You are on page 1of 9

Ikatlong Linggo:

Ang Tekstong Deskriptibo

ALAMIN

Magandang araw sa iyo! May bago ka na namang matututunan sa araw na ito, kaya handa ka
na ba? Narito ang mga paksang aralin para sa linggong ito:

 Kahulugan, uri at katangian ng tekstong Deskriptibo


 Kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto

Inaasahang pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay:

 Nakatutukoy ng paksang tinalakay sa tekstong deskriptibo


 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng salitang ginamit sa tekstong deskriptibo
 Nababahagi ang kalikasan at katangian ng tekstong deskriptibo
 Nakakasulat ng sariling sanaysay o tekstong deskriptibo.

BALIKAN

PANUTO: Kompletuhin ang concept map sa baba.

TEKSTO

SUBUKIN

PANUTO: Piliin ang titik ng iyong sagot sa katanungan. Isulat sa patlang ang napiling sagot.

________1. Pinapagana ng tekstong deskriptibo ang___________ ng mambabasa.

A. Puso
B. Imahinasyon
C. Pag-iiisip
D. Lahat ng nabanggit
________2. Ang tekstong deskriptibo ay nagpapahayag ng _________ sa tao, bagay, lugar at
pangyayari.

A. Pagmamahal
B. Pagsusulat
C. Paglalarawan
D. Wala sa nabanggit

_______3. Ano ang hindi kasama kahalagahan sa tekstong deskriptibo?

A. Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating ng manunulat sa


mambabasa.
B. Upang maging paligoy-ligoy at mapahaba ang teksto.
C. Upang mas nakakaengganyo ang teksto sa mamababasa.
D. Upang mapagana ang imahinasyon ng mga mambabasa.

_______4. Ano ang hindi dapat isinasama sa karaniwang paglalarawan?

A. Negatibong bagay
B. Tuwirang impormasyon
C. Opinyon
D. Karaniwang salita

_______5. Ano ang hindi mahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan?

A. Maayos na detalye
B. Wika
C. Impresiyon
D. Diin

TUKLASIN

PANUTO: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

PAMANA

Ni Jose Corazon dela Cruz

Isang araw ang ina ko’y nakita kong Tinangka kong magpatawa upang siya ay
namamanglaw matuwa,
Naglilinis ng marumi’t mga lumang
kasangkapan. Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng
katandaan Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Nabakas ko ang maraming taon niyang
kahirapan; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
Nakita ko ang ina ko’y tila baga’y nalulumbay At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay, Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang gunita,
maiiwan, Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting
yaman.”
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking
mukha “Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin
at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot “Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng
mandin, kasangkapan

O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan

Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw


inang
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa
amin? Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw

“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay


tawagin ni Bathala mabuti nang malaman mo
ang habilin! Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay

Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?

Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan

Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang


kapantay.”

Tanong:

1. Ano-ano ang inilalarawan sa tula?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Naging epektibo ba ang paglalarawan sa tula? Bakit?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

SURIIN

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay uri ng paglalahad at ginagawa gamit ang mahusay
na eksposisyon. Naglalarawan ito sa mga tao, bagay, pook, o kaya’y mga pangyayari.
Isa itong pagpapahayag ng impresyon o kakintalan ng pandama. Sa pamamagitan ng
pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng manunulat ang kanyang
pagalalarawan sa detalye na kanyang karanasan.

Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo


at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Ang layunin ng tekstong ito ay ang
maipahiwatig ng detalyado ang imahen na makapupukaw sa kaisipan at emosyon ng
mga mambabasa.

Kadalasan, malimit tayong makakakita ng mga imahen sa mga libro nating


binabasa. Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil nakakatulong ito upang mas
malawak na maintidihan ng mga mambabasa ang imahe na nais iparating ng
manunulat. Nakakatulong ito upang mas mapagana ang imahinasyon ng mamababasa
kaya naman, epektibo ang isang tekstong naratibo upang maipinta sa ating kaisipan
ang mga pangyayari gamit ang detalyadong uri ng pagsusulat.

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong


may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugarat maging ng mga
katangiangf taglay ng isang tao o pangkat ng tao, kalimitang tumutugon sa tanong na
ano. Ito ay maaring batay sa pandama, nararamdaman, at obserbasiyon.

2 Uri ng tekstong Deskriptibo

1. Karaniwan o Subhetibong Paglalarawan


Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
Sa karaniwang paglalarawan, ang damdamin at opinion ng tagapaglarawan ay
hindi dapat isinasama. Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlaran at itinatala ang mga bagay o mga particular na detalaye sa payak na
paraan.

2. Masining o Obhetibong Paglalarawan


Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma o artistikong mga
nagbibigay deskripsiyon sa inilalarawan.

