You are on page 1of 9

DATAMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY

DOOR C, ADM BLDG., AWAYAN, POBLACION III CARCAR CITY, CEBU


_____________________________________________________

LEARNING MODULE
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
KULTURANG PILIPINO
SUBJECT

QUARTER 1

WEEK 5

_____________________________________________
NAME OF STUDENT/GRADE LEVEL

MR. MARK ANDRIS R. GEMPISAW


SUBJECT TEACHER Senior

ALAMIN

1
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na
masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin
gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa araling ito, ang
iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili
ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo
na.

MODYUL 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Markahan:Unang Linggo:5th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang gamit ng wika sa lipunan. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki
upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga gamit ng wika sa lipunan. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan
ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong
komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

a. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan
(F11WG-le-85)
b. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ( F11EP-le-31 )

2
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang
tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat
malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung
natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral.
Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang
linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito
gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat
aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel
o notbuk.

ARALIN 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Sa nakaraang aralin natutunan mong ang paggamit ng wika sa


pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o
natatangi lamang sa tao.Makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop ang magiging malikhain ng wika.
Sa araling ito ay naglalayong ipadama sa iyo kung gaano kaimportante ang
pagkakaroon ng abilidad na magamit ang wika tungo sa pakikipag-ugnayan.

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

3
https://www.google.com/search?q=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj27ezykavqAhXpxosBHVLvAiIQ2 -
cCegQIABAA&oq=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQGDoECAAQHlCwIlj_RWCfV2gAcAB4AIAB4gGIAa8RkgEGMTcuMy4xmAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=xgb8XvbyAemNr7wP0t6LkAI&bih=677&biw=1499&hl=en#imgrc=hNaIcNkzJZLxB M

B. SURIIN

Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference)

Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nagpapatungkol sa


mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga
salita.

HALIMBAWA:

Para sa lugar/ bagay/hayop:

Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na nakain
ko, matapos ang ilang buwan.

4
Sa Luneta tayo unang nagkita , dito kita unang nakilala.

Para sa tao / hayop: sila, siya, tayo, kanila, kaniya


Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa magkakapatid.
Ang pamilya nilang Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila ang
condominium na tinitirahan natin ngayon.

Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa dalawa na


nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:

1. Anapora 2. Katapora

Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan


sa unahan.
Halimbawa:
Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.

Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng iyong


anak.
Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay mahusay.

Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangalan sa hulihan.

Halimbawa:
Siya’y hindi karapat – dapat na magtaglay ng aking apelyido , si Pedring
ay kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?

Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –


halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang
paguugnayan. Tiyaking ang cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos
na mabuo ang pangungusap.

C. PAGYAMANIN

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

5
Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan.
Mahalaga ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga
graphic clip ang gamit ng wika sa lipunan.

PANG-INTERAKSYUNAL

Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat

Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan


is
 Pangungumusta, pag-anyayang
PANGH EU RISTIKO  Imbitasyon sa Commented [Ma17]:Pakisuri sa baybay
an
kumain, pagtanggap ng bisita okasyon(kaarawan,
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos. g
sa bahay, pagpapalitan ng biro anibersaryo, programa
sa
Pasalita at marami pang iba Pasulat paaralan)

Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at


pakikipanayam Disertisyon

PANGPAN G REPRESEN TA
-INSTRUMENTAL NATIBO
GAMIT Commented [Ma18]:
Commented
Pakisuri kung ano ang tamang
[Ma13]:Pakilagyan ng gitling sa gitna
salitang gagamitin
Katangian:ng Pang
Katangian Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o
-instrumental:
sagisag
Tumutugon sa mga panga ngailangan. Nagpapahayag ng pakikiusap , Commented [Ma14]:Pakisuri sa pagkakabuo ng kataga
pagtatanong,
Pasalita at pag -uutos Pasulat
Paraang Pasalita
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig Paraang Pasulat Patalastas, at Paalala
Mga Anunsyo,
sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o
Pakikitungo, pangangalakal, pag -uutos Liham pangangalakal
Paligid

PANG-IMAHINASYON

Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa


wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang
kanyang damdamin.

Pasalita Pasulat

Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang Pampanitikan


Teatro

PANREGULATORI NA GAMIT
PAMPERSONAL
Katangian: Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opiny on Commented [Ma15]:Isalin sa Filipino ang salita
Pasalita Pasulat
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar,
Pormal o di pormal na talakayan,
panuto/direksiyon,Paalaala Epanuto
ditoryal osaPangulong Tudling
pasusulit , Liham sa ng
at paggawa Commented [Ma16]:Gawing Filipino ang baybay
debate o pagtatalo isang bagay, tuntunin sa batas
Patnugot, Pagsulat ng Suring na
-basa,
ipinapatupad
Suring Pelikula o anumang Dulang -
Pantanghalan

6
- Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016) Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang
gamit ng wika batay sa pag-aaral ni M.A.K. Halliday at Roman Jakobson, tiyak na iba na
ang persepsyon mo sa wika. Hindi lamang ito instrumento sa araw - araw na pakikipag –
ugnayan kundi isang daan sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Ngayon ay napatunayan mo na sa iyong sarili na tunay ngang


mahalaga ang kaalaman ukol sa gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan. Sa ayaw at sa gusto mo, tungkulin ng wika na ikaw ay
pagalawin upang makipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo sa
araw-araw na pamumuhay. Magiging daan ito upang mapaunlad mo ang
iyong sarili sa iba’t ibang larangan na nais mong tahakin sa buhay. May
mga pagkakataong kinakailangan mong kumalinga sa kapwa na dumaranas
ng kalungkutan at ang husay mo sa paggamit ng wika ang siyang maging
kaagapay mo upang mapahinahon ang kanyang damdamin.
Ayon kay Jocson ( 2016-pp90), ang wika ay nakabatay sa ating kultura ,
saan man tayo paparoon ay lagi nating bitbit ang kaalaman na ito at maaari
pang maimpluwensyahan mula sa iba pang kultura.

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat pangungusap.

1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan

a. anapora b. katapora

c. kohesyong gramatikal d.pananggi

2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan

a. kohesyong gramatikal b. anapora

c. pamanahon d.katapora

3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.

a. wika b. text message c. social media


d. sign language

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon, lalong mahalaga ang wikang pambansa?

a. kausap ang ina sa telepono

b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan

7
c. naliligaw ng daan

d. nanonood ng balita

5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya, anong wika ang iyong


gagamitin ?

a. Lingua Franca b. Wikang Filipino

c. Wikang Ingles d.Unang Wika

6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang estasyon ng pulis.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

7. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang jeep na sasakyan n’ya kung saan s’ya bababa at
kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa estasyon ng pulis.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya ng
maiinom.

a.Instrumental b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa


Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa
tagumpay.

a. Interaksiyon b.Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hinggil sa parating na malakas na bagyo.

a. Representatibo b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresinta bilang isang bank teller.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Hueristiko d. Regulator

13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang pagkabahala sa
pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.

a. Representatibo b. Personal

c. Heuristiko d. Regulatori

8
15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y nagbatian ng
Hi at Hello!

a. Instrumental b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Bernales, Rolando A., Garcia, Lakandufil, C.,Abesamis Norma, R., Villanueva, Joey
M., Cabrera , Honorato I. Jr., Jara, Regina G.,at Ornos Petra S.
Komunikasyon sa Makabagong Panahon. # 6 Baltazar St. Pacheco
Village, Balubaran , Valenzuela City :Mutya Publishing House Inc.2002.
Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan B.Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.856 Nicanor Reyes Sr. St
Sampaloc, Manila:Rex Bookstore, Inc. 2016

You might also like