You are on page 1of 8

Mga Uri ng Teksto Ayon sa Paksa, Kahulugan at Katangian ng Salitang

Ginamit
Modyul ng mga Mag-aaral
sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Ikatlong Markahan ● Modyul 1●

(Ang nilalaman ng modyul na ito ay ipinaalam ng tagapagturo na si Satur E. Bimmano sa mga kawani ng
tagapaglimbag sa ngalan ni Dr. Joemar Capinlac-isa sa tagapaglinang ng Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri sa
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera)
HINDI ITO IPINAGBIBILI

PANGALAN: BAHINTING,ALYKA SHANE B. ANTAS AT SEKSIYON: 11-ABM


GURO: ____________________________ ISKOR:____________________
PAARALAN : INFORMATICS COLLEGE CONSOLACION SENTRO:CONSOLACION CEBU

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 1


hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
SURIIN
Bago tayo magpatuloy ay nais kong basahin mo muna ang mga sumusunod na akda sa ibaba at
alamin ang mga uri nito.
Halimbawa A
Tayo Nang Magnegosyo
Sa atin lang yata nauso ang suka, toyo, garter, thumbtacks, mantika at marami pang produkto na
maaaring mabili nang tingian. Pwedeng singkwenta sentimos (lalo na sa kanayunan), piso, kalahati, isang
yarda, isang takal, tatlong piraso, isang dangkal at sa kung ano-ano pang panukat mabibili ang ilang
pangunahing komoditi ng mga Pilipino.” Mahusay na kaysa wala kang kita”, ika nga ng ilang may-ari ng
maliliit na tindahang may tig-iisang bote ng suka, toyo, mantika, ilang de-lata, asin, asukal, garapon na may
lamang kendi, biskwit at minsa’y tinapay na pinalamanan ng peanut butter. Maliit na puhunan. Ngunit kahit
maliit ang tubo’y nagiging grocery store ito lalo’t sinamahan ng sipag at tiyaga. Talagang maparaan ang
mga Pilipino; gagawin kahit na ano para kumita, lalo’t ito ay marangal na trabaho.
Kung negosyong pormal ang itatayo, nararapat lamang na malaman mo ang mga kailangang
hakbang upang gabayan ka sakaling maramdaman mong nahihilig ka rito.
Narito ang mga pangunahing hakbang sa pagnenegosyo.
1. Isaalang-alang ang sariling motibo at interes sa pagnenegosyo.
2. Suriin ang target na konsyumer o pamilihan
3. Suriin ang kaangkupan ng lokasyon
4. Magplano sa pinansyal na aspeto.
5. Magplano kung paano gumawa ng kalakal o ibabahagi ang paglilingkod.
6. Maghanda ng planong organisasyonal.
Ang seleksiyong iyong kababasa lang ay halimbawa ng tekstong prosidyural dahil may mga
hakbang na sinusunod, layunin din nitong magpabatid.
Ang tinutukoy ng tekstong ito ay tungkol sa pagpapatayo ng negosyo o pagnenegosyo. Ang
tawag natin dito ay paksa, ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Kung paano makikilala ang paksa
ay pinangungunahan ito ng mga pantukoy na si at sina, ang at ang mga saka na. Gayunpaman, hindi
lahat ng pagkakataon ay pinangungunahan ito ng mga nabanggit na pantukoy.
Narito ang ilang mga salitang ginamit sa seleksyon. Basahin at unawain ang katangian ayon sa uri at
kahulugan ng mga salitang ito.
a. “ika nga”-ang uri nito ng salitang ito ay tinatawag na kolokyal na ang ibig sabihin ay “sabi nga”.
b. Thumbtacks, kendi at biskwit- ito’y mga halimbawa ng salitang hiram.
Ang mga salitang tubo, kita, tiyaga ay mga halimbawa ng salitang payak at walang ikinabit na
panlapi subalit naglalahad ng kahulugan. Samantalang ang salitang pagnenegosyo ay binubuo ng
salitang-ugat na negosyo at panlaping pag.
Halimbawa B
Pagsi-segregeyt: Sagot sa Krisis sa Basura
Naalerto ang gobyerno hinggil sa lumalalang problema sa bansa, lalo na sa kalakhang Maynila. Ito
ay bunsod ng pagdami ng basura. Kung titingnan, tila maliit lamang at hindi kailangan ng pambansang
pagkilos, subalit kung mamalasing mabuti, mararamdamang lahat ng sambayanan pala ay kasangkot dito.
Unang naging leksyon ng kapabayaan sa bansa ang red tide. Kumitil ito ng ‘di iilang buhay.
Ang ecology na siyang nilalason ng basura ay nakararanas ng mabigat na epektong siya naming
ipinapasa sa ating lahat sa pamamagitan ng mga sakit. Ito’y mga sakit na dulot ng pagkakalason mula sa
nakamamatay na mga elementong gaya ng carbon monoxide (CO) at methane na gumugupo naman sa
ating mga katawang lupa.
Ang tekstong ito ay halimbawa ng tekstong impormatibo dahil ito’y nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa. Ang pinag-uusapan sa tekstong ito o ang pinapaksa nito ay tungkol sa
pagsi-segregeyt ng basura.
Ang mga salitang matatagpuan o ginamit sa seleksiyon tulad ng:
a. Red tide, ecology, carbon monoxide ay mga halimbawa ng salitang hiram
b. ‘di iilang buhay- halimbawa ng kolokyal na salita na nangangahulugang hindi iilang buhay

