You are on page 1of 31

11

FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

IKALAWANG SEMESTRE
IKALIMANG LINGGO
Modyul 5
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Semestre – Modyul 5: Kakayahang Pangkomunikatibo
(Lingguwistiko at Sosyolingguwistiko)
Unang Edisyon,2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Gaudencio D. Suarez Jr


Editor : Bartolome M. Loresco Jr, Dr. Melchora N. Viduya
Tagasuri : Bartolome M. Loresco Jr, Dr.Melchora N. Viduya,
Dr. Dianne C. Baguio, Dr. Olivia P. Terrado

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao,


Pangasinan)
11
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Semestre – Modyul 5:
Kakayahang Pangkomunikatibo
(Lingguwistiko at
Sosyolingguwistiko)
ALAMIN

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa Kakayahang Pangkomunikatibo


partikular ang Lingguwistiko at Sosyolingguwistiko.
Masusing dinisenyo ang modyul na ito upang talakayin ang mga
kakayahan hinggil sa gramatika, mga tuntuning pang-ortograpiya at mga
alituntunin sa pagbabaybay na pasalita at pasulat. Sa pamamagitan ng
babasahing ito, ay matutukoy ang mga impormasyon at kaisipang nararapat
tandaan tungo sa malinaw na pag-unawa, paghahanda at paghubog ng
kakayahan sa pakikipagtalastasan.
Malaking tulong ang modyul na ito upang magkaroon ng kaalaman
patungkol sa mga paraan ng paggamit ng wika sa angkop na mga sitwasyon.

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at


kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:

a. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. (F11PT –


IIe – 87 );

b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga


usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan. (F11PS – IIe – 90)
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

1.Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

2. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

3. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang


antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Alamin – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating


kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng


aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may


kapareha.

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo


ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng


pagkatuto sa bagong aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang


natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralang modyul

Aralin Kakayahang
1 Pangkomunikatibo
(Lingguwistiko)

Alamin

Magandang Araw!

Ang aralin na ito ay magiging gabay mo upang iyong matutuhan ang mga
kaalamang pumapatungkol sa kakayahang pangkomunikatibo, partikular sa
kakayahang lingguwistiko. Ang magiging kaalaman mo rito ay maghahanda sa iyo sa
mas mataas na antas ng karunungan patungo sa mga susunod na gawain.
Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay
inaasahang:

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:

a. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa


talakayan. (F11PT – IIe – 87 );

b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito


sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan. (F11PS –
IIe – 90)
Unang Pagsubok

Panuto: Punan ng angkop na letra ang mga kahon upang mabuo ang
hinihinging salita.

K K A A H N G
O M N I A T B O
1. Tumutukoy sa paggamit ng wika sa angkop na sitwasyon upang
maipabatid nang maayos ang komunikasyon.

K K A A H N G
L N G U I T K O
2. Likas na kakayahan ng tao hinggil sa gramatika.

O R O L O I Y

3. Ang mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng


pananalita

P S L I T N G
P B Y B
4. Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga
letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals,
simbolong pang-agham, at iba pa.

S N A K

5. Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may


kahulugan.
P N D W

6. Nagsasaad ng kilos o gawi at nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga


salita.

L K S K N

7. Mga salita o bokabularyo

P N G - R
8. Nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

P N G - U O

9. Mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.

P N A T G

10. Mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.

Balik - Tanaw

Bilang pagbabalik-tanaw sa nagdaang aralin, kompletuhin ang nais


ipabatid ng bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Titik lamang ang isulat sa patlang.

