You are on page 1of 16

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino 11
Ikalawang Kwarter
Sariling Linangan Kit 4:
Mga Register at Barayti ng Wika
Filipino – Ika- 11 na Baitang
Ikalawang Kwarter: Sariling Linangan Kit 4: Mga Barayti at Register ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Maria Isabel L. Anania
Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI

Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao


Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino 11
Ikalawang Kwarter
Sariling Linangan Kit 4:
Mga Register at Barayti ng Wika
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan kayo sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Hindi lingid sa kaalaman mo na may mga pagbabagong nagaganap sa


wika, Ito ay mga sitwasyong pangwika sa anomang kalagayan. Pagkatapos
mong pag-aralan ang SLK na ito, inaasahang maisasagawa mo ang
sumusunod:

1. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa


iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Social Media,
Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
terminong ginamit sa mga larangang ito.

Subukin Natin
Bilang pagsisimula sa pag-aaral mo ng SLK na ito, sagutin mo
ang mga tanong sa ibaba.

Panuto: Basahin mo nang maayos ang mga aytem. Piliin ang sagot mula sa
pagpipilian. Bilugan ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay ginagamit ng mga may katungkulan at/o may mga employer sa


isang tanggapan kung lumiliban nang walang paalam.
A. over time C. sick leave
B. under time D. AWOL

2. Ito ay ginagamit sa mga transaksyon sa cashier.


A. lesson plan C. pa-void
B. suspect D. x-ray

3. Ito ang terminong ginagamit ng may alam sa musika.


A. nagsha-sharp C. justice
B. lesson plan D. earning

4. Ito rin ay ginagamit ng mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa
medisina.
A. konstitusyon C. check-up
B. Ctrl-Alt-Delete D. datung

5. Ang terminong ito ay ginagamit ng may mga alam sa kompyuter.


A. travelling C. jump shot
B. sarbey D. download

1
Aralin Natin

Nalulugod ako dahil natapos mo na ang bahaging Subukin Natin.


Huwag kang mag-alala kung may ilang aytem kang hindi nasagot nang tama.
Sa mga susunod na bahagi ng SLK ay malalaman mo ang mga tamang sagot
sa mga naturang aytem. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang Iba’t Ibang
Register at Barayti ng Wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin


ay simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng wika, ay nailalabas o naipapahayag natin ang ating mga
emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng


pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng
edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating
kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay
nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti
ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Dayalek - Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular


na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog = Bakit? Ilocos = Bakit ngay?
Batangas = Bakit ga? Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?

Idyolek- Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at


pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na
paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao.
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“To the highest level na talaga to’=Ruffa Mae Quinto

Sosyolek- minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang


barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na
grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-
ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang
salita.

2
Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
My God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo
o kaya ay pangit ng gelpren mo)

Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng


mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming
pangkat etniko sumibol ang iba’t ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang
mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.
Halimbawa:
Vakul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa
kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey
ng Mountain Province.

Register - minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang


espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may
tatlong uri ng dimensyon.

Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga


terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanap-buhay o
larangan. Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang
larangan o sitwasyong karaniwang ginagamit ng mga ito.

Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng


sumusunod na mga jargon:
Exhibit Suspect
Appeal court
Complainant justice

Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala


ng sumusunod:
Lesson plan curriculum
Test textbook
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang
Accountancy.
Account balance
Debit credit
Net income gross income

Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy


sa uri o klase ng wikang ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors.

3
Nakikita mo ang kaibahan ng isang teksto sa isa pang teksto dahil sa uri ng
wikang ginagamit sa nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay dumidepende sa
uri o barayti ng wikang ginagamit sa teskto. Samakatuwid, ang tekstong
panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang tekstong
pang-agham ay gumagamit ng wikang sayantipik; ang tekstong pang-
agham panlipunan ay gumagamit ng wikang pansosyal.

Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito; kaya mayroon


tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang
kolokyal o karaniwan, at wikang islang o balbal.

Ang wika ay maaari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad


ng: wikang medikal, wikang pambisnis, wikang akademik, at teknikal.
Maaari namang makilala ang barayti ng wika ayon sa mga institusyong
gumagamit nito tulad ng wikang pampaaralan, wikang pansimbahan,
wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika
ng bakla at wika ng lasing.

Sanggunian: https://takdangaralin.ph/barayti- ng-wika/at Retorika (Filipino III)

Ang pagkakaroon ng register at iba’t ibang barayti ng wika ay dulot


ng pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa loob ng iba’t
ibang phenomenon. Dahil sa ugnayang ito, nalilinang ang wikang may
pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. Kaya sa araling ito
susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman.