Kaugnay ng naunang gawain, basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon tungkol sa teksto at ang iba’t ibang
uri nito. Sagutin ang mga katanungan kasunod nito.
Ano ang Teksto?
Maliban sa sariling karanasan, alam mo bang ang ating mga kaalaman at pagkatuto ay napupulot din natin sa pagbabasa
ng iba’t ibang uri ng teksto? Karamihan sa mga ito ay makikita sa mga pocket book, magasin, aklat at iba pang uri ng
babasahin. Sa kasalukuyang panahon mas nawiwili ang karamihan sa pagbabasa gamit ang internet o iba’t ibang
Pagbasa at Pagsusuri
application sa mga gadget ngnaIba’t ibang ng
nagtataglay Teksto
mga teksto. Pahina 2
hinango sa Tagapaglinang
Sa madaling
Kagawaran salita, ●teksto
ng Edukasyon ang tawag
Rehiyong sa mga pangunahing
Administratibo ng Cordillera salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang
impormasyon. Maaari rin itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag.
Masasabi ring teksto ang dokumento ng mga salita o pahayag ng isang awtor kabilang ang kaniyang mga puna,
paliwanag, karanasan, paglalarawan ng mga bagay- bagay, pagbibigay ng paglalahat, impormasyon o pag-aanalisa.
Sa akademikong uri ng HYPERLINK "https://takdangaralin.ph/talumpati-tungkol-sa- pag-aaral/" \t "_blank" \o "talumpati
telebisyon, patalastas, awitin, at iba pang nakalimbag na paalala.

Ito ay ilan lamang sa mga uri ng teksto at uri ng mga salitang ginamit. Habang ipinagpapatuloy
ninyo ang inyong pagbabasa ay malalaman ninyo ang iba pang uri nito.

Iba't ibang Uri ng Teksto:


