You are on page 1of 41

Modyul sa Filipino

Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
Pagsulat sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 5:
Konsepto ng Panukalang Proyekto
(Unang Bahagi)
Pagsulat sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Konsepto ng Panukalang Proyekto (Unang Bahagi)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo

Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Naranasan mo na bang humiling? Kung oo, ano ang hiniling mo? Kung hindi pa,
ano ang nais mong hilingin? Sa iyong pagbabalik – tanaw, humiling ka na ba ng
pagbabago? Para kanino kaya ang pagbabagong ito? Nais ng modyul na itong mag – isip
ka ng mga nais mong hilingin. Ano – ano kaya ang mga kahilingan mo? At papaaano
mo hihikayatin ang kinakausap mo upang ika’y pakinggan at pagbigyan?

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga kakailanganin mong kasanayan sa

pagsulat ng panukalang proyekto lalong – lalo na sa panahon ngayon na nararanasan
natin ang bagong kadawyan o new normal. Handa ka na ba sa iyong bagong aralin?

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang:

1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; (CS_FA11/12PU- 0d-f-92)
2. Natutukoy ang mga konsepto ng panukalang proyekto; at
3. Nakikilala ang anyo, layunin, katangian, at kahalagahan ng panukalang proyekto.

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot
ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1. “Ayon sa mga dalubhasa, ang kompyuter ay isa sa mga dahilan kung bakit
mabilis lumabo ang mata ng mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ay dapat
hindi masyadong nakatutok sa kompyuter, tama na ang isa hanggang limang oras
sa harapan nito, dahil malaki ang naidudulot nito sa pagkasira ng ating mga mata,
lalo na kung masyadong nakalapit ang ating mga mata sa kompyuter. Hindi
nakakapagtaka kung bakit maraming mga kabataan ngayon ang malabo na ang
mga mata.” Ano ang pangunahing diwa ng talata?

A. Ang kompyuter ay nakalalaki ng mata.

B. Ang kompyuter ay hindi dapat laging ginagamit.
C. Ang kompyuter ay isa sa dahilan ng pagkalabo ng ating mga mata.
D. Ang kompyuter ay nakatutulong sa paglinaw ng mga mata ng kabataan.

2. Alin sa sumusunod ang maituturing na pamagat ng isang panukala?

A. Ang Epekto ng Malnutrition sa mga Paaralan sa Pilipinas
B. Ang COVID – 19 sa Pilipinas at ang Epekto nito sa Mamamayang Pilipino
C. Ang Epekto ng Polusyon sa Patubig ng Oriental Mindoro: Kaso ng Mindoro
Project Resources at Aglubang Mining
D. Lahat ng Nabanggit

3. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang – alang sa pagbuo ng layunin ng pag –

aaral?
A. Specific C. Measurable
B. Immediate D. lahat ng nabanggit

4. Anong bahagi ng panukalang proyekto dapat isaisip ng mag – aaral ang pagiging
organisado at sistematikong gagawin sa proyekto?
A. Layunin ng pag – aaral C. Talaan ng Gawain
B. Balangkas ng pag – aaral D. Rebiyu ng Pag – aaral

1
5. Anong bahagi ng panukalang proyekto ang naglalahad ng estado ng kaalaman
ng mananaliksik sa kaniyang napiling paksa?
A. Layunin ng pag – aaral C. Talaan ng Gawain
B. Balangkas ng pag – aaral D. Rebiyu ng Pag – aaral

Aralin
Konsepto ng Panukalang
1 Proyekto(Unang Bahagi)
Lahat tayo ay nakaranas nang humiling. Humihiling tayong makapunta sa isang
lugar, magdiwang ng kaarawan, maisama sa isang lugar o pagdiriwang, o magawa ang
isang bagay. Humihiling din tayo ng pagbabago sa ating magulang, kaibigan, paaralan,
at pamahalaan. Ang panukalang proyekto ay naglalayong masolusyunan ang isang
tiyak na problema o suliranin. Maaaring ang iyong proposal ay isang pagbabago sa
sitwasyon sa iyong barangay. Maaari rin namang ang iyong kahilingan ay ukol sa
ikagaganda ng paaralan. Malaki ang bahagi ng panukalang proyekto sa isang tiyak na
suliranin dahil magiging paunang hakbangin ito tungo sa nais mong pagbabago o pag-
unlad.

Balikan

Kumusta ang naging pagsulat mo ng bionote? Tiyak kong naging madali lamang
ito sa iyo dahil ang mga naging gawain sa paksang ito ay tungkol din sa iyong sarili.

Panuto: Nais kong balikan mo ang mahahalagang punto sa pagsulat ng isang

mahusay na bionote. Ano – ano ang mahahalagang konseptong kaugnay nito? Ilahad
mo ang dapat lamanin ng isang epektibong bionote. Punan ang grapikong MIND MAP
saka isulat sa ibaba ang iyong paliwanag.
Nilalaman Kahulugan

BIONOTE

Gamit o Layunin
Katangian

Imahe hango sa: https://slidesgo.com/faqs and https://slidesgo.com/slidesgo-school

2
Paliwanag:

________________________________________________________________________________

Tuklasin

Ikaw ba ay bulag o mulat? Ikaw ba ay bingi o nagbibingi – bingihan? Ikaw ba ay

manhid o may pakiramdam? Pagmasdan mo ang iyong komunidad.
Ano pa?
1. Ano-ano pa ang pangangailangan sa
Pandemya
Traffic iyong komunidad?
2. Mayroon bang problema ang iyong
Presyo ng Basura komunidad na nais mong mabigyan
Bilihin ng solusyon?
3. Magtala ng tatlong suliraning
kinahaharap ng iyong komunidad sa
ngayon.

1. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________

Suriin Ano ang panukalang

proyekto?

3
Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Sa pag – iisip at pagbibigay ng solusyon ay mas mainam na magagawa mo ito

kaagad lalong – lalo na kung ito ay kinakailangan ng agarang aksiyon

Sa iyong naitalang suliranin, maaari bang ang problemang naitala ninyo ay

suliranin din sa ibang lugar o sa komunidad? Hindi pare – pareho ang mga
pangangailangan ng tao sa isang tiyak na pamayanan. Maaaring ang kailangan nila
ay basketball court, patubig, pagsasaayos ng mga sirang kalsada, o ‘di nama’y
pagpapaunlad sa seguridad ng isang barangay. Dapat bang pagtuunan ng pansin
ang mga suliraning nararanasan ng ating mundong ginagalawan? Sa mundong ating
ginagalawan, may mga pangyayaring dapat pag – ukulan ng pansin lalo na kung ito
ay nagdudulot ng perwisyo o sakit ng ulo sa mga kababayan natin. Maaari namang
kaya may suliranin, dahil may kakulangan sa bagay – bagay na nangangailangan ng
agarang pagtugon o aksiyon. Kailangang pagtuunan upang maglunsad ng pagbabago
ukol sa umiiral na sistema o patakaran. Maaari namang kaya nais pagtuunan dahil
nais magsagawa ng programang mas higit na makabubuti sa kondisyon ng samahan
ng mga mamamayan at pati na rin ng kabuuan ng lugar. O maaari rin namang,
naranasan na ang ganitong suliranin at nais i-benchmark ang naging solusyon nito.
Ang panukalang proyekto ay isang pangangailangan at isang benepisyo, hindi
lamang sa iyo kundi para sa mayorya na matukoy ang pangangailangan ng lugar na
kinatatayuan mo nang sa gayon ay makapaghanda ka ng isang panukala o proposal
na maaaring magpapaunlad ng iyong lugar. Ang panukala o proposal ay maaaring
isang pananaliksik tungkol sa siyensiya, humanidades, o agham panlipunan.
Ito rin ang pagkakataong maanalisa, masuri, at masukat ang kahalagahan at
kapakinabangan ng ihahandang proyekto ng isang mag – aaral o grupo ng mag –
aaral. Malaking bahagi sa isang propesyonal ang kasanayan sa pagsulat ng
panukalang proyekto dahil nagagawa nitong makita at maresolba ang mga suliraning
nakikita ng mga mananaliksik. Bukod dito, sinasanay rin sa mga mananaliksik ang
pangangalap ng pondo o isponsor sa isasagawang proyekto. Halimbawa, mahalagang
magsagawa ng panukalang proyekto kapag hihiling sa pamahalaan ng pondo
kaugnay sa pananaliksik sa bisa ng Urban Gardening o kaya naman para sa pondo
sa paghahanap ng gamot sa COVID – 19. Mahalaga ang ganitong kalseng dokumento
dahil hindi agarang nagbibigay ng salapi o badyet ang isponsor kung wala silang
nababasang anomang panukala. Kailangang mahusay ang paghahanda ng
panukalang proyekto upang maisagawa ang isang pananaliksik o pag – aaral. Ang
usaping pinansiyal ay hindi pagtutuunan sa panukala. Tatalakayin na lamang ito
bilang sulating naglalatag at nagpapakilala ng isasagawang pananaliksik.

Mga Dapat Gawin sa bilang paghahanda sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Una, magsagawa ng pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, paaralan,
samahan, o kompanyang pag – uukulan ng panukalang proyekto. Ang pangunahing
dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Ang paggawa ng sarbey o pagtatanong ay mainam upang
maging tiyak, napapanahon, at akma para matumbok ang tunay na
pangangailangan. Halimbawang tanong: Ano – ano ang pangunahing suliraning
dapat lapatan ng agarang solusyon? Ang halimbawang sagot: Paglaganap ng
pandemyang COVID – 19. Ano ang posibleng solusyon nito sa pansariling pananaw
batay sa mga pananaliksik at nababasang artikulo? Halimbawang sagot: Pagtuturo
sa mga mamamayan tungkol sa wastong paghuhugas ng kamay at pangangalaga sa
kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang paglobo ng kaso ng COVID - 19 sa
tiyak na lugar. Ikalawang solusyon, paglalagay ng mga hand sanitizer sa mga
tindahan, establisyemento, pamilihan, at iba pa.
Batay sa aklat ni Evasco at Ortiz, 2017, maaaring maging iba – iba ang mga
bahaging ginagamit ng panukalang proyekto. Nakadepende ito kung minsan sa aklat
na ginagamit o sa kahingian ng guro sa klase.

