You are on page 1of 19

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
PHOTO ESSAY
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: PHOTO ESSAY
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Chona S. Mongcopa
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Ikalawang Markahan–Modyul 6:
PHOTO ESSAY
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Photo Essay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Photo Essay!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

PHOTO ESSAY

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na


paggamit ng wika. CS_FA11/12WG-Op-r-93

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?


Lagi mong naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng
sanlibong salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga
komplikadong ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman,
karaniwang kamangha-mangha ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos
ang mga larawan.
Ang pag-aayos ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay
tintawag na photo essay. Ang ilang photo essay ay nang-aaliw at nagbibigay
ng impormasyon samantalang ang iba ay nag-iimbita ng pagtatalo.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo ay:


1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na photo essay.
2. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.
3. Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagsulat ng sanaysay sa tulong ng
mga larawang nabuo.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. Panuto: Sagutin at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

____1. Ang photo essay ay koleksyon ng mga-


A. salitang naglalahad tungkol sa larawan
B. larawang maingat na inayos upang maglahad ng mga pangyayari
C. pinagdugtong-dugtong na mga pangungusap upang magpaliwanag ng
particular na konsepto
D. limitadong larawan na hindi lamang inaayos ang paglalahad nito
____2. Ang kaibahan ng photo essay sa ilang akademikong sulatin ay-
A. Ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay
B. Ang pagbuo ng mga larawan lamang
C. Ang paggamit ng akmang salitang naglalarawan
D. Ang paggamit ng mga bagong teknik sa pagsasalaysay
____3. Ang photo essay ay hindi tulad sa tradisyunal na anyo ng sanaysay na-
A. Ang larawaan ang naghahari sa paglalahad
B. Ang salita ang naghahari sa paglalahad
C. Ang larawan at hindi ang salita ang naghahari sa sanaysay
D. Ang salita at hindi larawan ang naghahari sa sanaysay

2
____4. Hindi kabilang sa katangian ng photo essay –
A. Limitado ang paksa ng photo essay.
B. Malayang pumili at hindi limitado ang paksa
C. Binubuo ng mga larawang may maiikling teksto.
D. Ang mga larawan ay dapat lumutang sa sanaysay na ito hindi ang mga
salita

_____5. Sa pag-aayos ng mga larawan sa photo essay, ito ay –


A. akma ang mga larawan sa paglalahad
B. inaayos ayon sa damdaming maaaring di makapukaw ng pansin
C. dapat magkakapareho ang mga larawan ayon sa tema ng sanaysay.
D. kailangang kronolohikal ang pagkakaayos ng mga larawan kung
kronolohikal ang pagkukwento

B. Panimulang Pagtataya

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa iyong
kuwaderno.

a. Larawan f. kronolohikal
b. Pangyayari g. gitna o huli
c. Teknik h. salita
d. Nagkukwento i. pamilyar
e. Damdamin j. photo album

_________1. Ito ang mga inilalahad ng mga larawang inaayos.


_________2. Ginagamit sa pag pagsasalaysay tulad ng mga iba pang uri ng
sulatin.
_________3. Ang mga larawan ay ang pangunahing-
_________4. Kinakailangan sa pag-aayos ng mga larawan.
_________5. Dito inilalagay ang mga larawang nagtataglay ng pinakamataas na
emosyon.
_________6. Ang pumukaw sa pag-aayos ng mga larawan.
_________7. Ito’y katumbas ng sanlibong salita.
_________8. Ito’y hindi naghahari sa isang photo essay.
_________9. Isa ito sa dapat isaalang-alang sa pipiliing paksa.
_________10. Hindi katulad sa photo essay.

3
Magaling! Nasubukan mong gawin
ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad
ng bagong kaalaman…

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba.

https://bit.ly/335021o
Mga gabay na tanong
1. Ano ang masasabi mo sa larawang iyong nakita sa Gawain 1?
2. Ano ang iyong mailahad sa larawang maipakita?