1. Paglalahad o Ekspositori ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang bagay, lugar,
pangyayari, o tao. Ito ay batay sa katotohanan at kadalasang nasa tonong obhektibo na sumasagot sa tanong
na ano, sino, saan, bakit at paano.
Mga Halimbawa:
1. Sanhi: COVID - 19 Bunga: Takot sa mamamayan
2. Ang pilosopiya ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa karunungan.
2. Pangangatwiran o Argyumentatibo ay naglalahad ng pananaw, paniniwala, at kuro-kuro tungkol sa
isang isyung mahalaga o maselan. Layunin nito na hikayatin ang mga mambabasa na tanggapin ang
argumentong inilalahad sa pamamagitan ng pangangatwiran at patunay ng mga katotohanang
ipinahahayag nito.
Mga Halimbawa:
1. Sa kabila ng kagandahan ng Pilipinas, nasa likod nito ang napakaraming problema. Una na rito ang
kahirapan na dulot ng labis na pulitika, kawalan ng hanapbuhay at malaking populasyon.
2. Pagkakaroon ng isang mataas at matatag na edukasyon ang sandalan upang mabago ang takbo
ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Edukasyon na hindi lamang mula sa mga aklat o mga bagay na natutunan sa paaralan.
3. Paglalarawan o Deskriptibo ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa katangian ng bagay, lugar,
pangyayari, at tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng pagkipot ng labi.
2. Ang pagtawa ay nakatutulong upang pagaanin ang problema ng tao.
4. Pagsasalaysay o Naratibo ay nasa anyong pasalaysay na tila nagkukwento ukol sa isang tiyak na
pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa mga mambabasa mula sa pananaw ng
nagsasalaysay.
Mga Halimbawa:
1. Talambuhay Andres Bonifacio
2. Alamat nina Bugan at Wigan
5. Panghihikayat o Persuweysib ay naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig.
Karaniwang ginagamit ito sa radyo at telebisyon. Ang mga pahayag dito ay ginagamitan ng mga salitang
pangganyak upang maging kapanipaniwala at
makubinsi ang mambabasa o tagapakinig. Nagiging sabdyektib ito dahil nakatuon sa damdamin ng may-
akda.
Mga Halimbawa:
1. Patalastas ng isang produkto
2. Talumpati ng mga kandidato tuwing kampanya bago ang eleksyon.
6. Pamproseso o Prosidyural ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang, Layunin nitong
ipaalam ang tamang hakbang na dapat gawin, pahayag, o pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa
tanong na paano.
Mga Halimbawa: Paggawa ng Basket:

1. Gamit ang lumang dyaryo o magasin, gumawa ng strips ng dyaryo o magasin na magiging pangunahing
materyales ng basket.
2. Tiyakin na ang bawat strips ay may katamtamang kapal upang tumayo nang maayos ang basket.
3. Gamit ang labindalawang strips ng dyaryo o magasin, ihilera ito ng pahiga ng pa krus sa bawat isa
hanggang makabuo ng sapat na pang ilalim para sa basket na bubuuin.
4. Gamit ang kapirasong karton, gumupit ng kasing lapad ng isang strip ng dyaryo o magasin.
5. Pagdikitin ang dalawang dulo ng karton upang makabuo ng bilog na magiging ilalim ng basket.
6. Ilala ng salit salit ang mga strips na nakapalibot o nakapalibot sa pinagdugtong na karton hanggang
sa maporma ang basket.
7. Ipagpatuloy ang pag lala hanggang sa dulo ng mga strips ng dyaryo o magasin.
8. Gumupit muli ng karton na kasinsukat ng strips at pagdugtungin muli ang dalawang dulo nito.
9. Gamitin itong pampatigas sa itaas na bahagi ng basket at idikit sa dulo ng mga strips upang
maisara ang mga dulo ng basket.
Hangong halimbawa sa: https://brainly.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 3
hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Alam mo bang…
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon na ginagamit araw-araw? Binubuo ito ng mga tunog at
simbolo, at kaugnay na mga bantas upang maipahayag ang nais sabihin o kaisipan.
Ang mga tunog ay mahalaga dahil ito ang bumubuo ng mga salita na siya namang sumisimbulo sa
isang bagay. Ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog o sistema ng palatunugan upang ito’y
lumikha ng kahulugan ay tinatawag na ponolohiya.
Ang mga salitang nabuo mula sa mga tunog ay yunit ng wika na nagbibigay ng kahulugan, ito’y
binubuo ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o ang tinatawag na morpema.
Katangian ng Salita
⮚ Ito ay may semantikong katangian, katangiang nauuri sa bahagi ng pananalita at kung paano ito
binibigkas
⮚ Isa ring katangian ng salita ay ang pagkakaroon ng higit sa isang kahulugan ayon sa pagkagamit
nito.
Paano nabubuo ang mga salita o ang mga kayarian nito? Ang mga kayarian ng salita ay maaaring;
1. Payak-Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang at hindi nilalapian. Halimbawa:
mata, walis, dapa, ganda
2. Maylapi- Ito’y binubuo ng salitang -ugat at panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan)
Halimbawa: madilim, lumikha, taniman, malikhain, pinagsumikapan)
3. Inuulit-Inuulit ang salitang-ugat o ang isa o ang unang pantig ng salitang -ugat
Halimbawa: araw-araw, lalapit-lapit, uulan-ulan
4. Tambalan- ito ay binubuo ng magkaibang salitang pinagtambal. Halimbawa:
sawimpalad, palo-sebo, kapus-palad
> Isa pang katangian ng mga salita ay napapangkat ayon sa mga uri/antas nito:
A. Pormal-Ang mga salitang ginagamit dito ay pormal at piling-pili hindi tulad iyong ginagamit sa mga
ordinaryong usapan
1. Pambansa-Ito’y mga salitang kilala at alam ng mga mamamayan dahil ginagamit sa simbahan,
sa paaralan at sa buong bayan.
Halimbawa: Pilipino, bansa, wika
2. Pampanitikan – Ito’y kadalasang gumagamit ng mga salitang masisining at matatalinhaga na
gingagamit sa paglikha ng iba’t ibang genra ng panitikan kayat itinuturing ang antas na ito na ginagamitan
ng mayayamang salita.
Halimbawa: hulog ng langit, tinawag ng kalikasan

