
• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika; (CS_FA11/12WG- 0p-r-93)
• Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan; at
(CS_FA11/12PU-0p-r-95)
• Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.
(CS_FA11/12EP- 0p-r-40)

Subukin
Bago ka magsimula ay titingnan muna natin kung hanggang saan na ang nalalaman
mo sa bago nating paksa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay akademikong sulatin na naglalaman ng mga koleksiyon ng mga imahe.

A. pictorial essay B. photography
C. painting D. poster

2. Ito ay koleksyon ng larawang karaniwang ginagamit sa social media upang ilarawan

ang kasalukuyang uso o sitwasyon.
A. pictorial essay B. memes
C. painting D. poster

3. Sino ang mismong dapat kumukuha ng larawan sa paggawa ng photo essay?

A. photographer B. ikaw
C. kasama D. direktor

4. Ito ay isang programa kung saan pinagaganda pa ang kinuhang larawan.

A. Photoshop B. MS Office
C. Calculator D. Powerpoint

5. Ito ang isa sa pinakanatatanging nilalaman ng pictorial essay sa mga uri ng sanaysay.
A. larawan B. paksa
C. sanaysay D. detalye

1
Aralin
Larawang Sanaysay
1 (Pictorial Essay)

Sadyang malikhain ang mga tao pagdating sa larang ng sining. Ito man ay nasa
kategorya ng literatura, paglilok, pagguhit, pagpipinta at iba pa. Sa modernong
panahon ay nailalapat din ang mga makabagong mga kagamitan katulad na lamang ng
kamera na nakakagawa ng permanenteng larawan.

Balikan

Pagnilayan….
Ano ang adyenda?
Ano ang mga katangian ng akademikong sulating ito?
Bakit mahalagang matutuhan ang paggawa ng isang
adyenda?

Tuklasin
Sa pagpapatuloy pa ng aralin natin ay ating mapag-aaralan kung paano
nagkaroon ng kaugnayan ang literatura at mga larawan.

Ating alamin ang koneksiyon ng sumusunod na salita sa bawat isa.

Larawan Sanaysay Pakahulugan o

Interpretasyon

Isulat ang iyong sagot sa kahon:

2
Gawain 2: Basahin at Suriin

“Nanay tama na, papa kaya ko na. Sige na, ako na

lang mag- isa. Nais ko namang makaranas maging
mapag- isa sa buhay.”
Isang katagang nasambit sa bibig ng isang
labing siyam anyos na dalaga nang ito’y mapansing
inaasikaso pa rin ng kaniyang mga magulang sa
ginagawa niyang proyekto. Isang chismoso o
chismosa man ang tingin ninyo sa akin ngunit
nagkataong ako’y nagmanman lamang, Napadaan
sa isang eskinita nang marinig ang ganitong litanya.
Isang kibit-balikat at malalim na buntong-
hininga ang akin na lamang nagawa dahil isang
dalagang inosente ang bumigkas ng ganitong linya. Tunay na masarap ngang maging
malaya. Di ko maikakaila iyon, subalit alam ninyo ba na may hirap na nagsisilbing tinik
sa rosas ng kalayaan? Hindi na nga dapat pang ipaliwanag ang tayutay sa mga salitang
iyon. Hala! Sige, isipin mong mabuti at pagnilayan… May nag-aasikaso? May
nangungumusta sa bawat araw mo? May naghahanap sa iyo tuwing ikaw ay nasa labas
sa dis oras ng gabi? Nakaiirita siya, Oo, Naiintindihan kita, subalit maiisip mo pa kaya
ang mga ganoon kapag mag-isa ka nang nakikipaglaban sa magulong mundong ito?
Ano pa nga ba ang silbi ng tahanan kung ang pangunahing naiisip mo ay tanikalang di
nagpapalaya sa iyong gawin ang gusto mo?
Kabataan, samantalahin ang pagkakataon, masuwerte ang mga taong may mga
magulang pa sa kanilang tabi. Sila ang may malaking bentahe kaysa sa mga taong mag-
isang nakikipagsapalaran. Mahirap ngang pinagbabawalan sa mga layaw, subalit mas
mahirap mawala ang nagbabawal sa iyong mga layaw.

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang teksto?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Masasabi mo bang ito ay nangyayari sa kasalukuyan? Patunayan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Paano mo makokontrol ang kalayaang ibinigay sa iyo ng iyong magulang? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Ano ang aral na iyong natutuhan sa tekstong binasa?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3
Suriin

Alam mo ba kung anong uri ng teksto ang iyong binasa sa bahaging tuklasin?
Ito ay tinatawag nating Pictorial/Photo Essay o Larawang Sanaysay sa wikang Filipino.

Larawang Sanaysay (Pictorial Essay)

Ito ay akademikong sulating naglalaman ng mga koleksiyon ng mga imahe na
inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang makapagpahayag ng mga
pangyayari, damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito rin ay isang
sining na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe sa tulong at paghahanay ng mga
magkakaugnay na larawan na nilalagyan ng maikling kapsyon.

Pagsulat ng Larawang Sanaysay (Pictorial Essay)

1. Pagpili ng Paksa
Pumili ng isang paksa na pupukaw ng iyong interes at ng mambabasa. Sa pagpili ng
paksa ay nararapat lamang na may kaalaman ka na tungkol dito. Hindi limitado sa
iilang paksa ang pictorial essay.

2. Pagkuha ng Larawan
Kumuha ng mga larawang batay sa napili mong paksa. Nararapat lamang na
nakapupukaw ng atensiyon ang mga imaheng kukuhanan. Kinakailangan na ikaw
mismo ang kumuha ng larawan. Maaaring i-enhance ang larawan gamit ang Photoshop
o iba pang digital image manipulation software.

3. Pagkuha ng Impormasyon
Hindi sapat ang kaunting kaalamang mayroon ka sa iyong paksa. Nangangailangan ng
malalimang pag-obserba, pang-unawa, pang-intindi, o kaya’y pagsasaliksik pa ng mga
impormasyon ukol dito.

4. Pagsulat
Marapat lamang na ang iyong isusulat ay nakabatay sa iyong mga nakuhang litrato.
Maaari kang magkuwento, magpahayag ng damdamin o opinyon, o kaya naman ay
magbigay ng deskripsiyon. Sikaping isaalang-alang ang orihinalidad ng iyong gagawing
pictorial essay.

Pinakamahalagang sangkap ng isang sanaysay larawan ay ang

mga larawan at ang mismong teksto o artikulo ukol sa mga
imahe. Kaya’t nararapat na gawin ding itong malikhain
at makasining upang mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa habang binabasa ang kabuuan ng teksto.
Bigyang-halaga rin ang kulay, ilaw at anyo ng mga imaheng
kukuhaan. Sikaping mahusay na magamit ang wika sa paglalahad ng
mga konsepto, wastong gramatika, bantas, gamit ng mga salita at iba pang
tuntuning pangwika o panggramatika at teknikalidad sa isang sulating akademiko.

4
Pagyamanin

Gawain 1: Suri-Larawan
Suriin ang Larawan at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang tema ng larawan?

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
2. Ano ang damdamin ng larawan?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

3. Ano ang tema ng larawan?

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
4. Ano ang damdamin ng larawan?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

5. Ano ang tema ng larawan?

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
6. Ano ang damdamin ng larawan?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

5
Gawain 2: Gawaing Pagbasa
Basahin at unawain ang larawang sanaysay. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ni: Arnel B. Mahilom
Ang kabataan noon at ngayon ay may
maliit lamang na puwang sa kanilang
pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali,
pananamit, damdamin at iba pang bagay.
Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit
na magalang, masunurin at mabait di-tulad
ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim
sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa;
sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay
may mapagwalang-bahalang saloobin.
Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at
pananamit at lubhang matapat sa pagsunod
sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa
pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon.

