You are on page 1of 41

Modyul sa Filipino

Piling Larang
(Tech-Voc)
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
Filipino sa Piling Larang
(Tekbok)
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Katawagang Teknikal
Kaugnay ng Napiling Anyong
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Filipino sa Piling Larang (Tekbok)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Katawagang Teknikal Kaugnay ng Napiling Anyong
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eduardo M. Lacson

Editor: Anna Liza A. Ataiza

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay isang paraan ng pakikipagtalastasan

na may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera at
agham pangkalusugan. Ang ganitong uri ng sulatin ay may espesyalisadong
bokabularyo, tiyak at tumpak ang mga datos o impormasyon. Sa modyul na ito, kayo
ay gagabayan upang higit na mapaghusay ang inyong kakayahan sa pagsulat
at paggamit ng mga katawagang teknikal bokasyunal na sulating kaugnay sa
larangang kinabibilangan.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:

• Paglilista ng ng mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.
(CS_FTV11/12PT-0g-i-94).

Subukin

Isang malugod na pagbati at nakatapos na kayo ng Pitong Modyul sa

nakaraang Unang Markahan. Inaasahan kong malaki ang maitutulong ng mga
natutuhan ninyong kasanayan upang higit na mapaghusay ang susunod na aralin sa
Ikalawang Markahang ito. Ngayon nama’y tutuklasin natin ang inyong kahusayan at
kung gaano kalawak na ang mga natutuhang kasanayan sa pag-unawa ng bagong
araling ito para sa Ikalawang Markahan sa pamamagitan ng pagsagot mo sa
sumusunod na mga tanong.
Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga terminolohiyang pang-agham o ng mga instrumentong

ginagamit sa panteknolohiyang katawagan.
A. Katawagang Kolokyal C. Katawagang Diyalektal
B. Katawagang Teknikal D. Katawagang Panrehiyon

2. Ito ay mga salitang agham na nabubuo sa pag-angkat sa isa o higit pang salita.
A. Salitang Hango C. Salitang Likas
B. Salitang Hiram D. Salitang Likha

3. Ito ay katutubong salita na pantawag sa tao, bagay, hayop at lunan.

A. Salitang Hango C. Salitang Likas
B. Salitang Hiram D. Salitang Likha

4. Ito ay mga salitang nabuo nang walang sapat na batayan o hindi natutukoy ang
pinagmulan o ito rin yaong pinauusong mga salita.
A. Salitang Hango C. Salitang Likas
B. Salitang Hiram D. Salitang Likha

1
5. Ito ay mga salitang nagmula nang buo sa mga banyaga at inaangkop ang bigkas
at ispeling sa Ortograpiyang Filipino.
A. Salitang Hango C. Salitang Likas
B. Salitang Hiram D. Salitang Likha

Aralin Mga Katawagang Teknikal

1 Kaugnay ng Napiling Anyong

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Higit nating pahalagahan ngayon ang kasanayan mo sa pagsusulat. Sikaping
lumabas ang lahat ng mga mapipigang kaisipang nagmumula sa kalikasan ng iyong
talino. Madidiskubre mong naisip at naisulat mo pala ang mga iyon. Dahilan ito
upang masanay ka sa pagsusulat at dito napalalawak mo ang kaalaman sa pagbuo
ng isang teknikal bokasyunal na sulatin. Nagbibigay-kabatiran din ito sa paggamit ng
ng mga katawagang teknikal. Ito ay may kaugnay sa mga espesyal sa siyensya at
sining. Ito rin ay mga terminolohiyang pang-agham o instrumentong ginagamit sa
panteknolohiyang katawagan. Halina’t sikaping maiugnay at mailapat ang mga
bagong kaalamang ito sa bagong hamon at pakikipagsapalaran sa sining ng pagsulat.

Balikan

Punan ng wastong salita ang mga patlang batay sa natalakay na aralin upang
mabuo ang diwa at ipinahahayag ng pangungusap. Piliin ang wastong salita sa loob
ng kahon at isulat sa nakalaang patlang.

likhang-isip dokumentasyon propesyunal

larangan paksa rebisyon

Ano-ano nga ba ang hakbang sa pagsasagawa ng isang sulating teknikal

bokasyunal?

1. Gawan ng tamang o copyright o iyong mga nagtataglay ng

mga ideyang hiniram.

2. Kinakailangang bumuo ng tema o na magiging kapaki-pakinabang

sa tiyak na larangang kinabibilangan.

3. Huwag maglagay ng mga hindi makatotohanang pahayag o

lamang. Tiyakin na wasto ang mga detalye at angkop sa isang teknikal
bokasyunal na sulatin.

4. Sumangguni sa mga o mga taong batid mo na may sapat na

kaalaman sa gayong larangan o makapagbabahagi ng dagdag na
impormasyon sa iyo bilang manunulat.

5. Magsagawa ng sa isinulat bago ipadala o ilimbag ang pinal na

kopya.

2
Lumalawak na ang kasanayan at kahusayan ng mga mag-aaral sa larangan ng
pagsulat. Higit pa natin silang hikayating makalikha ng napapanahon at
makabuluhang sulatin. Sa puntong ito, gabayan natin silang magamit at mailapat
ang mga matutunghayang leksiyon sa kanilang pagsulat. Para sa ating mga mag-
aaral, handa ka na ba sa susunod na mga gawain? Ihanda na ang sarili sa bagong
hamong makapagsulat ng sariling obra!

Tuklasin

Bigyang-kahalagahan ang pananaw sa pagsulat. Maaaring maraming mga

konsepto o kaisipan ang maiuugnay mo sa pagsulat sapagkat ito ay bahagi na ng
iyong pagiging mag-aaral. Naalala mo pa ang unang pagkakataon na ikaw ay
nakapagsulat? Ano ang maituturing mong naging obra maestra mo sa ginawa mong
pagsulat? Ibahagi mo ang iyong karanasang hindi makalilimutan sa pagsulat para sa
susunod na gawain. Mahalaga na maisaalang-alang mo ang yugto sa pagsulat.
Muli nating alalahanin ang natutuhan ninyo sa katuturan ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin. Ito ay isang pasulat na paraan ng komunikasyon para sa
propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panlaboratoryo, mga proyekto, mga panuto at
dayagram na may ugnayan sa larangang espesyalisadong tulad ng teknolohiya,
pagluluto, elektrisidad, pangkalusugan at agham. Makatutulong nang malaki kung
palalawakin ang iyong konsepto hinggil sa pagkilala sa teknikal- bokasyunal na
sulatin batay sa katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.
Pansinin ang dalawang Materyal na Infograhics. Bigyang-halaga ang mga
termino at katawagang ginamit. Sagutin ang sumusunod na gawain.

https://tinyurl.com/yxrlhco3

https://tinyurl.com/y
293l7dh

https://tinyurl.com/y293l7dh
Mga Katawagang Teknikal Pagbibigay ng kahulugan at Paliwanag
na Maiuugnay sa Teknikal-
Bokasyunal na Pagsulat
Sepilyo ang salin nito sa Filipino; Isa sa mga
1. toothbrush mahalagang ginagamit sa kalinisan at kalusugan.
Maaaring isalin ito ng pagkukusa. May inisyatibong
2. mag-volunteer gawin ang isang bagay. Nagagamit na ang ganitong
estilo.
Salitang nagmula sa Ancient Greek na ang ibig
3. Pneumonia sabihin ay sakit sa baga. Sa Filipino, ito ay
Pulmonya.
Nagmula rin sa Ancient Greek na nagangahulugang
4. sintomas pangyayari o aksidente. Sa Ingles ito ay symptoms.
Salin natin ito sa Ingles na cough. Likas na salitang
5. ubo Tagalog na ibig sabihin ay naipong plema.

Gawain 1: Tawag-Teknik (Katawagang Teknikal)

Magtala ng mga katawagang teknikal na makikita mo sa Infographic #1- GMA.
Ipaliwanag ang mga salitang naitala o ano ang kahulugan nito.

Mga Katawagang Teknikal na

Maiuugnay sa Teknikal-Bokasyunal Pagbibigay ng kahulugan at Paliwanag
na Pagsulat

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2: Punan ng wastong Katawagang Teknikal ang sumusunod na

Banghay-Guhit:

Mula sa infographic
#2 DOH

Katawagang teknikal: Katawagang teknikal:

Kahulugan: Kahulugan
:
Katawagang teknikal:

kahulugan

4
Suriin

Mga Katawagang Teknikal –

Ito ay tumutukoy sa mga terminolohiyang pang-agham o ng mga instrumentong
ginagamit sa panteknolohiyang katawagan.

