You are on page 1of 34

11

FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

IKALAWANG SEMESTRE
IKATLONG LINGGO
Modyul 3
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Semestre – Modyul 3: Sitwasyong Pangwika ( Fliptop, Hugot Line at
Pick Up Line )
Unang Edisyon,2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Gaudencio D. Suarez Jr

Editor : Bartolome M. Loresco Jr, Dr. Melchora N. Viduya
Tagasuri : Bartolome M. Loresco Jr, Dr.Melchora N. Viduya,
Dr. Dianne C. Baguio, Dr. Olivia P. Terrado

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao,

Pangasinan)
11
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Semestre – Modyul 3:
Sitwasyong Pangwika
(Fliptop, Hugot Line at Pick Up Line)
ALAMIN

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang

makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong
mabuti na masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng
pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong
pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa
buhay ng tao? Ngunit dahil lagina natin itong ginagamit, hindi natin
gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa
atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay
hihimukin. Ang dating kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na
rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang - alang ang mga

lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba -iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:
a) Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang
pangwika sa kulturang Pilipino (F11PU – IIc – 87) at;
b) Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa
iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social
Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito (F11WG – IIc – 87)
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul , kailangang isantabi muna ang lahat ng

inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

1.Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong

kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

2. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

3. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

4.Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5.Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman

ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

6.Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Alamin – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan

pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong

kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating

kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng

aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may

kapareha.

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo

ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng

pagkatuto sa bagong aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang

pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul
Aralin SITWASYONG PANGWIKA
1 (Fliptop, Hugot Line at Pick-up Line)

Alamin

Magandang Araw!

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang mga

sitwasyong pang wika sa Fliptop, Hugot Line, at Pick-up Line. Marapat isaalang-
alang ang mga kaalamang nakapaloob rito upang maging handa at mahusay sa
pagsagot ng sumusunod na mga gawain.
Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay
inaasahang:
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino.

Tiyak na layunin:
a) Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino (F11PU – IIc – 87) at;
b) Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media,
Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
terminong ginamit sa mga larangang ito (F11WG – IIc – 87)

Balik-tanaw

Panuto: Ilahad ang pagkakaparehas at pagkakaiba ng mga sumusunod na

larawan.
Magbigay din ng iyong perspektibong dahilan bakit nagkaroon ito ng
pagbabago.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng Dula at Pelikula.

DULA PELIKULA
Unang Pagsubok
Palawakin ang isip at magbigay ng sariling pakahulugan sa salitang KULTURANG
POPULAR gamit ang mapa ng konsepto.

KULTURANG POPULAR

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito ay higit mo pang malalaman ang iba pang sitwasyong

pangwika sa iba pang anyo ng kulturang popular.
Ang kulturang popular ay isang kasangkapan ng pagpapahayag ng damdamin at
maging ng kaisipang popular. Subalit ang pagpapahayag na ito ay maituturing na hindi
isang payak lamang sa pagpapalit ng nilalaman ng isang isipan ng iba.Mayroong radikal na
intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan na dahilan ng
pagiging bukal ng wika sa pagnanais ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.

FLIP TOP
Ito’y pagtatalong oral na
isinasagawa nang pa-rap.
Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay
magkatugma bagama’t sa flip top
ay hindi nakalahad o walang linaw
na paksang pagtatalunan. Kung
ano lang ang paksang sisimulan ng
naunang kalahok ay siyang
sasagutin ng kanyang katunggali.
Di tulad ng balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nasusulat
na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di-pormal at
mabibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit
ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
PICK-UP LINES
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong
kung saan may tanong na s inasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay
sa pag-ibig at iba pang aspekto ng
buhay. Sinasabing nagmula ito sa
boladas ng mga binatang nanliligaw na
nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangiti at magpaibig sa dalagang

nililigawan.
HUGOT LINES
Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang
patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya
ng pagibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y
nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula
o telebisyong nagmamarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit
madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao
depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.

