You are on page 1of 21

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Konsepto/Register/
Barayti ng Wika

Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,
talumpati, mga panayam at telebisyon;
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan.
rhhjjjyuggh Naa

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Bilingguwalismo at
1 Multilingguwalismo

Inaasahan

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang maiuugnay ang mga konseptong


pangwika na matatalakay sa modyul na ito, kabilang ang bilinggwalismo at
multilinggwalismo sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon.

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood


na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at
telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation,
Mareng Winnie, Word of the Lourd).

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat kaalaman sa bawat bilang. Piliin at


isulat sa iyong kwaderno ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat
isa.
1. Tawag sa isang indibiduwal na may kakayahang makapagsalita ng dalawang
wika.
A. Monolingguwista C. Multilingguwalista
B. Bilingguwalista D. Diyalektiko

2. Kakayahang magsalita ng higit sa dalawang wika


A. Monolingguwal C. Multilingguwal
B. Bilingguwal D. Diyalektekal

3. Paggamit ng dalawang magkaibang wika sa magkahiwalay na pagkakataon


A. Monolingguwalismo C. Multilingguwalismo
B. Billingguwalismo D. Diyalektekal

4. Salik na nakaaapekto sa tao dahil sa paglipat-lipat ng tirahan na


nagbubunsod sa pagkatuto ng higit sa isang wika
A. Geographical Proximity C. Migration
B. Historical Factors D. Relihiyon

5. Paniniwalang pang-ispiritwal
A. Geographical Proximity C. Migration
B. Historical Factors D. Relihiyon

3
Balik-Tanaw

Panuto: Pagbalik-isipang sandali ang iyong mga dating kaalaman ukol sa mga
kaisipan at tuntuning pangwika. Sa iyong kwaderno, dugtungan ang
mga payahag.

1. Ang wika ay isang_________________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bilang isang Pilipino ginagamit ko ang isang napagkasunduang wika
sapagkat__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa loob ng paaralan gumagamit ako ng wikang ____________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
pati Ingles bilang alinsunod sa ____________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang bawat bata habang lumalaki ay natututong magsalita ng isang wika na


kanyang natututuhan mula sa kanyang kapaligiran. Sa pagpasok niya sa
paaralan, itinuturo ang pagsasalita ng wikang Filipino. Ayon nga sa naunang
talakayan, ang wikang Filipino ay ginagamit bilang wikang pambansa, wikang
panturo at wikang opisyal. Inaasahang ang nasabing aralin ay maliwanag na sa iyo.
Sa pagkakataong ito, panibagong aralin ang tatalakayin natin kung saan ay
sisikapin nating alamin kung bakit ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng
kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika.

Kapana-panabik ba ang ating bagong aralin?

Kung ikaw ay tatanungin, mahilig ka bang manood at makinig ng balita?


Alam mo ba na sa panahon ngayon nasisiguro kong bahagi na ito ng iyong pang-
araw-araw na pamumuhay dahil sa ating pananantili sa ating mga bahay. Kaya…
Halika na! Panoorin, pakinggan, at unawain ang nilalaman ng isang panayam mula
sa PTVph. I-click lang ang link na
ito https://www.youtube.com/watch?v=xDsXLHI6g44. Kung walang pagkakataong
maka-access sa internet, nasa ibaba ang teksto ng balita.

Kung nagbabalak kang magnegosyo, siguradong makatutulong ito sa iyo


nang malaki. Tara! Basahin natin ito nang tahimik at nang may pang-unawa.

4
Basahin natin ang ilang pahayag mula sa isang panayam kaugnay sa
isinagawang Youth Entrepreneurship Summit 2019 na pinamagatang….

Go Negosyo Pushing for Digital Entrepreneurship


YouTube –PTVph
https://www.youtube.com/watch?v=xDsXLHI6g44

Entrepreneurship advocates seeks to the youth early on to success or


survival, later on in life from this report PTV’s Mark Fetalco.

Mark Fetalco (Reporter) says, aside from studying online selling is what
keeps Erika busy because of its trending status, she chose to sells bath soap and
cosmetic products online.

Erika Mae De Guzman: (Selling Online) “Nagpopost lang po ako, tas kapag
may nagchat na customer or may kumuha ng number, meet up then
kapag nakapagdeal, doon po ako nakakabenta.”