1. Salitang Hango -
Ito ay mga salitang agham na nabubuo sa pag-angkat sa isa o higit pang salita.
Halimbawa: Hydrogen, Aluminum, Mall, Refrigerator

2. Salitang Hiram –
Ito ay mga salitang nagmula nang buo sa mga banyaga at inaangkop ang bigkas at
ispeling sa Ortograpiyang Filipino.
Halimbawa: Transportasyon, Bibliyograpiya, Akademya, Nars

3. Salitang Likas –
Ito ay katutubong salita na pantawag sa tao, bagay, hayop at lunan.
Halimbawa: ama, ina, ulan, aso, Pinaglabanan

4. Salitang Likha –
Ito ay mga salitang nabuo nang walang sapat na batayan o hindi natutukoy ang
pinagmulan o ito rin yu’ng pinauusong mga salita.
Halimbawa: walwal, oblo, erap, dyowa

Pagyamanin

Gawain: Punan ang bawat kahon ng mga Katawagang-Teknikal

SALITANG SALITANG SALITANG LIKAS SALITANG LIKHA

HANGO HIRAM
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

5
Isaisip

1. Bakit mahalagang matutuhan

natin ang mga katawagang
teknikal na kaugnay sa napiling
anyo ng teknikal na bokasyunal na
sulatin? Isulat ang inyong sagot sa
inyong kuwaderno.
2. Paano napalalawak ang mga
bokabularyo mula sa mga
katawagang teknikal na
natutuhan sa aralin ngayon?
3. Ano-ano ang mahalagang
konsepto na dapat isaalang-alang
upang makapaglilista tayo ng mga
katawagang teknikal na kaugnay
sa piniling anyong sulatin?

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat

sa kuwaderno bilang pagninilay sa
bagong natutuhang aralin.
Mahalagang natutuhan ko, na ang
katawagang teknikal ay
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________.

Isagawa

Mahalagang Gawain: Tawag-Teknik (Katawagang Teknikal)

Magtala ng mga Katawagang Teknikal na maiuugnay mo sa iyong larang na

kinabibilangan. Halimbawa: Kung napabibilang kayo sa Cookery, Food and Beverage
Service, Bread and Pastry Production, Caregiving, Animation, Computer Servicing
System, Electrical Installation & Maintenance at Automotive. Ipaliwanag ang mga
salitang naitala at ano ang ugnayan nito sa iyo.

6
Katawagang Teknikal:
Paliwanag:

Larang: Katawagang Teknikal:

______________________ Paliwanag:

Katawagang Teknikal:
Paliwanag:

Tayahin

Gawain 1: Maramihang Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa

hininhingi ng bawat tanong.

1. Ito ay tumutukoy sa mga terminolohiyang pang-agham o ng mga instrumentong

ginagamit sa panteknolohiyang katawagan.
A. Katawagang Teknikal C. Katawagang Kolokyal
B. Katawagang Panrehiyon D. Katawagang Diyalektal

2. Ang salitang batalan ay nangangahulugang hugasan at paliguan, ito ay isang

halimbawa ng salitang:
A. Hango B. Hiram C. Likas D.Likha

3. Ang salitang akronim ay halimbawa ng salitang:

A. Hango B. Hiram C. Likas D. Likha

4. Ang salitang “mema” ay nangangahulugang pinaikling mema sabi lang o may

masabi lang, ito ay halimbawa ng salitang:
A. Hango B. Hiram C. Likas D. Likha

5. Ang sumusunod ay halimbawa ng Salitang Hango MALIBAN sa:

A. Basketbol B. Spaghetti C. Thermometer D. Overhaul

6. Ang sumusunod ay halimbawa ng Salitang Hiram MALIBAN sa:

A. makina B. mantekilya C. dila D. tseke

7. Ang mga salitang bintana, kumusta at korto ay mga salitang hiniram sa:
A. Katutubo B. Tsino C. Amerikano D. Kastila

7
8. Ang mga salitang kanto, balbal at maging ang gay lingo ay maituturing na:
A. Salitang Hango C. Salitang Hiram
B. Salitang Likha D. Salitang Likas

9. Paano nagiging tanyag o nakikilala ang mga bagong likhang salitang nauuso lalo
na sa mga kabataan?
A. Kapag gusto ring pasikatin ang mismong gumawa ng salita.
B. Kapag palagiang ginagamit na o palasak na sa maraming tao.
C. Kapag ito ay ninanais na maisama sa Talatinigan o Diksyunaryo.
D. Kapag nagagamit ito ng isa lamang pangkat sa komunidad o barangay.

10. Bakit mahalagang matutuhan ang mga katawagang teknikal?

A. Sapagkat ang wika ay buhay at nagbabago.
B. Sapagkat higit na nauunawaan agad ang kahulugan ng salita.
C. Sapagkat instrumentong ginagamit ito sa panteknolohiyang katawagan.
D. Wasto ang lahat ng mga pagpipilian.

Gawain 2: Pagsulat

Lubhang kasiya-siya ang resulta ng iyong pagtitiyaga at pagsisikap na

matutuhan ang mga kaalamang narito sa modyul! Alam kong kayang-kaya mo pang
tugunan ang isa pang gawain upang lubusan mong matutuhan ang kompetensi o
kasanayang nakapaloob sa araling ito.

Mahalagang Gawain: Bilang paglalapat, sumulat ng isang pagninilay na

napalolooban ng mga katawagang teknikal na kaugnay sa napiling anyong sulatin
na tungkol sa:

KAHALAGAHAN NG AKING NAPILING LARANG

_________________________________________________________________

8
Filipino sa Piling Larang
(Tekbok)
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Paggamit ng mga Angkop na
Termino sa Paraang Sistematiko
Filipino sa Piling Larang (Tekbok)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Paggamit ng mga Angkop na Termino sa Paraang
Sistematiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eduardo M. Lacson

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang pagsulat ng isang mahusay na teknikal na sulatin ay nangangailangan ng

espesipikong impormasyon, nakapokus sa detalye at tumpak ang lahat ng mga
nilalamang mensahe. Ito ang mabisa at sistematikong pamamaraan. Nakatuon ang
manunulat sa malinaw at hindi maligoy na paglalahad ng mga dokumento. Hindi
kinakailangang gumamit ng maraming teknikal na salita at parirala. Tiyak na may
malinaw na pinapaksa at pamamaraan sa mga kaalamang pinipresenta. Isinasaalang-
alang din ang angkop na paggamit at pagpili ng disenyong naaayon sa daloy ng teknikal
na pagsulat. Hinding-hindi mawawala ang paggamit ng mga angkop na termino upang
mapagtibay ang kabuuang sulatin.
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:
• Pagpapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:
1. Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
(CS_FTV11/12 PS-0j-i-93).

Subukin

Lubos na kasiya-siya ang nararamdaman ko bilang tagapagdaloy at tagagabay

sa inyong mga tinatahak na landas. Nararamdaman at nasasaksihan ko ang inyong
patuloy na pagtubo. Nakatutuwang makita ang mga ipinunla mo ay unti-unting
lumalaki, lumalago, lumulusog at kalauna’y magkakaroon na ng masarap na bunga na
ating parehong aanihin. Ngayon nama’y tutuklasin natin ang inyong kahusayan at kung
gaano kalawak na ang mga natutuhang kasanayan sa pag-unawa ng bagong araling ito
para sa Ikalawang Markahan sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga
tanong.
Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng napiling
sagot.

1. Mahalaga ang pagiging sistematiko sa pagsulat ng teknikal na sulatin dahil sa______.

A. maayos ang daloy ng kaisipan
B. madaling mabalangkas ang pahayag
C. matutukoy ang kalalabasan ng buong talata
D. makatutulong sa manunulat upang higit siyang makilala

2. Anong pangunahing kailangan upang maging sistematiko at malinaw ang sulatin?

A. Masinsin ang ginawang pananaliksik sa isang paksa.
B. Ginamitan ng maraming pahayag ng mga kilalang manunulat.
C. Espesipiko, nakapokus, tumpak ang detalye at angkop ang termino.
D. Maraming pinagbatayang sangguniang aklat sa nakalap na impormasyon.

3. Ang sumusunod ay mga katangian ng manunulat upang maging sistematiko at

malinaw ang sulatin MALIBAN sa _________________.
A. Pumipili siya ng wasto at naaangkop na termino at maging sa disenyo.