4
Ang mahalaga ay matamo ang kasanayang hinihingi sa gabay – kurikulum. Narito
ang mga bahagi ng panukalang proyekto na maaari mong sundan:
1. Tentatibong pamagat
2. Mga layunin ng pag-aaral
3. Halaga ng pag – aaral o kung ano ang pakinabang ng lipunan sa isasagawang pag-
aaral
4. Suliraning tutugunan sa pag-aaral
5. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral
6. Balangkas ng pag-aaral
7. Metodolohiya o pamamaraan ng pag-aaral
8. Talaan ng gawain
9. Tentatibong sanggunian

Halimbawa ng panukalang proyekto na maaakses sa kawing na ito:

https://drive.google.com/file/d/1RZjNpjAAKiRuUeb9ZWSgNLtghOtjcozf/view?usp=sharing

Pagyamanin

Gawain 1.1 #Payabungin mo!

1. Ano ang binabalangkas ng isang panukalang proyekto?

2. Ano – ano ang mga pakinabang sa paghahanda ng isang panukalang
proyekto?
3. Ano – ano ang mga bahagi ng isang panukalang proyekto?
4. Sa paanong paraan magkakaroon ng pokus ang isang malawak na paksa sa
pananaliksik?
5. Bakit mahalagang magbasa ng mga kaugnay na pag – aaral?
6. Paano maiiba ang isang paksang may kahawig na pananaliksik o pag – aaral?

Ilagay ang iyong mga sagot sa kahong ito:

__________________________________________________________________________________

5
Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN.
Ano – ano ang mahahalagang puntong dapat isaalaang – alang sa pagsulat ng
isang mahusay na panukalang proyekto? Buuin ang CLOUD MAP na grapiko.
Bakit mahalagang matutuhan ang pagbuo ng isang panukalang proyekto?

Kahulugan Katangian

PANUKALANG
PROYEKTO
Kahalagahan
Mga Bahagi

Mga Bahagi

Imahe hango sa: https://slidesgo.com/faqs and

https://slidesgo.com/slidesgo-school

Isagawa

Gawain Palawakin ang Kaalaman… Magmalasakit sa Bayan!

Panuto: Magtala ng 2 – 3 suliranin sa sumusunod:
Sa inyong Barangay Sa Bansang Pilipinas

3. _______________________________ 1. _______________________________
__________________________________ __________________________________

4. _______________________________ 2. _______________________________
_______________________________ _______________________________
3. _______________________________ 3. _______________________________
_______________________________ _______________________________

6
Gawain 2
Panuto: Mula sa itinalang suliranin alinman sa komunidad o sa bansa na napili
mong gawaan ng panukalang proyekto, gawaan ito ng mahahalagang tanong kung ano
ang nais matuklasan sa panukalang proyektong iyong isasagawa.

1 2 3 4

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot
ayon sa hinihingi ng mga tanong.
1. Anong bahagi ng panukalang proyekto ang naglalahad ng estado ng kaalaman
ng mananaliksik sa kanyang napiling paksa?
A. Layunin ng pag – aaral C. Talaan ng Gawain
B. Balangkas ng pag – aaral D. Rebyu ng Pag – aaral

2. Anong bahagi ng panukalang proyekto na dapat isaisip ng mag – aaral ang

pagiging organisado at sistematikong gagawin sa proyekto?
A. Layunin ng pag – aaral C. Talaan ng Gawain
B. Balangkas ng pag – aaral D. Rebyu ng Pag – aaral

3. “Ayon sa mga dalubhasa, ang kompyuter ay isa sa mga dahilan kung bakit
mabilis lumabo ang mata ng mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ay dapat
hindi masyadong nakatutok sa kompyuter, tama na ang isa hanggang limang oras
sa harapan nito, dahil malaki ang naidudulot nito sa pagkasira ng ating mga mata,
lalo na kung masyadong nakalapit ang ating mga mata sa kompyuter. Hindi
nakakapagtaka kung bakit maraming mga kabataan ngayon ang malabo na ang
mga mata.” Ano ang pangunahing diwa ng talata?
A. Ang kompyuter ay nakalalaki ng mata.
B. Ang kompyuter ay hindi dapat laging ginagamit.
C. Ang kompyuter ay isa sa dahilan ng pagkalabo ng ating mga mata.
D. Ang kompyuter ay nakatutulong sa paglinaw ng mga mata ng kabataan.

4. Alin sa sumusunod ang maituturing na pamagat ng isang panukala?

A. Ang Epekto ng Malnutrition sa Paaralan sa Pilipinas
B. Ang COVID – 19 sa Pilipinas at ang Epekto nito sa Mamamayang Pilipino
C. Ang Epekto ng Polusyon sa Patubig ng Oriental Mindoro: Kaso ng Mindoro
Project Resources at Aglubang Mining
D. Lahat ng Nabanggit

7
5. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang – alang sa pagbuo ng layunin ng pag –
aaral?
A. Specific C. Measurable
B. Immediate D. lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa mga suliraning inilahad sa bahaging Isagawa. Pumili ng tig-isang

(1) suliranin sa dalawang (2) kahon. Ipaliwanag kung bakit ito dapat lutasin. Maaaring
suportahan ng ilang pananaliksik o resulta ng isang sarbey ang mga natukoy na
suliranin.

Sa inyong Barangay
Suliranin:
______________________________________________________________________________
-1825503/
Paliwanag:
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Sa bansang Pilipinas

8
Pagsulat sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 6:
Konsepto ng Panukalang Proyekto
(Ikalawang Bahagi)
Pagsulat sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Konsepto ng Panukalang Proyekto (Ikalawang Bahagi)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo

Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa bawat lugar na ating kinabibilangan, may mga positibo at negatibong

nagaganap. Sa mga pangyayaring ito, tiyak kong ikaw ay nababahala sa mga suliranin
sa iyong paligid. Sa katatagan ng ating pag-iisip, kaakibat din nito ang kamulatan sa
katotohanan sa usaping pampolitikal, pangkapaligiran, pang-edukasyon, at kalagayan
ng mga nasa laylayan ng lipunan. Sa pananatili mo sa iyong tahanan, mas nakikita mo
ang mga pangangailangan ng ating bansa o kaya naman sa inyong lugar.

Ngayong nalaman mo na ang mga konsepto, pamamaraan sa estilo, at teknikal

na pangangailangan sa panukalang proyekto, tiyak kong handa ka na sa susunod na
bahagi ng pagkatuto. Sa modyul na ito ay susulat ka na ng panukalang proyektong
magiging kapaki – pakinabang sa iyong barangay. Maaaring matanong mo sa iyong
sarili ang ganito- Paano ako susulat ng isang panukalang proyekto? Ano-ano ang mga
hakbang o prosesong pagdaraanan ko? Saan at paano ako magsisimula? Huwag kang
matakot, gagabayan ka ng modyul na ito upang maging matagumpay sa gawaing ito.
Handa ka na bang sumulat? Tara sulat na!

Mga kasanayang pampagkatuto:

Sa katapusan ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang:
1. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin. (CS_FA11/12PU- 0d-f-9)
2. Nakasusulat ng isang panukalang proyekto batay sa teknikal na
pangangailangan nito.

Subukin

PAGKILALA NG TAMA O MALI

Panuto: Suriin ang pahayag at sabihin ang TAMA kung ito ay may katotohanan at
MALI naman kung hindi naglalahad ng katotohanan. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

_________1. Ang panukalang proyekto ay isang komprehensibong sulatin ng mga

inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang suliranin.

_________2. Ang mga unang mahahalagang hakbang sa pagsusulat ng panukalang

proyekto ay ang pagtukoy ng layunin, suliranin, posibleng mga pamamaraan sa
paglutas ng isang problema, at gayundin ang badyet.

_________3. Ang panukalang proyekto ay mayroon lamang isang pamantayan at pormat

na pinagbabatayan.

_________4. Kinakailangan sa pagsasagawa ng isang panukalang proyekto ay ilahad ang

mga nanguna sa proyektong iyong naisip, petsa ng pagpapatupad ng iyong proyekto, at
mga taong makikinabang sa proyektong isasagawa.

_________5. Ang manunulat ng isang panukalang proyekto ay responsibilidad lamang

na itala at ilahad ang ideya sa suliraning kaniyang nakikita at isadokumento ito para
hintayin ang mga taong aaksiyon ng suliranin.

1
Aralin Konsepto ng Panukalang
2 Proyekto
(Ikalawang Bahagi)
Hindi masusukat sa laki at liit ang isang problema, bagkus, kung papaano natin
ito bibigyan ng solusyon o lulutasin. Maaaring hindi pare – parehas ang pinagdadaanan
ng mga tao sa ating paligid gayundin ang suliranin sa isang barangay, sa paaralan, sa
bansa, at iba pa. Dito nagiging kapaki – pakinabang ang pagsulat ng isang panukalang
proyekto. Ito ay panlahat at hindi lamang nakalaan sa iisang inbidwal ang pakinabang
at kalahagahan nito. Sa iyong edad, napakahalaga ng iyong ideya, karaniwan ang iyong
plataporma sa paglalahad ng suliranin ay inilalahad mo sa social media. Ngunit sa
modyul na ito ay bibigyan ka ng pagkakataon upang mas maging komprehensibo ang
iyong panukala sa suliraning kinahaharap na napapansin at nakikita mo sa iyong
paligid.