Mark Fetalco: (Reporter) “At her young age this what motivates her to pursue
the career that she wants.”

Erika Mae De Guzman: (Selling Online) “Gusto ko po talaga maging


formulator or ano, ako po yun mismo gumagawa, so ano, sa ngayon
po nagreresell po muna ako, nag-iipon.”

Mark Fetalco: (Reporter) “Online selling is just an example of digitalization


which, “Go Negosyo”, want to teach students during the Youth
Entrepreneurship Summit 2019. It aims to broaden participants
knowledge on innovative business models to bring their skills and
entrepreneurship to a higher level.”

Joey Concepcion: (Go Negosyo Founder) “This is where a lot of a young kids
today can develop their own market platforms, they find a problem
that’s existing, and they try to find a solution.”

Mark Fetalco: (Reporter) “Different speakers share their insights on how to


maximize not only their skills but also the use of technology for the
advancement of their businesses.”

Joey Concepcion: (Go Negosyo Founder) “This allows greater access to this
young kids who are very little in capital to access the consumer thru
market platforms from the digital space.”

Mark Fetalco: “Go Negosyo asserted the importance of digitalization in helping


the government achieve its goal of inclusive growth and development.
More than 6,000 attendees participated, including the micro small
and medium enterprises, business leaders, digital players and aspiring
and existing young entrepreneurs.”

Adelle Tinag: (Student) “I’m here in this event so that I would be able to learn
something new to hopefully get inspired to become future
entrepreneurs.”

5
John Yung: (Student), “We can learn to make our own businesses not only
just being employees but as employers.”

Sa pagtatapos ng panayam, sinabi ni Erika Mae De Guzman, “Continue


lang, big dream, malaking tulong sa ating mga estudyante, which is natututo ka
na, nakakapagsave ka pa.”

Gawain 1

Panuto: Batay sa binasang mga pahayag mula sa isang teksto ng panayam sa


itaas, sagutin ang mga tanong at isulat sa kwaderno ang kasagutan.

1. Tungkol saan ang nilalaman ng panayam na inyong binasa?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Paano ito nakatutulong sa isang mag-aaral na katulad mo? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Pansinin mo ang pagbabahagi ng mga ideyang nakapaloob sa panayam.


Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Ilarawan ang mga ginamit na salita? Ilang uri ng wika ang nakita mo na
ginamit sa panayam? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 2

PAG-ARALAN NATIN:

Malaki ang epekto sa isang tao kung siya ay magpapalipat-lipat ng tirahan.


Sa kanyang pag-alis siguradong dala-dala niya ang wikang kanyang ginagamit
simula sa pagkabata. Halimbawa ang mga taga-Leyte, kapag sila ay nagpunta rito
sa Maynila hindi nila maaaring kalimutan ang wika na kanilang unang ginamit.

6
Batid natin na iba ang wika sa Maynila kung kaya’t kinakailangan nilang sumabay
sa paraan ng pakikipagtalastasan upang manatili ang pagkakaunawaan.
Maging sa aspektong pampananaliksik, upang makalap natin ang
impormasyong kinakailangan na malaman dapat ay maalam tayo sa wikang
ginamit sa pag-aaral. Kung kaya’t nararapat na aralin ang daloy ng wikang pag-
aaralan. Samantala, kapag ikaw naman ay lumipat sa ibang lugar at hindi alam
ang wikang sinasalita roon, mahihirapan kang makipag-ugnayan. Upang
malampasan ito, mapipilitan kang aralin ang wikang mayroon sa nasabing pook.
Ilan lamang ito sa mga sitwasyon kung bakit ang isang tao ay natututong magsalita
ng iba pang wika.

Panuto: Batay sa maikling teksto sa itaas, sagutin mo sa iyong kwaderno ang


sumusunod na mga tanong.

1. Anong mahalagang konsepto ang nakapaloob sa tekstong binasa?


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano nakaaapekto sa pagkatuto ng iba pang wika ang paglilipat-lipat ng


tirahan? Ipaliwanag. ________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa palagay mo ba, kinakailangan din na matutuhan ang iba pang wika gaya
ng Ingles lalo na sa pang-ekonomiyang usapin? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 3

(WATCHING TV WITH MY FAMILY)

Ngayon ay natukoy mo na ang mga dahilan ng pagkakaroon ng pagkatuto sa


pagsasalita ng dalawang wika o higit pa.