1
B. Gumagamit siya ng mabubulaklak na teknikal na salita at parirala.
C. Tinitiyak niyang lahat ng mga gagamiting dokumento ay wasto.
D. Espesipiko at tumpak ang kaniyang pagpapaliwanag.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na wastong disenyo sa teknikal na

sulatin?
A. imahe C. dayagram
B. sukat ng font D. interbyu

5. Bakit mahalaga ang pariralang sistematikong paraan sa paggamit ng angkop na

termino?
A. Matutukoy agad na maayos, organisado at malinaw ang terminong ginamit.
B. Maraming interesado sa pagbabasa sa kabuuan ng teknikal na sulatin.
C. Nag-iingat ang manunulat na mapulaan ang kaniyang akdang sulatin.
D. Nakikita ang kahusayan ng may-akda sa paggamit ng mga salita.

Aralin Paggamit ng mga Angkop na

1 Termino sa Paraang Sistematiko

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay isang espesyalisadong larangan at anyo

ng pakikipagtalastasan sa dahilang ito ay may tiyak na layunin, gamit, katangian, anyo
at target na gagamit. Ang paraan ng pagsulat nito ay tulad ng deskripsyon ng produkto,
manuwal, katitikan ng pulong, pagpaplano, paglikha ng flyers at leaflets, paglikha ng
poster o materyal na pampromo, ulat-panlaboratoryo, feasibility study at naratibong
ulat. Kakaiba ito sa mga akademikong sulating tulad ng pananaliksik, tesis, analitikong
papel, sanaysay, pamanahong papel, pictorial essay at iba pa.
Ang ganitong uri ng sulatin ay nagpapaliwanag at naglalahad ng isang malinaw
na paksa, obhetibo, tiyak at tumpak, at walang nakapaloob na pansariling damdamin
ng manunulat. Higit sa lahat gumagamit ito ng teknikal na bokabularyo o angkop na
termino sa paraang sistematiko.

Balikan

Batay sa nakaraang aralin, ating lagumin ang natutuhan ninyong kaalaman sa

pamamagitan ng pagkilala at pagtukoy sa ipinahahayag ng nasa Kolum B. Piliin ang
sagot na isusulat sa Kolum A batay sa nakatala sa ibaba:

Salitang Hango Katawagang Teknikal Salitang Likas

Salitang Hiram Katawagang Diyalektal Salitang Likha

KOLUM A: Tukuyin at isulat

sa patlang ang terminong KOLUM B: Depinisyon ng mga Termino
ipinahahayag sa KOLUM B.
Ito ay mga salitang nagmula nang buo sa mga
1. banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa
Ortograpiyang Filipino.

2
Ito ay tumutukoy sa mga terminolohiyang
2. pang-agham o ng mga instrumentong
ginagamit sa panteknolohiyang katawagan.

Ito ay mga salitang agham na nabubuo sa pag-

3, angkat sa isa o higit pang salita.

Ito ay mga salitang nabuo nang walang sapat na

batayan o hindi natutukoy ang pinagmulan o ito rin
4. yu’ng pinauusong mga salita.

Ito ay katutubong salita na pantawag sa tao, bagay,

5. hayop at lunan.

Tuklasin

Ang mabisang pagkatuto ng ating mga mag-aaral ay nakasalalay sa ating mga

gurong matiyagang gumagabay sa kanila lalo na ngayong hindi tayo nagkikita-kita sa
panahon ng pandemya. Kung kaya’t sa tulong ng social media, ang paggamit ng
teknolohiya ay hikayatin pa natin silang magpunyagi sa pag-aaral. May kahirapan ang
magsubaybay sa paggawa ng sulatin, higit pa natin silang hikayating makalikha ng
napapanahon at makabuluhang sulatin. Minamahal kong mga mag-aaral, handa na ba
kayo sa susunod na mga gawain? Ihanda na ang inyong sarili sa bagong hamong
makapagsuri ng aralin! Mailapat at makapagsulat ng sariling ninyong obra!

Ano ba ang salitang sistematiko?

Ang salitang sistematiko ay may sinusunod na paraan at proseso.
Kasingkahulugan ito ng pagiging organisado, maayos, may sistema, hakbang at
mekanismong sinusundan.
Panoorin ang isang piling komersyal o patalastas ng Mc Do. Naaalala n’yo pa ba
sina lolo, Gina at Karen? Heto sila… Buksan ang ang link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=SpdVCHjJYPQ

Matapos nating panoorin ang komersyal, sagutin natin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang inyong mga kasagutan sa inyong mga kuwaderno at pagkatapos ay piktyuran
ninyo at isend sa ating Google Classroom o kaya sa aking Messenger.
1. Ano ang pinapaksa ng komersyal o patalastas? Tungkol saan ito?
2. Ano ang napansin mo sa daloy ng kuwento nito? Ano ang mga ipinakitang
pag-uugali ng apo sa mga sinasabi ni lolo?
3. Masasabi mo bang maayos at may sistematikong pamamaraan ang
pagkakalahad ng komersyal? Bakit oo? Bakit hindi?
4. Ano-anong magagandang kaugaliang Pilipino ang nakapaloob sa
komersyal?

3
5. Bakit mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari o transisyon sa
kuwentong nakapaloob sa komersyal? Pangatwiranan ang inyong kasagutan.

Suriin

TANDAAN:

Ang sistematikong pamamaraan ay may sinusunod na paraan at proseso.

Kasingkahulugan ito ng pagiging organisado, maayos, may sistema, hakbang at
mekanismong sinusundan. Sa bawat anyong susulatin, mainam na gumamit ng mga
angkop na termino at kailangang ipaliwanag ito nang malinaw, tiyak at may tuon sa
isang paksang pinag-uusapan.
Ayon kina Dr. Voltaire M. Villanueva at Prof. Lolita T. Bandril: Mahalagang
malaman ang mga katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay
naghahangad na maging propesyonal na manunulat. Maraming klase ang pagsulat at
bawat uri ay may layunin. Naiiba ang teknikal- bokasyonal na pagsulat sa kadahilanang
iyo ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng
pagsulat ay magpaliwanag ng ibat ibang paksa sa mga mambabasa. Ang teknikal-
bokasyonal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa
malinaw, obhetibo, tumpak at di-emosyonal na paraan. Ito rin ay gumagamit ng
deskripsyon ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga,
paghahambing at pagkakaiba, analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga
teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang
matiyak at masuportahan ang talakay tekswal.
Halaw mula sa aklat nina Voltaire M. Villanueva at Lolita T. Bandril, Pagsulat
sa Filipino sa Piling Larangan (Isports at Teknikal-Bokasyonal, p.9.

Balikan natin ang halimbawang lunsarang ginamit, ang komersyal. Ito ay may
maayos at sistematikong daloy ng kuwento. Kahit na 52 segundo lang ang itinakbo ng
patalastas, punumpuno ng imahe at tiyak na nauunawaan ang mensahe sa tulong ng
mga angkop na terminong malaki ang naitulong sa pag-unawa ng mga linya o diyalogo.
Maging ang pagkilos ng mga mata at kamay ng mga tauhan ay nangungusap. Lubhang
pinag-isipan ang konsepto, may mahusay na iskrip at magaling na pag-arte sa kanilang
karakter.
Kaya mo rin kayang makalikha ng mahusay na ‘story line’ na maaari nating
maituring na isang anyo ng sulatin? Ating pagyamanin…

Pagyamanin

Gawain 1: Pakwadrong Pagsasalaysay (Story Frame)

Mula sa pinanood na Komersyal (McDo), punan ng wastong pagsasalaysay ang

bawat hinihingi ng Kuwadro.

4
KWADRO 1- SIMULA KWADRO 2- SAGLIT NA KWADRO 3-
KASIGLAHAN TUNGGALIAN

KWADRO 4- KWADRO 1- WAKAS

KASUKDULAN

Gawain 2: Lumikha ng isang Promo Material na may kinalaman sa isang

produktong nauugnay sa inyong Larang. Ipakita sa Promo
Material kung paano ninyo mahihikayat na tatangkilikin ang
inyong produkto.