Filipino Wika
Edukasyon Pamahalaan
Nang Ingles
kamalayang sosyo- kultural Unang Wika

___________1. __________ dahil sa wikang gamit ng mga namumuno, nagkakaroon ng


kamalayan ang mga mamamayan sa mga nagaganap at nangyayari sa pamahalaan o gobyerno.
___________2. Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga opinyon,
saloobin at hinaing ukol sa __________________.
___________3. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ang ________.
___________4. Tinawag itong MotherTongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
___________5. Makapagpapatibay rin sa ___________ng mga mag-aaral ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag- aaral.
___________6. Nakatutulong ang __________ sa mamamayan upang lubos na makilala ang
tamang mamumuno na kanilang ihahalal upang mamamahala at mamumuno sa bansa at sa
bayan.
___________7. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ________.
___________8. Ang wikang panturo ay ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na
__________.
Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito ay matatalakay ang kakayahang pangkomunikatibo at


kakayahang lingguwistiko. Sa pamamagitan ng araling ito ay magkakaroon ka
ng karagdagang pag-unawa sa wastong paggamit ng wika sa angkop na
sitwasyon. Magsisilbing gabay ito upang mahubog pa ang iyong kaalaman sa
epektibong pakikipag-ugnayan at pakikipagkomunikasyon.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Ano ang kakayahang pangkomunikatibo?
Ang pagkatuto sa tuntunin ng wika ay hindi sapat kung ito ay hindi
magagamit nang wasto sa anumang sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang mensahe at magkaunawaan ng lubos. Ayon
kay Dell Hymes (1966), ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang maging epektibong tagagamit
ng wika, nararapat na matutuhan nito ang kaalaman at paraan kung paano
gamitin ang wika sa komunidad upang maihatid at maisagawa ang kanyang
layunin. Ibig sabihin, ang kakayahang komunikatibo ay ang paggamit ng wika
sa angkop na sitwasyon upang maibatid nang maayos ang komunikasyon,
tamang mensahe at pagkakaunawaan ng lubos ng nag-uusap sa anumang
sitwasyon.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINO
Ano ang kakayahang Lingguwistiko?
Ayon sa pananaw ni Noam Chomsky (1965), ang kakayahang
lingguwistiko ay isang likas na kakayahan ng tao hinggil sa gramatika na
nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na umunawa at gamitin ang wika. Kasama
na rin dito ang mapag-ugnay ang mga tunog at kahulugan nito.
Ayon naman kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks semantika gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya.

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang


Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995) )
 SINTAKS (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan)
• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos,
padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan,
langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
Hal.: Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

 MORPOLOHIYA (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng


pananalita)
• Iba’t ibang bahagi ng pananalita
• Prosesong derivational at inflectional
• Pagbubuo ng salita
Hal.: Dasal- nagdasal, bili- bumili, linis- nilinis, ganda-gandahan.

 LEKSIKON (mga salita o bokabularyo)


• Pagkilala sa mga
▪ content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
▪ function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig,
pang-ukol, pang-angkop)
• Konotasyon at denotasyon
Hal.: Puso – (D) Kinailangan niyang magpatingin sa doktor upang ipasuri ang kaniyang
puso.
Pusong Mamon – (K) Mukha lang siyang matapang pero siya ay may pusong mamon.
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)
Hal.: “Bahaghari” – Bahag at Hari “Balarila” – Bala ng dila

 PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
• Segmental
▪ Katinig, patinig, tunog
Hal.: Ang mga labyal /p/ at /b/ - puto-apa-sapsap buto-aba-sabsab
• Suprasegmental
▪ Diin, intonasyon, hinto
Hal.: /PI : to/ vs /pi : TO/
 ORTOGRAPIYA
• Mga grafema
▪ titik at di titik
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
Hal.: Akò – responsabilidad Akó – sarili
• Mga bantas (tuldok, pananong, padamdam, kuwit, kudlit, gitling, tutuldok,
tutuldok-kuwit, panipi, panaklong, tutuldok-tutuldok)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang


wastong palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang
gabay sa ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa.
Tunghayan natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat
Salitang Pangnilalaman
1. Mga nominal
a. Pangngalan - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop,
bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan.
2. Pandiwa- nagsasaad ng kilos o gawi at nagbibigay-buhay sa pangkat
ng mga salita.
3. Mga Panuring
a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan o
panghalip.
b. Pang-abay – nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapuwa
pang-abay.