Mulat sila sa makabagong panahon kaya
higit na maunlad sa pangangatwiran na
kung magkaminsan ay napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapuwa. Lubhang
mapangahas sa mga gawin at mahilig sa
maraming uri ng paglilibang. Napakatayog
ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang
tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at
magkasing sipag sa mga kabataan noon at
ngayon………………………………………………

Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng

bayan natin. Kapuwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at
may mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t
mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taon-taon? Sila ang saksi
sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Sanggunian: https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ang-kabataan-noon-at-ngayon.html

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Akma ba ang larawan sa nilalaman ng sanaysay? Bakit?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Napapanahon ba ang ginawang larawang sanaysay? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

6
3. Ano ang iyong nais na baguhin sa sanaysay larawan na binasa? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, maaari bang magamit ang mga larawang sanaysay upang buksan
ang kamalayan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Bilang isang kabataang mag- aaral, paano mo maisasakatuparan ang mga
magandang inaasahan para sa iyong kinabukasan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 3: Siyasat-Internet

Sumipi sa internet kung ano ang kahulugan ng salitang “memes” at sagutin ang ilang
tanong ukol dito.

Kahulugan ng Memes

Sanggunian

Kahulugan ng pictorial essay

Pagkakaiba ng memes at
pictorial essay

Pagkakapareho ng pictorial
essay at memes

Isaisip
Sa kasalukuyang panahong laganap ang pandemya at talagang sinusubok
di lamang ang ating bansa kundi ang buong mundo ay napakahalaga na magkaroon pa
rin ng komunikasyon sa isa’t isa. Ano’t ano pa man ang mensaheng nais nating
maiparating, nagagawa natin ito gamit ang internet.

7
Pagnilayan…..
1. Ano ang mahalagang aral na natutuhan mo sa paksang
tinalakay?
2. Maaari ba nating gamitin ang larawang sanaysay sa
pagbubukas-kamalayan sa panahong ito? Paano?

Isagawa

Gawain: Kritikatitikan
Sumipi ng isang pictorial essay sa internet o sa mga aklat at ikritik ito gamit ang
sumusunod na mga pamantayan. Gawin ito sa kuwaderno.
Pamagat:
Sanggunian:
Ibinigay na Porsyento Bakit
Larawan 25%

Nilalaman 25%

Pagkamalikhain 25%
Orihinalidad 25%
Kabuuan 100%

Tayahin

GAWAIN: PHOTO-OP
Kumuha ng mga larawang angkop sa iyong interes gamit ang iyong camera/cellphone
o hango sa internet. Humanda sa pagbuo ng balangkas ng isusulat na sanaysay-
larawan.
Krayterya sa Pagkuha ng Larawan

Pamantayan Bahagdan
Kalidad ng Larawan (Malinaw, May Dating ang Tema, Maayos ang 15%
pag-iilaw)
Pagkamalikhain (May kakaibang atake o mensahe ang larawan 30%
Orihinalidad) 25%
Nilalaman (Mahusay na naibalangkas ang Sanaysay-Larawan) 30%
Kabuuan 100%

8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Larawang Sanaysay
(Pictorial Essay)
Ikalawang Bahagi
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Larawang Sanaysay (Pictorial Essay) Ikalawang Bahagi
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa nakaraang modyul ay nilinang sa iyo ang mga teknikalidad, impormasyon at

kaisipan hinggil sa pagbuo o paghahanda ng isang larawang sanaysay. Inaasahan kong
naihanda ka ng mga kasanayang iyon sa mas mabigat na gawain sa araling ito.
Gagabayan ka ng modyul na ito upang masanay at makasulat ka ng akademikong
sulating nabanggit.
Sa katapusan ng araling ito, sisikapin mong magamit ang mga kaalaman at mga
bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang sanaysay. Inaasahang
malilinang sa iyo ang sumusunod na mga layunin:

• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika;

(CS_FA11/12WG- 0p-r-93)
• Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan; at
(CS_FA11/12PU-0p-r-95)
• Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.
(CS_FA11/12EP- 0p-r-40)

Subukin

GAWAIN: TEMPERATURE CHECK

Panuto: Lagyan ng ang pahayag kung TAMA ang pahayag at
naman kung mali ang pahayag.
________1. Kailangang ang pipiliing larawan na gagawan ng larawang sanaysay ay ayon
at angkop sa panlasa ng mga mambabasa at hindi lang sa awtor.
________2. Isaalang-alang ang mga sensitibong isyu at paksa sa pagbuo ng larawang
sanaysay upang walang masagasaang personalidad at usapin.
________3. Mahalaga sa pagkuha ng larawan ang paggamit ng mamahalin o mga
sopistikadong camera gaya ng SLR at mga branded na tatak ng camera.
________4. Kahit anong konseptong nakikita natin sa ating paligid ay maaaring maging
paksa ng isang larawang sanaysay.
________5. Hanapin ang tunay na kuwento sa likod ng mga kukuhaing larawan upang
maibigay ang maraming impormasyon at kaalaman ukol dito.

1
Aralin Larawang Sanaysay
(Pictorial Essay)
1 Ikalawang Bahagi
Naranasan mo na bang sumulat ng isang larawang sanaysay? Ano-ano ang mga
paghahandang ginawa mo o dapat mong gawin sa pagsulat ng isang larawang
sanaysay? Sa modyul na ito ay mararanasan mong sumulat ng isang simpleng larawang
sanaysay na tutugon sa pagtatamo mo ng kasanayan sa modyul na ito. Ngunit bago ka
magpatuloy, balikan muna natin ang nakaraang aralin upang maiugnay mo ang mga
konseptong natutuhan sa bagong aralin.

Balikan

Sa pamamagitan ng grapikong pantulong na “Concept Map” sa ibaba, ibuod ang

konseptong natutuhan sa nakaraang modyul.

KAHULUGAN KATANGIAN

LARAWANG
SANAYSAY

PAGSULAT NG
LARAWANG SANAYSAY KAIBAHAN SA IBANG
MGA SANAYSAY

SANGKAP AT
BAHAGI

2
Tuklasin

Ano ang tungkulin ng sumusunod na pandama sa pagbuo o pagsulat ng

akademikong sulating larawang sanaysay? Paano makatutulong ang mga ito sa
isang obrang sulatin?

LARAWAN = SANAYSAY

LARAWANG
SANAYSAY

3
Suriin

“ A picture is worth a thousand words.

-Confucius

Sinasabing di lamang mga salita ang itinuturing na makapangyarihan pagdating

sa pagbibigay ng kahulugan, maging ang mga larawan ay may sarili ring kapangyarihan
na nagbibigay ng maraming kahulugan o interpretasyon batay sa taong tumitingin dito
at kung ano ang kaniyang karanasan sa buhay na maiuugnay sa larawan.
Paano nga ba bibigyang-interpretasyon ang isang larawan upang makabuo ng
isang larawang sanaysay?

Gamitin ang mga pandama…

Paningin- Upang makita ang pisikal na anyo ng mga imahe sa isang larawan gayon din
ang lagpas-matang pagtingin sa ipinahihiwatig ng mga ito.
Pandinig- Upang marinig ng iyong puso at isipan ang mensaheng ipinahihiwatig ng
bawat anyo o imahe sa larawan.
Pakiramdam- Upang madama at masalat ang natatagong kahulugan, kuwento,
damdamin, emosyon, at mensahe sa likod ng mga larawang ito.
Panlasa- Upang malasap kung ano ang sarap, pait, tabang, tamis, alat, asim ng
karanasan at buhay na inilalarawan ng mga imahe ng larawan.
Pang-amoy- Upang higit na matukoy ang dulot na samyo at amoy ng mga pait, sarap,
tabang, tamis, alat, asim ng mga karanasan, konsepto at kaisipang ipinahihiwatig ng
mga larawan.

