You are on page 1of 13

St. Mary’s Academy of Midsayap, Inc.

Formerly Notre Dame of Midsayap for Girls


Midsayap, Cotabato

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Modyul 1-2/ Q2

Pangkalahatang Ideya
Sa unang aralin ng modyul na ito, tatalakayin ang magkapatid na diyosa subalit naging mortal na magkaaway. Dahil
sa hindi nila pagkakasundo ay naapektuhan ang kanilang magulang at kapatid.
Sa ikalawang aralin naman ay tatalakayin ang kung ano ang magiging epekto ng isang masamang pinunong
namumuno sa isang bayan at ang paghuli ay tungkol sa paglisan ng isang binata sa kanyang tahanan upang sumabak sa digmaan.

Saklaw ng Modyul: Aralin 1: Ang Pagpili ng Paksa


Aralin 2: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Aralin 3: Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel

Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
2. Naiisa- isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang mananaliksik sa pagpili ng pinakaangkop na paksa.
( F11PU-IVef-91)
3. Nagagamit ang katwirang lohikal sa pagpapaliwanag ng mga paghahandang nararapat isagawa ng isang mananaliksik.
(F11WG-IVgh-92)

Mag-Warm Up Tayo!
Gawain 1- Sundin ang panuto at sagutin ang tanong .

Isulat ang salitang PANANALIKSIK sa iyong intermedyet na papel gamit ang estratehiyang Think-Puzzle- Explore para
mapalabas ang mga nalalaman nila kaugnay ng paksang ito. Punan ang talahanayan.
Ano sa naiisip mong alam mo patungkol sa Ano ang gusto mong malaman tungkol sa Paano maaring mapalawak ang paksang
paksang ito? (Think) paksang ito? (PUZZLE) ito? (EXPLORE)
Ang pananaliksik ay…..

Itsek Natin!
Gawain 2- Sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang iyong ginagawa upang makakalap ng totoong Impormasyon?


2. Masasabi mo ba na ang pananaliksik ay isang mahalagang bagay na maaring gamitin upang lubos na makita at
malaman na totoo ang sinasabi?

Aralin 1: Ang Pagpili ng Paksa


Mabuting pananaliksik ay nagsisimula sa mahusay na paksa,
Piliin mo itong mabuti para magtagumpay sa ginagawa.”

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 1
Tuklasin Natin!
Gawain 3- Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos sa activity notebook.

Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi ng pagsulat ng pananaliksik. Madalas na ginagamit ang mga
palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri
ng media. Subalit kung mag- iisip at mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkukunan ng paksa, isang bago at
naiibang paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga ito:
 Internet at Social Media- Ito ay bahagi na ng buhay ng tao. Ito ang unang tinitingnan paggising sa umaga at huling sinisilip sa
gabi. Napakaraming impormasyon ang taglay ng Internet.
 Telebisyon- Ito ay isa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television.
 Diyaryo at Magasin- Pwedeng pumunta sa aklatan at ilatag sa mesa ang iba’t ibang diyaryo. Tingnan ang mga
nangungunang balita, mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Gawin din ito sa mga magasin.
 Mga Pangyayari sa Iyong Paligid- Kung ikaw ay mapanuri, may mga pangyayari at bagong kalakaran sa paligid na pwedeng
pagtuunan ng pansin at pwedeng maging isang paksa para sa pananaliksik.
 Sa Sarili- Baka may mga tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman basta maihanap ng kasagutan. O
baka naman curious ka sa isang bagay at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.

Ang Sulating Pananaliksik

Noong ikaw ay nasa unang apat na taon sa Junior High School ay maraming mga iba’t ibang uri ng sulatin ang naituro at
naipabuo sa iyo ang iyong guro. Nariyan ang mga ulat o report, mga sanaysay, sulating pormal, at iba’t ibang uri ng teksto. ANg mga
ito ay humasa sa iyong husay at galing sa pagsusulat.
Ang sulating pananaliksik ay isang malalimang pagtalakay sa isang tiyak na paksa. Taglay nito ang obhetibong interpretasyon
ng manunulat sa mga nakalap na impormasyon. Ang mga impormasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na
sulating pananaliksik (Spalding 2005).
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang- linaw, patunayan, o pasubalian (Constantino at Zafra, 2010)
Ayon kina Galero- Tejero (2001), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang
makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo,
isinasagawa ang pnanaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
Ito ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay- kahulugan sa mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman.
Isang magandang pagkakataon ang pagbuo ng sulating pananaliksik upang mapatunayan ang katotohanan sa isang teorya at
nang mapabulaanan ang mga haka- haka kaugnay nito.

Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat

Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi katulad ng pagbuo ng isang ulat kung saan ang manunulat ay mangangalap din
ng impormasyon patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad ang tungkol sa nakalap na impormasyon. Limitado lamang ang pokus
ng sulating pananaliksik samantalang mas malawak ang pokus ng ulat.
Isa na rin sa pagkakaiba ng dalawang uri ng sulatin ay ang dami o lawak ng gagamiting kagamitan o sanggunian. Dapat ang
mga sanggunian ay hindi lamang limitado sa mga aklatan o Internet ito kasi ang nakasanayan na takbuhan sa pagbuo ng ulat. Sa
sulating pananaliksikay kinakailangan mong lumabas, magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-sarbey at pumunta sa
palengke, sa mga paradahan ng traysikel, mga museo, makasaysayang pook. Ang mga kabatiran, datos o mga impormasyong

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 2
makakalap mo mula sa mga tao, kagamitan, o lugar na ito ay iyong pag-aaralan, hihimayin, at uunawain para sa mas mahusay at
angkop na kongklusyon ng iyong susulatin.

Katangian ng Pananaliksik
 Obhetibo- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro- kurong pinapanigan ng manunulat kundi
nakabatay sa mga datos na maingat na sinasaliksik, tinya, at sinuri.
 Sistematiko- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap- tanggap
na kongklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon),
nakasasagot sa suliraning kaugnay sa kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong
pangkasalukuyan.
 Empirikal- Ang kongklusyong nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/ o na-obserbahan ng
mananaliksik.
 Kritikal- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito
ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan- Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng
pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
 Dokumentado- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon atd atos. Binibigyan ng karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.

Dahil sa kakanyahang ito, ang isang mananaliksik kung gayon ay may bagay na dpat laging isaisip, ayon sa mga propesor na sina
Constantino at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig
ng pagsisisyasatt; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon, komento, at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng
pananaliksik.

Mga Uri ng Pananaliksik

Basic research ang tawag sa resulta na agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong ito sa pagbibigay ng
karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan.
Halimbawa ng basic research:
- pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaanan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang
pakikitungo sa mga tao sa kanyang paligid
- pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
- pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boyband na hinahangaan ng mga kabataan sa isang baranggay

Action research naman ang ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot ang mga
espisipikong tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
Halimbawa ng action research:

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 3
- pananaliksik sa pinakaepektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain sa inyong klase sa Filipino upang
masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain
- pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra- kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong
paaralan sa kanilang academic performance
- pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing- isang
baitang sa inyong paaralan

Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.


Halimbawa ng applied research:
- pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
- pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan
- pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad

Ang applied research ay maaaring ilapat sa mas malaking populasyon tulad ng iba pang paaralan o baranggay na malapit o nasa
paligid ng inyong baranggay.

Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ang paksa ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa
pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag- isipang paksa.
Ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinakaangkop na paksa:
- Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin. Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain
ito ng maramong oras at magiging maahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, lingo, at buwan sa iyong buhay.
a. Paksang marami ka nang nalalaman- May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman
sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito.
b. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman- Madalas, may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mg
bagay na hindi gaanong alam at gusting- gusto mo sanang higit pang malaman o makilala.
c. Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang napapanahon.
- Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan. Malaking
bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki- pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad
mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag- uulit lang kung anuman ang natuklasan na ng ibang
mananaliksik.
- May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon. Sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at
sa Internet lang mangala ng impormasyon at ng kagamitan.
- Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito
matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan.

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin


Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman kung ano ang layunin sa pagbuo ng
sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
Halimbawa:

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 4
- Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon,
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga
paksang napapanahong magagamit ng mga guro at administrador n gating paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng paksa para sa sulating pananaliksik.
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga paksang ito ay
nakaugnay sa mga layunin.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Suriin ang mga isinulat na ideya gamit ang mga sumusunod na tanong:
 Alin- alin sa mga ito ang magiging kawili- wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
 Bakit interesado ka rito?
 Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag maihanap ito ng kasagutan?
 Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
 Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
 Alin ang masyadong limitado o maliit na sakop?
 Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot sa mga tanong ay matutukoy kung alin sa mga nakatala ang maaari mong ipusige bilang paksa ng iyong
sulating pananaliksik.
5. Paglilimita sa Paksa
Maaaring sa una ay malawak ang paksang binuo kaya kailangang limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawing
pananaliksik.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


- Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral

Nilimitahang Paksa:
- Mga dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing
Pang- akademiko

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral
Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Sa paglilimita ng paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos wala ka nang pagkakataaon upang mabuo ito
bilang isang sulating pananaliksik.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Paano mo matitiyak bilang isang mag-aaral na mananaliksik (student researcher) na magagawa mo ang dapat gawin upang
matapos ang iyong sulatin sa itinakdang panahon?
2. Bakit mahalagang sa pagsulat ng pananaliksik ay piliin mong mmabuti at maging interesado ka sa paksang iyong susulatin?