A. Mga salitang Pangkayarian


1. Mga pang-ugnay
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay hal. at pati, ni, subalit, ngunit
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan hal. na, ng
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita hal. sa, -ng
2. Mga pananda
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip hal. si, ang, ang mga
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing
ng paksa (o simuno) at panaguri hal. Ay
Pagsulat Pagbigkas
Sa /es-ey/
PANTIG
pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
Bukod sa mga bahagi ng panalita, nararapat ding matutuhan ang
wastong pagbabaybay o ortograpiya ng Wikang Filipino. Pag-aralan ang ilang
mga alituntunin sa pagbabaybay batay sa KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat, 2014.
A. Pasalitang Pabaybay
Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga
letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong
pang-agham, atbp.
Pagsulat Pagbigkas
bayan /bi-ey-way-ey-en/
SALITA
plano /pi-el-ey-en-o/
Pagsulat /kapital ef-ey-dyey-ey-ar-
Pagbigkas
Fajardo
Pagsulat Pagbigkas
di-o/
/kapital em- kapital i-
Daglat Bb.jihad
(Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
MERALCO (Manila Electric kapital/dyey-ay-eyts-ey-di/
ar- kapital ey
G. (Ginoo) /kapital dyi
AKRONIM Company) kapital el- tuldok/
kapital si-
Gng. (Ginang) /kapital
kapital o/dyi-en-dyi tuldok/
ASEAN (Association of /kapital ey- kapital es-
Southeast Asian kapital i- kapital ey
Pagsulat
Nations) Pagbigkas
kapital en/
EDSA (Epifanio de los /kapital em-
/kapital kapital di-
i- kapital el-
MLQ (Manuel L.Quezon)
Santos Avenue) kapital es-
kapital kyu/ kapital ey/
Inisyals
/kapital el- kapital key-
LKS (Lope K. Santos)
kapital es/
/kapital ey- kapital dyi-
AGA (Alejandro G. Abadilla)
kapital ey/

Pagsulat Pagbigkas
KKK (Kataas-taasang
Mga /kapital key-kapital key-
Kagalang
Samahan/ kapital key/
galangang Katipunan)
Institusyon
BSP (Bangko Sentral ng /kapital bi-kapital es-
/ Pook
Pilipinas) kapital pi/
KWF (Komisyon sa Wikang /kapital key-kapital
Filipino) dobolyu-kapital ef/

Pagsulat Pagbigkas
Fe (iron) /kapital ef-i/
Simbolong
lb. (pound) /el-bi tuldok/
Pang-
kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
agham/
H
Pangmatem /kapital eyts-tu-kapital o/
2O (water)
atika
/kapital en-ey-kapital si-
NaCl (sodium)
el/

B. Pagsulat ng Pagbaybay
A. GAMIT ANG WALONG BAGONG TITIK Sa KATUTUBONG WIKA NG
FILIPINAS
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng
walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa
pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga
titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig
na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na
ang “Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na
“Ibatan.”
Narito pa ang ilang halimbawa:
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
jambangán (Tausug) halaman
avid (Ivatan) ganda
vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang
pananggalang sa ulan at init ng araw
kuvat (Ibaloy) digma
zigattu (Ibanag) silangan

B. LUMANG SALITANG ESPANYOL


Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang
mga nakalista sa DICCIONARIO TAGALOG-HISPANO (1914) ni Pedro
Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa DIKSYUNARYO TESAURO
PILIPINO-INGLES (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang
mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na
pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo
ng mga orihinal na salita.
Halimbawa:
akasyón (vacacion),
kabáyo (caballo)
kandilà (candela)
puwérsa (fuerza)
C. BAGONG HIRAM NA SALITA
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na
salita mulang Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga
bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo
ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa
abakada.
Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa Espanyol
dahil ginagamit nang matagal ang pórma pati ang mga deribatibo nitóng
pormál, impormál, pormalísmo, pormalidád, depormidád, atbp.
Iba pang mga halimbawa:
pírma sa firma,
bintanà sa ventana,
kálye sa calle,
tséke sa cheque,
pinyá sa piña,
hamón sa jamon,
eksisténsiyá sa existencia,
sapátos sa zapatos.

