You are on page 1of 6

Maryhill College

Basic Education Department


Lucena City

SELF- PACED LEARNING MODULE

Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Markahan Ikaapat
Linggo Ikaanim (Modyul 5)
Paksa Metodolohiya ng Pananaliksik
Mga Sanggunian

A. Aklat
B. ICT Integration: PowerPoint Presentation

Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang iba’t - ibang uri ng metodolohiya ng paananaliksik;
2. nasusuri ang pananaliksik at natutukoy ang disenyo, pamamaraan at
kasangkapang ginamit;
3. nabibigyang kahalagahan ang metodolohiya sa paggawa ng pananaliksik.

Most Essential Learning Competencies (MELC)

1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp)

A. TUKLASIN

Ano na ba ang alam mo?

Isang mapagpalang araw sa iyo! Narito kang muli upang ipamalas ang
iyong talino at husay sa pag-unawa at maging sa pagsagot sa mga itinakdang
gawain para sa iyo. Kasiya-siyang mabatid na lumalawak pa lalo ang iyong
kamalayan at kabatiran tungkol sa maraming bagay lalo’t higit sa paggawa ng
isang pananaliksik. Sa bahaging ito’y mas palalalimin at pauunlarin pa natin ang
iyong kaalaman at mas pagyayabungin, kaya’t simulan na natin. Handa ka na
ba? Kung handa ka na tunghayan natin ang paunang gawain (tuklasin) na
siyang magbubukas sa iyong isipan kung ano ang paksang ating tatalakayin.

Sa bahaging ito nais kong magbahagi ka ng mga metodolohiyang ginagamit upang


makapangalap ng mga datos o impormasyon.

1. sarbey
2. Pakikipanayam o Interbyu.
3. Dokumentaryong Pagsusuri.
4. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
5. Pagsubaybay sa Social Media

Mula sa iyong sinagutan, ano ang natuklasan mo? Iproseso mo ang mga
natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
pamprosesong tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng metodolohiya


sa pagbuo ng pananaliksik?
Ang direksyon na ito ay ibinibigay sa iyo ng isang pamamaraan. At
mahahanap mo ang daan patungo sa tagumpay kung pipiliin mo ang isang
ganap na naaangkop at maayos na pamamaraan para sa iyong proyekto
sa pagsasaliksik. Ang isang diskarte ay magpapadala sa iyo ng mga
tagubilin para sa pamamahala ng iyong proyekto nang maayos at mabisa.
B. LAKBAYIN

Batid kong nagkaroon ka na ng paunang kaalaman sa paksang ating


tatalakayin. Ang iyong mga naging kasagutan sa unang bahagi ng modyul na ito
(tuklasin) ay mas lilinawin at palalawigin pa natin. Mahalagang isaisip at limiin
Sa pamamagitan ng powerpoint presentation na matatagpuan sa
ang ganitong kaalaman para mas lalo mong maunawaan ang aralin. Ang
iyong OTG flash drive, Modyul 5 Folder at file name na Metodolohiya ng
susunod na bahagi ay makatutulong sa iyong magkaroon ng kaalaman at mas
Pananaliksik, basahin kalakip ang iyong pang-unawa ang mga
malawak na pag-unawa sa paksa ngayong araw.
mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin.
Matapos unawain ang aralin, subukin natin ang iyong natutunan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba
nang hindi lalampas sa tatlong pangungusap.

1. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa metodolohiyang gagamitin sa


pananaliksik? Mayroon kang pamamaraan sa direksyon na ito. At kung
pipiliin mo ang isang perpekto at maayos na diskarte para sa iyong
proyekto sa pagsasaliksik, makakahanap ka ng isang paraan upang
makamit ang tagumpay. Ang isang plano ay magbibigay sa iyo ng
patnubay para sa maayos at mahusay na pamamahala ng iyong proyekto.
2. Ano ang pagkakaiba ng pakikipanayam at nakabalangkas na obserbasyon
at pakikisalamuhang obserbasyon? Pagkakaiba sa pamamaraan ng
pakikipanayam at pagmamasid Pinangalanan din ng mga mananaliksik ang
kanilang mga paksa at pinag-aralan ang mga ito para sa isang naibigay na
tagal ng panahon, upang ang isang direktang pagmamasid ay maaaring
maging mas puro. Ang mga panayam ay mula sa pormal hanggang sa
bukas, natapos na kung saan ang bawat tagapanayam ay tumatanggap ng
isang nakapirming listahan ng mga katanungan.
3. Sa iyong palagay, bakit kailangang tukuyin kung anong pamamaraan ang
gagamitin sa pangangalap ng datos para sa pananaliksik? Ang
pangongolekta ng data ay isang mekanismo para sa pagkolekta at pag-
aralan ang tiyak na impormasyon upang makapagbigay ng mga sagot at
suriin ang kanilang mga resulta. Gayunpaman, dapat mahulaan ng isang
mananaliksik ang mga probabilidad sa hinaharap, na siyang pangunahing
layunin ng koleksyon ng data.
C. LINANGIN