Balikan

Natatandaan mo ba ang gawain sa modyul 5 sa bahaging Tuklasin? Ipinalahad

ko sa iyo ang mga pangangailangan sa iyong komunidad gayundin ang suliraning nais
mong mabigyan ng solusyon. Nais kong pagnilayan mo ang isinulat mo roon at sagutin
ang tanong sa ibaba.

Bakit mahalagang mapagtuunan ng pansin ang suliraning inilahad mo sa

modyul 5? Ibahagi ang iyong personal na karanasan at hikayatin ang iyong mambabasa
na ang suliraning nais mong lutasin ay dapat bigyang – tuon. Isulat ang sagot sa
paraang patalata sa ibaba.

Basahin ang halimbawa ng isang Panukalang Proyekto.

Pamagat ng Proyekto: iLIKHA: INTEGRASYONG PANTEKNOLOHIYA SA
PAGTUTURO NG FILIPINO(WEBINAR)
Proponent ng Proyekto: Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum-SDO Makati
Deskripsiyon / Kaligiran ng Proyekto:
Ang EdTech (Teknolohiyang Pang-edukasyon) ay isa sa mga penomenolohikal
na konsepto sa panahon ng Digital Age. Gumagamit ito ng iba`t ibang mga kagamitan
o materyales sa loob ng silid aralan tulad ng kompyuter, telebisyon, at mga gadyet sa
proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Kinapapalooban ito ng mga pundasyong teoretikal,
pananaw, sistema, proseso, disenyo, literasi, prinsipyo, at pagbabago ng paradima sa
pagitan ng guro at ng mga nag-aaral. Ito ay isang mabisang paggamit ng teknolohiya
sa pag-aaral, ito ay mahalaga sa pagbuo ng mga ika-21 siglong kasanayan at literasi
Ang proyektong ito ay magdadala sa mga guro sa mga bagong kalakaran sa
pagtuturo gamit ang modernong pamamaraan at iba't ibang mga aplikasyong
nauugnay sa konsepto ng Computer-Aided Instruction (CAI) na isa sa mga
kinakailangan sa K to 12 na Kurikulum. Ang halimbawa ng CAI na ito ay ang online
na edukasyon (paggamit ng mga social media platform atbp.) at birtwal na silid ng
pagkatuto. Tatalakayin sa webinar na ito ang mga problema at mga puwang (gaps) sa
kasalukuyang kurikulum na may kaugnayan sa pedagohikal na aspeto ng mga guro.
Isasagawa ito sa Hunyo 6 at 13, 2020.
Rasyonal ng Proyekto:
Ang kurikulum ng Impormasyon sa Komunikasyon at Teknolohiya (ICT) ay
nagbibigay ng isang malawak na pananaw sa likas na katangian ng teknolohiya, kung
paano gamitin at mailapat ang iba't ibang teknolohiya, at ang epekto ng ICT sa sarili
at lipunan. Ang teknolohiya ay pinakamahusay na natututuhan sa loob ng konteksto
ng mga aplikasyon. Ito ang isa sa mga kadahilanan kung bakit ang seminar-workshop
na ito ay naikonsepto upang maunawaan ang mga kasanayan at kakayahan ng guro
sa iba't ibang estratehiya o pamamaraan ng pagtuturo at aplikasyon na gumagamit
ng teknolohiya sa paghahatid ng mga kaalaman sa pag-aaral ng Filipino. Ito ay isang
2-araw na webinar. Ang pangangailangang maisapanahon ang mga kasanayan at
kakayahan ng mga guro partikular na ang mga kasanayan sa ika-21 siglo ay
matutugunan sa pamamagitan ng pagsasanay na ito.
Layunin:
1. Maisapanahon ang kasanayan at kakayahan ng mga guro sa paggamit ng iba’t
ibang aplikasyong panteknolohiyang magagamit sa pagtuturo at pagkatuto ng mga
mag-aaral;
2. Mapunuan ang kurikulum ng K to12 ng pinakabagong, state-of-the-art na bukas
na kapaligiran sa pag-aaral na online at lubos na nakakagaganyak na mga
pedagohiya ng eLearning; at
3. Magbukas ng pinto para sa isang pananaliksik at intelektwal na talakayan tungkol
sa pinakamahusay na mga kasanayan o best practices sa paggamit ng ICT sa
Edukasyon.
Proseso:
1. Magpapatala ang tig-dadalawang guro sa bawat paaralan mula antas elementarya
hanggang senior high school na sasailalim sa dalawang Sabadong Pagsasanay sa
Dibisyon kay Gng. Maria Fe C. Balaba, Tagamasid Pansangay sa Filipino.
2. Maglalabas ng pandibisyong Memorandum tungkol sa gawain at ipopost sa DepEd
Makati Website ang paanyaya.
3. Dadalo ang mga gurong sasailalim sa dalawang Sabadong webinar.
4. Sa bawat sesyon ng webinar ay may mga gawaing kasasangkutan ng mga guro sa
aktwal na paggamit (hands-on session) ng iba’t ibang aplikasyong panteknolohiya.
5. Bilang pinal na awtput sa dalawang araw na seminar, ang mga guro ay bubuo ng
pagsasanay gamit ang itinurong iba’t ibang aplikasyong panteknolohiya.
6. Magkakaroon ng pangwakas na palatuntunan bilang pagpapahalaga sa gawain at
makatatanggap ng sertipiko ang mga gurong dumalo.

3
Mga tanong sa pag-unawa
1. Tungkol saan ang binasang panukalang proyekto?
2. Ano-ano ang mga sangkap o nilalaman ng panukalang proyekto?
3. Bakit mahalagang komprehensibo at kumpleto ang nilalaman ng iyong panukalang
proyekto?

Suriin

Alam mo ba?
Tulad ng binanggit sa modyul 5, maraming pamantayan at pormat na maaaring sundin
sa pagsulat ng panukalang proyekto. Isa na rito ang komprehensibong pormat na
itinila nina Evasco at Ortiz, 2017.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
1. Tentatibong Pamagat - Mahalaga ang pagbibigay ng pamagat tulad ng pagbibigay
ng pangalan sa isang nilalang. Sa pamamagitan ng pamagat, nabibigyan ng limitasyon
ang pag-aaral.
Paksa: Ang Epekto ng Polusyon
Pamagat: Ang Epekto ng Polusyon sa Patubig ng Oriental Mindoro: Kaso ng
Mindoro Project Resources at Aglubang Mining (2008-2013)
2. Layunin ng Pag – aaral - Mahalaga ring maitala ang layunin ng pag-aaral. Ito ang
pinaka-adhikain o ang nais mong makamit sa proyektong sinusulat mo. Kailangang
maging ispesipiko ang iyong layunin nang sa gayon ay maging malinaw rin ang
inaasahan mong resulta sa iyong panukalang proyekto. Ayon kina Miner, 2008 –
mainam na ang layunin ay nakabatay sa SIMPLE (Specific, Immediate, Measurable,
Practical, Logical, at Evaluable).
Halimbawa:
• Maitala ang mga epekto sa kalikasan ng pagmimina sa Oriental Mindoro
• Maidokumento ang mga epekto ng mga labi o basura ng pagmimina sa Oriental
Mindoro sa kabuhayan at kalusugan ng mga tao
3. Halaga ng Pag – aaral - Pinakamalaking konsiderasyon ay kung paano
mapakikinabangan ng lipunang Pilipino ang isasagawang proyekto. Itala ang halaga
ng pag – aaral ayon sa kapakinabangan nito. Maging ispesipiko sa makikinabang. (hal:
Sa DENR ng Oriental Mindoro)
4. Suliranin ng Pag – aaral - Sa paglalahad ng pag-aaral, maipakikilala sa mga
mambabasa ang halaga ng paksang pag-aaralan. Nakapagbibigay rin ito ng konteksto
sa pag –aaral, tulad ng mapapansin sa tentatibong pamagat, maglalaan ng limitasyon
ng isang pagsisiyasat. Babanggitin din sa bahaging ito ang kaukulang hakbang upang
isagawa ang pag – aaral na ipaliliwanag kung paano ilalatag ang resulta ng pag – aaral,
pananaliksik, o imbestigasyon.
5. Rebyu ng Kaugnay na Pag – aaral - Mapag – aalaman ng mananaliksik ang estado
ng kaalaman sa napiling paksa. Karaniwan sa citation o pagbanggit na ginagamit sa
Humanidades ay MLA.
• Ano na nga ba ang mga natalakay na sa paksang napili?
• Paano isinagawa ang pag-aaral kaugnay sa paksa?
• May mga paksain ba sa mga naunang pag-aaral na hindi pa natatalakay?
• Maaaring ang mga kaugnay na pag – aaral ay mga tesis, disertasyon, artikulo sa
magasin, at pahayagan, mga pananaliksik sa dyornal, at mga di pa nalathalang
pananaliksik na matatagpuan sa aklatan.
6. Balangkas ng Pag – aaral - Upang maisagawa ito, kailangang balikan ang mga
itinalang layunin sa proyekto. Kailangang lumitaw sa balangkas ang mga tugon sa
bawat layunin. Kailangang lohikal na pamamaraan ang mga paksain sa balangkas.
Maaaring kronolohikal kung kasaysayan o enumerasyon kung siyentipiko, sining, at
iba pa.
7. Metodolohiya ng Pag – aaral - Maaaring ang metodolohiyang gagamitin ng mag-
aaral ay batay sa isang teorya. Maaari namang hiram ang paraan ng pagsusuri sa mga
naunang mananaliksik. Kung pangahas ka bilang mananaliksik, maaari kang
magsagawa ng sarili mong teorya kaugnay sa napiling paksa.

