You are on page 1of 19

Kalagayang

Pangwika sa
Kulturang Pilipino
Modyul ng Mag-aaral sa Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino

Ikalawang Markahan ● Modyul 3

MARY ANN R. ARUENO


Developer
Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: _______________________ PANGKAT AT BAITANG: _____________


GURO: ________________________________ ISKOR: ______________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
DIBISYON NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD BAGUIO
No. 82 Military Cut-off Road, Lungsod ng Baguio

Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2020

Nakasaad sa Atas ng Pangulo Blg. 49, Seksiyon 9 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan


ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng
ahensiya ng pamahalaang lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha
upang pagkakitaan.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12


Curriculum sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng
mga Paaralan ng Lungsod Baguio - Curriculum Implementation Division
(CID). Maaari itong kopyahin para sa layuning edukasyonal na may
pagkilala sa mga pinagkunan at paghingi ng pahintulot sa nagmamay-ari
nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang
ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo
o pagkakakitaan.
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation


Division, partikular ang Learning Resource Management and Development
Unit, Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng mga Paaralan ng Lungsod
Baguio bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12 Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino.

Petsa ng Pagkakagawa : Setyembre, 2020

Lokasyon : Dibisyon ng mga Paaralan ng Lungsod Baguio

Asignatura : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino

Baitang : Senior High School (Baitang 11)

Uri ng Materyal : Modyul

Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Ikalawang Markahan/Ikatlong Linggo

Kasanayang Pampagkatuto/ Most Essential Learning Competencies :

F11 WG -IIc -87 Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na
ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon. (Hal: medisina, abogasya, media, social
media, enhinyeriya, negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng
mga terminong ginamit sa mga larangang ito.

F11 PU -IIc -87 Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang


pangwika sa kulturang Pilipino.
PASASALAMAT

Nais maghayag ang manunulat ng walang hanggang pasasalamat sa


mga sumusunod: sa Education Program Supervisor ng Filipino na si Gng.
Marilyn S. Apiit, sa kaniyang pamumuno sa proyektong ito, pagbibigay ng
pagkakataon sa mga guro sa Kagawaran ng Filipino na makagawa ng mga
modyul, at walang sawang gabay sa bawat hakbang upang mabuo ang
materyal na ito. Maraming salamat din sa kaniyang kaguro sa Magsaysay
National High School sa suporta sa manunulat kay Gng. Elvira B. Bandong,
MT-1 Filipino.

Higit na taos-pusong pasasalamat sa makapangyarihang Diyos na


Siyang nagbigay ng lakas ng loob at walang kapantay na pagmamahal
tungo sa matagumpay at maluwalhating pagkakabuo ng modyul na ito.

Development Team
Author/s: Mary Ann Rimorin-Arueno
Editor: Hilda C. Dawayen
Illustrator: Brian Jacobe (cover art)
School Learning Resources Management Committee
Lucia T. Casim School Principal
Crislyn Joy T. Capan School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Marilyn S. Api-it EPS – Filipino

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor– CID

SORAYA T. FACULO, Ph.D.


Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
PAHINANG PANAKIP……………………………………………………………………….i
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI ........................................................ ..ii
PAUNANG SALITA ................................................................................................... iii
PASASALAMAT........................................................................................................ iv
TALAAN NG NILALAMAN ......................................................................................... 1
Alamin ...................................................................................................................... .2
Balikan ....................................................................................................................... 6
Gawain A: Di-berbal na Komunikasyon………………………………………….. 6

Gawain B: Epektibong Komunikasyon….............................................................. 6