Tandaan: Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan


sa dalawang binanggit na diksiyonaryo.
D. PANGHIHIRAM GAMIT ANG 8 BAGONG TITIK
Ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa tatlong
pagkakataón ng panghihiram mula sa mga wikang banyaga.
Una, sa mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga.
Halimbawa:

Charles, Ceferino, Catherine, Colorado, Fidel, Feliza, San


Fernando, Filipinas, Jason, Jennifer, St. Joseph, Jupiter, Beijing,
Niñez, Montaño, Santo.
Ikalawa, sa mga katawagang siyentipiko at teknikal.
Halimbawa:
carbon dioxide,” “Albizia falcataria,” “jus sanguinis,” “quorum,”
“quo warranto,” “valence,” “x-axis,” “oxygen,” “zeitgeist,” “zero,”
“zygote.”
Ikatlo, sa mga salita na mahirap dagliang ireispel.
Halimbawa:
“cauliflower,” “flores de mayo,” “jaywalking,” “queen,” “quiz,”
“mix,” “pizza,” “zebra.”
E. Kasong Din/Rin, Daw/Raw. Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay
nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa
tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw
kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o
malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod:

Masaya rin— ngunit Malungkot din


Uupô raw— ngunit Aalis daw
Nabili rin—ngunit Nilanggam daw

Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay


nagtatapos sa
-ri, -ra, -raw, o -ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw, gaya sa
sumusunod:
Maaari din— hindi Maaari rin
Kapara daw—hindi Kapara raw
F. Mga Gamit ng “Nang.” Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga
gamit ng nang at lima (5) lámang ang mga tuntunin:

1. Ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong.

Halimbawa
“Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang
sakit ni Pedro.”

2. Ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o “para.”

Halimbawa
“Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot ang
mga Filipino.”

3. Ginagamit ang nang katumbas ng pinagsámang na at “ng.”

Halimbawa
“Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanyol.”

4. Ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat


(pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano).
Halimbawa,
“Binaril nang nakatalikod si Rizal.”

5. Ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita.

Halimbawa
“Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay
sa puso ng mga kababayan.”

Gawain 1

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


A. Noam Chomsky
B. Akronim
C. Pangatnig
D. Daglat
E. Canale at Swain
F. Pang-angkop
G. Kakayahang Komunikatibo
H. Pantukoy
I. Sintaks
J. Dell Hymes

__________________1. Mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o


panghalip
__________________2. Ang MERALCO, CAR, at PAGASA ay mga halimbawa ng
________.
__________________3. Siya ang nagpahayag na ang kakayahang lingguwistiko
ay isang likas na kakayahan ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa
kaniya ng kapasidad na umunawa at gamitin ang wika.
__________________4. Ayon sa kanya, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang
dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika, nararapat na matutuhan
nito ang kaalaman at paraan kung paano gamitin ang wika sa komunidad.
__________________5. Mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay.
__________________6. Nagpahayag na ang kakayahang lingguwistiko ay ang
pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks
semantika gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
__________________7. Ang pagsulat ng Kgg. (Kagálang-gálang), at Dr. (Doktor)
ay maituturing bilang ______.
__________________8. Ang pagsasama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan.
__________________9. Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
__________________10. Ito ang paggamit ng wika sa angkop na sitwasyon
upang maibatid nang maayos ang komunikasyon, tamang mensahe at
pagkakaunawaan ng lubos ng nag-uusap sa anumang sitwasyon
Gawain 2

Panuto: Piliin kung alin ang angkop na salita para sa pangungusap.