Gawain 1

Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa kung anong kulturang popular

nabibilang. Hanapin sa loob ng kahon ang wastong sagot.

a. Hugot Line b. Fliptop c. Pick-up line

____1. Nakakaawa kang ibagsak, Nakakastress kang ipasa.
____2. Maliit man ang kita ko bilang guro, ang mahalaga mahal ko ang pagtuturo.
____3. May Lahi ka bang keyboard? Type kasi kita.
____4. Yung tingin ng tingin sayo crush mo, tapos kinokopyahan ka lang pala.
____5. Kapag nakataas ang kamay mo ayaw ka naman tawagin, Pag hindi nakataas
saka ka tatawagin. YUNG TOTOO?!
____6. Inii-Small ka ba nila? Wag kang mag-alala inii-Big naman kita
____7. Ang love parang pamasahe sa dyip, hindi nasusuklian.
____8. Ang pagmamahal ko sa iyo ay nasa kabilang classroom. Ibang klase talaga.
____9. “X” minsan letra madalas mahal mo pa.
____10. Kanina narinig kong tinawag mo akong negrito, bakit iyang kasama mo
mukhang nasunog na kaldero. – Zaito

Gawain 2

Suriin at pagnilayan kung ano ang paksa at mensaheng nais ipabatid ng

halimbawa ng Fliptop, Hugot Line at Pick-up Line. Isulat sa talahanayan ang
iyong sagot.

HALIMBAWA PAKSA MENSAHE

FLIPTOP

Daldal ka ng daldal yung

sinasabi mo,
wala namang kwenta...
Kaya huminto ka na
kung ayaw mong
ipabugbog kita sa
eskenita!"

HUGOT

Kung ang banyagang

salita ay mahirap pero
binibigyang pansin, bakit
ang Filipino na madaling
intindihin, iniiwan sa
dilim?
PICK-UP LINES
Hindi sa taas ng
edukasyong nasusukat
ang pagkatao. Mababa
man ang pinag-aralan mo
pero kung marunong
kang rumespeto sa
kapwa mo, daig mo pa
ang edukado.
Tandaan

Mahalagang isipin na ang paggamit ng mga salita ay dapat na

naaayon sa sitwasyon. Tandaan lagi na ang paggamit ng wika, pasalita man
o pasulat, ay nagpapakilala sa ating pagkatao.

Pag-alam sa Natutuhan

Lumikha ng tig-dalawang halimbawa ng Fliptop, Pick-up lines at hugot lines

batay sa sumusunod na sitwasyon.
1. Panahon ng Pandemya
2.
FLIPTOP
1.
2.
PICK-UP LINES
1.
2.
HUGOT LINES
1.
2.
Social Distancing
3.
FLIPTOP
1.
2.
PICK-UP LINES
1.
2.
HUGOT LINES
1.
2.
Online Class
4.
FLIPTOP
1.
2.
PICK-UP LINES
1.
2.
HUGOT LINES
1.
2.
Modular

FLIPTOP
1.
2.
5. Internet Connection

FLIPTOP
1.
2.
PICK-UP LINES
1.
2.
HUGOT LINES
1.
2.

Pangwakas na Pagsusulit

Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang maaaring

makapaglarawan sa mga
sitwasyong pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo. Ihighlight ang
mga salitang
iyong nahanap. Binubuo ito ng labinlimang salita.

S
A
T
E
L
L
I
T
E
C
O
N
N
E
C
T
I
O
N
R
Z
E
G
H
I
O
O
L
D
S
C
U
Y
W
H
O
I
O
I
F
A
H
J
C
E
E
S
U
X
L
T
R
W
S
A
L
Y
A
N
A
W
N
S
E
R
E
S
C
Y
R
E
A
A
I
L
S
F
E
H
D
C
I
L
E
A
S
G
S
R
S
E
L
B
A
A
F
Z
E
U
F
D
I
A
L
D
E
F
E
E
D
B
A
C
K
A
C
N
A
R
F
A
U
G
N
I
L
S
L
E
S
L
S
I
C
I
E
C
H
S
A
L
W
B
N
M
E
E
A
S
I
L
N
I
M
F
O
R
M
A
L
K
S
E
A
W
T
D
H
T
E
U
L
A
S
D
I
O
S
S
L
E
W
C
B
N
K
L
A
I
M
B
E
O
L
S
W
I
K
A
N
G
F
I
L
I
P
I
N
O
U
W
S
X
E
I
G
L
K
S
A
E
I
O
L
B
M
B
K
P
N
E
S
U
Y
N
E
S
A
R
H
E
A
D
L
I
N
E
E
W
B
L
S
X
A
I
R
W
A
V

