You are on page 1of 9

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik)

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 2)

Pangalan : ___________________________ Baitang/Pangkat: _____________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

I. SUSING KONSEPTO:

Ang AKADEMIKONG SULATIN - ay pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang


akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na sa larangang akademik

Dalawang Pangkat ng Akademikong Sulatin


A. Sulating Nangangatuwiran at Naglalahad
1. Talumpati – isang akademikong sulatin na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig na layuning manghikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng
kaalaman at maglahad ng isang paniniwala.

2. Posisyong Papel – sulating naglalahad ng malinaw na tindig sa isang isyu sa


pamamagitan ng mga argument na pinatitibay ng mga ebidensiya at naglalayong
manghikayat sa pamamagitan ng pangangatuwiran.

3. Katitikan ng Pulong – akademikong sulatin na naglalaman ng mahahalagang


detalye hinggil sa mga napag-usapan at napagtibay sa ginanap na pulong ng
isang partikular na organisasyon. Ginagamit dito ang pandiwa sa aspektong
perpektibo.

4. Bionote – sulating naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa


kuwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal
na madalas abasa sa likurang pabalat ng isang aklat. Karaniwang maikli lamang
ang nilalaman nito at nasusulat sa ikatlong panauhan

5. Panukalang Proyekto – isang detalyadong deskripsiyon ng inihahaing gawain na


naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Binubuo ito ng mga
sumusunod na bahagi:

a. pamagat
b. proponent ng proyekto
c. kategorya ng proyekto

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


1
d. petsa, rasyonal, deskripsiyon ng proyekto,
e. badyet na kakailanganin, at
f. pakinabang ng proyekto.

6. Abstrak – buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin,


metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong paikliin ang
isang buong papel-pananaliksik upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang
mambabasa patungkol sa nilalaman nito na karaniwang binubuo lamang ng
200-300 na salita.

B. Sulating Nagsasalaysay at Naglalarawan


1. Lakbay-Sanaysay – isang sulating nagsasalaysay at naglalarawan ng mga
karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, mga nakasalamuhang tao,
at maging ang kaniyang mga naisip at napagtantong ideya pagkatapos ng
paglalakbay. Tinatawag din itong travelogue o travel essay.

2. Replektibong sanaysay – sulating nagsasalaysay ng mga personal na karanasan


at inusuri ang naging epekto nito sa manunulat. Itinuturing itong personal at
mapanuri o kritikal na sanaysay na naglalayong maibahagi sa iba ang
naging karanasan at makapagbigay ng inspirasyon sa mambabasa.

3. Pictorial Essay – sulating akademiko na ginagamitan ng may-akda ng mga litrato


na nagbibigay-kulay at kahulugan kaalinsabay ng teksto sa paglalarawan at
pagtalakay sa isang isyu o paksa. Layunin nitong magsalaysay at
maglarawan ng pangyayari gamit ang mga litrato.

II.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

⮚ Inaasahang nakikilala ko ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa


layunin, gamit, katangian at anyo.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain 1: PROVE IT, PROVE IT!
Panuto: Basahin at suriin ang mga siniping bahagi ng mga halimbawang sulatin. Kilalanin
kung anong uri ito ng akademikong sulatin at pagkatapos ay magbigay ng patunay sa
pamamagitan ng pagbanggit tungkol sa katangian, anyo, layunin at gamit nito. Isulat ang
sagot sa patlang.

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


2
Sagot: _______________________________________________________________________
Patunay : _____________________________________________________________________

Sagot: ___________________________________________________________
Patunay : _________________________________________________________

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


3
Sagot: ___________________________________________________________
Patunay: ________________________________________________________

Sagot: ___________________________________________________________________
Patunay: _________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Sagot ___________________________________________________________________

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


4
Patunay: ________________________________________________________________

Gawain 2: MAG-WORD HUNT TAYO!