Itong susunod na gawain higit nitong mapalalawak ang iyong kaalaman sa


aralin. Halika! Gawin mo na! Sundin mo lang ang panuto tiyak na matututo ka na,
mag-e-enjoy ka pa.

Panuto: Saliksikin ang Tonight with Arnold Clavio: Aga Muhlach Parating Game
sa Walwalan sa YouTube (Link: https://www.youtube.com/watch?v=Sf4r4fNk_R8)
at kasama ang iyong pamilya/kasama sa bahay, panoorin. Pagkatapos,
sagutin at isulat sa kwaderno ang sagot sa sumusunod na mga tanong sa
ibaba:

1. Ano ang paksang pinag-usapan sa video?


2. Ano-ano ang mga karanasang binanggit ng nag-uusap sa video?
3. Suriin ang wikang ginamit ng nag-uusap, ano ang napuna mo?

7
4. Anong usaping/konseptong pangwika ang tinatalakay?

Tandaan

Bilingguwalismo

Ang bilingguwalismo ay isang penomenang pangwika na tahasan at


puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolingguwistiks. Ipinapakita rito ang
malaking ugnayan ng wika sa lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag-
ambag sa pag-unlad ng wika.

Binigyan ni Bloomfield ng simpleng depinisyon ang bilingguwalismo, aniya


ito ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang
magkaibang wika na ginagamit ng isang indibiduwal.

Multilingguwalismo

Multilingguwalismo ang tawag sa patakarang pangwika na nakasalig sa


paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinalimutan ang wikang global
bilang isang mahalagang wikang panlahat.

Kadahilanan bakit nagkakaroon ng Bilingguwal


1. Geographical Proximity- ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na
komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal
na lipunan. Ito ay dahil sa paglipat-lipat ng mga taong naninirahan dito; kung
magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
2. Historical Factors- Ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao
partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito
ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga impormasyon, napipilitan
silang pag-aralan ang ibang wika.
3. Migration- Ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng
ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
4. Relihiyon- Ang relihiyon ay nagtataglay rin ng malaking salik tungo sa
pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na
pinanatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
5. Public/International Relations- Ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-
panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito.

Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education

Ang layunin ng order na ito ay makadebelop ng isang lipunang may sapat na


kakayahan sa gamit ng dalawang wikang malawakang nagagamit sa Pilipinas.
Ingles at Filipino (na noon ay Pilipino).

8
(Alcaraz, C. et. Al. (2016). Komunikasyon at
Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon
City. Educational Resources Corporation)

Pag-alam sa Natutuhan

EYE- POST MO, NATUTUHAN MO!!!

Sa tulong ng Memo pad sa ibaba, itala ang inyong natutuhan, naramdaman at


napagtanto ukol sa araling tinalakay.

Memo Pad

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isusulat sa iyong kwaderno.

1. Ito ay itinuturing na isang penomenang pangwika kung saan ang isang


indibiduwal ay may kakayahang makapagsalita ng dalawang wika.
A. Monolingguwalismo C. Multilingguwalismo
B. Bilingguwalismo D. Sosyolingguwistiko
2. Tawag sa patakarang pangwika kung saan ang isang indibidwal ay may
kakayahang magsalita ng katutubong wika, Filipino at Ingles.
A. Monolinggwalismo C. Multilinggwalismo
B. Bilinggwalismo D. Sosyolinggwistiko
3. Natututuhan ang iba pang wika dahil sa paglilipat-lipat ng tirahan.
A. Geographical Proximity C. Migration
B. Historical Factors D. Relihiyon
4. Ang pagkatuto ng iba pang wika ay kinakailangan dahil sa pang-
ekonomikong pangangailangan.
A. Historical Factors C. Relihiyon
B. Migration D. Public Relations
5. Nakaaapekto rin sa pagkatuto ng dalawang wika ang pagkakaroon ng
dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika.
A. Geographical Proximity C. Migration
B. Historical Factors D. Relihiyon

9
Papel sa Replektibong Pagkatuto

READ BETWEEN THE LINES…

Sa iyong kwaderno, dugtungan ang pahayag…

Masasabi ko na ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay_____________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Aralin

2 Register at Barayti ng Wika

Inaasahan

Sa aralin namang ito mag-aaral na tulad mo ay inaasahang makapag-


uugnay ng mga konseptong pangwika gamit ang register at barayti ng wika sa
sariling kaalaman, maging sa pananaw at sa kanilang karanasan sa buhay.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at
mga karanasan.