Mga uri ng Tayutay

a. Simili o Pagtutulad- Ang tahasang pagtutulad ng inilalarawan na


ginagamitan ng mga salitang pagtututlad kapara, tulad, mala-,
animo’y at iba pa.
Hal:
Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita. Napaiyak akong tila
isang kaawa-awang bata.

b. Metapora o pangwawangis- Ang paghahambing ng inilalarawansa isang


bagay ang bagay, tao, lugar, pangyayari nang hindi ginagagamitan ng mga
salitang pagtututlad.
Hal:
Walang pag-iisip na ginawa niya ang bagay na iyon. Siya’y gamo-gamong
dumapo sa apoy.
c. Personipikasyon o Pagsasatao- ang pagbibigay ng katangian ng tao sa bagay
na inilalarawan.
Hal.:
Bumagsak ang ulang galit na galit sa bubong ng bahay.
d. Hyperbole o Pagmamalabis- ang pagpapakita ng kalabisan sa paglalarawan
ng isang bagay o pangyayari.
Hal:
Aabutin niya ang buwan para sa minamahal.
e. Ironiya o Pang-uuyam- ang pagpapahayag ng kabaliktarang paglalarawan
upang maipakita ang katotohanan.
Hal:
Sa sobrang swerte ko sa araw na ito, nabasa ako ng ulan papasok sa
paaralan.

Marami pang uri ng tayutay ang pwedeng gamitin sa paglalarawan subalit ang limang
nasa itaas lamang ang kadalasang ginagamit.
Gumagamit din tayo ng mga salitang idiyoma sa masining na pagalalarawan sa tekstong
deskriptibo. Mas malimit natin itong marinig sa pakikipag usap o pakikipagtalastasan sa pang–
araw-araw na nagbibigay ng hindi literal o tuwirang kahulugan.

Hal.

dilang anghel kamay na bakal

taas-noo matalas ang ulo

malambot na puso maitim ang budhi

(Sanggunian: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo)

ISAISIP:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tekstong deskriptibo?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang tekstong deskriptibo?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang mas gusto mong gamiting uri ng tekstong deskriptibo sa paglalarawan?
Ipaliwanag kung bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGYAMANIN:

PANUTO: Gamit ang iyong pandama, sumulat ng isang talatang makakapaglarawan ng mga
sumsunod:
1. dampi ng araw sa katanghalian
2. tikatik ng ambon sa bubungan
3. unang tikim sa prutas na durian
4. amoy ng unang ulan sa tag-araw
5. kinang ng bituin sa kalangitan

TANDAAN
. Sa pagtukoy ng kahulugan ng mga salita ay dapat alamin muna kung paano ito
binibigkas, alamin ang istraktura at konteksto nito upang madaling malaman ang kahulugan.
Matutukoy natin ang kahulugan ng isang salita sa pagbigkas sa pamamagitan ng diin at tono o
intonasyon.

Ang tingin ay lakas bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita. Kung minsan ang salita ay may dalawang kahulugan at naiiba lamang ang kahulugan dahil
sa diin nito.

Halimbawa:

Ang salitang paso ay may tatlong kahulugan.

Pasô- taniman ng halaman

Pasò- sugat dahil sa pagkadampi ng mainit sa balat

Pasó- masira o lumipas

Ang tono o intonasyon naman ay pagbaba ng tinig na maaaring makapagpahayag ng iba't


ibang damdamin.

Natutukoy din natin ang kahulugan ng isang salita sa istruktura nito. Suriin kung ito ba ay
Payak maylapi inuulit o tambalan. Ito ba ay pangngalan pandiwa pang-uri o pang-abay at iba pa.
Mas lalong makatutulong kung tutukuyin din ang katangian ng salita ba ay pormal o di pormal.

Nandiyan sa pagbibigay ng Kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ay


may iba pang paraan. Ang kahulugan ng mga salita ay makikita ayon sa mga sumusunod:

1. talinghaga at idyoma

2. Konotasyon at denotasyon

tumutukoy sa dalawang dimensyon ng pagpapakahulugan ng mga salita.

A. Konotasyon- di tuwiran ang kahulugan.

B. Denotasyon- tuwiran ang kahulugan ay hango sa diksyunaryo.

3. Tindi ng kahulugan o Clining

Ito ay pag aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais
ipahiwatig.

4. Paggamit ng contextual na clue

Ang mga kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.


Iba't ibang paraan ang ginagamit sa pagbibigay ng kahulugan sa salita ng kontekstwal na clue.

A. Pagkilala sa kahulugan ng salita ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita.

B. Pagbibigay sa kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paggamit ng halimbawa.

Pagsasanay

PANUTO: Basahin ang tekstong deskriptibo na nasa anyong patula at sagutin ang mga tanong.

Pandemya
Ni Alberto B. Cruz, Jr.