B. Di-pormal -mga payak na salitang ginagamit ng mga karaniwang tao sa kanilang pakikisalamuha araw-
araw.
1.Lalawiganin-ito ay salitang palasak lamang sa isang lalawigan at maaaring may pagkakaiba-iba
sa bigkas at tono ng pananalita.
Halimbawa: parak-(pulis), I’na- (nanay)

2. Kolokyal- ito ay mga salita mula sa pormal na salitang pinaikli ang pagbigkas at pagsulat kayat
naging impormal ang pagkagamit nito.
Halimbawa: kamo (wika mo), ewan (aywan)
3.Salitang Hiram- Walang wikang puro kaya ang salita ay hindi maiwasang nanghihiraman lalo na
kung ang salitang ito ay walang katumbas o pagsasalin sa nilakhang wika. Naging likas na katangian ang
panghihiram dahil isang daan ito ng kanyang pag-unlad.
Halimbawa: biskuwit-(biscuit), likido-(Liquido), spaghetti, police-pulis,
4.Salitang Balbal- Ang mga salitang ito ay may mga panahong umuusbong subalit paglipas ng
panahon ay unti-unting nawawala at nahahalinhan ng ibang wika. Ito rin ay tinatawag na salitang
lansangan o kalye .
Halimbawa: charot- biro lang, petmalu-malupit, tigok- patay
Ortograpika [baguhin | baguhin ang batayan Sinalin mula sa artikulo: Word [ENG]
ISAGAWA
Halimbawa ng Tekstong Persweysib:
Halinang Mamasyal sa Cebu
“Welcome to Cebu, The Queen of Southern Philippines!”
Bukod sa mga tanyag na sinaunang pook sa Cebu, dito hindi mo mapahihindian ang mga natural
na atraksiyon na maaaring pagkaabalahan ng mga panauhin parasa iba’t ibang gawain. Napatanyag ito
dahil sa puting karagatan at dalisay na tubig na kung saa’y maari ring pagsagawaan ng iba’t ibang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 4
hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
gawaing pantubig tulad ng “diving” at “snorkeling”. Nagtataglay rin ito ng mga kabundukan at
mahihiwagang kuwebang maaaring pagdausan ng mg mapanghamong gawaing pangkabundukan tulad
ng “trekking”, “spelunking” at iba pang panlabas na gawain.
Ang lahat ay inaanyayahang maranasan at masarapan sa makasaysayang atraksiyon ng Cebu.
Magsadya at maranasan ang buhay sa isla!
( Bahagi ng mesahe ni G. Joseph Ace H. Duarano, Kalihim ng Turismo, Phil.
Convention and Visitors Corporation).
Sagutin ang hinihingi ng mga tanong na ito sa anyong patalata na binubuo ng 5-7 na pangungusap. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.
1. Sa tekstong inyong binasa, tukuyin ang pinapaksa nito. Tukuyin at ipaliwanag din ang pagkakabuo o
kayarian ng mga salitang ginamit, gayundin ang antas o uri ng mga salitang ito upang maakit ang
sinomang hindi pa nakakakita sa kagandahan ng Cebu. Bigyang-pansin ang pamantayan sa pagwawasto
ng sagot.