Tuklasin ..................................................................................................................... 6
Gawain 1. Bangkong kaalaman….......................................................................... 6
Gawain 2. Tukuyin Mo …………………………………………………………………
Suriin ......................................................................................................................... 7
Gawain 1: Tama o Mali ...................................................................................... 8
Gawain 2: Pangkat Ko, Ihanap Mo .................................................................... 8
Pagyamanin .............................................................................................................. 9
Gawain 1: Salita Ko, Tukuyin Mo Propesyon Ko: Alamin Mo .......................... 9
Gawain 2: Propesyon Ko: Alamin Mo ............................................................... 9
Isagawa ................................................................................................................... 10
Gawain : Magsulat Ka ...................................................................................... 11
Tayahin .................................................................................................................... 12
SUSI SA PAGWAWASTO ....................................................................................... 14
TALASANGGUNIAN ............................................................................................
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto. Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga
hakbang na dapat mong sundin.
1. Tunghayan ang talaan ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang
magkaroon ng hinuha sa mga kaalamang dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang
mga ito ay batay sa Pamantayang Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap at
mga Kasanayang Pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutan ang Paunang Pagtataya. Ang iyong iskor ang magtatakda ng lawak
ng kaalaman sa araling saklaw ng modyul na ito. Kung ikaw ay makakakuha
ng 100% na tamang sagot, maaari ka nang kumuha ng susunod na modyul.
Kung hindi naman ay kinakailangan mong balikan ang mga naitakdang gawain
sa modyul na ito.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. May mga layuning dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral at sa
tulong ng modyul na ito, inaasahang mapaghusay ang bunga ng iyong
pagkatuto.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, gawin ang pansariling pagwawasto upang malaman
ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang tamang sagot
sa mga tanong, balikan ang saklaw na mga aralin/gawain. Sa ganitong paraan,
magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi
makasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa halip
ay dapat mong maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.
7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng
Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng pagunawa
hinggil sa aralin.
IKALAWANG MARKAHAN - IKATLONG LINGGO
Aralin 3: Kalagayang Pangwika sa Kulturang Pilipino

MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Magandang araw sa iyo!

Una sa lahat, binabati kita dahil sa iyong pasya na magpatuloy sa pag-aaral


sa kabila ng mga pagsubok na iyong pinagdaraanan sa panahong ito.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa inyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan.

Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:

Kasanayang Pampagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:

F11 WG -IIc -87 Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na
ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon. (Hal: medisina, abogasya, media, social
media, enhinyeriya, negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng
mga terminong ginamit sa mga larangang ito.

F11 PU -IIc -87 Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang


pangwika sa kulturang Pilipino.
Balikan
Subukin nating sukatin ang lawak ng iyong pagkatuto gamit ang modyul na ito batay
sa nakaraang paksa. Basahin at unawain ang mga hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

GAWAIN A: DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung


anong uri ng di-berbal na komunikasyon ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang
letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

____ 1. Ang panlilisik ay nangangahulugang galit at ang pamumungay ay


nangangahulugang nang-aakit.
A. Kinesika (Kinesics) C. Ekspresyon ng mukha (Pictics)
B. Galaw ng mata (Oculesics) D. Vocalics
____2. Kadalasan ito ay nagpapakita ng emosyon at nahihinuha natin ang
nararamdaman ng isang tao.
A. Vocalics C. Galaw ng mata (Oculesics)-
B. Ekspresyon ng mukha (Pictics) D. Kinesika (Kinesics)
____ 3. Tinutukoy nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang
nagbibigay linaw sa berbal na komunikasyon.
A. Galaw ng mata (Oculesics) C. Ekspresyon ng mukha (Pictics)
B. Vocalics D. Kinesika (Kinesics)
____ 4. Ito ay ang pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid
ng mensahe gaya ng pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, o pagpisil.
A. Pandama o Paghawak (Haptics) C. Chronemics
B. Proksemika (Proxemics)- D. Kinesika (Kinesics)
____ 5. Ito ay ang pag-aaral sa mga simbolong ginamit na may mensaheng
ipinababatid tulad ng lakbayin sa mga pook at palatandaan sa mga daan.
A. Simbolo (Iconics) C. Vocalics
B. Chronemics D. Kinesika (Kinesics)
GAWAIN B. EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
PANUTO: Tukuyin ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong Komunikasyon
ayon kay Dell Hymes. Isulat ang letra ng ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Setting B. Participant C. Act Sequence

D. Ends E. Keys F. Genre

_____1. Ito ang diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o


nangangatwiran
____2. Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ng mga tao
____3. Takbo o daloy ng usapan na kung minsan ay nag-uumpisa tayo sa mainit na
usapan at kapag mahusay ang pakikipag-usap ay madalas ito humahantong sa
mapayapang pagtatapos.
____ 4. Layunin o pakay ng pakikipagtalastasan na dapat bigyan ng konsiderasyon
ang pakay o layunin ng pakikipag-usap.
____ 5. Ang mga taong nakikipagtalastasan