Hakbang sa Pagbuo ng Larawang Sanaysay

1. Pumili ng paksang gagawan ng larawang sanaysay.
2. Magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa napiling paksa.
3. Hanapin ang tunay na kuwento sa likod ng mga larawang iyong nakalap. Tukuyin
ang anggulo kung saan mo dadalhin ang istorya sa iyong mga mambabasa.
4. Bawat larawan ay may istorya o kuwento at ang bawat larawan ay lilikha ng tatak sa
bawat istorya o kuwento.
5. Sikaping mapukaw ng mga larawan ang kamalayan at imahinasyon ng mambabasa.
6. Ang mga larawan ay makatutulong upang makakonek sa damdamin o emosyong
nakapaloob sa kuwento.
7. Magbalangkas ng banghay ng mga frame ng iyong nakalap na mga larawan upang
mapagtagni-tagni ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
8. Palutangin ang konsepto o damdamin sa bawat larawan at tahiin ang mga ito sa
tulong ng mga makapangyarihang pahayag at mga pananalita.
9. Laging isaisip na ang mga larawan ay nagbibigay ng sanlibong kahulugan batay sa
tumitingin at nagbibigay-interpretasyon dito.
10.Maaaring puro larawan lamang ang larawang sanaysay o maaari ring kombinasyon
ng larawan at tekstong nagpapaliwanag ng kaisipan ng larawan.

4
Pagyamanin

Gawain 1: PIKTOSANAYSAY
Ayusin ang mga larawan upang makabuo ng larawang sanaysay. Isulat sa patlang ang
iyong larawang sanaysay. Gamiting batayan ang pamantayan.

Pamantayan Bahagdan
Tema o Paksa 10%
Nilalaman o Organisasyon ng Kaisipan 30%
Interpretasyon at Pagbibigay-kahulugan 30%
Kaisahan at Kaugnayan ng Mensahe sa Larawan 20%
Pagkamalikhain 10%
Kabuuan 100%

5
________________________________________
(Pamagat)

______________________________________________________________

Gawain 2: TSEKLISTAHAN
Lagyan ng tsek (/) kung oo at ekis (x) kung hindi ang mga tseklist kung nasunod ba ang
isinasaad ng mga pahayag. Ipaliwanag ang mga ito sa nakalaang kolum.

Indikasyon Oo Hindi Paliwanag

1. Napalutang ba ng larawang
sanaysay na isinulat mo ang
mensahe mula sa tinahi-tahing
larawan?
2. May kaisahan ba ang mga
larawan?
3. Kronolohikal mo bang naiayos
ang mga larawan ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mensahe
o kaisipan nito?
4. Kung aalisin mo ang binuo
mong sanaysay at matitira lang
ang inayos mong mga larawan,
may ipinahihiwatig na ba itong
mensahe?
5. Nagtagumpay ba ang larawang
sanaysay na sinulat mo upang
mapalutang ang nais ipabatid na
kaisipan/

Isaisip
Pagnilayan….
Kung ikaw ang gagawa ng isang larawang sanaysay, ano ang
iyong magiging paksa? Bakit?
Paano nakapagpapahayag ng mensahe o kaisipan ang isang
larawan?
Kailan nagiging makahulugan at makabuluhan ang isang
larawan?
Bakit mahalagang matutuhan ang paggawa ng isang larawang
sanaysay?

Dugtungan ang pahayag….

Napagtanto ko na mahalaga ang larawan sa isang larawang sanaysay dahil
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7
Isagawa

Gawain: LARAKUWENTO
Kumuha ng mga larawan sa internet o sa pamamagitan ng iyong cellphone o camera
hinggil sa mga paksang napapanahon. Bumuo ng larawang sanaysay ayon sa kaisipang
ipinahihiwatig ng mga ito. Maging malikhain sa paglelayout ng iyong larawang
sanaysay. Lagyan ng maikling kapsyon ang bawat larawan upang makabuo ng istorya
o mensahe. Ipasa ito sa iyong guro.
Rubrik sa Pagmamarka ng Larawang Sanaysay

Pamantayan Bahagdan
Tema o Paksa 10%
Nilalaman o Organisasyon ng Kaisipan 25%
Orihinalidad 10%
Interpretasyon at Pagbibigay-kahulugan 25%
Kaisahan at Kaugnayan ng Mensahe sa Larawan 20%
Pagkamalikhain 10%
Kabuuan 100%

Tayahin

Panuto: Maghanap sa internet o kumuha ng mga larawan gamit ang iyong

cellphone o camera. Bumuo ng isang larawang sanaysay. Ipasa ito sa iyong guro.

Pamagat:

8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Lakbay-Sanaysay
(Unang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Lakbay-Sanaysay (Unang Bahagi)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rozar Ric C. Catabian

Editor: Mary Ann F. Vidallo

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka aking mag-aaral? Kami ay natutuwa at patuloy mong tinatahak ang

daan patungo sa iyong mga pangarap! Ngayon ay panibagong paksa na naman ang
iyong tutuklasin.

May kasabihan na ang paglalakbay ay isang pagtuklas sa mga bagay hinggil sa

isang lugar o pook na nilalakbay ng isang tao. Marami kang matutuklasan at
mararanasan sa iyong paglalakbay kaya madalas ay idinodokumento mo ang mga ito.
Makatutulong ang araling ito sa paglikha mo ng natatanging sulatin at dokumento na
habang buhay mong aalalahanin. Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang malinang
ang iyong mga kasanayan at kakayahan sa paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
gaya ng pagsulat ng isang lakbay sanaysay.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahan na matatamo mo ang

sumusunod:
▪ Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
(CS_FA11/12PB- 0m-o-102);
▪ Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA11/12PT- 0m-o-90); at
▪ Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.
(CS_FA11/12PD)

Subukin

Sa nakaraan nating mga pag- aaral ay tinalakay natin ang tungkol sa pictorial essay
o larawang sanaysay kung saan ito ay naglalaman ng sanaysay tungkol sa mga larawan.
Maaaring ito ay may kaugnayan sa paksang ating tatalakayin sa linggong ito kaya
naman, mahalagang magkaroon ng pokus sa konseptong tatalakayin sa modyul na ito.
Bago natin tuluyang talakayin ang paksang ito ay nais kong malaman ang iyong
mga alam na hinggil sa ating bagong aralin. Gawin ang paunang pagsasanay.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag o
tanong.
1. Ano ang iba pang terminolohiya sa lakbay sanaysay?
A. Travelogue B. Diary C. Travel Brochure D. Travel Agency

2. Ano ang pinakapangunahing paksa ng isang lakbay sanaysay?

A. lugar B. kuwento C. kabayanihan D. kultura

3. Ano ang isa sa mahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng isang lakbay sanaysay?
A. petsa at lugar C. sitwasyon at panahon
B. temperatura at mamamayan D. kultura at tradisyon

4. Dito karaniwang itinatala ang lakbay sanaysay.

A. Travel journal C. Travel info
B. Travel brochure D. Travel advisory

5. Ito ay makabagong pamamaraan ng pagpapahayag ng naging karanasan sa

paglalakbay.
A. Travel vlog C. Travel sharing
B. Travel essay D. travel apps

1
Aralin
Lakbay-Sanaysay
1 Unang Bahagi

Naranasan ninyo na bang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Maynila at sa ibang

lalawigan at bansa? Ano-ano ang mga naging katangi-tanging karanasan na di ninyo
malilimutan at maitatak sa buong buhay ninyo? May mga natutuhan at pagbabago
bang naidulot sa iyong pagkatao ang mga karanasang ito? Naidokumento at naitala mo
ba ang mga ito sa iyong diary o journal? Kung gayon, isang ka na nga talagang biyahero.
Alam mo bang malaki ang magagawa ng mga bagay na iyan sa aralin natin ngayon?
Ngunit bago iyan, balikan muna natin ang nakalipas na aralin.