Magaling! Ang mga naging kasagutan mo sa bahagi ng lakbayin ang


siyang patunay na naunawaan at nagkaroon ka ng mas malawak na kaalaman
hinggil sa paksa. Ngayon, atin pang palaguin pa ang iyong mga natutunan.
Sagutin ang gawaing nakalahad sa ibaba.

Panuto: Tukuyin kung anong pamamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy sa


sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga
sumusunod:
A. Sarbbey C. Dokumentaryong Pagsusuri
B. Pakikipanayam D. Obserbasyon

1. Pagmamasid
D sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang
likas na kapaligiran.
2. Ang
A tagumpay ng panganglap ng datos ay batay sa husay ng sampling o
pamimili ng representatib ng isang tiyak na populasyon.
3. Madalas
C na ginagamit sa mga deskriptibong pananaliksik na naglalayong
bumuo ng mga pangkalahatang kongklusyon mula sa malakihang populasyon
4. Kadalasang
A
ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri
5. Naglalayong
B kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang
taong may personal na pagkaunawa sa paksa
6. Mahalaga
B rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong
(folllow-up question)
7. Ang
D ilan sa mga uri nito ay pagsusuring semyotiko at pagsusuri sa nilalaman.
8. Maaaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media, pampublikong
tala,
A biyograpiya, panitikan at katitikan ng mga pulong.
9. Madalas
D na ginagamit sa field study gaya ng etnograpiya
10. Nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng
C
mga tao sa isang komunidad ang mananaliksik.

P.S. Ang sagot sa bahaging ito ay makikita sa susunod na modyul.

Panuto: Bilang pagbubuod sa iyong natutunan, sagutin mo ang mga


katanungan sa ibaba.

 Anong mahalagang aspekto ng aralin ang iyong natutunan?


Ang mga uri pag kuha ng imporamsyon ay magamit ng mahusay.
D. PAUNLARIN
Kagila-gilalas ang iyong husay sa pagsagot sa mga inilatag
na gawain sa iyo. Mahusay! Ngayon pa lang ay binabati na kita.

Sa unang aralin ay tinalakay natin ang kahulugan at kahalagahan ng maka-


Pilipinong pananaliksik. Nagkaroon ka rin ng pagkakataong makabuo ng isang
konseptong papel na maaari na ring batayan sa bubuuing pananaliksik.

Ngayon, nais kong basahin mong mabuti ang isang pananaliksik na


pinamagatang “(Ini)lihim sa dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng
mga Pilipinong Seaman” ni Joanne Visaya Manzano. Ang pananaliksik na ito’y
makikita sa iyong OTG flashdrive na may file name na Learning Materials.
Matapos mong basahin, itala sa sumusunod na talahanayan ang uri ng
disenyo, pamamaraan, at kasangkapang ginamit upang makalap ang datos.

Pamagat ng
Disenyo Pamamaraan Kasangkapan
Pananaliksik

E. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Mapanuri at malawak ang iyong kaalaman, patunay nito ang pagsusuri at
pagpapaliwanag mo sa gawaing nakalahad sa linangin at paunlaring bahagi ng
modyul na inilaan sa iyo.

Napagtanto mo at napatunayan na sadyang mahalagang


matutunan ang kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t ibang
sitwasyon. Ngayon naman ay subukin mong pagnilayan pa ang
lahat ng iyong natutunan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong pananaw sa
pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa ibaba upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.

Mahalagang matutunan ko ang wastong pamamaraan sa pangangalap ng datos


para sa isasagawang pananaliksik sapagkat ... Mahalaga ang mga pamamaraan
ng pangangalap ng datos sapagkat ang pamamaraan ng mananaliksik at
pamamaraang analitikal ay tumutukoy kung paano ginagamit ang
impormasyong nakolekta at kung paano nila ito maipapaliwanag.

Binabati kita! Ipinamalas mo ang iyong talino sa pag-unawa ng ating aralin.


Napagtagumpayan mo nang buong husay ang mga gawain sa modyul na ito.

You might also like