You are on page 1of 5

BAGA, JASMIN HUMSS111-C LUALHATI BAUTISTA (ABLE STUDENT)

SLG No. 5: Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Subject Code/Number: Core02
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Nakalaang Oras: Dalawang Linggo

IV: Mga Aktibidad sa Pansariling Pagkatuto

Gawain 1:_________________________________________________________________________________
(Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag- unlad ng Wikang
Pambansa)

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangyayari at tiyakin kung ano ang naging sanhi o ano ang
ibinunga nito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

A 1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong
malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika?
A. Nahirapan makipagkalakalan ang ating mga ninuno.
B. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
C. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
A 2.Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa- ang baybayin.
Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila dito?
A. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nila buwagin ang simbolo ng
pagkakaisa ng mga ito.
B. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila magkakaunawaan kung ito ang
gagamitin.
C. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang ito sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
A 3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan. Ano ang sanhi nito?
A. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapapalaganap nilaang pananampalataya kung wikang
nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
B. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang wika.
C. Nagduda ang mga Espanyol sa kakkayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.
A 4. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ano ang
ibinunga nito?
A. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-ugnayan sila sa
mga katutubo.
B. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
C. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
C 5. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang” isang bansa, isang diwa”?
A. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog.
B. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
C. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila.

IV: Pagtataya

Gawain 1:________________________________________________________________________________
Pagtutukoy

Panuto: Lagyan ng nakangiti☺ ang patlang kung ang pangungusap ay TAMA, nakasimangot naman kung
ang pangungusap ay MALI ☹.

:) 1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino sang-ayon sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987.
:) 2. Si Henry Gleason ang linggwista at propesor sa nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang
masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
:( 3. Si Charles Darwin ang dating kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang
pangkagawarang nagsasaad na mula sa Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating wikang
pambansa.
:) 4. Wikang tagalog ang naging batayan sa pagpili ng wikang pamabansa.
:) 5. Nakasaaad sa Artikulo IV seksyon 6 na kung saan ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles

Gawain 2:_________________________________________________________________________________
Pagbuo ng Timeline

Panuto: Bumuo ng isang timeline ukol sa naging kaganapan sa pagbuo ng wikang pambansa.
Kailangang nakakikitaan ito ng tamang pagkakasunod- sunod. Gawing malikhain sa pagbuo nito.
(Gawing gabay ang ibinigay na rubric)

1934
Dahilan sa pagkahiwa hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging
pagksang mainitang pinagtalunan, pinag isipan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyonal.

1935
Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

1937
Kautusang tagaganap blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap.
1940
2 taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap blg 134, nagsimulang ituro ang Wikang
Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.

1946
Sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa bansa
ay Tagalog at Inglis.

1959
Pinalitang ang tawag sa Wikang Pambansa, tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ang
Kautusang Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero

1972
Nagkaroon ulit ng mainitang pagtatalo sa Kombensiyong Konstitusyonal noong 1972 kaugnay sa usaping
pang wika.

1987
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory
Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.

V. Pagpapapalawak ng kaalaman

Gawain 3:________________________________________________________________________________
Pagbuo ng sanaysay

Panuto: Pumili ng isang partikular na yugto sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Bumuo ng isang
sanaysay at isulat ito sa short bondpaper.

Ang nangibabaw na yugto ng Kasaysayan na may kinalaman sa Wikang Pambansa ay ang pag talaga
kay Manuel L. Quezon (Ama ng Wikang Pambansa) bilang presidente ng Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng mga Amerikano.
V. Talasanggunian

Aklat:
Montera, Godfrey. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ( Manual )

Websites:
https://www.slideshare.net/margielynaninon/panahon-ng-hapon-65691176
https://www.zenrooms.com/blog/post/kasaysayan-ng-pilipinas/
https://www.slideshare.net/ProfDale/mga-impluwensya-ng-mga-dayuhan

You might also like