Gawain 3.1- Naiisa- isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang mananaliksik sa pagpili ng pinakaangkop na paksa
Napakahalaga ng pagpili ng pinakaangkop na paksa sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Ano- ano nga ba ang mahahalagang
hakbang, paraan, o proseso sa pagpili ng tamang paksa? Punan ang kahon at lagyan ng maikling paliwanag ang mga isinagot mong
hakbang.

1
2

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 5
Pagpili ng Paksa

5 3

Aralin 2: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag ng Tesis


“Sa paghahanda mo ng panukalang pahayag ng iyong sulatin
mahalagang may taglay ka na ring paunang kaalaman sa iyong sasagutin.’’

Tuklasin Natin!
PANGANGALAP NG PAUNANG IMPORMASYON
Sa unang aralin ay napag-aralan ang pagpili at paglimita ng paksa para sa sulating pananaliksik. Ang susunod ay ang
ikalawang mahalagang hakbang, ang pahayag ng tesis na tinatawag sa Ingles na thesis statement.
Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan muna ng paunang
impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa. Ang mga paunang impormasyon ay tinatawag sa Ingles na background information ay
magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang
pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.

Pagpili ng Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon


Bagama’t ilang impormasyon o kaalaman lang muna ang kakailanganin, hindi pa ito ang malawakan at malalimang
pangangalap ng datos at impormasyon ay mahahalagang maipaalala ngayon pa lang na maghanap ka sa mapagkakatiwalaang
mapagkukunan ng impormasyon. Kung sa Internet ay may may mga website na maituturing na na higit mapagkakatiwalaan kaysa sa
iba gaya ng mga may domain name system na nagtatapos sa .edu (educational institution), .gov (government), o .org (non- profit
organization). Maging mas maingat at mapanuri sa mga website na nagtatapos sa domain extension na .com (commercial) dahil kung
may mahuhusay na pangkalahatang impormasyon mang taglay ang ilan sa mga ito, ang iba ay hindi beripikado at madalas ay
nagsisilbing paraan lang para makapagpakilala ng mga produkto o sebisyo upang makabenta.
Ang aklatan ng inyong paaralan ay isa pang napakahalagang lugar na maaari mong mapagkunan ng impormasyong
kakailanganinn sa pagbuo ng iyong panukalang pahayag. Tingnan din kung anong taon nailimbag ang aklat dahil kung lagpas
sampung taon nang nalalathala ang mga aklat ay maaaring may mga mas bago nang impormasyon o hindi napapanahon ang mga
impormasyong taglay nito. Mula sa mga nakalap na impormasyon ay suriin kung alin- alin ang makatutulong sa iyong pagbuo ng
mahusay na pahayag ng tesis. Maaaring sa una ay mahihirapang magdesisyon sa dami ng impormasyong makikita kaya’t dapat na
pumili nang mabuti at tingnan ang pinakaangkop at magagamit sa susulatin.

Mga Uri ng Datos


Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito.
Kinakailangang gumamit ng tamang metodo ang mananaliksik upang makakuha ng kinakailangang datos.
Ang mga datos na kinakailangan ng pagsasalaysay o paglalarawan o pareho , ang tawag ay datos na kalidad o qualitative
data.
Halimbawa: Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy?
Sino si Jose Rizal para sa iyo?
Kalian mo masasabing handa ka nang pumasok sa isang seryosong relasyon?

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 6
Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa salitang pabebe?

May mga pananaliksik na nangangailangan ng datos numerikal na ginamitan ng mga operasyong matematikal. Ang mga
datos na ito ay tinatawag na datos na kailanan o quantitative data. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga
sinarbey o inenterbyung mga respondent. Maaari ring ang mga datos na ito ay tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat.
May mga pagkakataon ding kinakailangang gumamit ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos upang higit na
mapagtibay ang kanyang punto at/o upang ang resulta ay higit na may kredibildad at maaasahan.