Unang Pagsubok

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng barayti ng wika ang nakasaad sa bawat
pangungusap. Titik lamang ang isusulat.
1. Ang ganda ng sapatos mo, saan mo siya nabili?
A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Register

2. Ayaw kong kumain diyan, so kadiri!


A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Register

3. Naghawan ng pinagkainan ang magkapatid.


A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Register

10
4. Hey girl, ang haba ng buhok mo!
A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Register

5. Ganire pala ang buhay dine sa Maynila!


A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Register

Balik- Tanaw

Sa pamamagitan ng Venn Diagram paghambingin ang Bilingguwalismo at


Multilingguwalismo. Sikaping maibigay ang pangunahing katangiang taglay nito.

Rubrik sa Pagmamarka
Bigat ng Paghahambing 5
Kalinawan ng Ideya 5
Pagbibigay ng Halimbawa 5
Lohika 5
KABUUAN 20

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa realidad ng buhay, maraming wika ang matutunghayan sa bansang


Pilipinas, kahit pa mayroon tayong kinikilalang pambansang wika. Matutunghayan
pa rin ang pagkakaroon ng baryasyon o barayti ng wika dahil hindi lamang isang
uri ng lengguwahe mayroon ang bawat lugar sa ating bansa. Mayroon tayong
Tagalog Maynila, Tagalog Batangas, Tagalog Rizal at iba pa. Subalit ang lahat ng
ito ay pawang wika ng mga Katagalugan. Nagkakaroon ng baryasyon kahit na
pare-pareho silang mga Tagalog.

Ang aralin sa bahaging ito ng modyul ay magbubukas ng panibagong


kaalaman tungkol sa pagtalakay ng varayti at register ng wika.

11
Gawain 1
Panuto: Pag-aralan ang mga nakatalang pahayag sa bawat larawan. Sagutin ang
sumusunod na mga tanong. Isulat mo sa kwaderno ang iyong sagot.

https://www.google.com/search?q=USAPANG+BATANGUENO&tbm=isch&ved=2ahUKEwjakvXO7NPpAhUD6pQKHUWDB6cQ2cC
egQIABAA&oq=USAPANG+BATANGUENO&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6BAgAEEM6AggAOgQIABAYULzkHFjOxB1g6sgdaApwAHg
DgAH7AogBnx6SAQg5LjE3LjAuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAFA&sclient=img&ei=vULOXprAE4PU0wTFhp64Cg&bih=657
&biw=1349&hl=en#imgrc=AfUpy6TH3rlTQM

https://www.google.com/search?q=usapang+jejemon&tbm=isch&chips=q:usapang+jejemon,online_chips:text&hl=en&ved=2ah
UKEwizp56V7NPpAhUI25QKHXwmBnMQ4lYoAXoECAEQFw&biw=1349&bih=657#imgrc=6qUYW-
RHXABLuM&imgdii=MzwPSaWdY9P7OM

1. Ano ang nakapaloob na ideya sa unang larawan? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa ikalawang larawan? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
3. Pansinin ang paraan ng pagsasalita sa unang larawan, ano ang iyong
napuna?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Likas ba sa mga Batangueno ang ganitong paraan ng pananalita?


Pangatuwiranan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay ang pahayag ba sa ikalawang larawan ay sinasalita ng


isang partikular na grupo? Bakit?

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6. Gaano ka kapamilyar sa grupong kumakatawan sa pahayag na


matutunghayan sa ikalawang larawan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7. May ideya ka ba kung ano ang tawag sa ganitong uri ng pagpapahayag?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 2

MY INVESTMENT AKO FOR THE DAY

Matapos makilala ang barayti ng wika, siguradong may inani ka ngayong


araw at ito na magiging puhunan mo sa katapusan ng ating talakayan. Ibahagi ang
iyong natutuhan na maaaring magamit at i-aplay sa tunay na buhay sa
pamamagitan ng pagsusulat sa loob ng speech balloon. Maging malikhain sa
paghahabi ng mga salita.

13
Gawain 2

Panuto: Basahin mo ang usapan sa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ilalim nito. Isulat sa kwaderno ang sagot mo.

USAPANG MAGKAIBIGAN

Napadaan si Gabby sa bagong tayong restaurant ni Paula. Ganito ang kanilang


naging usapan.