4
SURIIN

PAGSUSURI

1. Napagtagumpayan mo ba ang Gawain? Bakit?

____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. May kaugnayan ba ito sa paksang iyong pag-aaralan? Patunayan.


____________________________________________________________
____________________________________________________________

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

PHOTO ESSAY

Ang Photo Essay ay koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang


upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng
particular na konsepto o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado ang pak,
magulong konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaaring ito ay tungkol sa
natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.

Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na ginagamit ng
mga teknik sa pagsasalaysay.ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga
larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay na binubuo ng mga larawan.ang

5
iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling teksto. May mga
nagsasabing ang photo essay ay isang sulatin kung ang kalakihan nito ay teksto at
sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing ang mga
larawan ang dapat lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.

Ang photo essay ay hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na


nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.ang mga
larawan ay ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang mga nakasulat na
teksto ay suporta lamang sa mga larawan. Gumagamitnlamang ng mga salita kung
may mga detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin.

Sa pag-aayos ng mga larawan, dapat ito’y kronolohikal upang kronolohikal din


ang pagkukuwento sa sanaysay.

(Ang kabuuan ng talakayang ito ay maaari mong Makita sa aklat na “Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larangan: Akademik” (Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS
INC, 2016), pp. 54-56.

Gawain 2

Panuto: Balikan ang mga larawang titik A at B sa itaas. Malaya kayong bumuo ng
kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

ISAISIP

6
Ang photo essay ay hindi parang photo album.
Sa sanaysay na ito, maingat na pinipili at inaayos ang
mga larawan upang makabuo ng isang malinaw at
interesanteng kuwento.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Gumupit ng apat na larawan mula sa lumang magasin. Idikit ito sa papel.
Sikaping makabuo ng kuwento. Lapatan ng caption at isulat ito sa ibaba ng mga
larawan.
Pamagat

7
Pamantayan sa Pagmamarka

RUBRIK SA PAGSULAT NG PHOTO ESSAY

Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimul Walang Isk


(3) a napatunay or
(4) an
(5) (2)
(1)
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May isang Maraming Hindi
kumprehensi nilalaman ng kakulangan kakulangan nakita sa
bo ang sanaysay. Wasto sa nilalaman sa ginawang
nilalaman ng ang lahat ng ng nilalaman sanaysay.
sulat/sanays impormasyon. sanaysay. ng talata.
ay. Wasto May ilang
ang lahat ng maling
impormasyo impormasyo
n. n sa
nabanggit..
Presentasy Malikhaing Maayos na Hindi Hindi Hindi
on nailahad ang nailahad ang maayos na maayos na nakita sa
nilalaman ng sanaysay.Nauunaw nailahad ang nailahad ginawang
sanaysay. aan ang nilalaman. sulat/sanays ang sanaysay.
Maayos ang ay. Hhindi sanaysay.
daloy. gaanong Hindi
Nauunawaa nauunawaan gaanong
an ang ang nauunawaa
nilalaman. nilalaman. n ang
nilalaman.
Organisasy Organisado, Malinaw maayos Maayos ang Hindi Hindi
on malinaw, ang presentasyon presentasyo maayos nakita sa
simple at may ng mga n ng mga ang ginawang
tamang ideya.Malinaw ang pangyayayi presentasy sanaysay.
pagkakasunod- daloy ng at ideya. on ng mga
sunod sa mga paglalahad ng May ideya.
presentasyon kaisipan. bahaging di Maramig
ng mga ideya gaanong bahagi ang
sa sanaysay. malinaw. hindi
Maalinaw ang malinaw sa
ddaloy at paglalahad
organisaddo ng
ang paglalahad kaisipan.
ng kaisipan.
Estruktura Malinaw, Tama ang baybay Maayos ang Hindi Hindi
ng mga maayos at ng mga salita, pagbabaybay maayos nakita sa
salita tama ang grammar, ng mga salita ang ginawang
aybaybng capitalization at subalit may gramatika sanaysay.
mga salita, pagbabantas. kaunting at
gramatika, Maayos ang kamalian sa pagbabant
capitalization pagkakasulat. estruktura at as. Hindi
at pagbabantas. maayos
pagbabantas Hindi gaanong ang
. Maayos maayos ang pagkakasul
ang pagkakasulat. at.
pagkakasula
t.