Halimbawa:
✓ Kung nasa larang kayo ng Cookery, anong produkto
ang malilikha ninyo? Baked Macaroni? Carbonara? Atbp.
✓ Kung nasa Bread and Pastry Production naman,
maaaring Cookies o kaya Homemade Cake.
✓ Kung sa Larang na Automotive, maaring produktong pang-
change oil…
at iba pang Larang…

Isaisip

1. Bakit mahalagang matutuhan natin ang mga paraang

sistematiko sa paggamit ng mga angkop na termino sa isang anyo
ng sulating teknikal-bokasyonal? Isulat ang inyong sagot sa
inyong kuwaderno.
2. Paano ninyo maipaliliwanag sa paraang sistematiko at
malinaw ang piniling anyong sulating teknikal-bokasyonal batay
sa mga ginamit na angkop na termino?
3. Magbigay nga kayo ng halimbawang anyo ng sulatin kung saan
mailalapat natin ang paraang sistematiko at malinaw ang
pagpapaliwanag nito?

5
Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa kuwaderno
bilang pagninilay sa bagong natutuhang aralin.
Malaki ang naiambag sa natutuhan ko ngayon, na ang
paraang sistematiko at malinaw na pagpapaliwanag sa
piniling anyong sulatin ay
_________________________________________________________
_______________________________________________________

Isagawa

Gawain 1: Paglikha ng Poster o Babala

Lilikha naman kayo ng isang poster o babala, na may kaugnayan sa iyong larang
na kinabibilangan. Halimbawa: Kung napabibilang kayo sa Cookery, Food and Beverage
Service, Bread and Pastry Production, Caregiving, Animation, Computer Servicing
System, Electrical Installation & Maintenance at Automotive Servicing, gagawa kayo ng
simpleng Babala.
Halimbawa: Food and Beverage Service: INGATAN… NABABASAG ANG MGA
ITO!!! Maging malikhain sa paggawa ng poster, lagyan ng disenyo.

Gawain 2: Bilang Paglalagom sa natutuhang aralin, lagyan ng mga angkop na

termino ang AKRONIM na SISTEMATIKO:

S–
I –
S–
T–
E–
M–
A–
T–
I–
K–
O–

6
Tayahin

Panuto: Maramihang Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa

hininhingi ng bawat tanong.
1. Ito ay may sinusunod na paraan at proseso, kasingkahulugan ito ng pagiging
organisado, maayos, may sistema, hakbang at mekanismong sinusundan.
A. Simbolo B. Sintomas C. Sistematiko D. Sibilisasyon

2. Ito ay nakahihikayat sa bagong kustomer, nagpapakilala ng bagong produkto at

lumilikha ng pangalan para makilala.
A. Manwal B. Promo Material C. Naratibong Ulat D. Feasibility Study
3. Layunin nito ay magpahiwatig, nagsisilbing pananda na paparating na panganib,
maaari ring isang payo.
A. Babala B. Anunsyo C. Patalastas D. Leaflet

4. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Promo Material?

A. lumilikha ng pangalan C. nagrerecruit ng kaanib
B. humihikayat sa empleyado D. ipinagdiriwang ang tagal sa larangan

5. Mahalaga ang pagiging sistematiko sa pagsulat ng teknikal na sulatin dahil sa-

A. maayos ang daloy ng kaisipan
B. madaling mabalangkas ang pahayag
C. matutukoy ang kalalabasan ng buong talata
D. makatutulong sa manunulat upang higit siyang makilala

6. Ang sumusunod ay mga kadahilanan sa pagsusulat ng teknikal-bokasyonal na

sulatin MALIBAN sa:
A. higit na naglalaman ng mahalagang impormasyon
B. gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo sa mambabasa
C. malinaw, obhetibo at tumpak sa pamamaraang sistematiko
D. palaging may nakalakip na susundin kautusan o batas pang-ekonomiya

7. Anong pangunahing kailangan upang maging sistematiko at malinaw ang sulatin?

A. Masinsin ang ginawang pananaliksik sa isang paksa.
B. Ginamitan ng maraming pahayag ng mga kilalang manunulat.
C. Espesipiko, nakapokus, tumpak ang detalye at angkop ang termino.
D. Maraming pinagbatayang sangguniang aklat sa nakalap na impormasyon.

8. Ang sumusunod ay mga katangian ng manunulat upang maging sistematiko at

malinaw ang sulatin MALIBAN sa ____________________.
A. Pumipili siya ng wasto at naaangkop na termino at maging sa disenyo.
B. Gumagamit siya ng mabubulaklak na teknikal na salita at parirala.
C. Tinitiyak niyang lahat ng mga gagamiting dokumento ay wasto.
D. Espesipiko at tumpak ang kaniyang pagpapaliwanag.

9. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na wastong disenyo sa teknikal na

sulatin?
A. imahe B. sukat ng font C. dayagram D. interbyu

10. Bakit mahalaga ang pariralang sistematikong paraan sa paggamit ng angkop na

termino?
A. Matutukoy agad na maayos, organisado at malinaw ang terminong ginamit.
B. Maraming interesado sa pagbabasa sa kabuuan ng teknikal na sulatin.
C. Nag-iingat ang manunulat na mapulaan ang kanyang akdang sulatin.
D. Nakikita ang kahusayan ng may-akda sa paggamit ng mga salita.

7
Lubhang kasiya-siya ang resulta ng iyong pagtitiyaga at pagsisikap na
matutuhan ang mga kaalamang narito sa modyul! Alam kong kayang-kaya mo pang
gawin ang karagdagang gawaing ito upang lubusan mong matutuhan ang kompetensi
o kasanayang nakapaloob sa araling ito.
Mahalagang Gawain:
Bilang paglalapat, balikan ang ginawang Promo Material, sadyaing gumawa o
lumikha ng isang Blog na humihikayat sa iyong ipinakikilalang produkto o kaya ay
isasagawa mo ito sa isang Online Selling. Kayang-kayang mo ito di ba? Maging
malikhain. Isend sa aking messenger.

8
Filipino sa Piling Larang
(Tekbok)
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Angkop na Terminong Saklaw
ng Isang Manwal: Ipaliwanag nang
Malinaw
Filipino sa Piling Larang (Tekbok)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Angkop na Terminong Saklaw ng Isang Manwal:
Ipaliwanag nang Malinaw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eduardo M. Lacson

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Rozar Ric C. Catabian

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Higit nating dapat tandaan at balik-balikan ang kahalagahan ng pagsusulat

partikular na sa larangan ng teknikal na pagsulat. Ang pagsulat ay isang paraan ng
pagpapahayag ng isang tao, na nagmumula sa kanyang isip at damdamin sa
pamamagitan ng mga pinagsama-samang mga tunog at simbolo. Ang teknikal na
pagsulat ay nakapokus sa isang natatanging paksa o ideya, nangangailangan ng
wastong panuto, direksyon at ng isang malinaw na pagpapaliwanag.

Isinasaalang-alang din ang angkop na paggamit at pagpili ng disenyong

naaayon sa daloy ng teknikal na pagsulat. Hinding-hindi mawawala ang paggamit ng
mga angkop na termino upang mapagtibay ang kabuuang sulatin.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:

• Pagpapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
(CS_FTV11/12 PS-0j-i-93).

Subukin

Noong nakarang Unang Markahan, bihasa at sanay na kayong kumilatis ng iba’t

ibang klase ng teknikal-bokasyonal na sulating naaayon sa layunin, gamit, katangian,
anyo at target na gagamit. Nakapagsagawa rin kayo ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-
bokasyonal. At sa huling napakahalagang kasanayan, naisa-isa ninyo ang mga hakbang
sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyonal.
Muli na naman nating susubukin ang inyong kahusayan at kung gaano kalawak
na ang mga natutuhang kasanayan sa pag-unawa ng bagong araling ito para sa
Ikalawang Markahan sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong.

Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng napiling
sagot

1. Ito ay kailangang maikli, simple, madaling maunawaan o matandaan at maayos

ang pagkakadisenyo ng produkto.
A. Manwal B. Dokumentasyon C. Naratibong Ulat D. Menu sa Pagkain

2. Ito ay isang uri ng Manwal na kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
A. Manwal - Serbisyo C. Manwal na Operasyonal
B. Teknikal na Manwal D. Manwal para sa Pagsasanay

3. Ang sumusunod ay mga tuntunin sa pagbuo ng Manwal MALIBAN sa:

A. Gumagawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
B. Ang manunulat ay dapat na bahagi sa pagdidisenyo.
C. Kailangang maikli, simple o payak at madaling intindihin.

1
D. Tinutukoy ang mga kwalipikasyon, katangian at layunin nito.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na disenyo ng isang Manwal?

A. Madaling basahin. C. May kaakit-akit na disenyo.
B. Isang napakaliit na papel nito. D. May mga ilustrasyong tulong o gabay.