Gabby: Wow naman Bes, so nice your resto! Kailan mo pa ito naitayo?
Paula: So it’s you Bes Paula! Mabuti napadaan ka, mis nakita. Isang taon na ang eatery
kong ito.
Aling Tess: Makasabat na nga, sino bang bata ire, aba, ang ganda eh!
Gabby: Siya nga po pala, si Paula po siya, ang best friend ko sa hayskul, Paula si Aling Tess,
ang mother ko!
Paula: Kumusta po? Mano po! Nagagalak po akong makita kayo!
Aling Tess: Mabuti naman, bale ba naparine ka para makita itong kainan ni Gabby?
Paula: Opo, Aling Tess, nasasabik na po akong makita siya! Gabby, paano mo naitayo itong
resto mo?

Gabby: Kasi, ganito yun, alam mo naman Bes, na pangarap ko talaga magkaroon ng eatery,
di ba? Kaya nagtrabaho ako sa Dubai, 2 years ako roon. To the max talaga ang ginawa
kong pagtatrabaho, then, nang makaipon ako, umuwi na ako, at dito na ako nagtayo ng
eatery. Sipag at tiyaga lang Bes, matutupad pangarap mo.
Paula: Tiyak malaki ang capital mo, Malaki ang investment kapag eatery ang business, di
ba? Marami ka ring manpower ano? Bawat employee ay may rights na dapat ibigay,
naibibigay mo ba?
Gabby: Of course, naman, baka mag-strike sila kapag di mo naibigay iyon!
Paula: Kumusta naman ang return of investments mo?
Gabby: Ay naku, mabuti naman! Unti-unti ko nang naibabalik sa bangko ko iyong capital
ko.
Aling Tess: Naku, mga batang ire, di matapos ang balitaan. Parine muna kayo at kumain,
eh!
Paula: Salamat po Aling Tess sa pagkain, mawiwili po akong pumunta sa restaurant ni
Gabby.
(Kagamitang panturo na hango mula sa Pandibisyong Pakitang-turo ni Mary Ann R. Catabay, Dalubguro
II, (2019), sa Senior High School- Dibisyon ng Maynila.

Umpisahan mo na ang pagsagot:

1. Isulat ang mahalagang konseptong nakapaloob sa diyalogo.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong masasabi sa paraan ng pagsasalita ng magkaibigan?

14
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Paano mo ilalarawan ang pagsasalita ni Aling Tess? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bigyan-pansin ang mga salitang mayroong salungguhit, sa anong barayti ng
wika ito nabibilang? Ipaliwanag ang sagot.____________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Tukuyin kung sa anong larangan kadalasan maririnig ang mga salitang
gaya ng: capital, investment, rights, manpower. Ipaliwanag. ______________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tandaan

Kahulugan at Barayti ng Wika

Ang barayti ay ang pagkakaiba-iba ng wika na ginagamit ng mga tao sa


bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng barayti ng wika. Una ay
permanente, para sa mga tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala
dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga
varayting permanente ay diyalekto at idyolek. Ang diyalekto ay batay sa lugar,
panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingan lugar
ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensyon, espasyo,
panahon, at katayuang sosyal.

Samantala, ang idyolek ay isang barayti na kaugnay ng personal na


kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.

Sosyolek ang tawag sa varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. May


pangkat na gustong mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya sinisikap nilang
gawin ito kahit sa paraan ng wika. (Alcaraz, C. et. Al. (2016).

Register- Maraming naghahambing ng register sa diyalekto. Ang register ay


baryasyon batay sa gamit, samantalang samantalang ang diyalekto ay batay sa
taong gumagamit.

Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring
gumamit ng iba’t ibang estilo sa kaniyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang
maipahayag ang kanyang nadarama.

Halimbawa ng ilang sitwasyon:

1. “Bibigyan kita ng reseta para sa sakit.”


Pagsusuri: Mahihinuhang doktor-sa pasyente ang usapan.
2. “Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis. Lagyan ng kaunting tubig, pakuluin,
timplahan, ilagay ang giniling, huli ang patatas.”

15
Pagsusuri: Mula naman ito sa isang resipe.
3. “Alis mantsa, alis amoy, malambot sa damit.”
Pagsusuri: isa itong adbertisment.