Balikan

Gawain: Crossword
Bilugan ang mga salitang maaaring makasagot sa mga katanungan sa bawat bilang at
isulat ito sa patlang

P D G K J M K L M N
R H I N T E R E S Q
E C O F H M J T S R
P H O T O E S S A Y
A D D E O S I U X O
K B C F G S I Z Y P
S A N Y H U H W A C
A M Z O P S T O B E
B L X W Q R U V P D

Pababa
_____________1. Pinakaunang iniisip sa pagsusulat ng sanaysay larawan
_____________2. Mga larawan na sikat sa social media na tumatalakay sa kasalukuyang
sitwasyon
Pahalang
_____________1. Akademikong sulatin na naglalaman ng mga koleksiyon ng mga imahe
na inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang
makapagpahayag ng mga pangyayari, damdamin, at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.
_____________2. Ang isinasaalang-alang na mambabasa
Pa- Cross
_____________1. Software kung saan napaglilinang pa ang larawang iyong nakuhaan
ng kamera

2
Tuklasin
Gawain: Panonood
Nasubukan mo na bang maglakbay sa iba’t ibang natatanging lugar sa Pilipinas
o sa ibang bansa? Paano mo isinulat o naidokumento ang iyong mga karanasan sa
paglalakbay?
Kamakailan lamang ay ipinasara ang isa sa tourist spot sa ating bansa dahil na
rin sa suliranin sa kapaligiran. Ngayon ay ating kumustahin ang lugar na ito sa
pamamagitan ng panonood sa link na:
https://www.youtube.com/watch?v=Il0K4a7ufBw na may pamagat na “Biyahe ni Drew:
The New Boracay (Full Episode)”

1. Tungkol saan ang videong napanood?

2. Napapanahon ba ang paksa? Bakit?
3. Sa iyong palagay, makakatulong kaya ang video sa turismo ng ating
bansa?

Suriin

Alam mo ba?
Lakbay Salaysay
Ito ay kilala rin sa Ingles bilang
“Travel Essay” o travelogue. Sinasabing ito ay
isang sanaysay kung saan ang ideyang ito ay hango sa
pinanggalingan o mula sa mga pinuntahan o nilakbay na mga
lugar. Kabilang din dito ang paglalarawan ng kultura,
tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, karanasan mula
sa awtor at lahat ng aspetong nalaman ng isang manlalakbay sa pinuntahang lugar o
pook. Ito ay isang maikling bahagi ng pagsulat mula sa personal na paningin ng awtor
at nagpapakita, pinag-uusapan, at pinag-aaralan ang isang paksa. Ayon kay Marxsen
(2018), ang paglalakbay ay internal at eksternal kung kaya ang istorya ay malayang
nakatuon sa banayad na pagtawid sa panloob na kamalayan. Aniya, magiging
matagumpay ang lakbay sanaysay kung mag-iiwan ito ng sariwa, malinaw na alaala ng
isang pook kahit di pa ito napupuntahan ng mambabasa. Kinakailangan ang masining
na teknik upang ituon ang lente, ayusin ang tiyempo, buuin ang estraktura at tuklasin
ang makulay na hibla upang humabi ng iyong sanaysay upang matatak sa isip ng
mambabasa ang pook na iyong inilalarawan.

Layunin

Ang layunin ng lakbay sanaysay ay ang sumusunod:

▪ Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga manlalakbay.
▪ Gumawa ng gabay para sa mga maaaring manlalakbay. Halimbawa nito ang daan
at ang mga paraan ng transportasyon patungo sa lugar.

3
▪ Pagtatala ng sariling kasaysayan at karanasan sa paglalakbay kabilang na rito
ang espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
▪ Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, heograpiya at iba pa ng isang lugar sa
masining at malikhaing pamamaraan.

Mga Bahagi

1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito inaasahan kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kaniyang binabasang sanaysay. Dapat makuha ng
akda ang atensiyon, interes, at damdamin ng mambabasa.
2. Gitna / Katawan – Sa bahaging ito mababasa ang mahahalagang impormasyon o
idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang
pagtalakay sa karanasan ng may-akda hinggil sa napuntahan niyang pook. Inilalahad
ang mga pangyayari, mga naobserbahan, nakita o natunghayan at iba pa sa pook na
ipinakikilala at ano ang natatanging tatak nito.
3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang naganap sa gitna o katawan
ng isinulat niya. Dito rin nanghahamon ang akda sa isip ng mga mambabasa na
maisakatuparan ang mga isyung tinatalakay niya.

Basahin ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay.

Calatagan, Batangas: Muling Pagsulyap
ni: Sigliwa
BATA PA AKO nang una akong makarating sa probinsiya ng tiyahin ko:
Calatagan, Batangas. Apat na oras na biyahe mula terminal sa Pasay, apat na oras ding
pagsasawa ng tingin sa berdeng-berdeng pinitak na natatamnan, kundi man ng pinya
(sa bahagi ng Lungsod ng Tagaytay sa Kabite), ay palay o mais. Panaka-naka, makikita
mo sa kahabaan ng lansangan ang nanginginaing mga baka at kalabaw, mga dayong
ibong matiyagang naghihintay nang masisila sa bagong katutubig na mga palayan, mga
magsasakang nagsusuyod o nag-aararo ng bukid. Para sa akin, ang Calatagan ay isang
bunton ng hindi malilimutang mga alaala.

Calatagan: ang metamorposis

Nang bumalik ako sa Calatagan para magsulat ng kuwento tungkol sa mga ‘pagerper’ o
babaing nagbebenta ng aliw, kapalit ang kaunting barya at ilang salop na bigas,
nasaksihan ko ang unti-unting pagbabago ng lugar na bahagi ng aking kabataan.

Unang hati ng ika-21 siglo. Ang dating kalsadang iilan ang nakaaspalto ay kongkreto
na ngayon. Nahaharangan ng mga barbed wire o nababakuran ng bakal at semento ang
dating mga bukiring nagyayabang sa kaniyang tanim na tubo o kung anomang
halamang pang-agdong buhay.

Umuunlad na ang turismo sa Calatagan nang buksan ang mga pantalan at baybayin
nito sa turismo (tandang-tanda ko noon na malaya kaming nakapaliligo sa dagat, sa
bahagi ng islang kung tawagin ay Puting Bato, na ang tubig-dagat, ay may tatlong kulay:
berde sa bungad dahil sa yaman ng mga isay o damong dagat; puti at malinaw na kristal
na nakatutuwang pagmasdan dahil tila malinaw na salamin; at bughaw na bughaw, na
kung tawagin ay sawang, na katatagpuan ng sari-saring yamang dagat na
pinagkakabuhayan din ng mga taga-Calatagan). Kilalang-kilala na ang Lago de Oro at
Golden Sunset Resort, na ang huli’y pag-aari ng sikat na parloristang si Ricky Reyes.
Mayroon ding pribadong mga paliguan na pagmamay-ari ng mga Elizalde at Ayala, at
maging ilang kilalang tao sa mundo ng pulitika sa Pilipinas.

Dahil pribado na ang dagat at baybayin, may bayad na ang paliligo sa dagat. May
entrance fee para makapamasyal ka sa mga pampang, makapamulot ng mga kabibi at
starfish na maaari mo raw tanungin, kapag maliit pa, kung saan ang direksiyon ng
langit at dagat. Ngunit kapuna-punang ang mayayaman lamang sa Calatagan ang
patuloy na yumayaman samantalang lalong pumapayak ang buhay niyaong nasa sulok-
sulok ng bayan. Malayo pa rin ang mga paaralan. Wala pa ring kolehiyong
mapapasukan sa Calatagan. Pero sabi nila, umuunlad na ang Calatagan.

4
Batay sa estadistika, first class municipality na ang Calatagan, na may 51,544 na
populasyon noong 2007 (ngunit mayroong nagsasabing second class municipality lang
ito). Ang tangway (peninsula) ay nagpapanibagong-bihis dahil sa turismo. Subalit sa
pananaliksik ko, walang malinaw na estadistikang pang-ekonomiko, ang bayang
hinanahap-hanap ko sa puso’t isip ko. Nakapagtataka, tunay ngang nakapagtataka.
Ibig kong mabasang tunay na umuunlad ang buong Calatagan, lalo na yaong mga
nagpupunyaging anakpawis na ang buhay at pag-asa’y nasa lupa at tubig.

Sanggunian: https://panitikanatbp.wordpress.com/2011/07/11/calatagan-batangas-muling-pagsulyap/

Pagyamanin

Gawain 1: SURINAYSAY
Balikan ang halimbawang lakbay sanaysay. Suriin kung natugunan ba nito ang layunin
ng isang mahusay na lakbay- sanaysay. Sagutin ang mga tanong.