5. Bakit mahalaga ang pagbuo ng isang Manwal?

A. Nagbibigay ito ng mga panuto para sa komplikadong gawain.
B. Nagtuturo ito upang paano gamitin o gawin ang isang bagay.
C. Nagpapaliwanag ito ng mga panuntunan sa isang emplyado.
D. Wasto ang lahat ng pagpipilian.

Aralin Mga Angkop na Terminong

Saklaw ng Isang Manwal:
1 Ipaliwanag nang Malinaw
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang pagsulat ng mga sulating
sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman sa kalakalan o komersyo at
hanapbuhay. Ang isang tiyak na halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham sa pag-aaplay
ng trabaho. Ito ay isang uri ng tekstong naglalahad o ekspositori na nagbibigay ng mga
impormasyon para sa komersyal at teknikal na layunin. Nililikha ng isang manunulat
ang ganitong sulatin para sa dokumentasyong panteknolohiya.
Ang ganitong uri ng sulatin ay nagpapaliwanag at naglalahad ng isang malinaw
na paksa, obhetibo, tiyak at tumpak, at walang nakapaloob na pansariling damdamin
ng manunulat. Higit sa lahat gumagamit ito ng teknikal na bokabularyo o angkop na
termino sa paraang sistematiko at ipinaliliwanag nang malinaw.

Balikan

Batay sa nakaraang aralin, ating lagumin ang natutuhan ninyong kaalaman sa

pamamagitan ng pagkilala at pagtukoy sa ipinahahayag ng nasa Kolum B. Piliin ang
sagot na isusulat sa Kolum A batay sa nakatala sa ibaba:

Flyer Leaflet Liham-Pangnegosyo

Babala Promo Material Diskripsiyon ng Produkto

KOLUM A: Tukuyin at isulat

sa patlang ang terminong KOLUM B: Depinisyon ng mga Termino
ipinahahayag sa KOLUM B.
Ito ay estrakturang anyo ng paglalahad ng
1. impormasyon tungkol sa katangian at benepisyo ng
proyekto.

Ito ay nanghihikayat sa mga bagong kostumer,

2. nagpapakilala at lumilikha ng pangalan ng bagong
produkto at makahikayat ng mga empleyado.

2
Ito ay isang uri ng papel na patalastas na
3, naglalayong ibahagi sa maraming tao at
ipinamamahagi sa mga pampublikong lugar.

Ito ay pagpapahiwatig at maaari ring pananda ng

4. paparating na panganib. Isang payo para makapag-
ingat.

Ito ay higit na maganda ang disenyo, naka-print at

5. makulay. Ito rin ay nakatatawag ng pansin at
nagpapahayag ng ibig na mensahe.

Tuklasin

Ano ang pumapasok sa isipan ninyo kapag nakaeengkwentro kayo ng salitang

MANWAL?

Ano ba ang kahalagahan ng MANWAL sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay at maging

sa iba pang larangan?

Bago nating lubusang tuklasin ang nakapaloob na kaalaman tungkol sa Pagbuo ng

Manwal, panoorin muna natin ang Video Clip na ito mula sa YouTube.

PAANO MAGLAGAY NG LANGIS SA ELECTRIC FAN

https://www.youtube.com/watch?v=-jAtqSlXZwQ

• Mula sa maikling video, nakasunod ba kayo sa kaniyang mga instruksiyon para

maisagawa ang paglalagay ng langis sa electric fan?
• Madali lang bang sundan? Kaya mo kayang gawin ang ginawa ng nagtuturo?
• Matatawag mo rin bang Manwal ang aktuwal na pagtuturo ng nagsasalita sa
video? Bakit mo nasabing oo, bakit mo nasabing hindi?

Suriin

Ang MANWAL ay isang babasahing karaniwang naglalaman ng mga impormasyon

tungkol sa isang paksa, maaaring tumalakay sa mga tuntunin ng isang kompanya o
organisasyon at gayondin ng mga paraan o proseso na may kinalaman sa paggawa,
pagsasaayos ng isang bagay o produkto. Kadalasang binabasa ang Manwal upang
magkaroon ng impormasyon tungkol sa isang usapin o bagay na nais malinawan.

3
Pansinin ang isang larawan ng manwal. Sagutin ang sumusunod na gabay na
katanungan:

1. Ano ang nakapaloob na mensahe sa Manwal? Tungkol saan ito?

2. Ano-ano ang makukuha nating mahalagang kaalamang nakapaloob sa Manwal?
3. Magbigay ng mga tuntunin sa pagbuo ng isang Manwal.
4. Ano ang dapat na isaalang-alang ng isang manunulat upang makabuo ng isang
Manwal?
5. Bakit mahalaga ang Manwal sa isang produkto? Magbigay ng patunay sa sinabi
mong kahalagahan.

TANDAAN!:
Ang mga kagamitan natin sa bahay o appliances lalo’t higit ang mga kagamitang
elektroniko, maging sa opisina tulad ng kompyuter, printer, fax machine, photocopier,
maging ang gamit nating personal na cellphone ay may laging kalakip na user guide o
manwal.
Tinuturuan at ginagabayan tayo ng Manwal kung paano gagamitin, susundan at
gagawin ang isang bagay. Malawak at komprehesibo ang saklaw nito kung ihahambing
sa simpleng panuto lamang. Tinutulungan tayo ng Manwal sa pamamagitan ng
instruksiyon lalo’t higit sa mga komplikadong gawain.

*Ayon kina Batnag, Aurora E., Francisco, Christian George C., Gonzales at Mary
Grace H., sa kanilang aklat na Filipino sa Piling Larangan, pahina169. Narito ang:

IBA’T IBANG URI NG MANWAL AYON SA GAMIT:

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) - para sa konstruksiyon ng isang

gamit, alignment, calibration, pagsusuri, at pagsasaayos ng isang mekanismo
2. Manwal para sa Gabay na Paggamit (User Manual) – naglalaman ng gamit ng
mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga at pag-aayos ng mga
kagamitan at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang
mekanismo at kaunting maintenance
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo,

4
troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) – nagtataglay ng espesipikasyon ng mga
bahagi, operasyon, kalibrasyon, alignment, diyagnosis at pagbuo
6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit sa mga programang
pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal

Idagdag pa natin dito ang iasa pang mahalagang Manwal para sa mga Empleyado:
7. Manwal para sa mga Empleyado (Employee’s Manual) – naglalaman ng mga
patakaran, panuntunan at kasunduan ng kompanya at ng mga manggagawa

Mahalagang pakatandaan din sa pagbuo ng Manwal ng isang manununulat:

1. Dapat tiyakin niya ang depinisyon at deskripsyon ng mga mekanismo.

2. Kasama ang manunulat sa paggawa at pagdidisenyo ng isang Manwal.
3. Gagawin niyang sunod-sunod ang mga hakbang o instruksiyon.
4. Kailangang maikli, simple o payak at madaling intindihin.
5. Malinaw ang pagsusuri ng mga hakbang at proseso.

Pagyamanin

Gawain 1: Lumikha ng isang halimbawa ng Manwal na may kinalaman sa isang

produktong nauugnay sa inyong Larang. Ipakita sa Manwal ang
hakbang o instruksiyon sa pagsasagawa ng isang gawain. Lagyan din
ito ng angkop na larawan.

Halimbawa: Kung nasa Larang kayo ng Cookery, paano ang paghahanda

ng iba’t ibang uri ng sawsawan (sauces)?
Kung nasa Larang ng Caregiving, ano-ano ang dapat isaalang-
alang sa pag-aalaga ng mga matatanda?
Kung nasa Larang ng Electrical Installation and Maintenace,
paano magkumpuni ng nasirang fuse box?

Gawain 2: Magsasagawa tayo ng Dyads na Gawain. Ang klase bilang 1 at 2,

ang magkapareha at sunod-sunod na ang iba, 3 at 4… kung sa
huling bilang 3 na lang sila – sila lang ang 3 ang bilang na
magkakasama sa isang grupo. Magsisilbi itong isang
Performance Task kaya may isang linggo ninyo itong gagawin
at ipapasa sa takdang araw.

Tingnan ang iskedyul sa Google Classroom - narito ang gagawin:

Lilikha kayo ng isang MANWAL ng isang produkto, magsaliksik kayo ng

mayroon nang ganitong Manwal, karamihan sa kanila ay nakasulat sa
Ingles. Isasalin ninyo ito Filipino,sa payak o simpleng maiiintindihang salita.
Madaling maunawaan at matandaan. Isalin ang instruksiyon o tuntunin.
Maglagay rin ng larawan o drawing. Maaaring isa itong Adaptasyon.
Huwag lalagpas sa limang pahina.

