You are on page 1of 14

Ano ang Nalalaman mo

Panimulang Pagtataya
1. B 6. D
2. D 7. C
3. A 8. B
4. B 9. C
5. C 10. A

Tuklasin
Gawin Mo / Gawain 1.1
1. C
2. B
3. A
4. C
5. B

Gawain 1.2
Gumuhit ng larawan sa loob ng kahon hinggil sa iyong ideya tungkol sa pagtatalumpati

Gawain 1.3
Gumawa ng sulating repleksyon sa napnood na talumpati ng pangulong duterte noong
Abril 27,2020
Hindi lingid sa ating mga kaalaman bilang mga Pilipino ang mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa gayundin ang ilang bahagi ng mundo sa
pakikipaglaban sa COVID-19. Ika-27 nang Abril noong naganap ang isang
talumpati na pinangunahan ng ating pangulo na si Presidente Rodrigo
Dutete. Ayon sa naganap na talumpati, nagpapasalamat ang pangulo sa
lahat ng mga frontliners na walang sawang nakikipaglaban upang maibsan
ang agarang paglanap ng sakit. Subalit, ayon rin sa kanyang pahayag,
aminado ang pangulo na hindi ito sapat upang tuluyang masugpo ang
kinakaharap ng bansa. Naging bahagi rin ng kanyang talumpati ang
pagbibigay ng kautusan sa ilang nakakataas sa mga ahensya ng pamahalaan
upang kumilos at mas pag-igihin pa ang kanilang ginagampanang tungkulin.

Gawain 1.4
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?
Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati sapagkat sa pamamagitan
nito ay napapaunlad ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap at
naipapahayag ang kaisipan ng isang mananalumpati.
Ang mga kaisipang inilalahad ng isang mananalumpati ay maaaring
nagmula sa kanyang mga karanasan, pagbabasa, pagmamasid,
pakikipanayam, at pananaliksik. Ang bawat talumpating kanyang isinusulat
ay naglalayong bumatikos, magpabatid, magturo, manghikayat, manlibang,
pumuna, o pumuri. Ito rin ay kadalasang napapanahon. Ang isang mahusay
na manunulat ng talumpati ay may kakayahang palawakin ang
pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak ng panaguri at paksa
habang napapanatili ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak nito.
Gawain 1.6
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?
Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati sapagkat sa pamamagitan nito ay
napapaunlad ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap at naipapahayag ang kaisipan ng
isang mananalumpati.
Ang mga kaisipang inilalahad ng isang mananalumpati ay maaaring nagmula sa kanyang
mga karanasan, pagbabasa, pagmamasid, pakikipanayam, at pananaliksik. Ang bawat
talumpating kanyang isinusulat ay naglalayong bumatikos, magpabatid, magturo, manghikayat,
manlibang, pumuna, o pumuri. Ito rin ay kadalasang napapanahon. Ang isang mahusay na
manunulat ng talumpati ay may kakayahang palawakin ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng panaguri at paksa habang napapanatili ang kasanayan at kaisahan sa
pagpapalawak nito

Para sa iyo, saan ka mas komportableng gawin batay sa mga uri ng


talumpati? Ipaliwanag.
Komportable ako sa Isinaulong talumpati dahil mas mapag-iisipan ko pa ang mga salita
na nararapat sa aking paksa sa pagtatalumpati. Makapagsasanay pa ako sa pag bigkas ng aking
talumpati upang malinaw at maayos ang aking inpormasyon na iibigay sa mga nakikinig.