4
8. Talaan ng Gawain - Mahalaga sa mananaliksik ang plano kaugnay ng kaniyang
napiling proyekto. Nakaangkla sa napiling metodolohiya at paksa ang magiging laman
ng talaan. Ginagawa ang talaan upang isaisip ng mag – aaral ang pagiging organisado
at sistematikong gagawin sa proyekto. Paraan din ito upang masuri kung kakayanin
ba sa loob ng nakalaang panahon ang ipapanukalang proyektong isasagawa lamang
nang isang semestre.
9. Tentatibong Sanggunian o Bibliograpiya - Marapat ilista sa sanggunian ang mga
nakalathaa at di-nakalathalang dokumento gaya ng balita, artikulo sa magasin, mga
tesis, mga term paper, mga aklat, at mga artikulo sa website. Maaaring ang citation ay
MLA, APA, Chicago atbp. Itanong ito sa iyong guro o maaaring pagkasunduan ng
inyong klase.

Pagyamanin

Gawain 1.1 #ProblemaKoSolusyonKo

Panuto: Mula sa kaugnay na gawain sa bahaging Balikan, mas palawakin pa natin
ang iyong ideya. Gumawa ng balangkas na Pa – paksa hinggil sa balak mong panukala.

Halimbawa
I. Dalawang Suliraning Kinahaharap ng
Paaralan I. Dalawang Suliraning Kinahaharap ng Paaralan

A. _______________________________ A. Pagtaas ng bilang ng mga malnourished na mag-aaral

B. _______________________________ B. Kakulangan ng bentelasyon sa mga silid-aralan

II. Mga Posibleng Solusyon sa mga II. Mga Posibleng Solusyon sa mga Suliraning Kinahaharap ng
Suliraning Kinahaharap ng Paaralan Paaralan

A. Suliranin #1 A. Pagtaas ng bilang ng mga malnourished na mag-aaral

1. ________________________________ 1. Pagpapaigting ng feeding program sa paaralan

2.________________________________ 2. Ilapit sa barangay para makasali sa 4P’s ang mag-aaral

B. Suliranin #2 B. Kakulangan ng bentelasyon sa mga silid-aralan

1. ________________________________ 1. Pagdaragdag ng electric fan sa bawat silid – aralan

2. ________________________________ 2. Pagkumpuni ng mga sirang electric fan

#ProblemaKoSolusyonKo
Balangkas sa Paksa
I. Dalawang Suliraning Kinahaharap ng Paaralan

A. _________________________________________________________________________________

B. _________________________________________________________________________________

II. Mga Posibleng Solusyon sa mga Suliraning Kinahaharap ng Paaralan

A. Suliranin #1

1. _______________________________________________________________________________

2._______________________________________________________________________________

B. Suliranin #2

1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

5
Gawain 1.2 #IpanukalaMo!
Panuto: Sa gawaing ito nais kong ihanda mo ang iyong panukala, maghanda ng
isang panukalang proyekto sa isasagawang papel pananaliksik sa klase. Maaari mong
palawikin pa ang itinala mo sa gawaing 1.1.
Gabay na tanong: (Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka na makikita sa
kagargdagang gawain)
1. Ano ang tentatibong pamagat ng papel – pananaliksik?
2. Ano ang layunin ng pag – aaral?
3. Ano ang kapakinabangan ng isasagawang pag – aaral?
4. Ano ang suliraning tutugon sa pag – aaral?
5. Ano ang mga kaugnay na pag – aaral ng papel – pananaliksik?
6. Ano ang balangkas ng pag – aaral?
7. Ano ang metodolohiya ng pag – aaral?
8. Ano ang talaan ng mga gawain?
9. Ang ang tentatibong sanggunian ng pag – aaral?

*Paaalala ng manunulat
Ang gawaing ito ay maaaring maging kolaboratibo lalong – lalo na sa mga asignaturang
gaya ng Practical Research I at II, Capstone, at III.

Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN. Ipaliwanag ang
kasabihan sa ibaba.
“Hindi nawawala ang mga problema. Kailangan silang solusyonan dahil kung
hindi, mananatili sila at magiging hadlang sa ating pag-asenso at
nagpapahina ng ating pagkatao.”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Buodin ang konseptong natutuhan sa modyul na ito sa pamamagitan ng MIND MAP.

MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
PANUKALANG
PROYEKTO

Imahe hango sa: https://slidesgo.com/faqs and https://slidesgo.com/slidesgo-school

6
Isagawa

Gawain #Palawakin ang Kaalaman!

Panuto: Sa Bagong Kadawyan, ang mga bagay na ginagawa sa loob ng silid – aralan
ay posibleng magawa pa rin sa loob ng isang virtual conferencing. Magsagawa ng palihan
o workshop sa loob ng video conference upang suriin ang halaga ng pag – aaral ng mga
panukalang proyekto ng iyong mga kaklase. Ang pagbabatayan sa gawaing ito ay ang
Gawain 1.2. sa bahaging pagyamanin. Punuan ang grapiko ng mga konsepto.

1 2 3

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

Imahe hango sa: https://slidesgo.com/faqs and https://slidesgo.com/slidesgo-school

Tayahin

PAGKILALA NG TAMA O MALI

Panuto: Suriin ang pahayag at sabihin ang TAMA kung ito ay may katotohanan at
MALI naman kung hindi naglalahad ng katotohanan.
_________1. Ang manunulat ng isang panukalang proyekto ay responsibilidad lamang
na itala at ilahad ang ideya sa suliraning kaniyang nakikita at isadokumento ito para
hintayin ang mga taong aaksiyon ng suliranin.
_________2. Kinakailangan sa pagsasagawa ng isang panukalang proyekto ay ilahad ang
mga nanguna sa proyektong iyong naisip, petsa ng pagpapatupad ng iyong proyekto at
mga taong makikinabang sa proyektong isasagawa.
_________3. Ang panukalang proyekto ay mayroon lamang isang pamantayan at pormat
na pinagbabatayan.
_________4. Ang mga unang mahahalagang hakbang sa pagsusulat ng panukalang
proyekto ay ang pagtukoy ng layunin, suliranin, posibleng mga pamamaraan sa
paglutas ng isang problema, at gayundin ang badyet.
_________5. Ang panukalang proyekto ay isang komprehensibong sulatin ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang suliranin.

7
Karagdagang Gawain

Gawain
Panuto: Bilang grupo, maghanda ng panukalang proyekto na ipapasa sa inyong
punong-guro kaugnay sa proyektong pagpapaunlad ng sariling paaralan. Halimbawa,
pagpapanukala ng recycling center sa paaralan o pagsisimula ng proyektong human
library para sa isang pagdiriwang. Narito ang Pamantayan para sa Mahusay na
Panukalang Proyekto. Gawin muna ang balangkas na ito batay sa mga tanong sa
Gawain 1.2 ng bahaging Pagyamanin.

PAMANTAYAN MAHUSAY NA MAHUSAY (5-7PTS) KAILANGAN PANG

PAGHUSAYIN (1-4 PTS)
MAHUSAY (8-10 PTS)

1. Kabuluhan ng Makabuluhan ang May panukala ngunit

Makabuluhan ang
paksa panukala at may walang pangangailangan
maiaambag sa panukala ngunit limitado sa ganitong uri ng pag-
pagpapaunlad ng ang makikinabang dito aaral
lipunan
2. Akademikong May malinaw na May maiaambag ang Walang maiaambag sa
ambag akademikong ambag ang panukala sa mga nauna larang ang panukala
panukala nang pananaliksik
3. Nilalaman Litaw ang pananaliskik May pananaliksik na Dahop sa pananaliksik
sa panukala at kumpleto nagawa ngunit may ang panukala
ang bahagi kailangan pang paunlarin Maraming bahagi ang di
upang humusay naisulat at naiplano
4. Angkop sa Mapanghamon ang May ilang bahagi na hindi Labis na mapanghamon
kakayahan ng panukala, ngunit kinaya kayang tapusin ng mag- ang pananaliksik kaya
mag-aaral ng mag-aaral aaral sa itinakdang oras di kinaya ng mag-aaral
KABUOAN

8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagsulat ng Isang Abstrak
(Unang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Isang Abstrak (Unang Bahagi)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Marahil tulad ng mga kabataan ay isa ka rin sa mga nahihilig manood ng mga
pelikula. Karaniwan bago mo panoorin ang palabas sa mga sinehan ay pinanonood mo
muna ang trailer nito. Sa pamamagitan ng trailer ay nakikita mo ang preview o
paunang–silip sa maaaring pangunahing punto na nagha-highlight sa palabas. Ang
trailer ng pelikula rin ay tumutulong sa madla na magpasya kung panonoorin ang
palabas o ang buong gawain.

May ideya ka na ba sa aralin ngayong linggo? Isa na namang akademikong

sulatin ang may kaugnayan sa nabanggit ko sa unang talata ang iyong pag-aaralan. Sa
modyul na ito, malalaman mo ang mga kakailanganin mong bahagi sa pagsulat ng
sulating ito upang maging matagumpay at malinaw ang paglalahad nito. Ihanda ang
iyong sarili sa bagong hamon ng pagkatuto.

Mga kasanayang pampagkatuto:

Sa katapusan ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang:
1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; at
(CS_FA11/12PU- 0d-f-92)
2. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin. (CS_FA11/12PU- 0d-f-93)
a. Natutukoy ang mga konsepto sa pagsulat ng abstrak
b. Nakikilala ang anyo, layunin, katangian, at kahalagahan ng abstrak

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot
sa ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1. Anong akademikong sulatin ang naglalaman ng paglalarawan o pagbubuod ng
nilalaman at saklaw ng isang papel–pananaliksik?
A. Posisyong Papel C. Sinopsis
B. Abstrak D. Sintesis

2. Ilan ang bilang ng mga salita sa pagsulat ng isang abstrak?

A. 200–250 salita C. 500 salita
B. 200–300 salita D. Depende sa kahingian

3. Anong uri ng abstrak nakapaloob ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o

artikulo?
A. Deskriptibo C. Argumentatibo
B. Impormatibo D. Naratibo

4. Anong uri ng abstrak ang hindi na kinapapalooban ng resulta at kongklusyon ng

pag–aaral?
A. Deskriptibo C. Argumentatibo
B. Impormatibo D. Naratibo

1
5. Anong bahagi ng abstrak ang naglalaman ng mga datos o ebidensiyang ginamit
sa pagpapatibay ng papel–pananaliksik?
A. Ano ang ginawa? C. Paano ginawa?
B. Bakit ginawa? D. Ano ang natuklasan?