Naging epektibo
ba ang pagsulat
ng lakbay
sanaysay? Bakit
oo/ Bakit hindi?

Natugunan ba ang
layunin ng
pagsulat ng isang
lakbay- sanaysay?

Gawain 2: Venn Diagram

Paghambingin ang larawang sanaysay at lakbay sanaysay gamit ang venn diagram.
Isulat ang pagkakaiba nila sa bilog na nasa labas at ang kanilang pagkakahawig sa
bilog na nasa gitna. Isulat ang sagot sa grapiko.

Larawang Sanaysay Lakbay- Sanaysay

5
Isaisip

Pagnilayan…
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng isang
lakbay-sanaysay?
Paano makatutulong ang isang lakbay-sanaysay sa
aspetong panturismo ng ating bansa?
Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan ng isang
manlalakbay sa pagsulat ng akademikong sulating lakbay-
sanaysay?

Isagawa

Gawain: KRITIKANALISIS
Magsaliksik sa mga aklat o internet ng isang halimbawa ng lakbay sanaysay. Suriin at
isulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasa at nasaliksik na
lakbay sanaysay. Lagyan ng tsek ang tseklist kung taglay nito ang bawat krayterya.

Krayterya Namasid Di-namasid

1.Makatawag-pansin ang pamagat.

2.Malikhain at makasining ang pagpapalutang ng

nilalaman ng sanaysay.

3.Naipakita ang mga bahaging simula, gitna at wakas

nang tama at naaayon sa paksa o tema.

4.Nagamit nang tama ang wika, tuntuning

panggramatika, baybay, bantas at iba pang teknikal
na aspeto sa pagsulat ng akademikong sulatin
5. Naglalaman ang sanaysay ng mayamang
impormasyon hinggil sa pook.

6. Naglapat ng kakaibang lasa at lente ang binuong

sanaysay.

6
_______________________________
Pamagat ng lakbay sanaysay: _______________________________
_______________________________
__________________________________
_______________________________
_______________________________
Pagsusuri: _______________________________
________________________________ _______________________________

________________________________ ___________________________.
_________________________

7
Tayahin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag.

1. Ang lakbay sanaysay ay kilala rin sa tawag na_______________.

A. Travel brochure C. Travelogue o Travel essay
B. Travel Agency D. Authority to Travel

2. Ayon kay Marxsen (2018), ang paglalakbay ay _____________ kung kaya ang istorya
ay malayang nakatuon sa banayad na pagtawid sa panloob na kamalayan.
A. integral at eksternal C. phenomenal at internal
B. integral at phenomenal D. internal at eksternal

3. Ani Marxsen, magiging matagumpay ang lakbay sanaysay kung mag-iiwan ito ng
_____________________________________ kahit di pa ito napupuntahan ng mambabasa.

A. sariwa, malinaw na alaala ng isang pook

B. mabibigat at tampok na karanasan
C. maraming iba’t ibang karanasan
D. masasayang karanasan

4. Lahat ay mga bahagi ng isang lakbay sanaysay, maliban sa isa, alin ito?
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Kongklusyon

5. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng isang lakbay sanaysay?

A. Mag-iwan ng legasiya sa lugar o pook na pinuntahan.
B. Gumawa ng gabay para sa mga maaaring manlalakbay.
C. Magdokumento ng kasaysayan, kultura, heograpiya at iba pa ng isang
lugar sa masining at malikhaing pamamaraan.
D. Magtala ng sariling kasaysayan at karanasan sa paglalakbay kabilang na
rito ang espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.

8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Lakbay-Sanaysay
(Ikalawang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Lakbay-Sanaysay (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rozar Ric C. Catabian

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang buhay aking mag-aaral! Sumapit na tayo sa huling yugto ng pagkatuto

sa markahang ito. Inaasahan ko na marami ka nang kasanayang natamo na magagamit mo
sa aralin nating ito. Sa nakaraang modyul ay binigyan ka ng mga kaalaman at konsepto
kung ano ang Lakbay-Sanaysay. Nakapanood ka rin ng ilang mga video clips ng mga
dokumentaryong biyahe sa iba’t ibang lugar ng mga kilalang personalidad sa telebisyon.
Gusto mo rin bang maging katulad nila na lumilikha ng sarili iskrip o salaysay ngunit sa
pamamagitan naman ng pagsulat? Huwag kang mag-alala, gagabayan ka ng modyul na ito
kung paano ang pagsulat ng akademikong sulating Lakbay-Sanaysay.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahan na matatamo mo ang

sumusunod:
• Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay;
(CS_FA11/12PD)
• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika; at
(CS_FA11/12WG- 0p-r-93)
• Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan(CS_FA11/12PU-0p-r-95)

Subukin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat pahayag.
1. Alin sa sumusunod ang islogang panturismo ng Pilipinas?
A. “It’s more enjoyable in the Philippines!”
B. “It’ s more exciting in the Philippines!”
C. “It’s more fun in the Philippines!”
D. “There is joy in the Philippines!”

2. Sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, ang sumusunod ay dapat isaalang-alang, maliban sa

isa, alin ito?
A. Pagpili ng paborito mong lugar
B. Pagpili ng paboritong panturismong atraksyon
C. Uri ng taong makahahalubilo sa pook na pupuntahan
D. Pagpapakita at hindi pagsasabi o pagkukuwento lang ng karanasan

3. Anong panauhan ng panghalip ang dapat gamitin sa isang Lakbay-Sanaysay?

A. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan D. Kombinasyon ng Una at Ikalawa

4. Bakit mahalagang maidokumento mo ang mga karanasan mo sa lahat ng mga lugar na

iyong pinupuntahan? Alin ang HINDI kabilang na dahilan?
A. Maitatala lahat ng magaganda at di-kaaya-ayang karanasan sa buhay.
B. Magsisilbing batis ng impormasyon ang mga naidokumentong pangyayari.
C. Maipagmamalaki mo sa iba ang mga lugar na napuntahan at nalakbay mo.
D. Madali na ang pag-alala sa mga karansan kung gagawa ng isang akademikong
sulatin.
5. Alin sa sumusunod na elemento ng Lakbay-Sanaysay ang kakikitaan ng paglalahad ng
mga natatanging karanasan, pangyayari, at mga aral na natutuhan sa pook na nilakbay?

A. simula B. gitna C. kongklusyon D. wakas

1
Aralin
Lakbay-Sanaysay
1 Ikalawang Bahagi
“A journey of a thousand miles must begin with a single step.” Tara nang
maglakbay sa iba’t ibang lugar na mag-uukit ng kakaibang alaala sa iyo bilang isang mag-
aaral at bilang isang milenyal! Ihanda na ang backpack ng karanasan at lilipad na sa
himpapawid ang mga natatanging kuwento at istorya ng buhay.
Magbalik-gunita muna tayo sa nakalipas na aralin upang mas maging handa sa
paglalakbay gamit ang imahinasyon at pluma.

Balikan

Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang

pagsulat ng akademikong sulating lakbay-
sanaysay?
Ano-ano ang layunin ng isang lakbay-sanaysay
bilang isang akademikong sulatin?
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
isang lakbay-sanaysay?

Tuklasin Tara na! Biyahe na tayo!

Pamilyar ka ba sa awitin o theme song ng Kagawaran ng Turismo na “It’s more

fun in the Philippines” at “Tara na! Biyahe Tayo”? Halika, biyahe tayo!
Panoorin o pakinggan natin ang kay sayang awitin sa Youtube Link na
ito: https://youtu.be/-bNw-Z2ibYw at
https://youtu.be/bH0_2GsynME.
Bitbitin na ang maleta ng karanasan upang pumalaot sa
pagsulat ng sariling danas na lakbay-sanaysay. Basahin ang
halimbawa ng lakbay-sanaysay.

PANGARAP NA GINTO SA LUPAIN NG DISYERTO

ni: Efairam

Sorpresa! Malaking Biyaya.