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement


Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag
na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan
ng pangangalap ng mga datos at ebidensiya.
Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang sulating pananaliksik. Ito rin
ang magbibigay ng direksiyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensiyang magpapatunay sa kanyang argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis


Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis ay mahalagang magsimula sa paunang pangangalap ng impormasyon o datos.
Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita ang kaugnayan ng bawat isa sa iyong paksa.
Maaaring masubo kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod:
- Nakasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
- Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
- Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
- Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng pananaliksik?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukalang pahayag. Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa
alinman sa sumusunod na mga paraan:
- Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang opinyon o posisyon.
- Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
- Mag- isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
- Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
- Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/ hindi nangyari ang mga bagay- bagay sa
nakalipas.
- Pagkomparahin ang dalawang baagaay na halos magkaapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
- Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o ganoon.

Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayaag ng tesis na nabuo mula rito.
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lenggwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi
hinahabol o isiniksik ang titik ng pinagsaalinang lenggwahe sa tono ng orihinal na awit.
Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula
Tesis:
Isinabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado
SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2
7
o tinangkilik nila ito.
Panuto : Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Totoo nga bang maraming impormasyong nakukuha sa Internet ang hindi tumpak, hindi beripikado, hindi mabisa, at hindi
kompleto? Magbigay ng patunay.
2. Paano maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuong pahayag ng tesis?

Gawain 3.2- Naiisa- isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang mananaliksik sa pagpili ng pinakaangkop na paksa
Ang mga hakbang na isinasagawa mo ay panimulang hakbang pa lang sa pagbuo ng sulating pananaliksik subalit
napakahalaga ng mga ito para sa iyong pagtatagumpay. Balikan mo ang mga hakbang na dinaanan mo mula sa pagpili ng paksa
hanggang sa pagbuo ng matibay na panukalang pahayag o pahayag ng tesis. Isulat sa kahon ang bawat hakbang at sa ibaba naman
nito ay magbigay ka ng payo sa iba pang mananaliksik upang maisagawa ito sa mas magaang na paraan.

Unang hakbang:
Pagpili at paglimita ng paksa
Tip o payo kung paano ito maisasagawa sa tama at mas magaang na paraan:
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Ikalawang hakbang:
Tip o payo kung paano ito maisasagawa sa tama at mas magaang na paraan:
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Ikatlong hakbang:
Pagbuo ng Matibay na Panukalang Pahayag o Pahayag ng Tesis
Tip o payo kung paano ito maisasagawa sa tama at mas magaang na paraan:
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Aralin 3: Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel


“Ang balangkas ay isang mahalagang gabay
Sa proseso ng pagsulat, ito ay aalalay.”

Tuklasin Natin!
Kahalagahan ng Pagbuo ng Balangkas
- Higit na nabibigyang- diin ang paksa- Ang paksa ang pinaksentr ng sulatin kaya naman makatutulong ang pagbuo ng
balangkas upang matiyak na ang lahat ng impormasyong isasama sa susulatin ay sesenyto o tutugon sa paksa.
- Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat- Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng slatin ay magiging madali para sa
manunulat ang mag- pokus sa bawat bahagi ng kanyang balangkas.

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 8
- Nakatutukoy ng mahihinang argumento- Sa pagbabalangkas, nahahati- hati ang malalaking ideya. Ang bawat malaking ideya
ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye upang maging matibay ang argument.
- Nakatutulong maiwasan ang writer’s block- Mahirap magsimulang magsulat kung isang malinis na papel o cursor na
kumikindat- kindat sa malinis na monitor lang ang kaharap para sa isang malaking proyektong tulad ng sulating pananaliksik.

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas


Ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin sapgkat hindi pa ito pinal. Habang dumarami kasi ang
nababasa mong sanggunian ay nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman tungkol sa tesis na ginawa kaya’t maaaring may mabago sa
iyong balangkas.
Bagama’t hindi pa pinall ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng direksiyon sa mananaliksik. Mula
rito’y nakikita niya kung ang mga ideya ay konektado sa isa’t isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang o
gap na dapat punan sa pagkakasunod- sunod ng mga ito. Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang masagot ng
mananaliksik ang dalawang mahahalagang tanong:
1. Ano- ano ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang i-organisa patungkol sa aking paksa?
2. Ano- ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang saliksikin?

