You are on page 1of 32

Mga Tip o

Paalala sa
Pagpili ng
Paksa
PAKSA
Ang paksa ay ang pangkalahatan o
sentral na ideyang tinatalakay sa
isang sulating pananaliksik.
Napakalaking bahagi sa pagkakaroon
ng matagumpay na sulating
pananaliksik.
1. Interesado ka
o gusto mo ang
paksang pipiliin
mo.
•upang mapanatili ang
interes at pagpupunyagi
mong matapos ang
sinimulan mo gaano man
ito kabusising gawin.
A. Paksang
marami kang
nalalaman
•batid mo na kung saan ka kukuha
ng mga gamit na kakailanganin
mo sa pagbuo nito tulad ng mga
aklat, datos, o mga taong
eksperto sa nasabing paksa bago
pa man simulan ang pananaliksik.
B. Paksang gusto
mo pang higit na
makilala o
malaman
•mga bagay na hindi
gaanong alam at
gustong- gusto mo
sanang higit pang
malaman o makilala
C. Paksang
napapanahon
•sapagkat magagamit ito
ng nakararami dahil
angkop o tumutugma
ito sa kasalukuyang
pangangailangan
2. Mahalagang maging
bago o naiiba (unique) at
hindi kapareho ng
mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo
•maging kapaki-pakinabang
ang mga bagong kaalamang
ilalahad mo mula sa iyong
mga bagong matutuklasan
sa halip na pag-uulit lang
•maaaring
maikumpara ang
iyong papel sa binuo
ng iba
3. May
mapagkukunan ng
sapat at malawak na
impormasyon
•makabubuting matiyak ang
mga resosurces (tao man o
bagay) ay nariyan at
maaaring magamit sa oras o
panahong kakailanganin mo
para sa gawain
4. Maaaring matapos
sa takdang panahong
nakalaan
•alam ng mananaliksik ang haba ng
panahong nakalaan para sa
kabuoan ng gawain at saka niya ito
hati-hatiin sa bawat bahagi upang
matagumpay na matapos at
maisumite ang gawain sa takdang
araw ng pagpasa
Mga Hakbang
sa Pagpili ng
Paksa
1. Alamin kung ano
ang inaasahan o
layunin ng susulatin
•mahalagang malaman mo
muna ang layunin sa pagbuo
ng sulating pananaliksik para
maihanay o maiugnay mo sa
mga layuning ito ang iyong
mga gagawin
• Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas o ang
kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga
paksang napapanahong magagamit ng mga guro at
administrador ng paaralan sa pagpaplano at
pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng
paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga
posibleng maging
paksa para sa sulating
pananaliksik
3. Pagsusuri sa
mga itinalang
ideya
•Alin-alin sa mga ito ang magiging
kawili-wiling gawin o saliksikin para
sa iyo?
•Bakit ka interesado?
•Alin ang posibleng makatulong sa
iba kapag naihanap ito ng
kasagutan?
•Alin ang alam na alam mo na? Alin ang
gusto mo pang lalong makilala o
• Alin ang maaaring mahirap ihanap ng
kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
• Alin ang masyadong malawak at mahirap
gawan ng pananaliksik?
• Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang
sakop?
• Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong
tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng
tentatibong
paksa
•alin sa mga nakatala sa
iyong papel ang maaari
mong ipursige bilang
paksa ng iyong sulating
pananaliksik
5. Paglilimita
sa paksa
• Tandaang hindi dapat maging
masyadong malawak o masaklaw ang
paksa na sa dami ng impormasyong
gusto nitong patunayan ay hindi na
matatapos sa takdang panahon at hindi
maihahanap ng angkop na kasagutan.
•Malawak o
Pangkalahatang Paksa
Labis at Madalas na
Pagpupuyat ng mga Mag-
aaral
•Nilimitahang Paksa
Mga Dahilan sa Labis na
Pagpupuyat ng mga Mag-
aaral at ang Epekto nito sa
Kanilang Gawaing Pang-
akademiko
Lalo Pang Nilimitahang
Paksa
• Mga Dahilan sa Labis at Madalas na
Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang ng Heneral
Gregorio Del Pilar High School at ang
Epekto Nito sa Kanilang Gawaing
Pang-akademiko

You might also like