Pakiramdam ko nang araw na yaon, ako na yata ang pinakamaligayang tao sa
mundo! Dala-dala ang pananabik at may halong takot, buong lugod kong ibinalita sa apat
kong anak ang magandang balita. Approved! Isang kulay orange na papel na may hologram
logo ng Director Entry Permit and Residence Department ng Dubai, United Arab Emirates
ang iniabot at ipinakita ko sa kanila. Sa wakas! Nasabi ko sa aking sarili, na may kasamang
kaunting luha na sumungaw sa aking mga mata. Makikita at mararating ko na rin ang isa
sa mga pook na nakikita ko lamang sa mga larawan sa internet at naririnig sa mga kuwento
ng ilang kaibigan.
Abril 21, 2008, ang kinapanabikang araw ng aming paglipad papunta sa Dubai.
Sabik na may halong kaba sapagkat ito ang kauna-unahang paglalakbay ko sa ibang bansa.
Samu’t saring alalahanin ang bumagabag sa akin sa pagpasok pa lamang sa NAIA Terminal
2
1, sa pagchecheck-in ng mga bagahe, sa pagbabayad na ng travel tax at terminal fee, sa
pagsagot sa mga tanong ng masungit na immigration officer, sa halos dalawang oras na
paghihintay sa boarding place bago sumakay sa eroplanong direct flight papuntang Dubai
International Airport. Lahat ng ito ay napagtagumpayan ko! Napakagaang ng aking unang
karanasan sa isang international flight na parang butas ng karayom sa ibang kasabayan
namin sa biyahe lalo na ang mga OFW (na noon pa lamang makikipagsapalaran sa ibang
bansa). Maganda at kumbinyente naman ang karanasan ko sa eroplanong ito. Walo at
kalahating oras halos ang aming naging paglalakbay. Buong mahabang magdamag ng
pananabik ang tumakam sa akin, ni hindi ako nakatulog, una dahil hirap kumilos sa tagal
ng biyahe at pangalawa ay kinikilig na akong makita ang Lupain ng Disyerto. “Ano kaya ang
itsura ng Dubai?” Lagi kong usal sa aking sarili habang paminsan-minsan ay nangingiting
mag-isa. Ilang oras pa ang lumipas at nagbabala na ang piloto sa paglapag ng eroplano. Sa
itaas, habang nakabukas ang bintana, bagamat madilim-dilim pa ang alas singko ng umaga
(sa kanilang oras), na una ng apat na oras sa Pilipinas, kitang-kita na ang ganda ng tanawin,
ang simetrikal na pagkakaayos ng mga ilaw dagitab, ang nagtatayugang gusali na may mga
signal na ilaw sa ituktok na bahagi ng mga ito, ang mga ilaw na nagmumula sa mga
sasakyan, lahat ng ito ay bumungad sa akin. Lumabas na kami sa eroplano at pinasakay
sa isang shuttle bus papunta sa immigration booth sa loob ng paliparan. Nanlaki ang aking
mga mata, napakalaki ng DXB (tawag ng mga lokal sa kanilang paliparan), ang daming
nakahilerang eroplanong Emirates (na parang mga tutubing naghihintay ng huhuli sa
kaniya) at pagkaluwang-luwang na runway, na kahit magsabay-sabay pa ata ang mga
eroplano ay di magtatraffic sa ere. Nakaramdam ako ng panliliit, napakalayo ng itsura ng
ating paliparan, kahanga-hanga ang mga pasilidad. Malayo-layo rin ang aming nilakad
papunta sa immigration booth. Bago siyasatin at tatakan ng immigration officer ang aming
mga pasaporte ay dumaan muna kami sa pila ng mga bagong dating sa arrival area, kung
saan ang mga mata namin ay sasailalim sa eye scanner. Tinanong ko sa aking asawa, “Bakit
ini-scan ang mga mata?” Sabi niya “for security reason.” Kailangan, para magkaroon ng
data base ang sinomang pumapasok sa bansa at para masuri ang pagkatao kontra terorista.
Nasabi ko na lang ay “Ah, parang nainosente ako roon.” Unang aral na natutuhan ko sa
pagtapak sa lugar na iyon. Saka pumila na kami sa immigration para muling sumailalim sa
pagtatanong, parang interogasyon sa korte. Dahil hindi ko gaanong maintindihan ang
accent ng arabong lokal na nag-iingles, di agad ako nakasagot, mukhang nairita si kuya,
kaya inulit ang tanong sa akin. Kinabahan ako. Akala ko nang oras na iyon ay kung ano-
ano ang masasabi ko sa sobrang kaba at sa totoo lang, dala na rin ng mga naunang kuwento
ng aking mga kaibigan, tumatak sa isip ko ang mga iyon, kaya siguro namuo na ang takot
ko sa mga nakaputing Arabo. Nakahinga ako nang maluwag nang ngumiti na ang
immigration officer sabay tanong ng “family?” sagot ko naman ay “Yes” at kami ay pinatuloy
na niya sa loob, mabait naman pala.
Paglabas ng DXB, kumuha na ng taxi ang aking asawa. Nagulat na naman ako
dahil napakagagara ng mga taxi. Sa Pilipinas, sasakyan na ng mga mayayaman ang Innova
at Camry, samantalang sa Dubai ay taxi lamang ang mga ito. Nasabi ko, napakayamang
bansa. Habang nilalakbay namin ang daan papunta sa aming tutuluyan, pabaling -baling
ako sa mga nakikita ko. “Wow! Ang ganda ng Dubai!” Isa sa pitong emirata ng United Arab
Emirates. Ang daming bulaklak na iba-iba ang kulay na nakatanim sa mga gilid, ang ganda
at ang luwang ng mga kalsada. Di naitago ang paghanga, para akong bata na nalulula sa
nakikita ko.
Sa wakas, narating na rin namin ang aming titirhan sa loob ng dalawampu’t limang
araw, 20 minuto lamang ang layo mula sa paliparan.

Naratibo at Aral
Matapos ang kalahating araw ng pamamahinga mula sa jetlag sa nakaraang biyahe,
nagsimula na ang malamahikal na adbentura ko sa Dubai. Una naming pinuntahan ang
Dubai Museum na ilang kilometro lamang ang layo sa tinutuluyan namin.
Lakad…Lakad…Lakad… ang aming ginawa. Walang traysikel, padyak o dyip na maaaring
maghatid sa iyo sa patutunguhan, may mga taksi ngunit nakahihiya namang sumakay
dahil mga ilang bloke lamang ay presto! Dubai Museum na, kaya ayun, sa gitna at katirikan
ng araw naglakad kaming mag-anak. Bago ang museo ay madaraanan ang malinaw na tubig
ng Dubai Creek na naghahati sa Deira at Bur Dubai, dalawang makasaysayang lugar sa
ekonomikong pag-unlad ng lungsod. Nagkalat ang mga kabayan (tawag ng mga Pinoy sa
kapuwa Pinoy na naroon), may mga kabayan na nakaupo sa gilid at nagpapakuha ng
larawan sa harap ng Dhow Cruise (malaking Bangka na katumbas ng floating restaurant ng
Hong Kong). Sabi ng asawa ko, mahal daw sumakay at kumain doon, habang binabagtas
ang kahabaan ng ilog. Elite, mayayamang lokal, mga Briton (tawag sa mga British Nationals
3
na nakabase roon) at mayayamang turista lang pala ang nakasasakay sa sobrang mahal ng
bayad. Sina kabayan, nagkasya na lamang sa pagpapakuha roon bilang background.
Natawa ako, naawa rin sa aking sarili at kina kabayan, na tulad ko ay naglaway din sa
karangyaan ng lungsod. Tumatak sa isip ko ang mga kabayang tuwang-tuwa sa pagpopose
sa tanawin, sa kabila ng paimbabaw na ligaya, pagkatakam at pangarap na gaya nila, sana
ay maranasan ko ring sumakay sa marangyang paglalayag.
Dahil mahaba-haba pa naman ang oras, nagjoyride na lang muna kami sa Abra
(maliit na bangkang de motor ng mga lokal) na isa sa pangunahin at makalumang paraan
ng transportasyon na pinanatili pa nila upang di mawala ang sinaunang kultura at
kabihasnan. Lahat ng taong sumasakay sa Abra ay nagmamadali at tila may hinahabol,
napakabilis ng bawat galaw ng mga tao. Naihalintulad ko ang paghahabol na ito, sa mga
kabayan nating nakikipag-unahan sa kaunlaran, hinahabol ang pag-asenso sa iba’t ibang
pamamaraan at hanapbuhay. Naalala ko, may ganito rin tayong transportasyon, ang
mahabang Ilog Pasig na tumutuloy deretso sa dagat ng Maynila, parehong-pareho ng Dubai
Creek na tumutuloy naman deretso sa dagat ng Jumeirah.