Gawin Natin
Sa naunang bahagi, nalaman mo kung paano nagkaroon ng iba’t ibang
register ng wika ayon sa kung sino at para kanino gagamitin ang
terminolohiya o wika. Nalaman mo rin ang pagkakabuo at mga uri nito.
Ngayon, maaari mo nang gawin ang aktibiti sa ibaba.

Panuto: Ilista o itala mo ang mga salitang nararapat mapasailalim o


nabibilang sa mga sumusunod na register at barayti ng wika. Isulat sa loob
ng kahon ang napili mong salita. Kopyahin ang kahon sa sagutang papel para
sa mga sagot mo.

Konstitusyon Syota datung


Okey,Darla! aklat dyowa
Danum gurang kumusta
ebak bag-ang printer
Lespu may sayad Walang himala!
Matam-is kabihasnan dyip

4
Utol wasto balat-sibuyas
Masaya gab-I masining
Atik lesson plan alinlangan
Handa na ba kayo! theraphy tsugi
Magandang gabi, Bayan! tingni justice
class record sosi talumpati

Dayalek Sosyolek Register Idyolek


1 1 1 1
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5 5 5 5

Sanayin Natin

Unti-unti mo na talagang naiintidihan kung ano at paano nagaganap


ang pagkakaroon ng register at barayti ng wika. Ngayon, natitiyak kong
magagawa mo ang pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Panuto. Ibigay ang tamang katawagang inilalarawan ng mga


aytem. Isulat ang mga sagot sa patlang.

A. Register C. Dayalek E. Idyolek


B. Heterogenous D. Sosyolek

1. Sa pagkakaroon ng ______________________ na wika tayo ay nagkaroon


ng iba’t ibang baryasyon ang wika.

2. Tinatawag na _______________________ ang mga salitang gamit ng mga tao


ayon sa partikular na rehiyong kinagbibilangan nila.

3. Ang tawag naman sa pagpapaiba ng isang indibidwal sa isa pang


indibidwal ay ______________________.

4. Kung minsan tinatawag ang ______________________ na “sosyalek”.

5. Tinutukoy ang iba’t ibang _________________________ ng wika sa mga


terminong may kaugnayan sa mga trabaho, hanap-buhay o larangan.

5
Tandaan Natin

Natapos mo nang pag-aralan ang mga barayti at register ng wika,


maging ang mga uri nito. Mahalagang tandaan mo ang mga sumusunod na
paksa:
Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o klase ng wikang ginagamit
sa isang partikular na teksto o diskors.
Ang dayalek ang itinuturing na salitang gamit ng mga tao sa partikular na
lalawigang kinabibilangan.
Ang idyolek ay istilo ng pamamahayag na ginagaya sa mga taong palaging
naririnig.
Ang sosyolek naman ang barasyong nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Ang etnolek ay sang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita
ng mga etnolonggwistang grupo.
Ang register ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang
partikular na domeyn.

Suriin Natin
Masaya ako at naabot mo ang bahaging ito ng iyong pag-aaral. Upang
lalong mapalawak ang iyong pag-unawa, sagutin mo ang gawaing ito.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Ano ang terminong madalas na ginagamit ng mga beauty queen?


A. essay C. confidently beautiful
B. facebook D. rolling pin

2. Alin sa mga sumusunod na salitang pinauso at ginagamit sa gay lingo?


A. rolling pin C. objection
B. awra! D. like

3. Ano ang mga terminong madalas ginagamit ng ng mga Doctor at Nars ?


A. test paper C. diagnosis
B. Credit D. menu

4. Ano ang terminong ginagamit ng mga fashion model?


A. runway C. blueprint
B. beverage D. ball

5. Ano ang mga salitang ginagamit ng mga mahilig sa kompyuter?


A. blackboard C. I object!
B. software D. coach

6
6. Ito ay ginagamit ng mga may kaltungkulan at/o may mga employer sa
isang tanggapan kung lumiliban nang walang paalam.
C. over time C. sick leave
D. under time D. AWOL

7. Ito ay ginagamit sa mga transaksyon sa cashier.


C. lesson plan C. pa-void
D. suspect D. x-ray

8. Ito ang terminong ginagamit ng may alam sa musika.


C. nagsha-sharp C. justice
D. lesson plan D. earning

9. Ito rin ay ginagamit ng mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa
medisina.
C. konstitusyon C. check-up
D. Ctrl-Alt-Delete D. datung

10. Ang terminong ito ay ginagamit ng may mga alam sa kompyuter .


C. travelling C. jump shot
D. sarbey D. download

Payabungin Natin

Nalulugod akong malamang nakuha mo ang mga naunang gawain.


