You are on page 1of 1

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Pagsulat ng Sulating Akademiko

- Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin:
academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, scholarship,
institusyon o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o
teknikal na gawain.
- Ang akademikong sulatin ay isang pagsulat na isinasagawa ng mga mag-aaral upang maipahayag ang kanilang
kaalamang nabatid mula sa iba’t ibang asignatura. Mapatutunayan dito ang paghahasa ng kritikal na pag-iisip ng
bawat mag-aaral.
- Mayroon itong nakatakdang istandard na dapat malaman ng mga mag-aaral. Kinakailangan din dito na intindihin
ng manunulat kung bakit sila nagsusulat, para saan at para kanino. Ayon sa Massey University (2012), mahalagang
makita ang kahalagahan ng pagsusulat at hindi dahil kinakailangan lamang ng manunulat na maibigay ang kung
ano ang hinihingi ng guro sa bawat asignatura. Mayroon itong nakatakdang tuntunin na dapat sundin.
Katangian ng Sulating Akademiko
1. Pormal – ang antas ng wikang gagamitin ay may mataas na kaantasan. Ang paggamit ng balbal at kolokyal na
mga salita ay iniiwasan.
2. Obhektibo – ang impormasyong gustong ilahad ay binibigyang diin.
3. Malinaw – ang mga ideya ay malinaw, sunod-sunod at magkakaugnay.
4. May paninindigan – may sariling pagpapasya
5. May pananagutan – ihayag ang mga katibayan at pangangatwiran sa bunga ng pananaliksik at pag-aaral.
Kahalagahan ng Sulating Akademiko
1. Pagbuo ng Argumento – ang pagsulat sa iba’t ibang disiplina ay magbibigay ng kaaalaman at kasanayan sa mag-
aaral sa proseso ng pagsulat na magagamit niya sa iba’t ibang sulatin. Dito mapatutunayan ang kanilang lohikal na
pag-iisip upang makabuo ng isang makahulugan at mabisang pagsusulat. Ang mga natutunan ng mga mag-aaral
mula sa aklat at talahanayan ay nagagamit niya at nailalagay ang wikang natutunan sa kanyang sariling pahayag
sa pagsulat.
2. Pangunahing Kasanayan sa Pagsusulat sangkot ang karanasan – magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-
aaral na maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang pinag-aralan. Dito mailalapat ang kanilang
kaalaman sa kung ano ang kanilang naranasan na hahantong sa isang makabuluhang paglalahat. Dito rin mahahasa
ang pagiging matalino at propesyunal ng tao. Magkaroon ng realisasyon ang mga mag-aaral sa kabuluhan sa
pagsulat sa buhay ng tao.
3. Pagbubuo ng Sanggunian – matutunan ng mga mag-aaral ang wastong paglilista ng mga sanggunian na magsilbing
matatag na patunay ng kanilang paninindigan ng kanilang ginagawang sulatin.
4. Lohikal na Pag-iisip – lumilinang ito ng kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip, mag-analisa, sumuring magbasa
at makikipagtalakayan. Nalalaman at nasasanay siya sa mga mekanismo at proseso ng pagsulat.
Mga Uri ng Pagsulat
1. Akademik – pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal
na pagsulat.
2. Teknikal – ang pagsulat na ito ay kakaiba sapagkat nangangailangan ito ng impormasyong teknikal na kadalasan
ang layunin ay lumutas ng isang komplikadong suliranin.
3. Propesyunal – ito ang puntong nasa aktwal nang pagganap sa iyong propesyon. Susulat ka batay sa natatanging
larangang kinabibilangan.
4. Journalistik – ang pagsulat na ito ay sadyang inilaan para sa usaping pamamahayag o pag-uulat ng mga balita.
5. Malikhain – ang pagsulat na punong puno ng konsentrasyon at imahinasyon ng manunulat.
6. Reperensyal – layunin ng pagsulat na ito ang magbigay ng mungkahi o magrekomenda ng iba pang kaalaman o
pagkukunan ng kaalaman.

You might also like