5
Isaisip

Malaking gampanin ang ganitong kabatiran sa manunulat upang magpasiya agad kung
ano-anong detalye ang isasama sa sulatin tulad ng sumusunod na gabay na tanong:

• Ano ang kahalagahan ng mga termino sa pagbuo ng diskurso sa pagsulat

ng anyong sulatin tulad ng mga Manwal?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

• Bakit mahalagang pagtuunan ang wastong pagpili at angkop na salita at

pagpapaliwanag nang malinaw sa pagbuo ng isang teknikal-bokasyonal
na sulatin?

• Paano mapatutunayan na ang isang teknikal na sulatin sa larangan ng

Tech Voc ay bunga ng mabisang pagbuo ng diskurso?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

DUGTUNGAN NINYO: Napakahalaga ng mga natutuhan ko ngayon, tulad

ng kailangang naipaliliwanag nang malinaw ang mga angkop na
terminong sinasaklaw sa isang anyong sulatin dahil ito ay __________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1: Paglikha/ Pagsasaliksik ng Angkop na Larawan

Lilikha naman kayo ng angkop na larawang may kaugnayan sa iyong larang na
kinabibilangan. Halimbawa: Kung napabibilang kayo sa Cookery, Food and Beverage
Service, Bread and Pastry Production, Caregiving, Animation, Computer Servicing
System, Electrical Installation & Maintenance at Automotive Servicing, gagawa kayo o
maghahanap kayo ng mga larawan o maaari rin kayong magdrawing. Halimbawa: Food
and Beverage Service: mga kagamitang kailangang ihanda sa pagluluto ng isang recipe
at sa iba pang Larang. Maging malikhain sa pagsasagawa nito. Isasama ninyo itong mga
larawan na ito sa Gawain 1 ng Pagyamanin.

Gawain 2: Bilang Paglalagom sa natutuhang aralin, punan ng angkop na

terminong magpapaliwanag sa ipinahahayag ng gawain sa ibaba:

Magtala ng isang personal na gamit na madalas masira o nagkakaroon ng problema.

Isulat ang problema, proseso sa pagkumpuni o paggawa. Maaaring humanap ng website
link na makatutulong sa pagasasagawa nito.

6
GAMIT PROBLEMA WEBSITE LINK PALIWANAG

Tayahin

Panuto: Maramihang Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa

hininhingi ng bawat tanong.
1. Ito ay kailangang maikli, simple, madaling maunawaan o matandaan at maayos
ang pagkakadisenyo ng produkto.
A. Manwal B. Dokumentasyon C. Naratibong Ulat D. Menu sa Pagkain

2. Ito ay isang uri ng Manwal na kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
A. Manwal - Serbisyo C. Manwal ng Pagbuo
B. Teknikal na Manwal D. Manwal na Operasyonal

3. Ginagamit ito sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o

indibidwal.
A. Manwal para sa Gabay sa Paggamit C. Teknikal na Manwal
B. Manwal para sa Pagsasanay D. Manwal-Serbisyo

4. Ito’y naglalaman ng mga patakaran, panuntunan at kasunduan ng isang

kompanya at ng mga manggagawa nito.
A. Manwal para sa mga Empleyado C. Manwal na Operasyonal
B. Manwal para sa Pagsasanay D. Manwal ng Pagbuo

5. Naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na

pangangalaga at pag-aayos ng mgakagamitan at mga pangunahing operasyon o
gamit ng isang mekanismo.
A. Manwal na Operasyonal C. Manwal para sa mga Empleyado
B. Manwal para sa Pagsasanay D. Manwal para sa Gabay sa Paggamit

6. Nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, kalibrasyon, alignment,

diyagnosis at pagbuo.
A. Manwal - Serbisyo C. Teknikal na Manwal
B. Manwal ng Pagbuo D. Manwal na Operasyonal

7. Ito ay routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, at pag-aayos ng

sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.
A. Manwal na Operasyonal C. Manwal - Serbisyo
B. Teknikal na Manwal D. Manwal ng Pagbuo

8. Ang sumusunod ay mga tuntunin sa pagbuo ng Manwal MALIBAN sa:

A. Gumagawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
B. Ang manunulat ay dapat na bahagi sa pagdidisenyo.
C. Kailangang maikli, simple o payak at madaling intindihin.
D. Tinutukoy ang mga kwalipikasyon, katangian at layunin nito.

7
9. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na disenyo ng isang Manwal?
A. Madaling basahin C. May kaakit-akit na disenyo
B. Isang napakaliit na papel nito D. May mga ilustrasyong tulong o gabay

10. Bakit mahalaga ang pagbubuo ng isang MANWAL?

A. Nagbibigay ito ng mga panuto para sa komplikadong gawain.
B. Nagtuturo ito upang paano gamitin o gawin ang isang bagay.
C. Nagpapaliwanag ito ng mga panuntunan sa isang emplyado.
D. Wasto ang lahat ng pagpipilian.

Lubhang kasiya-siya ang resulta ng iyong pagtitiyaga at pagsisikap na

matutuhan ang mga kaalamang narito sa modyul! Alam kong kayang-kaya mo pang
gawin ang karagdagang gawaing ito upang lubusan mong matutuhan ang kompetensi
o kasanayang nakapaloob sa araling ito.
Mahalagang Gawain:
Bilang paglalapat, balikan ang ginawang Gawaing Pan-Dyads na nasa bahaging
PAGYAMANIN- GAWAIN 2, sadyaing gumawa o lumikha ng isang Blog na Instructional
video na humihikayat sa iyong manonood kung paano magkumpuni sakaling
magkaroon ng sira o problema ang inyong produkto. Magtulungan sa paggawa, mag-
ugnayan sa pamamagitan ng chat, messenger o video call, hindi kailangang magkita
nang face-to-face. Kayang-kayang ninyo ito di ba? Maging malikhain. I-send sa ating
Google Classroom sa takdang araw na itatakda ng guro. (Bahagi ito ng Performace Task
ninyo).

8
Filipino sa Piling Larang
(Tekbok)
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Iba’t Ibang Uri ng
Korespondensiya
Filipino sa Piling Larang (Tekbok)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Iba’t Ibang Uri ng Korespondensiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eduardo M. Lacson

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Bawat sulating ating lilikhain, kadalasan, nagsisimula ito sa ating mga iniisip,
nasasaloob at mismong sinasama natin ang ating sarili. Nabubuo natin ang buong
sulatin batay sa personal na damdamin at mga makabuluhang karanasan ng tao.
Bagamat, sa pagsulat ng teknikal na sulatin, iniiwasan nating maging emosyonal sa
dahilang nakapokus tayo sa ating target na mambabasa, ano ang layunin, gamit,
katangian at anyo ng piniling sulatin. May mga sulating tulad ng iba’t ibang uri ng
korespondensiyang nangangailangan ng wastong pormat at may pormalidad ang mga
lilikhaing salita.

Tunay na mahalagang isaalang-alang ang angkop na paggamit at pagpili ng

disenyong naaayon sa daloy ng teknikal na pagsulat. Hinding-hindi mawawala ang
paggamit ng mga angkop na termino upang mapagtibay ang kabuuang sulatin.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:

• Pagpapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ng piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
(CS_FTV11/12 PS-0j-i-93).

Subukin

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon! Dulot ng makabagong teknolohiya,

kung iisipin natin, uso pa ba ang sulatan o pagbibigay ng sulat gamit ang ilalagay sa
sobre at ipadadala sa taong gusto mong padalhan ng liham? Kailangan ka pang
pumunta ng Post Office para malagyan ng stamp, hindi ba? Naranasan mo na ba ang
mga ito? Dahil sa mayroon na tayong electronic mail o email, lubhang napakadali nang
padalhan ng liham o mensahe ang taong gusto mong kausapin o padadalhan ng
mahalagang mensahe. Ilang segundo lang ngayon maipadadala na ang mensahe gamit
ang inyong mga gadgets, may internet ka lang o data ayos na… madali na kayong mag-
uusap! Maging sa Facebook gamit ang Messenger at iba pang Apps, madali na ang
komunikasyon ngayon! Ngunit iba pa rin ang paghahanda ng Liham- Pangnegosyo o
Liham ng pag-aaplay sa trabaho, kailangang pormal pa rin ang paggawa at
pagpapadala.