Tuklasin
GAWAIN 1. BANGKONG KAALAMAN
Subukin natin ang iyong imbak na kaalaman ukol dito. Ayusin ang ginulong mga
letra upang mabuo ang barayti ng wika.
__________________ 1. KELIDOY ___________________ 4. EKTLNOE
__________________ 2. AAEDYLK ___________________ 5. KLKOEE
__________________ 3. SSYLKOOE
GAWAIN 2. TUKUYIN MO
Batay sa naibigay ng mga halimbawa tukuyin mo kung anong barayti ng wika ang
mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. “May allergy ako” sinasabi ng may kaya sa buhay, “May galis siya” ito ang
sinasabi ng mga salat sa buhay. _________________________________________
2. “Handa na ba kayo” sinasabi ni Korina Sanchez sa kanyang programang Rated
K. _________________________________________________________________
3. “Buenas dias kumadre” bati ng ale sa kanyang kumare. ____________________
4. “watwat”- salita ng Cordillera na tumutukoy sa inasinang karne na binibigay sa
mga dumalo sa okasyon. ______________________________________________
5. “Ikaw ingat lagi”- (Ikaw ay mag-iingat palagi) _____________________________

Suriin

REGISTER NG WIKA
Mula sa mga naunang gawain mapapansin mo na kahit sa parehong
sitwasyon kung saan mo nakita ang iyong kakilala ay hindi pareho ang paraan ng
iyong pagbati at pag-uusap. Ito ay dahil sa tinatawag na register at barayti ng wika.

Sinasabing ang wika upang ituring na buhay ay bukas sa pagpasok ng mga


bagong salita ayon sa pangangailangan ng panahon. Ayon nga sa isang kasabihan
sa Ingles: “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng
pagkakaiba-iba sa wika ay hindi makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang
proseso ng pag-unlad at pagyabong, isang magandang pangyayari sa
pagpapayaman sa wika. Ayon kay Pamela Constantino (2002), “mahalaga ang
pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa”. Naniniwala siyang
may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa lipunan at ang lipunan ay isang
masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika
ay nagpapahayag ng espiritu/ kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa
lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10)
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng
mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na
maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang
larangang pinaggamitan nito na tinatawag na register ng wika.

Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register. 

 isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)


 pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
 pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
 pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan
(sikolohiya)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi ipa
gkamal i ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito.
May mga akronim tayo tulad ng CA na ang kahulugan sa medisina ay
cancer, calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at
Civil Aeronautics sa kursong Aeronautics, Chartered Accountant, Chief
Accountant sa Accounting, Chronological Age, Coast Artillery, at Consular
Agent.

Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o


pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking),
pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkinan ng babae
(science), pagtigil o agpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin
(komunikasyon).

Mga karaniwang terminolohiya o salita na ginagamit sa iba’t ibang larangan.


Mga termino sa medisina
1. allergy- isang problema tulad ng pangangati, pagbahing pamamantal o
pagbubutlig at minsan kahirapang huminga.
2. eksaminasyon- ang pagtingin, pakikinig o pagdama ng isang healthworker,
nurse o doktor sa mga bahagi ng katawan para malaman kung ano ang problema.
3. operasyon- kapag gumawa ang doktor ng hiwa sa balat para magkumpuni
ng pinsala sa loob o baguhin ang paggana ng katawan.
4. pulso- ang tibok ng puso na nagsasabi kung gaano kabilis at kalakas
nagtatrabaho ang pulso.
Mga termino sa abogasya
1. affidavit- isang kasulatan na pinatunayan ng isang pagsasang-ayon na
maaaring gawing ebidensya sa korte.
2. estafa- pangloloko, isang kasalanan sa batas kung saan niloloko ng isang
tao ang ibang tao sa pamamagitan ng pang-aabuso sa tiwala.
3. reclusion perpetua- isang kaparusahang ipinapatong sa mga sala kung
saan makukulong siya nang panghabambuhay.
4. habeas corpus- isang kasulatan kung saan kinakailangan dalhin ang isang
tao sa korte at ipaliwanag kung bakit ipinipilit ang isang tao.