Danas, Malay, at Talab na Alaala

Ang Abril ay simula na rin ng tag-init sa bansang ito. Kaya, isa sa ikinagulat ko, alas
7:00 na ng gabi ay maliwanag pa ang langit. May nadaanan kaming tatlong matatandang
kalalakihang pahinante na nagdarasal sa itaas ng maliit na barkong nakahimpil sa daungan
ng ilog na nakaharap sa araw. Siyempre, dahil bago ako sa lugar at sa gayong tanawin, para
akong naignorante sa aking natunghayan at pinagbawalan ng aking asawa na huwag kong
tingnan ang mga taong iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad matapos ang kaliwa’t kanang
pagkuha ng larawan sa harap ng ilog na ang background ay mga Abra at sa likod ay ang
pagkarami-raming Seagull na malayang lumilipad sa paligid at pagkaminsan ay dumadagit
ng isda sa ilog. “Parang mga ibang kabayan lang ‘yan, nadagit na ng kaisipang kolonyal ang
mga utak, akala mo kung sino umasta at pumorma,” sabi ng asawa ko. Napakagandang
tanawin, naihalintulad ko sa aking sarili na malayang naglalakbay at tinutuklas ang mga
bagay-bagay sa dako pa roon. Walang kamalay-malay na ginagalugad ang kultura at
kabihasnan ng pook na ito. Ilang saglit pa ay narating na namin ang museo kung saan
nakalagak ang yamang kalinangan ng Dubai. Sa isang tulad ko na bago sa lugar, ito dapat
ang unang pinupuntahan upang maunawaan mo ang kalinangan at mga naratibo sa likod
ng kaunlaran ng lugar, mga pangyayari at karanasan na tatambad sa iyo, upang madali
kang makaangkop sa lugar at sa mga tao roon. Pinuntahan din namin ang Gold Souk,
tindahan ng mga naggagandahan at naglalakihang mga alahas at ang Old Souk kung saan
mabibili ang mga sedang tela at iba’t ibang mga spices, na nasa Deira, ang kabilang bahagi
ng Dubai.
Ang kalahating araw ng eksplorasyon, ang unang karanasan ko sa Dubai ay nagturo
na agad sa akin ng ilang aral. Maging mapagmasid lamang, kung ano ang nakita mong
ginagawa ng mga lokal at ibang lahi, nakita at sa iyo na lamang. Mag-aalas dose na ng gabi
ay naglalakad pa kami sa kalsada. Tahimik, payapa at maliwanag ang bawat kalye. Naisip
ko, mali pala ang unang impresyon ko na nakatatakot sa mga bansang nasa Gitnang
Silangan. Marahil, dahil ito ay isang “Open City” kaya di gaanong konserbatibo at mahigpit
dito, maging sa pananamit, huwag lang masyadong hayagan o expose ang katawan.
Naobserbahan ko ito, maliban na lamang sa mga babaeng lokal na naka-Abaya, tawag sa
itim na mahabang roba ng mga babae na may hijab, itim na tela na itinatakip sa ulo
hanggang sa leeg. Ang iba naman pagkaminsan ay nagdaragdag ng niqab, na tumatakip sa
bibig at ilong, at tanging mga mata na lang ang nakalabas. Karaniwan na sa mga babaeng
lokal ang ganito. Napakagandang tingnan ang kanilang tindig na bagay na bagay sa
kanilang kasuotan, idagdag pa ang makikinis at magaganda nilang mukha. Sino ang hindi
mapalilingon? Ngunit isang babala na naman ang sinabi ng aking asawa. “Huwag mo silang
titingnan at bawal makipag-usap sa kanila kung hindi ka tinatanong.” Napatikham na
lamang ako. Samantalang ang mga kalalakihang lokal naman ay nakasuot ng “Kandurah”
na tinatawag nilang "dishdasha" o "thawb" (mahabang puting roba) at ang headscarf
(Ghotrah). Ang tradisyonal na Ghotrah ng UAE ay puti at inilalagay kasama ng isang
palamuti na tinatawag na "Egal", kahawig ng itim na kurdon. Mas gusto ng mga kabataang
Emirati na magsuot ng pula at puting Ghotras at itali sa kanilang ulo tulad ng isang turban.
Napakaraming impormasyon, pamilyarisasyon at tila inisasyon ang danas ko sa
unang araw pa lamang ng aming pananatili sa “Lupain ng Pangako” Middle East Version
ang tawag ko. Para na rin kasi akong nakarating sa Amerika sa sobrang rangya ng lugar.
Marami pa kaming napuntahang lugar na tunay na nakamamangha! May mga nakilalang
kabayan na may iba’t ibang naratibo ng pakikipagsapalaran bilang mga OFW. Uuwi ako ng
Pilipinas na baon-baon ang magagandang karanasan at alaala sa pook na ito. Tulad ng mga
4
buhanging isinilid ko sa basyo ng mineral water, may mga butil ng pangarap ang bawat
Pinoy sa bansang iyon, may mga oportunidad na pilit hinahawakan nang mahigpit upang
di makawala o humulagpos sa mga kamay, mga butil na pupuno sa mga pangarap ng ating
mga kabayan.

Suriin
Handa ka na bang maglakbay at ibahagi ang gagawing lakbay-
sanaysay? Narito ang ilang mga Tips sa pagsulat ng akademikong
sulating ito. Tulad ng nasasaad sa pinanood na awit na “It’s more fun
in the Philippines at “Tara na Biyahe Tayo!” Bilang mga Pilipino, hindi na tayo dapat pang
lumayo dahil dito lamang sa ating bansa ay mabubusog na tayo ng maraming magagandang
pook-pasyalan at karanasang tatahiin na magsisilbing alaala habang tayo ay nabubuhay.

Paano ka susulat ng sariling lakbay-sanaysay?