Isulat ang FT kung Flip Top, PU kung Pick–up Lines at HL kung Hugot lines
kabilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
______1. Isinasagawa sa paraang pa-rap.
______2. Tinatawag na modernong balagtasan
______3. Balbal at impormal ang mga salitang ginagamit.
______4. Walang malinaw na paksang tinatalakay.
______5. Ang mga bersyon ay magkakatugma.
______6. Makabagong bugtong palaisipan
______7. Ini-uugnay sa pag-ibig.
______8. Madalas nakikita sa facebook wall, twitter at iba pang post sa social
media.
______9. Taglish ang kadalasang wikang ginagamit.
______10. Ini-uugnay ito sa ibang aspeto ng buhay

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Sumulat ng isang maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng

kulturang popular sa ikauunlad ng wikang Filipino. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaugnayan sa paksa 5 puntos
Organisasyon ng kaisipan 5 puntos
Kabuuan 10 puntos

_______________________________
___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Aralin
SITWASYONG PANGWIKA
2 (Text, Social Media at Internet)

Alamin

Magandang Araw!

Ang modyul na ito ay nagahahanda sa mga mag-aaral upang malaman ang

sitwasyong pang wika sa text, social media at internet. Ang magiging kaalaman mo
rito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng karunungan patungo sa
mga susunod na gawain.
Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay
inaasahang:

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang - alang ang mga

lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba -iba sa
lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:
a. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at
pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
(F11PS-IIb-89)

Unang Pagsubok
I-decode ang sumusunod na text messages sa tamang balarila at pangungusap.
1. helo sori now lang ako smgot bz kanina ko.

____________________________________________________________________________

________________________________________________________

2. Yes tryin 2 call u ill call u later ok.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________________

3. Pls dnt tell anyone wat hapnd last nite i hope ts btween d2 f us, ok! anyway

no rgrets coz its u naman eh right?

____________________________________________________________________________

________________________________________________________

4. Wer u? Bin w8ng 4 u sins 8am. M hir at d park. Pls cam asap. Ngapla, d ba

u prmisd na ull never b l8 enmor? Kainis u talaga. Psalamat u luv kta.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________
5. Y u d tx kanna pa? Col din ako, wa answer. Txbk ka pls m worid na eh. F la

ka n load, col k nlang d2 haus sa langlyn ko. B hir w8ng 4 ur col.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang
bahagi ng komunikasyon sa bansa. Sa katunayan, humigit kumulang apat (4) na
bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa araw-araw kaya ito ay
kinilala bilang “Texting Capital of the World”. Higit na popular ang text message o
text kaysa pagtawag sa telepono o
cellphone dahil bukod sa mas murang
mag-text kaysa tumawag sa telepono
ay may mga pagkakataong mas
komportable ang taong magparating
ng maiikling mensaheng nakasulat
kaysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono. Sa
text nga naman ay hindi mo nakikita
ang ekspresyon ng mukha o tono ng
bosesng taong tumatanggap ng
mensahe. Sa pagpindot din sa keypad
ay mas nabibigyan ng pagkakataon
ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag o salita kaysa
sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa telepono.
Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng
mga salita. Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o
pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas ding binabago o
pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis ito mabuo
characters (titik, numero, at simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan
ng mensahe kaya nangyayari ito para makatipid sa espayo at para mapabilis ang
pagpindot sa maliliit na kepad ng cell phone.
Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin
kung Ingles o Filipino ang gagamitin basta maipadala ang
mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindihang paraan.
Halimbawa:
Ang okay ay nagiging ok o k na lang.
Ang dito ay nagiging d2.
Pinaghahalo ang Ingles at Filipino at saka dinadaglat para masabing “d2 na me. Wr
u na?” mula sa mahabang “Nandito na ako. Where are you na?”
Madalas ding tinatanggal ang mga patinig para mapaikliang salita tulad ng puwede
na nagiging pwd; saan ka na ba? na nagiging snk n b?
Sa mga salitang Ingles naman ay ginagamit na lang ang titik at numerong
katunog ng salita.
Halimbawa:
are na nagiging r;
you nagiging u; see na nagiging c;
be na nagiging b;
the na nagiging d; to na nagiging 2;
for na nagiging 4.