1. Maaari (din, rin) nating gawin ang ating proyekto ngayong Sabado.
2. Hindi (daw, raw) makakapunta si Abby sa selebrasyon mamaya.
3. Lumubha ang sakit ni Pedro (ng, nang) umagang iyon.
4. Sa sobrang pagmamadali niya, maging ang kanyang pitaka ay naiwan
(din, rin).
5. Kumain kami kanina (nang, ng) masarap na pagkain.
6. Tumakbo (nang, ng) tumakbo si Leo kanina, kaya siya napagod.
7. Bibili lang kami (ng, nang) tinapay sa bagong bukas na panaderya.
8. Nagsasaya rin naman ako, ngunit nalulungkot (rin, din) minsan.
9. Napakaraming bunga ang puno (ng, nang) mangga.
10. (Nang, ng) mawala si itay, lalong naghirap ang aming
pamumuhay.

Tandaan

Ang pagsulat ay isa sa mga mahalagang kasanayang nararapat


mahubog at paunlarin ng bawat mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral
at pagkakaroon ng kaalaman sa wastong hakbang ng pagsulat, ay
mabisang maipahahayag at maibabahagi ang mga karanasan, saloobin,
pananaw, pangangatuwiran at obserbasyon sa maraming aspekto.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Maliban sa mga halimbawang ibinahagi sa talakayan, maglista


ng sampung salita gamit ang walong (8) dagdag na titik sa
modernisadong alpabeto (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z). Ibigay ang
kahulugan ng bawat salita at gamitin sa pangungusap. ANg unang
bilang sa talahanayan ay ginawa na para sa iyo.

SALITA KAHULUGAN PANGUNGUSAP

1. jambangán Ang salitang jambangán Napakagandang


ay mula sa wikang pagmasdan ang mga
Tausug na ang ibig jambangan ni inay sa
sabihin ay halaman aming bakuran.
2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.
1. Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan
din ang wastong ________ng wikang Filipino.
a. komunikatibo
b. lingguwistiko
c. gramatika
d. palabaybayan o ortograpiya
2. Ito ang samahan na naglathala inilathala edisyon ng
Ortograpiyang Pambansa nitong 2014.

a. Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)


b. Surian ng Wikang Pambasnsa (SWP)
c. Kapisanang Sulo ng Diwa (KSD)
d. wala sa nabanggit

3. Ang sumusunod ay kabilang sa ortograpiya maliban sa isa;

a. Mga grafema
b. Segmental
c. Titik at di-titik
d. tuldik
4. Ayon kay ____________, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang
dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika, nararapat na
matutuhan nito ang kaalaman at paraan kung paano gamitin
ang wika sa komunidad.
a. Canale at Swain
b. Noam Chomsky
c. Dell Hymes
d. Lahat ng nabanggit

5. Ito ay tumatalakay sa mahahalagang bahagi ng salita tulad ng


iba’t ibang bahagi ng pananalita.
a. Morpolohiya
b. Sintaks
c. Ponolohiya
d. Leksikon

6. Tawag sa mga salita o bokabularyo.


a. Ponolohiya
b. Leksikon
c. Sintaks
d. Palatunugan

7. Ang mga nominal, pandiwa at mga panuring ay kabilang sa?


a. Salitang Pangkayarian
b. Salitang Pangnilalaman
c. Pasalitang Pabaybay
d. wala sa nabanggit

8. Ito ay nagmula sa salitang Ibaloy na nangangahulugang “sapot


ng gagamba”.
a. avid
b. vakul
c. kuvat
d. safot

9. Ang walong dagdag na titik sa modernisadong alpabeto


a. C, F, J, N, P, V, X, Z
b. C, D, J, Ñ, Q, V, X, Z
c. C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
d. C, F, J, N, Y, V, X, Z

10. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng wika sa angkop na sitwasyon


upang maibatid nang maayos ang komunikasyon.
a. Kakayahang Komunikatibo
b. Kakayahang Lingguwistiko
c. Gramatika
d. Ortograpiya
11. Mga salitang mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao,
hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa.