Aralin
Pagsulat ng Isang Abstrak
1 (Unang Bahagi)
Ang abstrak ay tulad ng isang pelikula. Nagpapakita ito ng isang preview,
nagbibigay–diin ng pangunahing punto, at tumutulong sa madla na magpasiya kung
titingnan ang buong gawain. Sa mga publikasyon ng mga dyornal, kadalasan ay
nakabatay lamang ang mga ito sa abstrak ng pananaliksik kung ito ba ay naaayon sa
pangangailangan ng dyornal. Kung ang abstrak ay hindi nakakukuha ng pansin at
hindi rin nagbibigay ng impresyon ng kahusayan sa pagkakasulat nito, may
pagkakataong ang iyong papel ay tatanggihan sa simula pa lamang. Kahit sa papel-
pananaliksik ay abstrak ang unang makikita at ito ang unang babasahin ng mga
mambabasa kung ang papel–pananaliksik ay magiging kapaki–pakinabang sa kanilang
ginagawang pag–aaral. Laging tatandaan sa pagsulat ng abstrak na ang mga
mambabasa ay bibigyang–pansin lamang ang kabuuan ng manuskrito kung nahanap
ng mga mananaliksik ang kinakailangan sa iyong abstrak.

Balikan

Kumusta ang naging pagsulat mo ng panukalang proyekto? Tiyak kong naging

madali lamang ito sa iyo dahil ang mga naging gawain sa paksang ito ay patungkol sa
paglutas sa isang partikular na suliranin para sa positibong pagbabago.
Nais kong balikan mo ang mahahalagang punto sa iyong nagawang panukalang
proyekto. Buodin ang konseptong natutuhan sa nakaraang modyul sa pamamagitan ng
pagpupuno ng impormasyon sa grapiko. Pagkatapos ay ilahad ang pangunahing punto
o layunin ng panukala, kalahagahan nito, at kapakinabangan nito sa iyong komunidad.

PANUKALANG
PROYEKTO
(MGA HAKBANG)

2
Pamagat ng Panukalang Proyekto:
_________________________________________________

Noong nasa Baitang 11 ka ay mayroon kang asignaturang Practical Research 1.

Paano mo napaikli, at nalinaw ang pagsulat ng iyong papel–pananaliksik? Karaniwan,
ang pagsusulat ng isang pananaliksik ay inaabot ng ilang rebisyon upang mas maging
siksik, makabuluhan at mahusay ang nilalaman nito. Sa madaling sabi, dumadaan sa
masusing pagwawasto ang papel bago ka makarating sa pinal na awtput. Gayundin sa
pagsulat ng abstrak.
Sa gawaing ito ay magkakaroon ka ng malayang pagsulat. Ang malayang
pagsulat ay maaaring maging epektibo sa pagsisimula ng araling ito. Nais kong
dugtungan mo ang mga pahayag o katanungan sa ibaba:
Nagsusulat ako ng pananaliksik dahil
_____________________________________________________________________________________
Sa palagay ko, ito ay kawili–wili dahil
_____________________________________________________________________________________
Anong paksa ang magandang saliksikin?
_____________________________________________________________________________________
Ano ang mabisang batayan sa mga gagawing pananaliksik?
_____________________________________________________________________________________
Bilang isang mag–aaral na nasa Akademikong Track, magiging bahagi na ng
buhay mo ang pananaliksik. Kayo ay maaasahan pagdating sa pananaliksik. Kaya
kinakailangang maging malinaw sa mga katanungan o pahayag ang halina mo sa
pagsusulat ng mga pananaliksik at mga paksa na posible mong simulan sa paglalakbay
mo ngayong Baitang 12 hanggang sa ikaw ay makarating na mismo sa iyong larang na
kabibilangan.
Sa karanasan mo sa pagsulat ng abstrak, nais kong isulat mo sa kahon sa ibaba
kung ano–ano na ang alam mo at kung ano–ano ang nais mong malaman. At kapag
natapos mo ang modyul na ito ay sasagutin mo naman ang tanong kung ano ang iyong
natutuhan at gusto pang matutuhan sa pagsulat ng abstrak.

K- Alam ko na… W- Nais kong malaman…

3
L- Natutuhan ko… WL- Gusto ko pang malaman…

Basahin ang isang halimbawa ng abstrak.

REPLEKTIBONG PAGSIPAT-SURI SA MGA TEKSTO SA FILIPINO SA

PROGRAMANG K TO 12: IMPLIKASYON SA PAGLINANG NG
NASYONALISMO AT PAGKABANSA
ni Maria Fe C. Balaba
ABSTRAK
Ganap nang ipitupad sa buong bansa sa Taong Panuruan 2016-2017 ang K
-12 Kurikulum ayon sa Batas Republika 10533 na lalong kilala bilang Enhanced
Basic Education Act 2013 na nilagdaan at pinagtibay ng ating Pangulong Benigno
Simeon S. Aquino III. Dahil dito, inaasahang may mga repormang magaganap sa
implementasyon tulad ng pagbabago sa mga kasanayan o kompitensing lilinangin
sa mga mag-aaral, magkakaroon ng mga bagong kagamitang pangmag-aaral at
pangguro gaya ng mga gabay pangkurikulum, gabay sa pagtuturo, at mga
sanggunian, mga estratehiya, at mga teorya sa pagtuturo at pagkatuto, uri ng
pagtataya (assessment), gabay sa pagmamarka, mga kasanayang pedagohiya, at iba
pa. Gagamitin sa pag-aaral na ito ang palarawang pagsusuri at komparatibong
pamamaraan upang ipakita ang pagkakahanay ng mga babasahin o tekstong
ginagamit mula baitang 7-10 sa Filipino at susuriin ang implikasyon ng mga ito sa
paglinang ng kaisipang nasyonalismo at pagkabansa ng mga mag-aaral na Pilipino.
Sa kabuuan, sisikaping sagutin ng papel na ito ang sumusunod na tanong: 1) Ano-
ano ang mga babasahing tinatalakay sa Filipino baitang 7-10 sa Programang K to
12?; 2) Ano ang implikasyon ng mga babasahin o tekstong ito sa paglinang ng
nasyonalismo at pagkabansa ng mga mag-aaral na Pilipino?;3) Paano makatutulong
ang mga babasahin o tekstong ito sa paglinang ng nasyonalismo at pagkabansa sa
mga mag-aaral na Pilipino?
Susing Salita: Nasyonalismo/Pagkabansa, Kurikulum sa Filipino, Programang K to 12, Panitikang Makabayan
Kompitensi/kasanayan

Halaw sa: Balaba, Maria Fe C. 2017. Papel Pananaliksik sa Kursong Kurikulum. De La Salle University. Maynila.

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Tungkol saan ang binasang abstrak?

2. Ano ang suliraning nais bigyang linaw o solusyon ng mananaliksik?
3. Ano ang mga elemento o mahahalagang impormasyong inilahad ng mananaliksik sa
kaniyang abstrak?
4. Ano ang kahalagahan o kapakinabangan ng kaniyang pag-aaral sa iyo bilang mag-
aaral? Sa mga guro? Sa mga nagpapatupad ng K-12 na kurikulum?
5. Sa iyong palagay, bakit kaya niya isinagawa ang ganitong pag-aaral?

4
Suriin
Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Alam mo ba?
Ang abstrak ay mula sa salitang latin na abstracum na ang ibig sabihin ay
ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon.
Maraming pagpapakahulugan ang salitang abstrak ngunit sa larang ng
pananaliksik, ito ay nangangahulugang buod ng isang sulatin. Ang halimbawa ng
mga akademikong sulating may abstrak ay tesis, disertasyon, o anomang uri ng
pananaliksik. Tandaang hindi tinatawag na abstrak ang buod sa pelikula o nobela
dahil ito ay synopsis o sintesis. Ang abstrak ay pormal ang tono dahil dito
nakapaloob ang pinakamahalagang punto ng pananaliksik. Ang abstrak ay
mayroong kalikasan at bahagi tulad ng deskriptibong abstrak na naglalarawan sa
mga mambabasa ng mga pangunahing ideya ng papel tulad ng kaligiran, layunin, at
tuon ng papel o artikulo. Sa papel–pananaliksik ay hindi na isinasama sa abstrak
ang pamamaraang ginamit, kinalabasan ng pag–aaral, at kongklusyon. Mas
karaniwan ginagamit ang deskriptibong abstrak sa mga papel sa Humanidades at
Agham Panlipunan, at mga sanaysay sa Sikolohiya. Ang impormatibong abstrak
ay ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel. Isinasama
rito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
Maikli lamang na karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
Mas karaniwan itong ginagamit sa larang ng Agham at Inhinyeriya o sa ulat ng mga
pag–aaral sa Sikolohiya.
Sa kabila ng maikling nilalaman ng abstrak, inaasahang makapagbibigay pa
rin ito ng siksik at sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel.
Isaalang–alang din na sa pagsulat ng abstrak ay sinusunod ang mga karaniwang
bahagi at nilalaman nito. Karaniwan din sa pagsulat ng bawat bahagi ay isang
pangungusap lamang ang binubuo nito ngunit may kalayaan ang manunulat na
maging malaya kung paano aayusin ang mga ito.
Kapag may abstrak, hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik
upang matukoy kung ito ay makapagpapayaman sa isinusulat o kung malayo na ito
sa kaniyang paksa.
Sa mga mananaliksik, mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang
sinoman na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik, o sulatin.
Matutulungan din nito na makita kung ang isang akda ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng kaniyang sinasaliksik o sinusulat. Sa gayong paaan, hindi
mauubos ang oras sa paghahanap ng mga materyal. Bukod sa pagsulat ng iba pang
saliksik, makatutulong din ang abstrak sa pag–unawa ng binasa o babasahin ng
isang mananaliksik.
Ilan sa mga palagiang tanong ng mag–aaral sa SHS ang haba ng abstrak. Sa
dami ng mga libro at artikulong nakalathala tungkol sa aralin ng abstrak nagiging
iba–iba rin ang pananaw ng mga dalubhasa sa dami ng mga salitang gagamitin sa
abstrak. Ayon kay Cerejo, 2013 sa kaniyang artikulong “A 10-step guide to make
your research paper abstract more effective,” ang dami ng salita lamang ay 200–300
salita. Ayon naman kay Dr. San Juan, 2017 sa kaniyang aklat na “Salimbay: Filipino
sa Larangang Akademiko,” ang abstrak ay hindi hihigit sa 300 salita. Samantala sa
ibang sanggunian naman ay umaabot ang abstrak hanggang 500 salita. Magkagayon
pa man, nakabatay ang haba ng abstrak sa kahingian ng guro o ng institusyong
nagpapagawa nito.
. 5
Ilan sa mga mungkahing artikulo sa usapin ng pormat sa pagsulat ng abstrak
ay hindi lalagpas ng isang pahina. Dobleng–espasyo rin ang ang ginagamit sa
pagsulat ng abstrak. Karaniwan ang font style na ginagamit ay times new roman at
12 ang font size nito at iniimprenta sa A4 na papel na mayroong 2cm na margin
Basahin ang powerpoint na ito para sa pagtalakay ng mahusay na katangian
sa pagsulat ng abstrak, hakbang sa pagsulat ng abstrak, at mga tanong na dapat
masagot sa pagsulat ng abstrak. I-click o hingin sa guro ang kopya ng powerpoint na
likha ni G. Luvy John A. Flores mula sa Mataas na Paaralang Pang–agham ng Makati
para sa karagdagang kaalaman. Maaakses sa link na ito ang lektura.
https://drive.google.com/file/d/1Z3x_pb8t6O3A6BwlbKLhdf-j5tIxiETe/view?usp=sharing