Pamantayan 20 15 10 5

Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang kakulangan Maraming


Komprehensibo nilalaman ng sa nilalaman ng talata. kakulangan sa
ang nilalaman ng talata. Wasto ang May ilang maling nilalaman ng talata.
talata. Wasto ang lahat ng impormasyon na
lahat ng impormasyon nabanggit.
impormasyon
Organisasyon Malinaw ang daloy Malinaw ang daloy May bahaging di- Maraming bahagi
at organisado ang ng paglalahad ng gaanong malinaw ang hindi malinaw
paglalahad ng kaisipan. sa paglalahad ng
kaisipan. kaisipan.

Baybay ng Malinaw, maayos Tama ang baybay Maayos ang Hindi maayos at
mga salita at at tama ang baybay ng mga salita, pagbabaybay ng mga hindi tama ang ang
grammar , ng mga salita, grammar, salita subalit may grammar at
capitalization grammar, capitalization at kaunting kamalian sa pagbabantas
at capitalization at pagbabantas grammar,
pagbabantas pagbabantas capitalization at
pagbabantas

TAYAHIN
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot na isulat sa
sagutang papel
Ako ang larawan ng makabagong kabataang Pilipino. Sa aking murang ugat ay nananalaytay ang
dugong bughaw, marangal, magiliw at mapagmahal sa Diyos. Sa aking diwa ay sariwang nakatala ang
ginawang pakikihamok ng mga nauna sa akin. Pakikihamok upang makamit ang layang hangad ng bawat
bansang mapagmahal sa dangal ng lahi. Sa aking gunita ay naroroon ang hirap na tiniis ng maraming ina
nang ang kanilang mga mahal ay maghandog ng buhay matamo lamang ang ginhawang dapat na madama
ng bayang nais na lumigaya. (Halaw sa: Larawan ng Makabagong Kabataang Pilipino… Tungo sa Pag-
unlad ni Milagros Hernandez)
1. Ang tekstong nasa itaas ay halimbawa ng .
A. paglalarawan B.pagsasalaysay C. nanghihikayat D. prosidyural
2. Ang ibig sabihin ng salitang murang ugat ay nangangahulugang_
A. pagkabata C. hindi mahal na ugat
B. murang pag-iisp D. batang ugat
3. Ang inilalarawan sa tekstong kababasa mo ay_ _
A. bagay B. pangyayari C. tao D. dugong bughaw
4. Ang pariralang maghandog ng buhay na ginamit sa seleksyon ay nagangahulugang
A. nag-alay ng buhay B. namatay C. nasawi D. lahat ng nabanggit
5. Alin sa ibaba ang hindi tama tungkol sa isinasaad ng talata?
A. Ang nagsasalita ay nakikiramay sa mga paghihirap na pinagdaanan ng nauna sa kanya.
B. Ang pakikihamok ay para sa inang bayan.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 5


hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
C. Ibinalita sa nagsasalaysay ng seleksiyong ito ang pagtitiis ng mga inang iniwan ng mga
namatay na asawa.
D. Ang tanging hangad sa pakikihamok ay ang kaligayahan ng bayang liyag.