a. Panghalip
b. Pangngalan
c. Pang-ukol
d. Pang-ugnay

12. Ang pagpapalit ng ________ay nagaganap sa mga pang-abay na


din/rin at daw/raw.
a. Nang at ng
b. D tungo sa R
c. a at b
d. wala sa nabanggit

13. Ang mga pang-ugnay at mga pananda ay napabibilang sa;


a. Pasalitang Pabaybay
b. Ortograpiya
c. Mga Salitang Pangnilalaman
d. Mga Salitang Pangkayarian

14. Salitang Ivatan na nangangahulugang pantakip sa ulo na yari


sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw.
a. vakul
b. zigattu
c. avid
d. safot

15. Ano ang kahulugan ng kuvat, na salitang ibaloy?


a. kuba
b. dugo
c. digma
d. halaman

Aralin
Kakayahang Pangkomunikatibo
2 (Sosyolingguwistiko)

Alamin

Magandang Araw!

Ang aralin na ito ay magiging gabay mo upang iyong matutuhan ang


mga kaalamang pumapatungkol sa kakayahang pangkomunikatibo,
partikular sa kakayahang sosyolingguwistiko. Ang magiging kaalaman mo
rito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng karunungan patungo
sa mga susunod na gawain.

Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-


aaral ay inaasahang:

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:

a. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa


talakayan. (F11PT – IIe – 87 );

b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito


sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan. (F11PS –
IIe – 90)

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mensahe sa bawat pangungusap.


Isulat ang “HEART” kung MABISA ang komunikasyon sa pangungusap. At
“BROKEN HEART” naman, kung HINDI MABISA ang komunikasyong
ipinababatid.
___________1. Hoy, Diane! Balita ko single ka daw. Pwede bang tayo nalang?
___________2. Itinikom na lamang ni Lex ang kanyang bibig dahil wala siyang
sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan ng kanyang mga kaibigan.
___________3. Nakiusap nang maayos si James sa kanyang matalik na
kaibigan para humiram ng kaunting pera.
___________4. Nagsisigaw siya sa loob ng simbahan.
___________5. Ginamit ni Joel ang kanyang kakayahan sa paggawa ng tula
upang ligawan ang babaeng kanyang napusuan.
___________6. Ipinaramdam ni Joyce na galit na siya at hindi na nito
nagugustuhan ang daloy ng usapan nila ng kanyang kausap.
___________7. Hoy, pahiram nga ng lapis mo, bilis!
___________8. Vivian, kung hindi mo sana mamasamain, pwede ba kitang
ligawan?
___________9. Nasusunog na ang kanilang bahay kaya’t sumulat siya sa
bumbero upang makahingi ng tulong.
___________10. Pormal ang kasuotan ng mga kalahok na dumalo sa isang
magarbong pagdiriwang.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, ay matatalakay ang kakayahang


sosyolingguwistiko. Makatutulong ito upang higit mong mauunawaan
ang iyong kapwa sa pakikipagtalastasan. Gayundin, magkakaroon ka
ng kamalayan kung papaano gamitin ang wika sa mabisa at angkop
na pamamaraan sa iba’t ibang sitwasyong komunikatibo.

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Ano ang kakayahang Sosyolingguwistiko?
Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin ang wika nang may
kaangkupan batay sa lipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong komunikatibo. Halimbawa, naiiba ang ating pananalita sa isang
formal na pakikipag-usap o pakikitungo sa nakatatanda at may awtoridad
tulad ng: (Magandang araw po! Kumusta po kayo?) at informal na wika
naman sa ating mga kaibigan o kapareho ng estado tulad ng (Pre! Kumusta
ka na?).