1. Piliin ang paboritong lugar na napuntahan na o nalakbay na.
Higit na makapagbabahagi ka ng maraming impormasyon at kuwento sa mga lugar
na mismong narating mo na dahil aktwal mong nakita at naranasan kung ano ang mayroon
sa lugar na iyon.
2. Piliin ang pinakapaborito mong atraksyon sa pook na napuntahan.
Sa mga napuntahan nang pook, alin sa mga ito ang pinakapaborito mong atraksyon
na nagtatak sa iyo at nagkaroon ng impak sa iyong buhay at karanasan. Magpokus lamang
sa dalawa o tatlong pook na di pa halos alam ng mga tao at maglahad ng maraming
kaalaman sa mga iyon.
3. Sikaping maging makatawag-pansin na agad ang unang talata ng sanaysay.
Kailangang makuha agad ang atensiyon kaya’t gawing nakapanghihikayat agad ang
mga unang pahayag sa pagsisimula ng iyong sanaysay. Dito sa bahaging ito dapat
makumbinsi na ang mambabasa na ikaw ay may kakaibang karanasang ibabahagi sa
kanila. Maging malikhain at inobatibo sa panghihikayat. Magkaroon ng sariling estilo at
estratehiya kung paano mo hihilahin ang interes ng iyong mambabasa.
4. Ipakita sa halip na basta sabihin o ikuwento lamang ang karanasan.
Kailangang madama ng mambabasa ang sinseridad ng iyong ibinabahging
karanasan na kahit wala sila sa sitwasyon at istorya mo ay para na rin silang naroroon at
nakikibahagi sa iyong karanasan. Bigyang-buhay at detalyadong ilarawan ang mga
karanasan at mga pook na napuntahan. Pag-usapan ang iyong naging emosyon at
damdamin at tulungang ipinta sa isip ng mambabasa ang inilalarawan.
5. Gumamit ng mga imahe.
Maaari kang maglakip sa iyong lakbay-sanaysay ng isa o dalawang larawan ngunit
piliin lamang ang may kaugnayan sa iyong naratibo.
6. Gawing simple lamang ang lakbay-sanaysay.
Tandaan na ang layunin ng pagsusulat mo ng lakbay-sanaysay ay magbigay-aliw sa
mga mambabasa kaya gumamit lamang ng mga salitang madaling maunawaan. Sikaping
maging palagay ang iyong tono upang mailapit mo ang mambabasa sa iyong kuwento at
mamangha sila sa sining ng paglalarawan mo sa pook na iyong nalakbay.
7. Ilarawan ang tagumpay mo.
Kung ang iyong karanasan sa paglalakbay ay hindi nagturo o nakagawa ng
positibong pagbabago sa iyong buhay, nagsasayang ka lang ng oras sa pagsulat ng iyong
sanaysay. Bawat karanasan ay nagtuturo ng mahusay na aral sa tao. Maaaring ito ay
kasingliit ng isang pagbabago sa iyong paniniwala o kasinlaki ng pagkakaroon ng mga
bagong kakilala o kaibigan. Ano man ito, suliting ibahagi ang mga ito sa iyong mambabasa.
8. Bigyan ng maganda at mahusay na panimula, bahagi at pagwawakas ang sanaysay.
Ang bawat kamangha-manghang naratibo ay sinisimulan sa mahusay na panimula,
nagpapatuloy sa pinakakapana-panabik o kasukdulang kuwento at nagtatapos sa
makabuluhan at kamatuwirang kongklusyon. Balangkasin muna ang iyong sulatin bago
pumalaot ang pluma sa pagsusulat. Dalhin ang mambabasa sa mahusay na pagsisimula
ng iyong kuwento habang tumataas ang aksiyon ng salaysay hanggang sa dahan-dahang
huhupa upang ipaalam sa mambabasa na sasapit na sila sa pagtatapos ng kuwento. Mag-
iwan ng isang makapangyarihang pahayag na magtatatak ng isang mabigat na impak sa
mambabasa.
5
9. Gumamit ng panghalip sa unang panauhan.
Dahil kuwento mo ang inilalahad, kung kaya’t nararapat na gamitin ang mga
panghalip sa unang panauhan na ako, ko, akin, at amin sa mga pangungusap.
10. Planuhin kung ano ang tono ng iyong sanaysay.
Ano ba ang magiging tono ng iyong sanaysay? Nakakatawa, nakalulungkot,
nakatatakot atbp.
11. Bumuo ng makatawag-pansing pamagat.
Sa pamagat pa lamang, maeengganyo nang basahin ng mambabasa ang iyong
sanaysay kung kaya’t sikaping may “dating” na ito sa babasa.

Bilang karagdagang kaalaman panoorin ang video clip sa link na ito: https://youtu.be/-
zGUappYZjY.

Pagyamanin

Gawain: LAKBAY-SANAYSAY

Pumili ng isa sa mga pook sa Pilipinas na inyo nang napuntahan. Sumulat ng maikling
lakbay-sanaysay ukol dito. Gawing batayan ang rubrik sa pagsulat. Gawin ito sa A4 bond
paper at ipasa sa iyong guro.
Krayterya Mahusay na Mahusay Kainaman
mahusay (10 pts.) (7 pts.) (5 pts.)
Makatawag-pansin ang pamagat.
Malikhain at makasining ang
pagpapalutang ng nilalaman ng
sanaysay.
Naglalaman ng mayamang
impormasyon ang sanaysay hinggil sa
pook.
Naipakita ang mga bahaging simula,
gitna at wakas nang tama at naaayon
sa paksa o tema.
Nagamit nang tama ang wika,
tuntuning panggramatika, baybay,
bantas at iba pang teknikal na aspero
sa pagsulat ng akademikong sulatin.
Naglapat ng kakaibang lasa at lente
ang binuong sanaysay.
Kabuuan 50 pts. 35 pts. 25 pts.

Isaisip
Pagnilayan…
• Ano ang mahalagang aral o konsepto ang natutuhan mo sa
pagsulat ng isang lakbay-sanaysay?

• Paano makatutulong ang paglalathala ng isang lakbay-

sanaysay sa ating ekonomiya at Turismo ng bansa?

• Bakit mahalagang matuto ka ng ganitong uri ng sulating

akademiko?

6
Isagawa

Gawain: LAKBAY-SANAYSAY
Panoorin ang mga video sa Youtube, sa mga link na ito at pumili ng isa. Ipagpalagay
na ikaw ang tauhan sa video, gawaan ng maikling lakbay-sanaysay ang nilalaman ng
napanood. Ipasa ito sa guro sa A4 size bond paper sa Google classroom.
1. https://youtu.be/811F8iH6Lgo (Biyahe ni Drew: Drew Arellano revisits his trip to
Nasugbu, Batangas | Full Episode
2.https://youtu.be/doEq35ApClA (Biyahe ni Drew: Quick adventure to Maragondon, Cavite
| Full episode
4. https://youtu.be/o3Q3z6J1g6U (Biyahe ni Drew: Flavors of Pampanga | Full episode)
5. https://youtu.be/rgkUe6ypwq (Biyahe ni Drew: The Beauty of Botolan, Zambales (Full
episode)

Krayterya Puntos

1.Makatawag-pansin ang pamagat. 5 pts.

2.Malikhain at makasining ang pagpapalutang ng nilalaman 30 pts.

ng sanaysay.

3.Naipakita ang mga bahaging simula, gitna at wakas nang 10 pts.

tama at naaayon sa paksa o tema.

4.Nagamit nang tama ang wika, tuntuning panggramatika, 25 pts

baybay, bantas at iba pang teknikal na aspeto sa pagsulat
ng akademikong sulatin.

5. Naglalaman ang sanaysay ng mayamang impormasyon 20 pts.

hinggil sa pook.

6.Naglapat ng kakaibang lasa at lente ang binuong 10 pts.

sanaysay.

Kabuuang Puntos 100 pts.

7
Tayahin

Gawain: TARA NA! BIYAHE TAYO!

Panuto: Sumulat ng isang lakbay-sanaysay gamit ang mga pamantayang ito. Gawing
pamantayan ang rubrik na nasa bahaging Isagawa.
1. Umisip at alalahanin ang isang pook na dinalaw bilang bahagi ng isang
personal na paglalakbay o isang hindi inaasahang karanasan sa biyaheng
kinasayan.
2. Hanapin ang (mga) taong nakilala o nakasalamuha na nagbigay ng
kahulugan sa paglalakbay o payak na pagdalaw. Ang (mga) taong ito ay
sadyang katumbas ng halaga ng lugar, dahil hindi makukumpleto ang
destinasyon kung wala sila.
3. Bigyang kahulugan ang ilang bagay (objects) na maaaring nabili
tulad ng souvenir o rekuwerdo o pasalubong na may kahulugan sa
sarili.
4. Isipin ang mga heograpikal na marker at tanawin bilang mga
talinghaga o makahulugang imahe.
5. Bigyan ng kakaibang pagtanaw ang mga okasyon, pangyayari o
kaganapan na magsisilbing alaala ng masaya o malungkot na
paglalakbay.
3. Dalawa lang ang layon ng sulatin: ang mag-inspire at/o
magpatawa. Dapat maka-engganyo at kagiliwan ang salaysay at
ang pook.
4. Maaaring gumamit ng mga terminolohiyang lokal na sadyang magpapakilala sa pook,
ngunit sikaping maipaliwanag ito.
Bon voyage! Maligayang paglalakbay!
(Halaw kay: Carandang, 2017, Malikhaing Pagsulat)

You might also like