Isa ring magandang pagkakataon ang pagbuo ng balangkas upang maisaayos ng mananaliksik ang iskedyul para sa bawat
bahaging isinulat niya rito? Ang guro ay karaniwang nagbibigay ng takdang-araw o panahon ng pagpasa sa gawain.
Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang I – konsidera ang pagiginng maayos ng daloy ng bawat
bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuo mong matibay na pahayag ng tesis. Ditto kasi ihahanay o i-a-align ang iba pang
bahagi o nilalaman ng iyong balangkas.
Halimbawa:
Paano Ginagamit ang E- Textbook sa Loob ng Silid- Aralan
(Pansamantalang Balangkas)
I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E- Textbook sa Silid- Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. Mga Kaugnay na Literatura
A. Depinisyon ng E- Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E- Textbook
C. Mga Pormat ng E- Textbook
D. Pagkokompara ng E- Textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E- Textbook
III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag- iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos
IV. Resulta
V. Kongklusyon
VI. Bibliograpiya

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 9
Ang Konseptong Papel
Mula sa nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel. Sa
pamamagitan nito, mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Ito ay magsisilbing
proposal para sa gagawing pananaliksik.
Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang- direksiyon ang mananaliksik lalo na kung
baguhan pa lang sa gawaing ito.
Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin,
metodolohiya at ang inaasa;hang output o resulta.
1. Rationale- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
2. Layunin- Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa
3. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang
gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng impormasyon o datos. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang tinatawag na literature
search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet. Kahit
na ganito ang gagamitin ay hindi pa rin sapat ang mga nakalap na mga datos kaya ang mananaliksik ay nangangailangang
magsagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng mga naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag- interview sa mga may
awtoridad at primaryang makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha o focused group discussion at iba pa.
Kapag nakalap na ang mga datos ay mayroon ding iba’t ibang paraaan ng pagsusuri o pagbibigay- kahulugan o interpretasyon sa
mga ito.
4. Inaasahang output o resulta- Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil
patuloy pa rin ang pangangalap ng imporasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal
na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.
Halimbawa:
Paano Ginagamit ang E- Textbook sa Loob ng Sili- Aralan
(Konseptong Papel)

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in our
Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang
magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ay
naiiba sa mga “natutong gumamit” ng teknolohiya paglipas ng panahon o digital immigrants. Inilarawan nila Trilling at
Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa
mga impormasyong digital at teknolohiyang pangkomunikasyon o digital information and communications
technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil
ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part time na mag-aaral
dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, sila naglalatag ng bagong set ng pangangailangan sa Rationale
ating sistemang pang- edukasyon.
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang- 21 siglo o 21st Century Skills na kinakailangang
matamo ng mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng
problem solving at critical thinking ang kabilang sa kakayahang ito, kung maging ang pagiging bihasa sa mga
makabagong kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong set ng
kakayahan Nais
na ng papel na ito na
kinakailangang magpokus
matamo sa information,
ng mga mag-aaral samedia,
ika- 21and technology
siglo. skills
Ito ay ang life lalo
andna at ang
career ilan learning
skills, sa mga
silid- aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech
and innovation skills, at information, media, and technology skills. hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional materials, kundi sa pamamagitan din ng unti- unting
pagpapalit sa mga inimprentang textbook ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman
kung paano ginagamit ng mga guro at ng mga mag-aaral ang e- textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-
aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology skills at kung ano ang impact ng
tecknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid- aralan.
Sa kasalukuyan, magkaka-iba ang lebel ng information, media, and technology skills ng mga guro at mga
mag-aaral sapagkat iba- iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng
papel na ito na ang paggamit ng e- textbooks sa loob ng silid- aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay
SMA FILIPINO 11- Pagbasa
nakadepende at Pagsusuri
sa kanilang ng Iba’t Ibang
information, media,Teksto
andTungo sa Pananaliksik
technology skills.* MODYUL 1 at 2 Q2 10
Layunin

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikinayam sa ilan sa mga guro at mag-
aarl na gumagamit ng e-textbook bilang metodo sa pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na
isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid- aralan g isang piling Metodolihiya
paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baiting upang higit na mapatatag
ang mga datos na makukuha mula sa pakikinayam.

Inaasahang makabuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng


papel na ito. inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon na maaaring magamit ng
Inaasahang
piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumamit ng e- textbook sa kanilang kurikulum.
Output/
resulta

Ang bahaging nakasulat nang madiin ay pahayag ng tesis o thesis statement ng pananaliksik na ito.

Gawain 4- Naiisa- isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang mananaliksik sa pagpili ng pinakaangkop na paksa
Ngayon ay bumuo ng pansamantalang balangkas ng iyong sulating pananaliksik.