8
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

Panuto: Lagyan at punan ng mga salita ang bawat bilang upang makabuo ng mga
pangungusap.

1. Nagiging makabuluhan ang photo essay sa akin dahil__________________


__________________________________________________________________

2. Ang photo essay para akin ay parang ______________________________


__________________________________________________________________

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iying kuwaderno.

1. Ang photo essay ay koleksyon ng mga –


A. Larawang maingat na inaayos upang makapagsasalaysay ng mga
pangyayari.
B. Larawang inaayos nang sunod-sunod
C. Larawang inaayos nag mabuti upang maglahad ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari
2. Ito rin ay kasintulad ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga –
A. Teknik sa pagsasalaysay
B. Paraan ng paglalarawan
C. Kasangkapan sa paglalahad

9
3. Sinasabing ang isang larawan ay katumbas ng –
A. Puno ng mga saloobin
B. Maraming saysay
C. Sanlibong salita
4. Isa ito sa mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng isang photo essay-
A. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa
B. Huwag alamin kung sino ang mambabasa
C. Maaaring gumamit ng abstraksiyon sa presentasyon ng mga larawan
5. Ang mensahe ng photo essay ay makikita sa –
A. Mga serye ng larawan
B. Mga pagkakasunod-sunod na teksto
C. Mga komento ng mambabasa
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang salita o
parirala na hindi angkop sa paksang tinalakay. Bilang lamang ang isulat katumbas
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Kung walang mali, isulat ang bilang 4.

____1. Lagi nating naririnig1 ang kasabihang 2ang isang larawan ay katumbas ng
3
pangungusap.4Walang Mali

____2. Sinasabing1 maaaring maipahayag ang2 mga komplikadong ideya sa


pamamagitan lamang ng3 isang larawan4.Walang Mali

____3. Ang photo essay ay1 koleksyon ng mga larawang maingat na2 inaayos
3
upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.4Walang Mali

____4.1 Limitado ang2 paksa ng3 photo essay4.Walang Mali

____5. 1May mga photo essay na2 binubuo lamang ng3 mga larawan.4 Walang
Mali

____6. 1Ang mga larawan ay pangunahing2 nagkukuwento samantalang ang mga


3
nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan.4Walang Mali

____7. Ang 1pag-aayos2 ng mga larawan upang3 maglahad ng mga ideya ay


tinatawag na photo essay. 4Walang mali.

____8. Kailangang 1hindi kronolohikal 2ang pag-aayos ng3 mga larawan sa photo
essay.4 Walang Mali

____9. Ang larawang1 nagtataglay ng 2inakamataas na emosyon ay karaniwang


inilalagay sa 3bawat gilid. 4Walang mali

____10. Sa 1pagbuo ng photo essay, siguraduhing 2pamilyar sa3 pipiliing


paksa4.Walang Mali

10
11
A. Panimulang Pagtataya
1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
B.
1. B
2. C
3. D
4. F
5. G
6. E
7. A
8. H
9. I
10. J
A. Pangwakas na Pagtataya
1. C
2. A
3. C
4. A
5. A
B.
1.3 6.4
2.4 7.4
3.4 8.1
4.2 9.3
5.4 10.4
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mar Anthony.Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik


(Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016), pp. 54-56.

12
MARIA CHONA S. MONGCOPA. Siya ay nagtapos ng Bachelor
of Science in Secondary Education (BSE) sa larangan ng Filipino
taong 1987 sa Unibersidad ng Foundation, Syudad ng
Dumaguete. Gradwado rin siya sa Master of Arts in Education
(MAED-Filipino) major in Filipino sa nasabing unibersidad taong
2015. Isa siyang retirong guro sa isang pribadong paaralan ng
Saint Louis School-Don Bosco. Maraming taon din siyang naging
guro at tagapayo ng School Paper Publication sa nabanggit na
paaralan.

Sa kasalukuyan, nagtuturo siya sa Negros Oriental High School


Senior High at tagapayo ng BUDYONG (Official School Paper
Publication ng NOHS sa Senior High School Filipino).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like