Pagyamanin
Gawain 1.1 #Suriin at Basahin Natin!
Panuto: Basahin ang abstrak na ito. Pagkatapos ay gawin ang pagsasanay sa
ibaba.

Isang Paglilinaw sa mga Paniniwala at Pagpapakahulugan sa Ispiritwalidad at

Relihiyon ng mga Pilipino
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging relihiyoso. Madalas na iugnay ang pagiging
relihiyoso sa pagiging ispiritwal ngunit sa panahon ngayon, tinitingnan na rin ang
kaibahan ng dalawa (Zinnbauer et al. 1997). Sa kalinangang Pilipino, matagal nang
binigyang-diin nina Virgilio Enriquez (1994), Prospero Covar (1998), at Teresita
Obusan (1998) na bago pa man masakop ng iba’t ibang relihiyon ang Pilipinas,
mayroon na tayong mga ritwal na maaaring iugnay sa relihiyon. Nilayon ng pag-
aaral na itong malaman ang mga paniniwala at pagpapakahulugan ng mga Pilipino
tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Mga key informant sa iba’t ibang larangan ang
ginawan ng panayam para lubusang maintindihan ang mga paniniwala at
pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Pinapakita
ng mga resultang ang ispiritwalidad ng mga Pilipino ay nakaugnay sa mga paniniwala
sa relihiyon. Makikita sa mga resultang isang penomenolohikal o personal na
karanasan ang ispiritwalidad at tumutukoy ito sa kaugnayan ng sarili sa isang mas
mataas sa atin at sa ibang tao. Sa kaugnayan ng ispiritwalidad at relihiyon, hindi
maaaring maihiwalay ang ispiritwalidad sa relihiyon. Sa gayon, upang lubusang
maunawaan ang ispiritwalidad ng mga Pilipino, nararapat na pagtuunan ng pansin
ang mga paniniwala at karanasan sa relihiyon. Tinalakay ang mga resulta at
implikasyon ng pag-aaral sa konteksto ng Sikolohiyang Pilipino.
Halaw sa: Yabut, H. (2013). Isang Paglilinaw sa mga Paniniwala at Pagpapakahulugan sa Ispiritwalidad at Relihiyon ng mga Pilipino. DIWA E-
Journal Tomo I:DLSU, Manila Philippines

Mga Gabay na Tanong: Ilagay ang iyong kasagutan sa kahong ito:

1. Tungkol saan ang pag–aaral ayon ___________________________________________

sa binasang abstrak? ___________________________________________
2. Anong uri ito ng abstrak? ___________________________________________
3. Ano–anong mga bahagi ang ___________________________________________
makikita mo rito? ___________________________________________
4. Naging malinaw ba ang ___________________________________________
pagkakalahad ng abstrak? Sang– ___________________________________________
ayon o Di sang–ayon? Bakit? ___________________________________________
5. Bakit mahalaga ang isang ___________________________________________
abstrak sa pananaliksik? ___________________________________________
___________________________________________
6
___________________________________________
Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN.
Ano–ano ang mga mahahalagang puntong dapat isaalaang–alang sa pagsulat ng
isang mahusay na abstrak? Buuin ang grapiko ng mga hinihinging impormasyon.

ANYO LAYUNIN

ABSTRAK

KATANGIAN KAHALAGAHAN

Isagawa

Gawain: Palawakin ang Kaalaman!

Panuto: Basahin ang abstrak. Sagutin ang mga tanong ukol dito.

PAGHUBOG AT PAGLUBOG SA MASANG MAMIMILI: ISANG PANIMULANG PAG-

AARAL SA POTENSYAL NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG MARKETING
Ni Marife Villalon

Abstrak:
Paunang pasilip ang papel sa potensiyal ng wikang Filipino sa larangan ng
marketing sa Pilipinas. Kakabit nito ang paniniwalang dapat na mapaunlad ang
naturang wika sa iba’t ibang disiplina upang makatulong sa pag-unlad ng wikang
pambansa sa kabuuan. Upang masuri ang layunin ng riserts, nangalap ang
mananaliksik ng mga literature review upang matuklasan ang naging ebolusyon ng
marketing sa kasalukuyan, na nagpatibay ng kahalagahan ng mga pag-aaral sa
larangan. Hinimay din ang mga pang-akademikong pananaliksik at aklat sa
Pilipinas. Napag-alamang bukod sa kaunti lamang ang nakalimbag sa wikang
Filipino, ay kaunti rin ang nasasalikop na iskolarling pag-aaral sa marketing sa
bansa. Walong (8) praktisyoner din sa larangan ang naimbitahang magbigay ng
kanilang opinyon ukol sa potensiyal na pagpapayabong ng wikang Filipino sa
kanilang disiplina—mula sa kanilang komunikasyong internal, organisasyong
namamahala, at sa kinabukasan ng marketing. Karamihan sa kanila ang
naniniwalang may puwang pa rin ang wikang pambansa sa pag-akit sa masa ng
produktong ibebenta, paggawa ng makabuluhang kampanya, pagsunod nang
maayos sa mga panuntunan ng mga ahensiya sa marketing, at pagkatuto ng mga
susunod na praktisyoner ng bansa. Sa kabuuan, kinilala ng papel ang kabuuang
potensyal ng wikang Filipino na kaakibat sa maka-Pilipinong pagyakap sa mga
masang mamimili.
Halaw sa: Marife Villalon. "PAGHUBOG AT PAGLUBOG SA MASANG MAMIMILI: ISANG PANIMULANG PAG-AARAL SA
POTENSYAL NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG MARKETING." DALUMAT E-Journal 6.2 (2020). Web. 03 June 2021.

7
Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno o e-portfolio.
1. Tungkol saan ang abstrak na binasa?
2. Ano–ano ang mga bahagi ng abstrak na nakita sa binasang abstrak?
3. Anong uri ng abstrak ang binasa?
4. Bakit sa palagay mo ito ang naisip ng mananaliksik na gawaan ng isang
pag-aaral?
5. Ano-ano ang mga potensiyal na paksang maaari mong gawaan ng pag-aaral
na may kinalaman sa iyong track?

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Isang akademikong sulatin na mula sa salitang latin na abstracum na ang ibig sabihin
ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon.
A. Abstrak B. Sintesis C. Sinopsis D. Bionote
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang na gawaan ng isang abstrak?
A. Tesis B. Disertasyon C. Nobela D. Pananaliksik
3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa nilalaman ng deskriptibong abstrak?
A. kaligiran B. kongklusyon C. layunin D. tuon ng papel
4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa nilalaman ng impormatibong abstrak?
A. kaligiran B. layunin C. metodolohiya D. grap o tsart
5. Saang larangan karaniwang ginagamit ang deskriptibong abstrak?
A. Agham C. Humanidades
B. Inhinyera D. Lahat ng nabanggit
6. Saang larangan karaniwang ginagamit ang impormatibong abstrak?
A. Sikolohiya C. Agham Panlipunan
B. Humanidades D. Lahat ng nabanggit
7. Ayon kay Cerejo (2013), ilan lamang ang bilang ng mga salitang nakapaloob sa
abstrak?
A. 100-200 na salita C. 300-400 na salita
B. 200-300 na salita D. Lahat ng nabanggit
8. Ilang pahina lamang ang kinakailangan para sa pagbuo ng isang abstrak?
A. 2 pahina C. 1 pahina
B. 3 pahina D. 5 pahina
9. Ano ang karaniwang font style na ginagamit sa pagsulat ng abstrak?
A. Calibri C. Bookman Old Style
B. Arial D. Times New Roman
10. Ano ang karaniwang font size ang ginagamit sa pagsulat ng abstrak?
A. 11 B. 12 C. 14 D. 16

Karagdagang Gawain

Gawain
1. Magbasa ng mga nailathalang pag–aaral sa mga artikulo sa mga dyornal (Hal. Malay,
Daluyan, Dalumat, Saliksik, Daloy atbp.) Pag-aralan kung paano isinulat ang mga
abstrak na nabasa sa mga dyornal na ito.
2. Magsaliksik na ng kaugnay na pag-aaral hinggil sa paksang nais gawaan ng
pananaliksik na may kaugnayan sa iyong larang o track.

