You are on page 1of 10

DATAMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY

DOOR C, ADM BLDG., AWAYAN, POBLACION III CARCAR CITY, CEBU


_________________________________________________

LEARNING
MODULE
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO
SUBJECT

QUARTER 1

WEEK 8

_____________________________________________
1
NAME OF STUDENT/GRADE LEVEL

MR. MARK ANDRIS R. GEMPISAW


SUBJECT TEACHER

2
ALAMIN
Panimulang Ideya

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga naunang aralin! Ngayon ay
mas hahamunin naman kayo sa araling ito ang inyong mga kakayahan at kaalaman tungkol sa
paggawa ng sanaysay.
Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga estudyante. Dito naipapahayag
ng mga mag-aaral ang kanilang mga naiisip at saloobin hinggil sa mga napapanahong isyu. Sa
araling ito, ating bibigyan ng kahulugan ang pagsulat at ating aalamin kung bakit ito mahalaga.
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ideya ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maipahayag ng
mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng pagsulat sa buhay ng tao? Ang
pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na ginagawa para maisakatuparan sa iba’t
ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan ng isang tao
na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay
maituturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay. Ngunit
dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.
Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong
mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya
mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 8

Ang Pagsulat ng Sanaysay

Markahan: Una Linggo: 9th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

1
Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga hakbang sa pagsulat ng sanaysay. Ang mga
kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang paggawa ng isang sanaysay.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa
mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at
lipunan. Isa rin itong epektibong behikulo upang maipabahagi ang mga kaisipan hinggil sa mga
bagay-bagay sa lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


kasanayang pampagkatuto:
➢ Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EP-Iij32)

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng
yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay
sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan
naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging
pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na
lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-
aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay.
Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-
aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating
kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay
na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay
at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
2
ARALIN 8

Ang Pagsulat ng Sanaysay

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga hakbang sa pagbuo ng sanaysay.

A. TUKLASIN

Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral ay ang


pagsulat. Isang kasanayang maituturing na pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag. Samakatuwid
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan ay maaaring mapagsalin-salin ito sa bawat panahon. Kaya kaibigan, nawa’y
ang gawaing inihanda ay kawiwilihan mo. Panibagong kaalaman na naman ang
magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-araw na
gawain.

B.SURIIN

1. Panimula/Introduksyon-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay


sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng
atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa
akda.

3
Paraan ng pagsulat ng Panimula
• Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon
hanggang sa mga maliliit na detalye.
• Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para
hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
• Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
• Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro,
artikulo at iba pang sanaysay.
• Nakatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng
atensyon ng nagbabasa.
• Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling paliwanag ng
iyong sanaysay
• Salaysay – isang paliwanang ng iyong sanaysay.

2. Katawan- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito
ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa. Paraan ng pagsulat ng
Katawan
• Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
• Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo ng paksa.
• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng
isang paksa
• Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang
komplikado at vice versa

3. Konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa


sanaysay. Sa bahaging ito hinahamon ang paraan ng pag-iisip ng mambabasa
na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas


• Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay
• Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang
retorikal na tanong
• Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

4
C. PAGYAMANIN

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng


impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad
ng isyu.
Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay
na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan
ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal
• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon,
nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng
isyu.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay
manghikayat, magturo o magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga
sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y
base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas
seryoso at teknikal.
• Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.

Sanaysay na Di-Pormal

• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding


Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon,
kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling
karanasan o opinyon ng may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay
manudyo, magpatawa o mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang
pagkamalikhain ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

https://brainly.ph/question/253687#readmore

5
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Panuto. Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin kung sa
anong konsepto ng paggawa ng sanaysay napabilang ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng sulatin


na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala- ala ng nakaraan
at pagmumuni-muni ng isang tao
a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula

2. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang
kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na
maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may
mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

3. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw- araw at


personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may
akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga
pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

4. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito


ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

5. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema


at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

6. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

7. Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao na


nabibilang sa isang pangkat.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. sounding-out-friends d. brainstorming

8. Pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad sa


paksang gustong isulat.
a. pagtatanong b. pagsulat ng dyornal
c. sounding-out-friends d. interbyu

9. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid


sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. obserbasyon b. brainstorming
c. pag-eeksperimento d. pagtatanong

10. Sa paraang ito, sinusubukan muna ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol
sa paksa sa pamamagitan ng eksperimento.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. pag-eeksperimento d. brainstorming

https://app.quizalize.com/view/quiz/ikatlong-panahunang-pagsusulit-sy20192020-
40799dcd-b6eb-4648-9020-91ea8c838e8c

SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

7
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016
Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

B. Websites

http://pamumuhayatwika.blogspot.com/2017/01/sanaysay-ng-aspektong-kultural-at.html

https://brainly.ph/question/253687#readmore

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/halimbawa-ng-pormal-

nasanaysay.htmletnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/

https://app.quizalize.com/view/quiz/ikatlong-panahunang-pagsusulit-sy20192020-
40799dcd-b6eb-4648-9020-91ea8c838e8c https://www.google.com/search?
q=ano+ang+sanaysay+clip+art&tbm=isch&ved
https://lovepik.com/images/p
agsulat.html

You might also like