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon


Sa unang kabanata, nabanggit na ang wika ay hindi lamang
pinipili. Upang maging mabisa ang komunikasyon, kailangan din itong
isaayos. Si Dell Hymes (sa Tumangan, et.al. 2000) ay nagbigay ng ilang
mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay
Hymes, kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang
matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na S.P.E.A.K.I.N.G.
1. Setting (Saan nag-uusap?
Tumutukoy ito kung saan nagaganap ang pag-uusap. Kasama
rito ang sitwasyon at kailan nangyari ang komunikasyon. Kung hindi
ito isaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang
pinag-aralan. Subukanmong magsisigaw sa loob nginyong klase. Ano
kaya ang kahihinatnan mo?
2. Participants (Sino ang kausap?)
Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o
kinakausap. Dapat ding nagbabago ang paraan ng ating
pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating
harapan o di kaya’y sinusulatan. Halimbawa, maaari mong sabihing
Pare pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo
maaaring sabihin iyon sa iyong ama.
3. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?)
Ang bawat pakikipagtalastasan ay may lpakay o layunin. Dapat
bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-usap.
Bawat pakikipagusap ay may layunin tulad ng pagtawag sa tinder ng
taho. Pagdayal ng numero sa telepono o pakikipagtawaran sa
palengke.
4. Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?)
Ang komunikasyon ay dinamiko. Samakatuwid, maging ang
isang usapan ay nagbabago. May mga usapang nagsisimula sa biruan,
napupunta sa asaran, humahantong sa pikunan at nauuwi sa
awayan. Pansinin ang takbo ng usapang ito na maaaring nagsimula sa
kindatan, napunta sa pagpapakilala, humantong sa kuwentuhan at
nauwi sa hatiran. Ano sa palagay moa ng susunod na takbo ng
kanilang usapan?
5. Keys (Pormal ba o Impormal ang usapan?)
Inilalantad dito kung formal o informal ang usapan. Ang usapan
ay maaring seryoso, patalinghaga, pabiro at sarkastiko. Ang
pakikipagusap ay ibinabagay sa taong kausap, lugar ng usapan at
okasyon.
6. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?)
Saklaw nito ang paraang ginagamit-pasalita o pasulat, personal
bang magkaharap o hindi. Gumagamit ba ng instrument tulad ng
celfon, telepono o internet. Sa madaling sabi, midyum o tsanel sa
pakikipag-usap.
7. Norms (Ano ang paksa ng usapan?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng
usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katuwiran
kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksang isang
pagtatalo. Makabubuti ring itikom na lamang ang bibig sa gitna ng
talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatakay. May
mga paksa ring eksklusibo?
8. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo? Nagmamatuwid?
Naglalarawan? O nagpapaliwanag/naglalahad?)
Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit
ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung ano ang
genre na kanyang gagamitin. Madalas, bunga ng miskomunikasyon sa
genre, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaanang dalawang tao.
Pansinin ang halimbawa sa ibaba.
1. Buntis siya?
2. Buntis siya.
Ang unang halimbawa ay nagtatanong kung ito ay buntis,
samantalang ang pangalawa ay kumpirmadong buntis. Sa pagtanggap ng
salita, kinakailangang suriin bago mag-komento.

Gawain 1

Panuto: Kompletuhin ang talahanayan.

Mga konsiderasyon sa Kahulugan Halimbawa


Mabisang Komunikasyon

Huwag tayong maingay


dahil nasa simbahan tayo.
Participants
Ang layunin sa pag-uusap
Act Sequence
Seryoso ang daloy ng
kanyang talumpati.
Instrumentalities
Ang paksa ng usapan
Genre

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nais ipabatid ng sitwasyon (senaryo).


Tukuyin kung anong mga konsiderasyon ang isinaalang-alang upang maging mabisa
ang komunikasyon. Pangatuwiranan ang sagot.

Unang Sitwasyon

Sa umpisa pa lamang ay mahilig na si James sa musika maging


sa pagsusulat at paggawa ng mga tula. Nakilala niya si Nathalie (isang
maganda, matangkad at sikat na dancer), sa paaralang kanyang
pinapasukan. Nahulog ang loob nito sa dilag at tuluyan nga siyang
nabighani. Kaya naman, naisipan niyang manligaw. Ang kakayahan ni
James sa musika at sa pagsulat ng tula ang kanyang naging tulay
para mapasagot si Nathalie.

