You are on page 1of 2

Pagtukoy sa Paksa ng Teksto

Isang mahalagang bahagi ng paglinang ng maunawang pagbasa ang pagtukoy sa paksa ng


teksto. Inilalahad sa paksa ang layunin ng may- akda ng pagsulat ng teksto. Ito ang nagsasaad
kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin. Ang pagtukoy sa paksa ng teksto at
paglalahad nito ayon sa pagkaunawa ng mambabasa ay lumilinang sa komprehensiyon at
pagsusuri.

Sa pagtukoy na paksa, mababakas ang layon ng pagsusulat. Maaaring siya ay nagbibigay ng


impormasyon, naglalarawan, nanghihikayat, nagsasalaysay o nagmamatuwid.

Mahalagang Salita na Ginamit sa Teksto

Sa pagtukoy sa paksa ng teksto, nakatutulong ang mga mahalagang salita na ginamit sa teksto.
Maaaring ito ay kasingkahulugan (synonym), kasalungat na kahulugan (antonym) at
paglalarawan o depinisyon.

Halimbawa:

● Ang salita ay katiwasayan

● kasingkahulugan

● kasalungat

● paglalarawan o Depinisyon

● kapayapaan

● kaguluhan

Ito'y kalagayang pangkaisipan o panlipunan na may kapanatagan at pagkakasundo ng bawat


kasapi.

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay
ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang
paksa.

Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang


opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang
pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang
manunulat o kaya'y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba't
ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari,
bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong
magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na
bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga
kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

➤ Layunin ng may-akda

Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo:


mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba't ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

Pangunahing Ideya

Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang


pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at
malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

Pantulong na Kaisipan

Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye.


Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

You might also like