8
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagsulat ng Isang Abstrak
(Ikalawang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Isang Abstrak (Ikalawang Bahagi)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Maria Fe C. Balaba

Mary Rose Anne D. Gerundio

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa ikalawang bahagi ng araling ito ay pagtutuunan natin ang pagsulat mo ng

sariling abstrak sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga artikulo. Ang kasanayan sa
pagsulat ng akademikong sulatin gaya ng pagsulat ng abstrak ay makatutulong sa
komprehensibong pag-unawa sa tesis o artikulong iyong binabasa.
Ang mga estilo at pangangailangan sa pagsulat ay iyong nalaman na sa unang
bahagi ng aralin tungkol sa konsepto ng abstrak kaya mas magiging madali ang iyong
pagkatuto sa magiging gawain sa modyul na ito. Dito mo rin mababatid ang mahusay
na katangian ng isang abstrak at mga tanong na dapat maisulat sa abstrak na
babasahin ng iyong mambabasa.

Mga kasanayang pampagkatuto:

Sa katapusan ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang:
1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; at
(CS_FA11/12PU- 0d-f-92)

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot
sa ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1. Maraming hiwaga ang binubuo at inilalantad nang sabay ng makabagong
teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Ang lawak ng teritoryo sa kamalayang
sinasakop ng cyberspace sa pagbuo ng kaakuhan ng mga bayan at maging ng
mga subkultural na grupo ay patuloy na nararamdaman at nasasaksihan.
Masalimuot ang pagbibigay-kahulugan at pag-unawa sa pagiging bakla. Mula sa
kaangkupan ng terminolohiyang gagamiting pantukoy sa mga “bakla” hanggang
sa usapin ng kalayaan at karapatan ng mga ito ay patuloy na isang diskursong
itinuturing na walang katiyakan at hangganan. Anong bahagi ng abstrak ang
tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral

2. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang unawain ang proseso ng pagbuo ng

identidad ng mga bakla sa chatrooms bilang isang malay na selebrasyon ng
kanilang sekswalidad. Itinuturing na ito ay akto ng pag-aangkin ng espasyong
matatawag na espasyong bakla. Anong bahagi ng abstrak ang tinutukoy sa
nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral

3. Nilalayon ng papel na itong isatinig ang mga bulong-bulungan ng mga bakla sa

kanilang nilikha at patuloy na nililikhang espasyong bakla sa cyberspace. Anong
bahagi ng abstrak ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral

4. Gamit ang iba’t ibang balangkas ng pagsusuri sa mga diskurso ng mga bakla sa
chatrooms, dinalumat ang mga pinagdaraanang karanasan ng paglalantad at

1
asimilasyon ng mga bakla tungo sa unti-unting pagkilala sa kanilang papel na
gagampanan sa pagpapalaya ng sarili at kapwa bakla. Anong bahagi ng abstrak
ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Resulta ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Konklusyon ng pag-aaral

5. Matagal nang marami ang mga bakla sa lipunang Pilipino. Hindi na makaiwas at
makatatanggi ang ating bayan sa mga karanasang bakla. Nasa kamay na ng mga
bakla kung paano ang pagsira ng mga pag-iisip na patuloy na nagkukulong at
nagkakahon sa mga karapatan at kalayaang dapat tinatamasa ng bawat
mamamayan, anoman ang kulay, itsura, kasarian, kinakain, iniinom, sakit, at
marami pang iba na maaaring magbukod at magbuklod sa mga mamamayan. Sa
loob at labas ng cyberspace, kinakailangan ang pag-aangkin ng mga bakla ng
kanilang kaakuhan, karapatan, at kalayaan. Anong bahagi ng abstrak ang
tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Resulta ng pag-aaral
B. Metodolohiya ng pag-aaral D. Konklusyon ng pag-aaral
Mula sa pag-aaral ni Dr. Rowell C. Madula na pinamagatang www.ang_espasyong_bakla_sa_cyberspace.com: Isang
Pagsusuri ng Diskurso ng Usapang Bakla sa mga Chatroom

Aralin
Pagsulat ng Isang Abstrak
2 (Ikalawang Bahagi)
Isa sa bahagi ng mga pananaliksik ay ang pagsulat ng abstrak. Ito ay maituturing
na pangkabuaang nilalaman ng isang mahabang artikulo o makapal na papel -
pananaliksik. Sa abstrak malalaman ng mga mambabasa ang kanilang hinahanap sa
papel - pananaliksik na kanilang gagawin. Gaya ng mga naunang sulating akademiko,
ang abstrak ay maproseso rin sa pagsulat dahil layunin nitong mailatag ang
pagkabuuang ideya ng isang tesis/artikulo.

Balikan

Kumusta ang naging aralin sa modyul 7? Tiyak kong nasagot na ang ilan sa mga
katanungan mo pagdating sa anyo ng isang abstrak gayundin ang mga posibleng
pormat ng abstrak na maaaring gamitin. Ngunit laging tatandaan na ang pormat ng
abstrak ay maaaring maging iba dahil nakasalalay ito sa aklat o sanggunian mismo na
ginagamit ng iyong guro.
Nais kong balikan mo ang mahahalagang punto sa konsepto ng abstrak. Ano ang
abstrak? Ano ang mga natatandaan mong mahahalagang salitang nakatala sa modyul
7 tungkol sa abstrak? Subukang suriin ang halimbawa ng abstrak at punuan ang
grapiko.
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga Piling Inumin at Pagkain sa Quezon (Lucban,
Tayabas, at Sariaya)
Ni Maridel Villalon

ABSTRAK
Nilalayon ng pag - aaral na matukoy kung paano maimamapa ang iba’t ibang
kaparaanan ng pag - aatikha na nag - uugnay sa mga pagkain, inumin, at ritwal sa
bayan ng Lucban, Tayabas, at Sariaya. Sinikap ng mananaliksik na dalumatin ang pag
- aatikha sa pamamagitan ng “Social Action Theory” ni Weber at “Forms of Resistance”
ni Scott bilang batayan kung kaya nabuo ang internal at eksternal na salik ng pag -
aatikha. Ginamit ng mananaliksik ang kuwalitatibo - deskriptibong disenyo ng
pananaliksik at food mapping bilang metodo ng pananaliksik. Ginawang batayan ng

2
mananaliksik ang inclusion criteria ng lokalidad na napiling pag - aralan, pagkain,
inumin, at piling tagasagot. Nagkaroon ng key informant interview at
pakikipagkuwentuhan na nakabatay sa semi - structured interview. Kaalinsabay nito
ang paglalakip ng consent form, pagsasagawa ng initial coding at pag - aanalisa ng
mananaliksik sa nilalaman ng datos.
Napatunayan na ang pag - aatikha ay isang pagkilos upang magkaroon sa likod
ng kawalan. Ang pagsisikap ng mga nakapanayam na inabot ang panahon ng Hapon
upang makakain at manatiling buhay; pagkakasangkapan ng mga tagalinang na
matatagpuan sa paligid upang may maipanlaman sa sikmura at ang pagsasagawa ng
iba’t ibang pamamaraan upang mairaos ang pagluluto ay nagresulta sa mga pagkain
na sadyang inihahain upang makaraos. Bilang karagdagan, ang pagtalima sa mga
ritwal ng mga tagalinang upang magkaroon na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan katulad ng salapi ay kabilang din sa eksternal na pag - aatikha bilang
salik.
Samantala, ang pagsunod ng mga tagalinang sa ritwal na kaugnay ng mga
pagkain at inumin ay nagbibigay ng pinaniniwalaang suwerte, kagamutan sa
karamdaman, at pagtupad sa minimithi. Ang pagkakaroon ng sariling bersyon ng
libangan, pagkain, ritwal ng mga tagalinang, (hinango sa tagabayan upang magkaroon
ng pagkakapantay) at ang iba’t ibang pamamaraan ng mga tagapagtaguyod ng lokal na
pagkain at inumin sa pagtataguyod ng mga ito dahil sa kanilang adbokasiya kahit ang
ilan ay nakaranas na hindi paniwalaan ay maibibilang sa internal na pag - aatikha
bilang salik. Ito ay dahil sa pagkakamit ng abstraktong minimithi na nagsisilbing
kapanatagan upang maipagpatuloy ang buhay. Sa kabuoan, ang pag - aatikha ay
nagsisilbing kalakasan at paraan ng pagbalikwas sa kahirapan o hindi pagkakapantay
- pantay ng marhinalisadong pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagsisikap
makamit ang kongkretong bagay o abstraktong minimithi.
Susing Konsepto: Pag - aatikha, internal na salik ng pag - aatikha, eksternal na salik
ng pag - aatikha, lokal na pagkain, inumin at ritwal.

Pag-aatikha: Pagmamapa
sa mga Piling Inumin at
Pagkain sa Quezon
(Lucban, Tayabas, at
Sariaya)

Tuklasin

Ang pagsulat ng abstrak ay isang mabisang pamamaraan sa

pakikipagkomunikasyon sa mga mambabasa. Tinutulungan ng sulating ito ang mga
mambabasang maunawaan ang nilalaman ng isang pag-aaral. Kaya naman, itinuturing
na isang uri ng paglalagom ang sulating ito dahil sa pinaikling bersyon ng isang pag-
aaral tulad ng tesis, disertasyon, papel siyentipiko, at teknikal na lektyur.

3
Sa ibaba ay makikita ang halimbawa ng isang abstrak. Nais kong basahin mo ito
at sagutin ang mga inihandang katanungan sa ibaba.