Pagpipili-pili: Basahin at piliin ang tamang sagot ng bawat pahayag. Isulat ang letra lamang sa sagutang
papel.
6. Alin ang walang kaugnayan sa tekstong nagsasalaysay?
A. Magbigay-aliw C. Makapanlibang
B. Magbigay-kabatiran D. Magturo ng kabutihang-asal
7. Nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay ang awtor upang maging kapani- paniwala ang isang
panukala sa tekstong .
A. nagbibigay-impormasyon. C. nangangatwiran.
B. naglalarawan. D. naglalahad ng proseso.
8. Bakit nangangatwiran ang tao?
A. Magbigay-linaw sa isyu C. Mapanatili ang relasyon sa kapwa
B. Maipagtanggol ang sarili D. Lahat ng nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng tekstong naglalahad ng proseso?
A. magbigay-aliw sa mga mambabasa
B. magbigay ng karagdagang kaalaman o impormasyon
C. mabigyang-linaw ang isang usapin o isyu
D. maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
10. Alin ang dapat idugtong sa pangangatwiran? “Kung ang lahat ng Pilipino ay magkakaisa at
magtutulungan, .
A. ang lahat ay yayaman. C. uunlad ang Pilipinas at ang mga Pilipino.
B. ang mga Pilipino ay magtatagumpay. D. magiging sikat ang mga Pilipino.
11. Ang uri ng tekstong sumasagot sa tanong na paano ay tekstong _.
A. Ekspositori B. Prosidyural C. Persweysib D. Naratibo
12. Ang ibig sabihin ng pantay na ang kanyang paa ay .
A. tayutay B. patay na C. hindi na pilay D. wala nang saklay
13. Ang salitang balbal ng ama ay .
A. tatay B. erpat C. daddy D. tatang
14. Ito ay mula sa “short time” na ang ibig sabihin ay panandaliang relasyon at hindi seryoso.
A. Jowa B. Syota C. Hubby D. Idol
15. Ang salitang tambalan na dugong-bughaw ay nangangahulugang _ .
A. dugong magkahalo C. dugong mayaman
B. dugong mestizo D. dugong parang langis

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKATLONG MARKAHAN/IKALAWANG SEMESTRE
WEEK 1_ MODULE 1
SAGUTANG PAPEL
Pangalan: Petsa: ______________________
___________________________________
LRN: Puntos: _____________________

ISAGAWA

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 6
hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.
Panitikang Kontemporaryo/Popular:Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang popular (awitin, komiks,
iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media).
Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo ( linggwistik, sosyolinggwistik, diskorsal, at istratedyik)

Pamantayan 20 15 10 5

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 7


hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang kakulangan sa Maraming
Komprehensibo ang nilalaman ng talata. nilalaman ng talata. May kakulangan sa
nilalaman ng talata. Wasto ang lahat ilang maling nilalaman ng talata.
Wasto ang lahat ng ng impormasyon na
impormasyon impormasyon nabanggit.

Organisasyon Malinaw ang daloy Malinaw ang daloy May bahaging di- Maraming bahagi ang
at organisado ang ng paglalahad ng gaanong malinaw hindi malinaw sa
paglalahad ng kaisipan. paglalahad ng
kaisipan. kaisipan.

Baybay ng Malinaw, maayos Tama ang baybay Maayos ang Hindi maayos at hindi
mga salita at at tama ang baybay ng mga salita, pagbabaybay ng mga tama ang ang
grammar , ng mga salita, grammar, salita subalit may grammar at
capitalization grammar, capitalization at kaunting kamalian sa pagbabantas
at capitalization at pagbabantas grammar, capitalization
pagbabantas pagbabantas at
pagbabantas

TAYAHIN
1. B 6.C 11.B
2.A 7.C 12.B
3.D 8.D 13.B
4.A 9.D 14.C
5.C 10.B 15.D

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Pahina 8


hinango sa Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera

You might also like