Mga termino sa negosyo


1. balance sheet- buod ng ari-arian, pagkakautang, at tarong sa loob ng isang
panahon.
2. puhunan- salapi, yaman, o pag-aari ng isang tao o kapisanan na kadalasang
ginagamit sa pagtatayo ng negosyo.
3. cash flow/ daloy o takbo ng salapi- kabuuan ng kinita at gastos ng isang
indibidwal o institusyon sa loob ng isang panahon.
liabilities/ pagkakautang- salapi o gawaing obligasyon ng isang taong ibalik sa
isang institusyon.
4. cash flow/ daloy o takbo ng salapi- kabuuan ng kinita at gastos ng isang
indibidwal o institusyon sa loob ng isang panahon.
5. liabilities/ pagkakautang- salapi o gawaing obligasyon ng isang taong ibalik
sa isang institusyon.

Mga termino sa computer science


1. code- ginagamit sa programming nasusulat ang mga codes sa mga iba’t
ibang programming languages.
2. data- mga impormasyon sa programming.
3. editor- isang program na saan ka pwede iedit iyong ibang programs.
4. script- isang lista ng mga commands sa isang program

Barayti Ng Wika
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng
wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin,
masaya man o malungkot.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon,
edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon
nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga
indibidwal.

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita


na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang
salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin
ay wikain.
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Pangasinan = Bakit ei?
3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang
barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang
mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi
nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito
ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay
binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng
dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Umaasa
lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang
halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang
espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng
dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga
taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

GAWAIN 1. TAMA O MALI

Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
__________ 1. May partikular na wikang ginagamit sa iba’t ibang larangan tulad sa
abogasya, medisina, at social media.
__________2. Ang barayti ng wika ay nababatay sa lokasyon, propesyon at grupo
ng isang indibidwal.
__________3. Ang wikang ginagamit ng isang indibidwal ay sumasalamin sa
kanyang kultura.
__________4. Sa paggamit ng wika sumisimbolo ng pagkakakilanlan ng isang tao.
__________5. Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika dahil dito nagkakaroon
ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao.

GAWAIN 2. PANGKAT KO : IHANAP MO


Basahin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Pangkatin o ihanay ayon sa
larangan kung saan ginagamit ang mga salita.

puhunan kalakal batas senado pamahalaan


pamilihan produkto korte enrollment class record
pagsusulit akademiks mitolohiya sanaysay maikling kuwento

LITERATURA EDUKASYON POLITIKA EKONOMIKS


Pagyamanin
Napag-alaman mo ngayon ang register at barayti ng wika alam mo ba na sa bawat
propesyon ay may tiyak na tawag sa binibigyang serbisyo. Masusukat ang iyong
kaalaman sa susunod na gawain.

GAWAIN 1. SALITA KO : TUKUYIN MO

Tukuyin mo kung anong larangan ginagamit ang mga salitang


nasalungguhitan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. negosyo D. medisina

B. abogasya E. edukasyon

C. kompyuter F. politika

1. Sa susunod na buwan ay isasagawa ang operasyon sa kanyang mata upang


maalis ang catarata nito.
2. Malaki ang naging puhunan niya sa kanyang pinatatayong negosyo.
3. May hearing ang abogado sa kanyang kliyenta mamaya.
4. Magkakaroon kami ng eksaminasyon sa aming klase sa susunod na buwan.
5. Nakalimutan ko ang password kaya hindi ko mabukasan ang program sa aking
kompyuter.

GAWAIN 2. PROPESYON KO : ALAMIN MO


Tukuyin ang mga hinihinging salita batay sa talahanayan sa ibaba tungkol sa
propesyon/larangan at tawag sa binibigyan ng serbisyo.

Propesyon o larangan Tawag sa binibigyan ng serbisyo


Halimbawa : abogado kliyente
1. doktor at nars
2. Estudyante/ mag-aaral
3. tindero/ tindera
4. parokyano
5. drayber/ kondoktor
Isagawa (PERFORMANCE TASK)
Basahin mo ang tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino.