Buong daigdig ay nabalot ng hilakbot,

Iba't ibang bansa ay nagkaroon ng takot.

Nakahahawang sakit epidemyang dulot,

Pandemya ng covid-19, mundo ay binalot.

Epekto sa ating mundo ay malaking tunay,

Mamamayang Pinoy nawalan ng hanapbuhay.

Ekonomiya ng bansa ay pinababa ng tunay.

Nawa'y magbalik na sa dating galaw ng buhay.

Ngunit ating isipin mga nangyari sa atin.

Tayo'y naging maalaga sa sarili natin.

Kami sama-sama masayang kumakain.

Sa tahana'y sabay-sabay na nananalangin.

Sa edukasyon ay gabay nariyang pamilya,

Magulang at guro nakasuporta ng masaya

Mapa modular o online class 'yong makakaya

Kaya itong pamdemya ay ating kayang kaya.

Sagutin ang mga tanong na ito:

1. Ano-anong mga salita sa binasang teksto ang hindi mo maunawaan?


a.__________________________
b.__________________________
c.__________________________
2. Ano-ano ang mga istruktura ng salitang napili mo?
a.__________________________
b.__________________________
c.__________________________
3. Bigyang kahulugan ng mga salitang hindi mo lubos naunawaan sa teksto.
a._________________- _________________________________________________
_____________________________________________________________________

b._________________-____________________________________________________
______________________________________________________________________

c._________________- ____________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ano anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan mo ito ng
kahulugan?
a._________________________________
b._________________________________
c._________________________________

5. Naging mabisa ba ang iyong natutunan sa araling ito sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
salitang nabasa mo sa teksto? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ISAGAWA

PANUTO: Salungguhitan ang salita o pahayag na tayutay sa pangungusap. Tukuyin kung


anong uri ng tayutay ang mga sumusunod na pahayag at sulat ang sagot sa puwang.

_____________1. Upang mapatunayan ang aking pagmamahal sa iyo, hihingiin ko na ang


iyong kamay sa iyong magulang.
_____________2. Maamong tupa kung tignan pero tigre siya kung magalit.
_____________3. Nagningning na tila bituin ang kanyang mga mata nang makita niya ang
sinisinta.
_____________4. Sumisipol ang hangin noong nakaraang bagyo.
_____________5. Pagkakabait ng mga batang ito, nahuling nasal abas ng bahay at walang
face mask.

ISULAT MO

Panuto: Sumulat ng talatang naglalarawan sa iyong pamumuhay ngayong may pandemiya.


Gamitan ng mga tayutay at idiyom upang maging mas epektibo ang paglalarawan ng iyong
talata. Gamitin ang rubric sa ibaba bilang gabay sa iyong pagsulat.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA

TUON 4 3 2 1 Puntos

Kabuluhan ng Malinaw ang Nagparating Nagtangkang Malabo ang


Talakay mensaheng ng mensahe magparating pinaparating
ipinaparating. ang talakay ng mensahe. na
Nakikita ang at may Kaunti ang mensaheng
kahalagahan patunay ng ipinapamalas ibinahagi. Sa
ng manunulat katauhan ng na pangkalahat
sa manunulat katauhanng an, walang
ibinabahaging sa manunulat sa bahid ng
teksto. ibinabahagin pagbabahagi. katauahan
g teksto. ng
manunulat.

Organisasyonng Mahusay ang Sapat ang Kahit paano Walang


talakay organisayong ipinakitang ay may pinakitang
ipina[akitab sa oraganisasyo ipinakitang oraganisasyo
ginawang n sa oraganisasyo n sa
pagtatalakay. ginawang n sa ginawang
pagtatalakay ginawang pagtatalakay
. pagtatalakay. .

Pagkakagamit ng Natatangi ang Angkop ang Madalang Sa


salita/ pagkakagamit pagkakagam ang paggamit pangkalahat
pangungusap ng salita, it ng salita ng angkop na an, mali at
pangungusap at piniling salita hindi
at piniling talasalitaan. pangungusap, angkop ang
talasalitaan. Sapat ang at piniling mga nagamit
Wasto rin ang anyo ng talsalitaan. salita,
pagkakagamirt pangungusap Kaunti ang pangungusa
ng bantas, , ang kasanayan sa p, bantas,
malaking letra paggamit ng paggamit ng malaking
at malaking malaking letra at
pagbabaybay. titik, bantas, titik, bantas, pagbabayba
at at y.
pagbaybayba pagbabaybay.
y.

Katapatan sa uri ng Naging Naksunod May Hindi ayon


tekstong binubuo matapat sa kahit paano kaonting ang
pagsunod sa sa uri ng kaugnayan sa ginawang
uri ng tekstong tekstong uri ng talakay sa
binuo. binuo. tekstong uri ng
binuo. tekstong
binuo.

Kabuuan

You might also like