Muli na naman nating susubukin ang inyong kahusayan at kung gaano kalawak
na ang mga natutuhang kasanayan sa pag-unawa ng bagong araling ito para sa
Ikalawang Markahan sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong.

Basahing mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang kung TAMA
ang ipinahahayag ng pangungusap at X naman kung MALI. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

1
______1. Ang liham ay isang mabisang anyo ng kominukasyon lalo’t higit sa larangan
ng kalakalan.
______2. Kailangang mahaba at may kalakip na damdamin ng sumusulat ang liham
pangnegosyo.
______3. Maaari naman magpadala ng Memorandum ang isang may katungkulan sa
kaniyang nasasakupan sa pamamagitan ng email.
______4. Magkaiba ang anyo at pormat ng pagsusulat ng liham pangnegosyo at
Memorandum.
______5. Hindi na kailangang lagdaan ang isang Liham Pangnegosyo kung nakalimbag
na ang buong pangalan.

Aralin Iba’t Ibang Uri ng

1 Korespondensiya
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang pagsulat ng mga sulating
sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman sa kalakalan o komersiyo at
hanapbuhay. Ang isang tiyak na halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham sa pag-aaplay
ng trabaho. Maging ang pagsulat ng Liham- Pangnegosyo ay mahalagang mapaghusay
natin ang paghahanda at pagsusulat nito. Ito ay isang uri ng tekstong naglalahad o
ekspositori na nagbibigay ng mga impormasyon para sa komersiyal at teknikal na
layunin. Nililikha ng isang manunulat ang ganitong sulatin para sa dokumentasyong
panteknolohiya.
Ang ganitong uri ng korespondensiya ay nagpapaliwanag at naglalahad ng isang
pormal at malinaw na paksa, obhetibo, tiyak at tumpak, at walang nakapaloob na
pansariling damdamin ng manunulat. Higit sa lahat, gumagamit ito ng teknikal na
bokabularyo o angkop na termino sa paraang sistematiko at ipinaliliwanag nang
malinaw.

Balikan

Batay sa nakaraang aralin, ating lagumin ang natutuhan ninyong kaalaman sa

pamamagitan ng pagkilala at pagtukoy sa ipinahahayag ng sumusunod. Isulat ang letra
ng wastong sagot sa bawat patlang.

A. Manwal – Serbisyo D. Manwal para sa Pagsasanay

B. Manwal ng Pagbuo E. Manwal para sa mga Empleyado
C. Teknikal na Manwal F. Manwal para sa Gabay na Paggamit

_____1. Ito ay ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga

grupo o indibidwal.
_____2. Ito’y naglalaman ng mga patakaran, panuntunan at kasunduan ng isang
kompanya at ng mga empleyado nito.
_____3. Ito ay manwal na para sa konstruksiyon ng isang gamit, alignment, calibration,
pagsusuri, at pagsasaayos ng isang mekanismo.
_____4. Ito’y routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos ng
sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.
_____5. Naglalaman ito ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na
pangangalaga at pag-aayos ng kagamitan at mga pangunahing operasyon o
gamit ng isang mekanismo.

2
Tuklasin

Sa bawat modyul na ating sinusuyod, kailangang handa tayo sa mga bagong

kaalamang ating itataguyod. Masinsinang gabayan ang ating mga mag-aaral sa
pagsagot ng bawat gawain upang makamit ang pinaka-esensiyal na kompetensi sa
pagkatuto. Tiyagain ang pagsubaybay sa paggawa ng sulatin. Sa mga mag-aral,
makalikha sana kayo ng natatangi ninyong obra! Tara na at simulan!
PANSININ ANG DALAWANG LARAWAN:
LARAWAN A LARAWAN B

https://tinyurl.com/y5trzc94 https://tinyurl.com/y5gnlx9u

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang isinasaad ng Larawan A? Tungkol saan naman ang Larawan B?
2. Magsalaysay ng maikling karanasang maiuugnay sa anuman sa dalawang
larawang nakalahad.
3. Sa iyong palagay, magkaugnay ba ang dalawang larawan? Bakit mo nasabing oo?
Bakit mo nasabing hindi?
4. Patunayang may kaugnayan sa pagnenegosyo ang mga nasa larawan.
5. Magbahagi ng inyong sariling karanasan kung may kaugnayan ito sa Larawan A at
B.

Tunghayan natin ang nakalahad na mahalagang ulat-balita na may kinalaman

sa Larawan B: (Hanapin sa Google ang kabuang artikulo na matatagpuan sa link na
ito) https://kami.com.ph/118613-mayor-abby-proud-sa-makatizen-na-ipinang-
negosyo-ang-ayuda-mula-sa-lungsod.html

Pag-uugnay at Pagninilay:
Ang mga natunghayan ninyong mga larawan at mahalagang ulat-balita ay may
kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay at importante ang paghahanapbuhay.
Lahat ng paraan ay gagawin natin upang mabuhay tayo nang marangal. Matinding
dagok sa buhay ang idinulot ng Covid-19 Pandemic na ito sa bansa maging sa buong
daigdig. Nariyan ang takot, pangamba, lubusang pag-aalala sa mangyayari sa araw ng
bukas lalong higit ang pag-aalala sa mga mahal sa buhay kung paano natin itatawid
ang pang-araw-araw na pangangailangan lalo na ang lalamanin ng sikmura ng bawat
isa. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa, lahat ng tao ay magtutulungan, walang
maiiwan. Sabi nga sa awitin “Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang!”
Para sa inyo mga mag-aaral, napakahalaga talaga ng edukasyon, daranasin
ninyo ang iba’t ibang uri ng pagsubok sa buhay. Tiyaking makapagtapos kayo ng pag-
aaral hanggang kolehiyo. Hindi riyan natatapos ang labanan at pakikibaka dahil,
pagkatapos ng pag-aaral, hahanap kayo ng inyong ikabubuhay, mag-aaplay ng trabaho

3
o kaya nama’y mag-iisip ng pagkakakitaang negosyo kaya sa ngayon heto ang
mahalagang payo: Mag-aral… Magsikhay… Magtagumpay!

Suriin

ANG PAGKAKAIBA NG LIHAM SA KORESPONDENSIYA/ KORESPONDENSIYA

OPISYAL
Ang LIHAM ay isang paraan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasatitik
ng mga salita. Binubuo ito ng mga bahagi at may pormat na sinusunod sa pagbuo o
pagsulat nito.
Ang KORESPONDENSIYA ay isang uri ng komunikasyon o pakikipag-usap sa paraang
pasulat. Ito ay binubuo ng liham pangnegosyo, memorandum at elektrinikong liham o
email. Mahahalagang mga dokumento ito na may kinalaman sa pakikipagtransaksiyon
at daloy ng pakikipag-ugnayan sa trabaho.
Ang KORESPONDENSIYA OPISYAL ay tawag sa mga liham pantanggapan upang
makapagtalastasan ang mga pinuno at kawani ukol sa mga transaksiyon at usaping
pangkompanya. Kailangang matutuhan ng bawat empleyado ang wasto at mabisang
paraan sa pagsusulat ng mga kakailanganing sulatin sa tanggapan upang maging
mahusay sa kaniyang larangan.
Ang LIHAM PANGNEGOSYO ay nasa anyong pormal ang pagkakasulat.
Nangangailangan ito ng pormalidad kung ihahambing sa karaniwan lamang na
mensahe para sa isang kaibigan. May sinusunod itong pormat tulad ng isang pulgada
o inch sa bawat gilid ng papel. Ang bond paper na may sukat na 8 ½” X 11”. Ito ay may
anim na bahagi: Pamuhatan, Patunguhan, Bating Pambungad, Katawan, Pamitagang
Pangwakas at Lagda.
Pamuhatan: Mula sa salitang- ugat na “buhat” o pinagmulan, nagtataglay ito ng lugar
ng nagpadala ng liham na may dalawa hanggang tatlong linya. Maaari ring ilagay ang
bilang ng telepono, numero ng fax, e-mail address at mahalaga ang petsa sa hulihan.
Patunguhan: Mula naman sa salitang-ugat na “tungo” o pupuntahan o padadalhan ng
liham. Kailangang kumpleto ang address, kasama ng pangalan at titulo ng padadalhan
ng sulat. Palagi itong nasa kaliwang bahagi. Kailangang mag-iwan ng isang linya sa
pagitan ng pamuhatan at patunguhan at maglagay rin ng isang linyang laktaw bago
ang pagbati.
Bating Pambungad: Kailangang magalang o pormal ang pagbati ng sumusulat sa
kaniyang sinusulatan. Kadalasang ginagamit ang Mahal kong… o Mahal na… na
sinusundan ng pangalan o kaya ang katungkulan o titulo ng taong pinadadalhan ng
sulat. Ginagamit ang G. (pinaikling Ginoo), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), Kgg.
(Kagalang-galang), Dr. (Doktor), Prop. (Propesor), Rev. Fr. (Pari), Engr. (Inhinyero), Arch.
(Arkitekto) at iba pang propesyon. Nagtatapos sa tutuldok (:) at hindi kuwit (,) ang
ginagamit sa bating pambungad.
Katawan ng Liham: Inilalahad dito ang nais ipahiwatig o dahilan ng sumusulat sa
kaniyang sinusulatan. Pormal ito kaya nararapat na angkop ang mga salitang opisyal
o pangangalakal na mga impormasyon, tiyak, direkta ang ipinupunto. Kailangang ito
ay typewritten o computerized. May dalawang estilo ng pagsusulat, maaaring
nakaindensiyon o maaari ring hindi depende sa nais na pormat. Anomang pormat ito,
kailangang may isang laktaw na espasyo sa pagitan ng mga talata, sa pagitan ng pagbati
at katawan at sa pagitan ng katawan at ng pangwakas.