Upang mapaunlad ang iyong kasanayan, gawin mo ang susunod na gawain.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang OPERASYON sa iba’t ibang barayti


ng wika. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hal: Salitang BATO


Konstruksyon Pag-aalahas Medisina
ito ay ang hollow block ito ay ang ito ay kidney
mamahaling hiyas o
diyamante

A. Pagsasakatuparan ng isang plano C. Pamamahala


B. Pagpapalakad ng makina D. Pagtistis

7
LARANGAN KAHULUGAN

1. PAGGAWA

2. MEDISINA

3. KALAKALAN

4. MILITAR

Pagnilayan Natin

Malapit ka nang matapos sa SLK na ito. Sa bahaging ito, unawain nang


lubusan ang mga sitwasyong pangwika upang mapahalagahan mo mga ito.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong pagpapahalaga.

Panuto: Basahin ang web blog ni Cris Israel Lumansang na pinamagatang


WHAT IF CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.

WHAT IF CONYO LAHAT NG TAO HERE IN ‘PINAS


Magnanakaw: Holdap! Make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I
will make tusok you!
Pulis: Make suko na, we made you napaliligiran!
Impeachment trial: You are so asar!I’m galit na to you!
Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
Pasahero 1: Sir! Payment
Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: You’re so bad, see ka ni God.
Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init pa, I’ll make it with extra sago!
Bibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
-Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.55 -

8
Narito ang ilan pang mga tanong na ibinatay sa iyong binasang web
blog. Gawin ang isinasaad sa bawat bilang.

1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang


lahat ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
2. Kung makasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay
maaaring madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at
maging sa iyong paghahanapbuhay. Paano kaya kung newscaster ka
na ng isang respetadong news and public affairs program sa telebisyon
subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to
everyone!” Ano ang magiging posibleng epekto nito sa ating
pakikipagtalastasan sa ating kapwa?
______________________________________________________________
3. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, Paano mo maisusulong ang maayos
at malinaw na pakikipag-usap sa iyong kapwa?
______________________________________________________________

Rubrik sa Pagtatasa

Pamantayan Kaukulang Puntos Grado


Nasuri at malinaw ang
gramatikang ginamit 5
Nagbigay nang matalas
na pagpapahayag at
angkop na pagsusuri 5
sa impormasyon
Malinaw at sistematiko
ang pagpapahayag ng
ideya sa pagbuo ng 5
pahayag
Kabuoan 15

9
10
Subukin Sanayin Pagyabungin Suriin Natin
Natin Natin Natin
1. C
1. D 1. B 1. B
2. B
2. C 2. C 2. D
3. C
3. A 3. E 3. C
4. A
4. C 4. D 4. A
5. B
5. D 5. A
6. D
7. C
Gawin Natin
8. A
nasa guro ang pagpapasya.
9. C
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Talaaklatan
Adaya, J., Camba, A., Carpio, P., Castillo, M., Peña, R., & Sagun, R.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (2016),
Jimczyville Publications.
Bernales, R. A. et. al. Komunukasyon sa Makabagong Panahon
(Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 1, Antas Tersyarya (2007),
Mutya Publishing Company.

Bernales, R., Bernardino, E., Belida, M., Cuevas, A., Dela Salde, M., Limpot,
M.Solatorio, L. Wika @ Komunikasyon (2013). Mutya Publishing
House, Inc.
Bernardino, E., Belida, M., Palconit, J., Cuevas, A., Limpot, M., Napil, M
Fortunato, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (2016). Mutya Publishing House, Inc.
Pananaliksik, 2016 Mutya Publishing House, Inc. 105 Engineering Road,
Araneta University Village, Potrero, Malabon City, Philippines

Webliyograpi

https://filipino101blog.tumblr.com/post/70080208753/amp

https://www.researchgate.net/figure/A-TV-report-about-our-system-being-
used-by-ABS-CBN-News-Report-available-on-YouTube_fig6_275539820
http://dungugkinaray-a.com/jonas-chavez-hiponia/kalingawan-sa-radyo

https://pop.inquirer.net/55658/look-artist-beautifully-recreates-the-movie-
posters-of-notable-pinoy-films/pinoy-movie-posters

11
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like