Gawain 1.7
Sumulat ng talata kung bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik
sa pagbuo ng talumpati
Mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati dahil
magsisilbing pantulong ito para mapaganda at maging maayos ang pagpapahayag.
Paraan rin ito upang makabuo ng tumpak, mapapanaligan at may katotohanang
paksa para sa makakarinig nito. Mapapalawak nito ang kaalaman at kaunawaan sa
kung ano ang isusulat at kung paano ibibigkas ang talumpati. Maihahayag rin ng
ang saloobin at ideya ng isa.
Gawain 1.8 PAGGUHIT NG POSTER
Ang pandemya ay isang bagay na tayong lahat ay nakaransan, ngunit, sa
talumpati na ito, ating makikita na tungkol ito sa iba’t-ibang karanasan nating lahat.
Sa pandemyang ito, hindi pantay-pantay ang karanasan nating lahat. May mga taong
lubusang nasaktan, nawalan ng trabaho, at nawalan ng mahal sa buhay. Ngunit, may
mga tao ring nagkaroon ng negosyo, nagkapera, at nag bago ang buhay para sa
ikinabubuti. Kaya naman, hindi natin masasabi na ang karanasan natin bilang
indibidwal ay katulad sa lahat. Dahil ang pandemyang ito ay naging daan upang
mamulat ang mga tao sa katotohanang pangyayari sa buhay, sa politika, at iba pa.
Gawain 2.1 PAGPAPALIWANAG
Napalalim ang aking pagkakaintidi sa depenisyon ng
talumpati at ang mga uri at kagamitan nito

Natutunan ko ang tamang paraan ng


pagsulat ng talumpati

Napalawak nito ang aking nalalaman sapagtatalumpati at


ang kahalagahan nito.

Gawain 2.2 PAGSUSURI NG MGA PAHAYAG

1. 
2. 
3. 
4. 
5. 
Gawain 2.3 PAGBIBIGAY KAHULUGAN
1. Biglaan o dagli
Talumpating ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

2. Maluwag na talumpati
 May inahandang balangkas na talakay at may panahon magtipon ng
datos. Talumpating ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad
na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

3. Tesis
 Ito ay ang pangungusap na ginagamit upang maging gabay ng isang
manunulat sa paggawa ng isang akademikong papel upang may
magandang patutunguhan ang kanilang sinusulat ng isang manunulat.

4. Kronolohikal na huwaran
 ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-
sunod na pangyayari o panahon

5. Topikal na huwaran
 ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
Gawain 2.4 PAGHAHAMBING SA MGA URI NG TALUMPATI
Biglaang talumpati
isang sining ng pasalitang
pagpapahayag na ang layunin ay
makaakit o makahikayat

Manuskrito
Maluwag na Talumpati
Isinasagawa nang biglaan o walang
Ang talumpating ito ay ginagamit sa
paghahanda.
mga kumbesyon seminar o
Nagbibigay ng ilang minuto para sa programa sa pagsasaliksik kaya
pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. pinag-aaralan itong mabuti at dapat
na nakasulat.

Isinaulong talumpati
-Ito ay kagaya rin ng manuskrito
sapagkat ito ay mahusay ding
pinag-aralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig.
Gawain 2.5 PAGPAPAHALAGA SA LARAWAN
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta
ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na
lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa
pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Dahil sa kahirapan,
maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais.
Patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay
nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing
pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang
problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan
nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating
bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa
ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis.
Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod
sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung
ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan? Isa pang
dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na
maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na
kanilang tinatamasa.
Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat
nilang pamumuhay. Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking
makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking
lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon
ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon. Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad
ang ating buhay!
Gawain 2.6 PAGREKORD NG PAGTATALUMPATI
Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi
Naisagawa Naisagawa Naisagawa
Orinalinidad 
Kaugnayan sa paksa
Kawastuhan ng mga
pahayag

Kalinawan sa 
pagbigkas

TAYATAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. B 6. D
2. D 7. C
3. A 8. B
4. B 9. C
5. C 10. A
Gawain 1.5 PAGPAPAHALAGA SA PAKIKINIG NG TALUMPATI

Ito rin ay nagpapahayag ng isang


kaisipan sa paraang maanyo.
Ang talumpati ay isang uri ng akda
na tumatalakay sa napapanahong Isang sining ng pasalitang
isyu o paksa na ang layunin ay pagpapahayag na ang layunin ay
bigkasin sa harap ng madla na TALUMPATI
makahikayat ng mga nakikinig
handang makinig .

Ang uri ng komunikasyong


pampubliko na nagpapaliwanag
tungkol sa isang mahalagang
paksa.

You might also like