PAGDATING NG PANAHON
Ni : Mary Ann R. Arueno

Kapansin-pansin sa panahon ngayon na maraming mga nasa murang edad


ay bihasa sila sa pagsasalita ng wikang Ingles. Kapag kinakausap sila ng kanilang
magulang ang gamit ay wikang banyaga, may impluwensiya rin ang social media
kaya ang bata ay mas bihasang magsalita sa Ingles kumpara sa wikang Filipino.
Pagtuntong sa paaralan ang mga bata ay makikisalamuha sa kanilang kaklase
na may iba’t ibang dayalektong ginagamit. Dito sila namumulat sa ibang wika,
kaakibat ng asignaturang Mother Tounge kung saan lalong natututo ang bata sa
ibang diyalekto na sariling atin.
Ang wikang Filipino ay hindi pahuhuli sa banyagang wika sapagkat itinuturing
na intelekwalisadong wika. Ibig sabihin nito ay ginagamit na rin sa paaralang
pangka-ademikong talakayan tulad ng pagsasagawa sa tesis, sa disertasyon, sa
larangan ng medisina at sa iba pa. Patunay lamang na hindi nga pahuhuli ang ating
wikang Filipino.
Ayon sa talumpati ni Dr. Arthur Casanova tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino na ginanap sa birtuwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020 sa
Baguio City National Science High School. Anya ʺmayroong 130 na wika ang ating
bansaʺ. Sa mga wikang ito hinihikayat niya na tumulong tayo sa pagpapareserba sa
katutubong wika lalong- lalo na tayong na nasa Cordillera na maraming katutubong
wika. ʺIsulong ang paggamit ng Wikang Filipinoʺ dagdag pa niya.
Ang mga batang gumagamit ng wikang banyaga sa kanilang musmos na
edad, pagdating ng panahon babalik pa rin sila sa wikang FIlipino sapagkat
napakasaya ang magpahayag ng damdamin sa sariling atin.

GAWAIN : KAALAMAN MO, IBAHAGI MO!


Sumulat ng talata na nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino. Isulat sa sagutang papel.

Pamantayan sa Pagsulat ng Teksto


Mga dapat isalang-alang sa gawain

Kraytirya Napakasuhay (10) Mahusay (8) Nalilinang (6) Nagsisimula (5)


Nilalaman Nakapaglalahad ng Nakapaglalahad Nakapaglalahad Nakapaglalahad
apat na kalagayang ng tatlong ng dalawang ng isang
pangwika. kalagayang kalagayang kalagayang
pangwika. pangwika. pangwika.

Organisasyon Organisado, Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 Mayroong 5-6


malinaw, simple, at ang ang ang hindi
may tamang hindi malinaw at hindi malinaw at malinaw at
pagkakasunudsunod maayos ang maayos ang maayos ang
ang mga presentasyon ng presentasyon ng presentasyon ng
presentasyon ideya mga ideya sa mga ideya sa mga ideya sa
sa talata. Malinaw sulat. sulat. sulat.
ang daloy at
organisado ang
paglalahad ng
kaisipan.

Mekaniks Lahat ng baybay, Mayroong 1-3 na Mayroong 4-6 na Mayroong 7-9


(Baybay ng grammar at maling gamit ng maling gamit ng o higit pa na
mga salita pagbabantas ay baybay ng mga baybay ng mga maling gamit
at grammar, tama. salita, grammar, salita, grammar, ng baybay ng
Pagbabantas) pagbabantas. pagbabantas. mga salita,
. grammar,
pagbabantas.

Tayahin (WRITTEN WORKS)


PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panghuling hamon mo na ito. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya upang
matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa modyul na ito. Subukin
nating sukatin ang lawak ng iyong pagkatuto gamit ang modyul na ito. Basahin at
unawain ang mga hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Sa tindahan narinig ng kostumer ang pag-uusap ng magbabarkada na