Pag-alam sa mga Natutuhan

ITS YOUR TIME… Pinoy’s Got Talent

Sa loob ng kahon sa ibaba, bumuo ng isang patalastas ng kahit na anong


produkto na iyong naiibigan. Sa tulong ng pagguhit, sikapin na maging malikhain
at tiyakin na kukuha ito ng interes ng mga makakikita. Isaalang-alang ang
natutuhan, kabilang ang paggamit ng barayti (angkop), at register ng wika. Lagyan
din ito ng maikling paliwanag kung bakit ito ang iyong napili. Ilagay sa kwaderno
ang iyong sagot.

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG MARKA SA NABUONG ADS
KRAYTIRYA NAPAKA- MAHUSAY DI- DI-
HUSAY GAANONG MAHUSAY
MAHUSAY
4 3 2 1
PAGKAMALIKHAIN
KAANGKUPAN SA
PAKSA
NASUNOD ANG
PANUTO
KALINISAN NG GAWA
DATING SA MADLA
KABUUANG PUNTOS

16
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang barayti ng wikang ginamit ss bawat
pangungusap. Isulat sa kwaderno ang (A) register, (B) dayalek, (C)
idyolek, o (D) sosyolek. Titik lamang.

________1. Kitang-kita sa kaniyang pagsasalita na siya’y taga-Batangas.

________2. Ito ang wikang ginagamit natin kapag kausap ang isang taong
may mataas na katungkulan na ating mga kapalagayang-loob.

________3. Tanggap siya ng grupo sapagkat alam niya ang lengguwaheng


ginagamit sa pangkat.

________4. Nagsisimula siya sa pagkukuwento gamit ang salitang “bale”.

________5. “Ikaw baga, Ineng ay magluto nireng ulam na ito?”

________6. “Bes, iba talaga ang peg mo, sosyal!”

________7. Ginagamit niya ang salitang “siya” sa halip na “ito” sa


pagtukoy sa mga bagay.

________8. Magkaiba ang lengguwahe ng doktor ng medisina sa doktor ng


pilosopiya ng edukasyon.

________9. Pormal o indibidwal na wika ito ng bawat tao.

________10. “Bibira ako bukas!” wika ng kausap kong taga Angono Rizal.
Takot ko. Iyon pala, babalik siya sa amin bukas.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Tiyak na marami kang natutuhan sa barayti at register ng wika. Upang


mapagtibay ito, ibahagi mo ang naging repleksyon mo sa iyong sarili, ang iyong
pananaw at karanasan ukol sa araling tinalakay. Isama sa gawaing ito ang iyong
pamilya na magbahagi ng kanilang pananaw at karanasan ukol sa baryasyon ng
wika. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

REPLEKSYON
-sarili, pananaw, karanasan

17
Sanggunian

Alcaraz, C. et. Al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior


High School. Quezon City. Educational Resources Corporation
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Batayang Aklat. Quezon City. Vibal Group Inc.
https://www.google.com/search?q=USAPANG+BATANGUENO&tbm=isch&ved=2ahUKEwjakvXO7NPp
AhUD6pQKHUWDB6cQ2cCegQIABAA&oq=USAPANG+BATANGUENO&gs_lcp=CgNpbWcQAzo
CCCk6BAgAEEM6AggAOgQIABAYULzkHFjOxB1g6sgdaApwAHgDgAH7AogBnx6SAQg5LjE3LjAu
M5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAFA&sclient=img&ei=vULOXprAE4PU0wTFhp64Cg&bih
=657&biw=1349&hl=en#imgrc=AfUpy6TH3rlTQM
https://www.google.com/search?q=usapang+jejemon&tbm=isch&chips=q:usapang+jejemon,online_
chips:text&hl=en&ved=2ahUKEwizp56V7NPpAhUI25QKHXwmBnMQ4lYoAXoECAEQFw&biw=
1349&bih=657#imgrc=6qUYW-RHXABLuM&imgdii=MzwPSaWdY9P7OM
https://www.youtube.com/watch?v=xDsXLHI6g44
https://www.youtube.com/watch?v=Sf4r4fNk_R8

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann R. Catabay MTII
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V-Tagapamanihalang Pansangay
ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa
ADM

18
Susi sa Pagwawasto
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan-Ikalawang Linggo
Modyul 2

Aralin 1
Gawain 1:

1. Ang panayam ay tungkol sa paglulunsad ng digitalization na pamamaraan


ng pagnenegosyo.
2. Nabibigyan sila ng mga makabagong ideya kung papaano mapapaganda at
mapapaunlad ang negosyo gamit ang teknolohiya.