Kaya naman, ang “Are you going to see me today?” na binubuo ng 23 titik ay
nagiging “r u going 2 c me 2day?” na binubuo na lang ng labing-apat na titik.
❖ Usong-uso rin sa text ang paggamit ng mga daglat bilang shortcut o pagpapaikli
sa mga parirala lalo na sa Ingles.
AAP Alwayas A Pleasure G2G Got To Go

AML All My Love GBU God Bless You

B4N Bye For Now IDC I Don’t Care

BFF Best Friends Forever ILY I Love You

Kadalasan ang mga ganitong uri ng pagbabago ay nakapagbibigay kalituhan

sa mga mambabasa ngunit ito ay tinanggap ng lipunan bilang isa katangian ng
wika na nagbabago at daynamiko. Ito ay nagpapatunay na ang ating wika ay buhay
patuloy na lalago at yayabong.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET

Ang tawag sa mga taong gumagamit ng social media at internet ay mga
netizen. Sa panahong ito ay mabibilang na
lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang
kabataang walang ni isang social media
account tulad ng facebook, Instagram,
Twitter, Pinterest, Tumblr at iba pa. Maging
mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay
kabilang na rin sa mga netizen na
umaarangkada ang social life sa pamamagitan
ng social media. Madaling makabalita sa mga
nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga
naka-post na impormasyon, larawan, at
pagpapadala ngpribadong mensahe gamit ang
mga ito.
Sa Social media, karaniwang code switching kaya naman ang paggamit ng
wika sa mga social switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag
gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at
komento rito. Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na pribado mas pinag-
iisipan ang mga
salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa nito.
Sa post o komento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat.
Sa internet naman, bagama’t marami ang website na mapagkukuhanan ng
impormasyon, nanatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika na ginagamit at iilan
pa lamang ang mga website na Filipino ang wikang gamit.

Gawain 1
Narito ang ilang mga larawan, suriin mo ito at alamin ang ipinapahayag ng bawat
larawan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nahihinuha mo sa bawat larawan?

__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang implikasyon ng mga larawang ito sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino?
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Patunyan na ang Pilipinas nga ang maituturing na texting Capital ng mundo.

__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Magbigay ng bunga ng maling paggamit ng social media sa iyong sarili at sa
komunidad?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Upang mas lalo mong maunawaan at matandaan ang aralin, ibuod
ito sa pamamagitan ng concept map. Isulat ang iyong sagot loob ng kahon.

SITWASYONG PANGWIKA
Tandaan

Mahalagang isipin na ang paggamit ng mga salita ay dapat na

naaayon sa sitwasyon. Tandaan lagi na ang paggamit ng wika, pasalita
man o pasulat, ay nagpapakilala sa ating pagkatao.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Punan ang talahanayan hinggil sa katangian, layunin, at pamaraan

ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong pangwika.

IBA’T IBANG KATANGIAN NG LAYUNIN NG PAMAMARAAN SA

SITWASYONG PAGGAMIT NG PAGGAMIT NG PAGGAMIT NG
PANGWIKA WIKA WIKA WIKA
Text

Social Media at
Internet

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Suriin ang mga pahayag at piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Netizen Filipino Internet Blog Social Media English

Pilipinas Patalastas Vlog Biyaya SMS Facebook

_________________1. Tawag sa mga taong gumagamit ng social media at internet.

_________________2. Tinaguriang “Texting capital of the world.”

_________________3. Ang karaniwang wika na ginagamit sa social media.

_________________4. Katawagan na tumutukoy sa mga salitang balbal na ginagamit para

sa kailangang kaiksian ng mobile phone text messaging lalo na sa sms communication
protocol.

_________________5. Ang turing sa social media at internet dahil mas pinadali ang
komunikasyon

_________________6. Tumutukoy sa sistema ng pakikipaugnayan sa mga tao kung saan sila

ay lumilikha nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya aa isang
virtual na komunidad at mga network.

_________________7. Isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta

ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t ibang klase ng
telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon
na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay
mapaparating at mababasa ng publiko.

__________________8. Isang paraan ng pag-aanunsiyo ng produkto o serbisyo sa

pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang media.

__________________9. Ito ay isang uri ng social media o social networking site na kung saan
ang mga magkakakilala ay maaring magpost ng mga larawan, damdamin, magkumento at
iba’t ibang uri pa ng komunikasyon.

__________________10. Ang modernong paraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng

impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba’t ibang
mga particular na paksa.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng (2) talata hinggil sa epekto ng

mga sitwasyong pangwika sa Wikang Filipino:
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaugnayan sa paksa 5 puntos
Organisasyon ng kaisipan 5 puntos
Kabuuan 10 puntos

A. Sitwasyong Pangwika sa text

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_________________________________

B. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________
Sanggunian
https://brainly.ph/question/361650

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.youtube.com/watch?v=lnlR7NQvI3E

Calimlim, Job Daniel Z.Komunikasyon at Pannaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino-Gawain at Aralin

You might also like