MANIPESTASYON NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN AT MUNGKAHING

GAWAING MAKALILINANG NG KASANAYAN SA KURIKULUM NG FILIPINO NG
IKASAMPUNG BAITANG
Aileen Joy G. Saul, Jay-R D. Capiz, Katrina C. Milan

Ang pag-aaral ay isang pagsusuri ng itinakdang kurikulum ng Kagawaran ng

Edukasyon para sa Filipino sa ikasampung baitang. Gamit ang pamantayan ng apat
na pangunahing kasanayan (4C’s) - kritikal na pag-iisip, komunikasyon,
kolaborasyon at pagkamalikhain - sinuri ang manipestayon ng mga ito sa mga
kasanayang pampagkatuto sa ilalim ng iba’t ibang domeyn ng kurikulum. Sa
pagmamapa ng kurikulum, inilapat ang mga pamantayan ng apat na pangunahing
kasanayan sa nakasaad na gawaing pampagkatuto upang malaman ang
manipestasyon nito. Sa pamamagitan ng pagsusuri, natunghayan ang manipestasyon
ng apat na pangunahing kasanayan sa mga gawaing pampagkatuto sa ilalim ng iba’t
ibang domeyn ng kurikulum. Lumabas din sa pag-aaral na ang kritikal na pag-iisip
ang kasanayang nangibabaw samantalang ang kolaborasyon ang hindi gaanong
nakitaan ng manipestasyon. Mula dito ay nagmungkahi ang mga mananaliksik ng
mga gawaing nakalilinang ng kasanayang nabanggit para sa bawat markahan.
Halaw sa: Saul, Aileen Joy C. etal.2020. https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/apherj/article/view/1547

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang ginawang pag-aaral?
______________________________________________________________________________
2. Bakit ginawa ang pag-aaral?
______________________________________________________________________________
3. Paano isinakatuparan ang pag-aaral?
______________________________________________________________________________
4. Ano ang natuklasan sa ginawang pag-aaral?
______________________________________________________________________________
5. Ano ang ibig sabihin ng natuklasan sa pag-aaral?
______________________________________________________________________________

Suriin
Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Tandaan…
Isaalang-alang sa pagsulat ng abstrak ang pagsagot sa sumusunod na mga
tanong:
1. Una, ano ang ginawang pag - aaral? Ilahad ang pinapaksa ng binasa mong pag-
aaral.
2. Ikalawa, bakit ginawa ang pag-aaral? Ilahad ang naging o magiging layunin ng
pag-aaral o gagawing pag-aaral.
3. Ikatlo, paano ginawa ang pag-aaral? Itala ang mga naging pamamaraan tulad ng
metodolohiya at instrumentong ginamit o gagamitin sa pag-aaral.
4. Ikaapat, ano ang natuklasan sa pag-aaral? Ilahad ang naging resulta ng pag-aaral
o sa binasang pag-aaral.
5. Ikalima, ano ang ibig sabihin ng natuklasan sa pag-aaral? Itala ang naging
kongklusyon ng pag-aaral o gagawing pag-aaral. Ang magsisilbing batayan dito ay
ang layunin o suliranin ng pag-aaral.

4
Pagyamanin

Gawain 1.1 #SURILIKSIK

Panuto: Basahin ang pag-aaral na ito. Subukang sumulat ng abstrak gamit ang sariling
pananalita mula sa abstrak ni Zarina Joy T. Santos bilang pagsasanay sa mas
mapanghamong gawain sa susunod. Gawing gabay lamang ang abstrak na mababasa
sa papel - pananaliksik na ito:

Maaakses sa link na ito ang kabuuang teksto:

Ang Antas ng Institusyonalisasyon ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF)
Diliman Bilang Tagapamahala ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas.pdf
Ni Zarina Joy T. Santos

Gabay na tanong:
1. Ano ang ginawang pag-aaral?
2. Bakit ginawa ang pag-aaral?
3. Paano ginawa ang pag-aaral?
4. Ano ang natuklasan sa pag-aaral?
5. Ano ang ibig sabihin ng pag-aaral?

Ang Antas ng Institusyonalisasyon ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) Diliman

Bilang Tagapamahala ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas

Sariling Abstrak:

___________________________________________________________________________

_________________________
5
Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN.
Ano–ano ang mahahalagang puntong dapat masagot sa pagsulat ng isang
mahusay na abstrak? Buuin ang grapiko ng mga hinihinging impormasyon.

ABSTRAK

Isagawa

Gawain: Palawakin ang kaalaman! Iba ang may alam…

Panuto: Basahin at pumili ng isa sa mga pag-aaral na maaakses sa link sa ibaba o sa
search engine. Sagutin ang mga tanong ukol dito. Subukang sumulat ng sariling
abstrak batay sa isa sa mga napiling pag-aaral bilang pagsasanay sa mas
mapanghamong gawain sa susunod na bahagi.
Mga Pag-aaral o Abstrak
1. Madaling Maging Tao, Mahirap Magpakatao! Paninindigan, Pagpapakatao, at
Pakikipagkapwa Tao ni Roberto E. Javier Jr.- maaakses sa link na:
https://drive.google.com/file/d/1TrhsPXdOlnrTXw6Dd0Xtw2KW8vXGHpeU/view
2. Amroding Tauter Baraiman. "TUYONG-TUYONG TUYO SA FILTERISMO: ANG
PAGTATAMPISAW NG ISDANG TUYO SA LUPA NG KULTURANG POPULAR." DALUMAT
E-Journal 5.1 (2019). Web. 26 March 2019.
3. Elvin Amerigo Valerio. "Ang Pelikulang Bukod na Bukod: Ang Pelikulang Alternatibo
bilang Mapagpalayang Sining." DALUMAT E-Journal 1.1 (2010). Web. 21 January 2016.
4. Christian George C. Francisco. "KALIPUNAN AT PAGLALARAWAN SA MGA SALITANG
PAMPANGISDAAN SA KAWIT, CAVITE." DALUMAT E-Journal 6.1 (2020). Web. 02 June
2021.
5. Freddielyn B. Pontemayor. "GAMIT, EPEKTO AT KULTURAL NA REPRESENTASYON
NG NGANGA NG MGA PANGKAT-ETNIKO SA PILIPINAS." DALUMAT E-Journal 5.1
(2019). Web. 26 March 2019.
Gabay na tanong:
a. Ano ang ginawang pag-aaral?
b. Bakit ginawa ang pag-aaral?
c. Paano ginawa ang pag-aaral?
d. Ano ang natuklasan sa pag-aaral?
e. Ano ang ibig sabihin ng pag-aaral?

6
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
(Pamagat)

Panuto: Balikan ang abstrak ng pag-aaral sa bahaging Balikan. Basahin at sagutin ang
bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Nilalayon ng pag - aaral na matukoy kung paano maimamapa ang iba’t ibang
kaparaanan ng pag - aatikha na nag - uugnay sa mga pagkain, inumin at ritwal sa
bayan ng Lucban, Tayabas, at Sariaya. Anong bahagi ng abstrak ang tinutukoy ng
pahayag?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral

2. Sinikap ng mananaliksik na dalumatin ang pag - aatikha sa pamamagitan ng “Social

Action Theory” ni Weber at “Forms of Resistance” ni Scott bilang batayan kung kaya
nabuo ang internal at eksternal na salik ng pag - aatikha. Anong bahagi ng abstrak
ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral

7
3. Ginamit ng mananaliksik ang kuwalitatibo - deskriptibong disenyo ng pananaliksik
at food mapping bilang metodo ng pananaliksik. Ginawang batayan ng mananaliksik
ang inclusion criteria ng lokalidad na napiling pag - aralan, pagkain, inumin at piling
tagasagot. Nagkaroon ng key informant interview at pakikipagkuwentuhan na
nakabatay sa semi - structured interview. Kaalinsabay nito ang paglalakip ng consent
form, pagsasagawa ng initial coding at pag - aanalisa ng mananaliksik sa nilalaman ng
datos. Anong bahagi ng abstrak ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral
4. Napatunayan na ang pag - aatikha ay isang pagkilos upang magkaroon sa likod ng
kawalan. Ang pagsisikap ng mga nakapanayam na inabot ang panahon ng Hapon upang
makakain at manatiling buhay; pagkakasangkapan ng mga tagalinang na matatagpuan
sa paligid upang may maipanlaman sa sikmura at ang pagsasagawa ng iba’t ibang
pamamaraan upang mairaos ang pagluluto ay nagresulta sa mga pagkain na sadyang
inihahain upang makaraos. Bilang karagdagan, ang pagtalima sa mga ritwal ng mga
tagalinang upang magkaroon na tumutugon sa pangunahing pangangailangan katulad
ng salapi ay kabilang din sa eksternal na pag - aatikha bilang salik. Anong bahagi ng
abstrak ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Metodolohiya ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Resulta ng pag-aaral
5. Sa kabuoan, ang pag - aatikha ay nagsisilbing kalakasan at paraan ng pagbalikwas
sa kahirapan o hindi pagkakapantay - pantay ng marhinalisadong pangkat ng mga tao
sa pamamagitan ng pagsisikap makamit ang kongkretong bagay o abstraktong
minimithi. Anong bahagi ng abstrak ang tinutukoy sa nabasa?
A. Paksa ng pag-aaral C. Resulta ng pag-aaral
B. Layunin ng pag-aaral D. Kongklusyon ng pag-aaral

Karagdagang Gawain

Gawain
1. Magbasa ng mga nailathalang pag–aaral sa mga artikulo sa mga dyornal (Hal. Malay,
Daluyan, Dalumat, Saliksik, Daloy, atbp.) Pag-aralan kung paano isinulat ang mga
abstrak na nabasa sa mga dyornal na ito.
2. Magsaliksik na ng kaugnay na pag-aaral hinggil sa paksang nais gawaan ng
pananaliksik na may kaugnayan sa iyong larang o track.

You might also like