sinabing
“Aayatek la unay ni Iday” ibig sabihin ay mahal na mahal ko si Iday. Anong barayti
ng wika?
A. Sosyolek B. Idyolek C. Etnolek D. Register
2. Ito ay isang mahalagang pagkakakilanlan ng isang lahi.
A. wika B. kilos C. bansa D. simbolo
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. lesson plan B. class record C. balance sheet D. test paper
4. Sa iyong palagay bakit napapabilang sa rehistro ng wika ang termino tulad ng
puhunan, enrollment, affidavit at balance sheet?
A. sapagkat ito ay wikang di pag-aari ninuman
B. sapagkat ito ay mula sa mga etnolinggwistikong grupo
C. sapagkat ito ay mula sa partikular na komunidad
D. sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan.
5. Bakit sinasabing ang wika ay tatak ng isang lahi?
A. ito ay ginagamit sa pakikipagtalastasan
B. ito ay paraan ng pagkakaunawan
C. sapagkat dito masasalamin ang kultura ng tao
D. sapagkat dito nakikilala ang isang tao.
6. Anong barayti ng wika ang tumutukoy ng sariling istilo ng isang indibidwal?
A. Etnolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Idyolek
7. Ito ay barayti ng wika na gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang kinabibilangan?
A. Etnolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Idyolek
8. Barayti ng wika na nadevelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo?
A. Etnolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Idyolek
9. Anong barayti ng wika na gamit ng mga tao ayon sa partikular na grupong
may kinalaman sa katayunang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal?
A. Etnolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Idyolek
10. Ito ay wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
A. Ekolek B. Creole C. Pidgin D. Register
11. Ang popular na pahayag ni Kim Atienza na “Ang buhay ay weather weather
lang” ay halimbawa ng barayti ng wikang nasa ____________.
A. Etnolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Idyolek
12. Dimension ng register na wika na ang layunin at paksa nito ay naaayon sa
larangan ng mga taong gumagamit nito?
A. field B. mode C. tenor d. creole
13. Anong dimension ng register na wika na ang nag-uusap ay naaayon sa
relasyon ng bawat isa?
A. field B. mode C. tenor d. creole
14. Ito ay barayti ng wika na ang ginagamit ay salitang jejemon, at salitang
binabaliktad?
A. Ekolek B. Creole C. Pidgin D. Register
15. Anong larangan maririnig ang salitang balance sheet?
A. negosyo B. medisina C. abogasya D. social media
SUSI SA PAGWAWASTO
BALIKAN: Gawain A: di-berbal na komunikasyon

1. B 2. B 3. B 4. A 5. A

Gawain B. Epektibong Komunikasyon


1. F 2. A 3. C 4. D 5. B

TUKLASIN: Gawain 1. Bangkong Kaalaman

1. Idyolek 2. Dayalek 3. Sosyolek 4. Etnolek 5. Ekolek

Gawain 2. Tukuyin Mo
1. sosyolek 2. Idyolek 3. Creole 4. Etnolek 5. Pidgin

SURIIN: Gawain 1. TAMA O MALI


1. TAMA 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. TAMA

Gawain 2. Pangkat Ko: Ihanap Mo


Literatura Edukasyon Politika Ekonomiks
mitolohiya pagsusulit batas puhunan
sanaysay akademiks korte pamilihan
maikling kuwento enrolment senado kalakal
classs record pamahalaan produkto

PAGYAMANIN: Gawain 1. Salita Ko: Tukuyin Mo


1. D 2. A 3. B 4. E/D 5. C

Gawain : Propesyon Ko: Alamin Mo


1. pasyente 2. Guro 3. Suki 4. Pari 5. Pasahero

ISAGAWA:PERFORMANCE TASK
Gawain 12. Magsulat Ka
Guro ang magbibigay ng marka. Magkakaiba-iba ang mga sagot, Ibatay sa kraytirya ng
pagmamarka

TALASANGGUNIAN
Lachica, V. (1994). Komunikasyon at Linggwisyika. Rex Printing Company,
Typography and Creative Lithography. Quezon City.
Taylan, D. et.al. (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Rex Printing Company, Inc. Quezon City.

Internet

BCNSHS Buwan ng Wika 2020 DepEd Tayo Baguio City National


Science High School facebook.com. Retrived August 31, 2020.

Manalo, Melanie (2020) Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino Aralin 1. Mga Konseptong Pangwika.Retrieved
September 3, 2020, from https://www.academia.edu.

Longwah, Charlene (Oct. 18, 2011). Eow Poh! Jejeje (Hello po! Hehehe).
Retrieved November 11, 2020, from https:/pjfiles.wordpress.com
/2011/10/18 eow-poh-jejeje-hello-po-hehehe-2/

For inquiries or feedback, please write of call:


Department of Education-Schools Division of CAR
Office Address : Wangal, La Trinidad Benguet 2601
` Telephone No: (074) 422 – 1318 Fax No: (074) 422 -
4074
Email Address: car@deped.gov.ph

You might also like