Unang Pagsubok Balik Tanaw


Pangwakas na
1. Arbitraryo, Pagsusulit
1. B masistema,
2. C tunog 1. B
3. B 2. Magkaunawaan 2. C
4. C 3. Filipino 3. C
5. D 4. Saligang Batas 4. D
ng 1987 5. A

3. Nagbahagi ang mga


nakapanayam ng kanilang natutuhan mula sa isinagawang Youth Summit
kung papaano ito makakatulong sa kanila bilang young entrepreneurs.
4. Ang mga salitang ginamit ay nasa antas teknikal. Natunghayan sa panayam
ang paggamit ng dalawang uri ng wika upang makapaglahad ng maayos na
pakikipagtalastasan, ang Ingles at Filipino.
Gawain 2:

1. Nakapaloob sa teksto ang konsepto tungkol sa kung papaano nagkakaroon


ng bilinggwalismo.
2. Nakakaapekto ito sa pamamagitan ng pag-adapt sa wika ng mga kalapit na
lugar, sapagkat kinakailangan matutuhan ito upang mapanatili ang
magandang ugnayan.
3. Oo, nararapat sapagkat karamihan sa pan-ekonomikong usapin, Ingles ang
pangunahing wika sa pakikpagnegosasyon lalo na’t mga dayuhan ang
kausap.
Gawain 3:

1. Ang paksang pinag-usapan sa video ay ukol sa mga karaniwang


karanasan sa buhay ng isang celebrity.?

2. Pagpasa-load, pagkain ng bahaw, at iba pa

19
3. Gumamit ng mga pahayag na nasa Filipino, at may magkahalong Filipino at
Ingles.

4. Mga konseptong pangwika ukol sa paggamit ng dalawang wika sa


pagpapahayag.

Aralin 2

Balik Tanaw Pangwakas na


Unang Pagsubok
Pagsusulit
Ang pagmamarka ay
1. B batay sa rubriks 1. B 6. D
2. C
2. D 7. C
3. B
3. D 8. A
4. C
4. C 9. C
5. D
5. B 10.B

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)


1. Kung anong pag-uugali mayroon ang mga Batangueno.
2. Ang ideyang nakapaloob naman sa ikalawang larawan ay tungkol sa
pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang kasintahan.
3. May punto ang paraan ng pagsasalita sa unang larawan samantalang sa
ikalawang larawan naman ay jejemon ang wikang ginamit.
4. Oo, likas sa kanila ang ganyang uri ng pananalita, dahil may punto sila
kung magsalita, subalit nasa anyong Tagalog pa rin ang kanilang
lengguwahe.
5. Oo, ito ay sinasalita ng grupo ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon,
na nabubuo ang isang pagkakaunawaan gamit ang jejemon words.
6. Ang ganitong pahayag o wikang ginamit ay sinasalita ng partikular na grupo.
7. Ito ay tinatawag na jejemon, sinasalita ng isang grupo ng mga kabataan.

Gawain 2:

1. Ang mahalagang konseptong nakapaloob sa diyalogo ay ang


pagkukumustahan ng dalawang magkaibigan na matagal tagal din hindi
nagkita.
2. May pagkasosyal ang paraan ng pagsasalita ng magkaibigan.
3. Si Aling Tess ay gumagamit ng mga salitang parine, bale at iba pa,
mga salitang ginagamit ng isang partikular na diyalek o lengguwahe.
4. Iba’t ibang varayti ng wika ang mga salitang may salungguhit,
mayroon sinasalita na angkop sa partikular na grupo (sosyolek),
makikita ang legguwaheng ginagamit sa isang lugar sa lalawigan
(dayalek, mayroon din sariling kakanyahan sa pagsasalita (idyolek) at
mga salitang maituturing na terminong ginagamit sa pagnenegosyo
gaya ng capital (register).

20
5. Ito ay mga salitang ginagamit sa larangan ng pagnenegosyo. Sapagkat
ito ay kadalasang maririnig sa mga negosyante o aralin sa
pagbubusiness.

Gawain 3 (Pagkamalikhain)

(Ang pagbibigay ng marka ay nakabatay sa rubriks)

21

You might also like