Pansamantalang Balangkas

__________________________
Pamagat

Integrasyon
1. Ignacian Core/ Related Values: Kahusayan: Kakayanan
Napapalawak ang interes at kadalubhasaan ng isang tao. Ang kadalubhasaan (mula sa Latin peritĭa ) ay
ang kakayahan , karunungan at karanasan sa isang tiyak na paksa .  Sa pananaliksik kinakailangan na may
malawak napag-iisip at pag-iintindi ng saganoon ay mas higit na kapanipaniwala ito.

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 11
2. Kaugnayan sa Usaping Panlipunan: Fake news, Sa pagsasaliksik ng datos ay kinakailangan na may matibay na
ebindensya ng saganoon ay hindi ito magiging fake news.
3. Kaugnayan sa Ibang Disiplina:Araling Panlipunan, Sa pag-aaral ng mga datos sa mga nakaraang siglo ay makikitaan
ito ng wasto at makatotohanang ebidensya ng saganoon ay mas higit itong kapanipaniwala.
4. Berso sa Bibliya: Mga Filipos 4:8 “Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay
na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang
bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga
bagay na ito.”

Suriin Natin!
A. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat sa bawat bahagi ng pananaliksik (paksa)
Sa iyong napiling paksa, buoin ito bilang malawak o pangkalahatang paksa sa unang kaahon. Pagkatapos ay isulat ang nilimitahang
paksa sa ikalawang kahon at ang higit pang nilimitahang paksa sa ikatlong kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay
ng puntos ay ibabatay sa rubric sa ibaba.
Puntos Pamantayan

Sadyang naiiba, talagang matatapos sa oras na nakalaan, sapat ang mapagkukunan ng impormasyon, at angkop sa layunin ng
10
pananaliksik.

7 Naiiba, matapos sa takdang oras, may mapagkukunan ng impormasyon, at maiuugnay sa layunin ng pananaliksik.

May mga kahawig na paksa, malawak, at maaaring hindi matapos sa takdang oras, maaaring limitado ang mapagkukunan ng
5
impormasyon, at Malabo ang pagkakaugnay sa layunin ng pananaliksik.

Kapareho lang ng paksang napili ng napakarami, walang kasiguraduhang matatapos sa takdang oras, limitado ang mapagkukunan
3
ng impormasyon, at hindi nakaugnay sa layunin ng pananaliksik.

B. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat sa bawat bahagi ng pananaliksik (pagbuo ng kard ng impormasyon at
panukalang pahayag)

1. Muling balikan ang binuo at nilimitahang pakksa sa unang aralin. Isulat itong muli sa kahon.
Nilimitahang Paksa ni _____________________________________________________________________________________
(Pangalan mo rito)
Isulat dito ang nilimitahang paksa: ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________

2. Mangalap ka ng mga paunang imposmasyon o kaalaman kaugnay ng paksang ito. Punan mo ng impormasyon ang
tatlong kard sa ibaba mula sa mga sanggunniang nahanap mo. Maaari pang magdagdag kung kinakailangan.

Seksiyon ng aklatan kung saan mo nakuha: ____________________________________________________


Call number ng aklat: _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________ - Awtor
_____________________________________________________________________________________- Pamagat ng aklat, tagapag-
_____________________________________________________________________________________limbag, lugar at taong kung
_____________________________________________________________________________________________ kailan nalimbag, at pahina

C. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat sa bawat bahagi ng pananaliksik (pagbuo ng kard ng impormasyon at
panukalang pahayag)

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 12
Ito ang pagkakataon upang bumuo ka ng konseptog papel para sa iyong sulating pananaliksik. Una’y punan mo muna ng tig- isang
pangungusap ang bawat bahaging nakalahad sa ibaba. Pagkatapos ay isulat mo na ang mas detalyadong konseptong papel. Isulat o i-
type sa bond paper ang mas detalyadong konseptong papel na hango sa isinulat mo. Ang gagawin ay ibabatay sarubric sa ibaba.
Puntos Pamantayan

Malinaw na makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng
10
konseptong papel.

7 Makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng onseptong papel.

Bahagyang makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng
5
konseptong papel.

Hindi nakikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin, metodolohiya, at resulta) ng konseptong
3
papel.

Sangguninan: Dayag, Alama M.,Mary Grace del Rosario. Pinagyamang Pluma. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix
Publishing House. Quezon City. 2019.

SMA FILIPINO 11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik MODYUL 1 at 2 Q2 13

You might also like