4
Pamitagang Pangwakas: Maikling pamamaalam ito ng sumulat nang may paggalang.
Nagtatapos ito sa kuwit (,). Dahil sa pormal na liham ito, nagpapahiwatig ng respeto o
opisyal na pagwawakas tulad ng: Lubos na gumagalang, Sumasainyo, Matapat na
sumasainyo, at iba pa.
Lagda: Naglalaan ng dalawang linyang espasyo bago isulat ang buong pangalan ng
lalagda o pipirmahan sa ibabaw ng nakalimbag na pangalan.
Karaniwang isinusulat ang liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisayon
o kompanya. Ito ay sumasaklaw sa: paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon,
pagtugon sa mga tanong o paglilinaw, promosyon ng mga produkto at/o serbisyo,
pangangalap ng pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng tulong sa
pagsasaayos ng mga patakaran, koleksiyon ng mga bayad, pagbibigay ng instruksiyon,
pagpapasalamat at pagbibigay-pahalaga, pag-uulat tungkol sa mga aktibidad,
paghahatid ng magandang balita o positibong mensahe, pag-aanunsiyo, talaan o rekord
ng mga kasunduan at pagpapadala ng dokumentong teknikal.
Dalawang Pangunahing Pormat ng Liham: Anyong Block (Block Form) at Anyong may
Indensiyon (Indented Form)
Anyong Block – Lahat ng bahagi ay nasa gawing kaliwa maliban sa katawan.
Anyong may Indensiyon – Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang
patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan, pamitagang
pangwakas at lagda.
Ang MEMORANDUM o MEMO ay karaniwang maikli at mensaheng nakasulat bilang
paalala hinggil sa isang gawain, tungkulin o utos. Isinusulat para sa mga taong nasa
loob ng isang samahan o kompanya. Ito rin ay isang rekord o dokumentong nakasulat
na pahayag hinggil sa isang bagay. Maaari rin itong isang kasulatang naglalaman ng
mga kondisyon o kasunduan. Ipinadadala ang Memo sa pamamagitan ng e-mail o kaya
telefax.
Sinasaklaw na gamit ng Memo: paghingi ng impormasyon, pagkompirma sa pag-uusap,
pag-aanunsiyo ng mga pagababago sa mga pulong, pagbati sa kasamahan sa trabaho,
pagbubuod ng pulong, pagpapadala ng mga dokumento at pag-uulat sa pang-araw-
araw na gawain.
Ang ELEKTRONIKONG LIHAM o E-MAIL - Dito naipadadala ang mga liham, memo at
iba pang dokumento mula sa paggamit ng kompyuter at internet. Ito ang pinakamabilis
at epektibong sistema ng komunikasyon. Napakadali nang makipag-ugnayan saan man
naroroon ang iyong nais kausapin o padadalhan ng mensahe. Bawat tao o kompanya
ay lumilikha ng istandard na pormat o tinatawag na e-mail address.

Pagyamanin

Gawain 1: Punan ng wastong bahagi ang sumusunod na pahayag. Sinadyang

hindi sunod-sunod ang mga ito. Matapos lagyan ng katawagan o
bahagi, icomputerized nang maayos ang kabuuan ng liham at ipasa sa
aking email.

Lubos na gumalang, (1)

ABELARDO GERALD M. LACSON (2) ____________________

9040 A Masipag St. JS Ville Subdivision, (3) ____________________

5
Brgy. Dulong Bayan,
Bacoor, Cavite 4102
Agosto 15, 2020
Kgg. na Pangulo Azares: (4) ____________________

Magandang araw po! (5) ____________________

Ipinahahatid po ng liham kong ito ang pagnanais po naming makakuha ng puwesto o

stall sa loob ng ating Clubhouse para po makapagtinda ng Milk Tea at iba pang uri ng
snacks.

Nais ko po sanang humingi sa inyo ng appointment o takdang araw upang pag-usapan

ang anumang kasunduan at maipaliwanag po ang kontrata.

Ikinagagalak kopo ang inyong pagtugon sa aking mahilingang ito.

Kgg. ARVIN CHRISTIAN B. AZARES (6) ____________________

Pangulo
JS Ville Homeowners Association
9001 Mabait St. JS Ville Subdivision
Brgy. Dulong Bayan, Bacoor, Cavite, 4102

Gawain 2: Lumikha ng isang Liham sa Pag-aaplay ng Trabaho, sadyaing nauugnay

ito sa inyong Larangan. Ipakita ang wastong bahagi ng liham na
natutuhan.
Panuto: Kailanganing naglalaman ito ng kung ano ang iyong kakayahan upang
magampanan ang trabahong inaaplayan. Isulat ito sa isang malinis na bond paper,
picturan at isend sa aking Messenger o kaya ikompyuter at isend sa aking email add.

___________________________________________________________________________________

• Ano ang kahalagahan ng mga termino sa pagbuo ng halimbawa ng mga

korespondensiya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

• Bakit mahalagang pagtuunan ang wastong pagpili at angkop na salita at

pagpapaliwanag nang malinaw sa pagbuo ng isang teknikal-bokasyonal
na sulatin tulad ng Liham Pangnegosyo, Memorandum at Email?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

• Paano natin mapatutunayang gumagamit tayo ng malinaw at

sistematikong angkop na mga termino sa pagsulat ng sulatin sa larangan
ng Tech Voc?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

DUGTUNGAN NINYO: Napakahalaga ng mga natutuhan ko ngayon, na

ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo,
Memorandum at Email ay ______________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1: Punan ng wastong paglalarawan ang bawat kahon ayon sa

pagkakasunod-sunod at hinihingi ng bawat bilang.

MGA BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO:

1.

2.

3.

4.

7
5.

6.

Gawain 2: Sumulat ng isang Memorandum tungkol sa isang proyektong inyong

ilulunsad at gagawin na may kinalaman sa inyong Larangan. Naglalaman ang Memo
para sa mga kasapi sa pangkat na nagtatalaga ng kani-kanilang tungkulin at
gampanin sa gagawing proyekto.

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik T kung TAMA ang ipinahahayag ng bawat pangungusap,
M naman kung MALI.

________1. Kadalasang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa
labas ng samahan o kompanya.
________2. Ang Babala, Deskripsiyon ng Produkto at Feasibility Study ay maituturing
na korespondensiya.
________3. Kuwit ang inilalagay pagkatapos ng Bating Pambungad sa Liham
Pangnegosyo.
________4. Pormal ang gamit na termino sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo,
Memorandum at E-mail.
________5. Patutunguhan ang tawag sa address ng pinadadalhan ng Liham
Pangnegosyo.
________6. Sa ganitong uri ng teknikal na sulatin mainam na may ipinahahayag na
damdamin o emosyon ang nagpadala ng liham.
________7. Maglalaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong
lalagda.
________8. Tinatawag nating Anyong Block ang lahat ng bahagi na nasa kaliwa maliban
sa katawan.
________9. Ipinadadala ang Memorandum sa pamamagitan ng Elektronikong Liham o
kaya telefax.
________10. Maaaring maglagay ng kaunting pagpapatawa sa liham pangnegosyo
upang maging magaan ang usapan.

You might also like