Ang isinaalang-alang na konsiderasyon sa mabisang komunikasyon ay


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________
Sapagkat,______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________

Ikalawang Sitwasyon
Nawalan ng trabaho si Fritz dahil bumagsak ang kompanyang
dati nitong pinapasukan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang
kanyang ina at kailangan niya nang pera dahil hindi sapat ang naipon
niya upang maipagamot ito. Naisipan niyang humiram sa kanyang
kaibigan sa pinakamaayos na paraang alam kaya niya, kaya’t buong-
pusong pinahiram ito ng kanyang kaibigan.

Ang isinaalang-alang ni Fritz na konsiderasyon para sa


mabisang komunikasyon ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________
Sapagkat,______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________

Ikatlong Sitwasyon

Habang hindi pa nagsisimula ang klase ay niyaya ni Jane ang


kanyang kaibigang si Aida upang lumabas at magmeryenda muna.
Sinamahan nga siya dahil tamang-tamang may kailangan din itong
bilhin sa labas. Subalit, nang akmang kayo’y babalik na, hindi pa
kayo nakakarating sa inyong silid-aralan ay biglang nahimatay si
Jane.
Ang isinaalang-alang ni Aida na konsiderasyon para sa
mabisang komunikasyon ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________
Sapagkat,______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________

Tandaan

Ang pag-aaral sa kakayahang sosyolingguwistiko ay isa sa mga


mahalagang oportunidad upang magkaroon ng kamalayan at kaalaman
kung papaano gamitin sa angkop na pamamaraan ang wika. Malaking
tulong ang pagsasaalang-alang sa araling ito bilang isang bahagi ng
kakayahang komunikatibo upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan
at mapanatili ang maayos na pakikipag-ugnayan sa ibat’t ibang sitwayson.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Magbigay ng isang sitwasyon at gawan ito ng malikhaing


“comic strip” na magpapatunay ng pagsasaalang-alang sa mga
konsiderasyon para sa mabisang komunikasyon.
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali naman kung
hindi wasto ang isinasaad ng pahayag.

________1. Ayon kay Dell Hymes, kailangang isaalang-alang ang ilang


konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
________2. Ang keys ay tumutukoy sa layunin ng pag-uusap.
________3. Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay kakayahang gamitin
ang wika nang may kaangkupan batay sa lipunang at sa tiyak na
sitwasyong komunikatibo.
________4. May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa
asaran, humahantong sa pikunan at nauuwi sa awayan.
________5. Sinasaklaw ng Instrumentalities and midyum na pasulat
lamang.
________6. Ang lugar na kinaroroonan ay isa sa mga mahalagang
isaalang-alang kapag nakikipag-usap.
________7. Ang genre ng usapan ay nakadepende sa pansariling
kagustuhan sa tuwing makikipag-ugnayan sa bawat sitwasyon.
________8. Mas mainam na ikuwento sa kaibigan ang daloy ng nobela
sa pamamagitan ng pag-uusap sa chat.
________9. Ang norms ay tumutukoy sa paksa ng usapan.
________10. Ang paraan ng pakikipag-usap sa magulang ay ganoon din
sa paraan kung paano ka makipagusap sa malapit na kaibigan.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Lumikha ng isang sanaysay na sumasagot sa tanong na, “Papaano


mo mapauunlad ang iyong kakayahang lingguwistiko at kakayahang
sosyolingguwistiko?”

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Sanggunian
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon-David Alegre- Aug.12,
2015

https://prezi.com/it30damyhmzn/mga-konsiderasyon-sa-mabisang-
komunikasyon/

Calimlim, Job Daniel Z.Komunikasyon at Pannaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino-Gawain at Aralin

You might also like