Panuto: Hanapin mula sa word puzzle ang mahiwagang salita sa direksyong pahalang,
pababa o padayagonal na inilalarawan sa bawat aytem sa kasunod na pahina. Bilugan ito
pagkatapos.

R Z X G H Y K G T A L U M P A T I G P P
E K G J T R A V E L O G U E B J P Z A O
P Q A B S T R A K B L M D I A C O B N S
L S F T H I U T O T A S R N A S S E U I
E C B N I F B J K O K A O T E Y I O K S
K Q U S C T C H E A B M U E A E S F A Y
T I O G B K I A B A A F T S Y T Y U L O
I E D O I K T K A Z Y V Y I Q Q O F A N
B T D B O A A A A Q S A U S G F N F N G
O A K H N T L J B N N K G A J G G M G P
N L A G O N D A S A N G K F L F P S P A
G U K P T I U O S V A G D E G I A H R P
S U E O E T M Y L C Y S P G D U P W O E
A P S I L I A E O X S K E U S R E G Y L
N T L O E B T P M N A Q B G L U L W E I
A T O I K O A O P H Y W K W R O O F K S
Y K U A N A T J A T R D A R Q E N R T A
S L L O A M E M O R A N D U M R H G O R
A P I C T O R I A L E S S A Y T Q J Q O
Y B V A A N I R T B I A B S T R A K Q P

________1. Madalas itong makita sa likurang pabalat ng aklat. Ano ito?

________2. Ito ay binuo lamang ng 200 hanggang 300 na salita. Ano ito?

________3. Isinusulat ito sa paraang madulas bigkasin ang mga salita at may
angkop na haba ang mga pangungusap. Ano ito?
RO_ FPL: Akademik __Linggo 2
5
________4. Makikita rito ang pangalan ng mga taong dumalo at di-dumalo sa
ginanap na pagpupulong. Ano ito?
________5. Binubuo ito ng mga bahaging pamagat, proponent ng proyekto,
kategorya ng proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng proyekto, badyet na
kakailanganin, at ang pakinabang ng proyekto. Ano ito?

________6. Malinaw na nakasaad dito ang tindig ng manunulat sa isang isyu. Ano
ito?

________7. Inilalarawan dito ang kalakasan ng manunulat at kung paano niya ito
napaunlad gayundin kung paano niya napagtagumpayan ang kaniyang mga kahinan
taglay. Ano ito?

________8. Gumagamit ito ng mga larawan kasabay ng teksto. Ano ito?

________9. Ibang tawag lakbay-sanaysay. Ano ito?

________10. Layunin nitong makapagbigay ng mamalim na insight at kakaibang


anggulo tungkol sa isang destinasyon o pook-pasyalan. Ano ito?

Gawain 3: SUBUKIN MO!

Panuto: Pumili ng isa sa mga tinalakay na sulating akademiko at subuking sumulat


ng halimbawa nito. Isulat ang iyong awtput sa isang malinis na papel.

__________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

IV. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS

Para sa Gawain 3

Pamantayan Puntos

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


6
Naisalang-alang ang mga katangian, anyo, gamit at 30
layunin ng sulating napili
Wasto, maingat at angkop ang paggamit ng wika 30
Organisado ang estruktura 30
Malinis ang pagkakasulat 10
Kabuoan 100

V. REPLEKSIYON

Panuto: Bilang pangwakas, punan ang patlang upang mabuo ang kaisipang
natutuhan sa araling ito.

VI. SANGGUNIAN

⮚ Rodriguez, Rommel.“Ika-80 Kaarawan ni Dr. Bienvenido Lumbera, Guro at Artista


ng Bayan, Ipagdiriwang.” Pinoy Weekly. 13 Abril 2012.Web.Inakses noong 5

⮚ Pebrero 2016.http://pinoyweekly.org/new/2012/04/ika-80-kaarawan-ni-dr-
bienvenido-lumbera-guro-at-artista-ng-bayan-ipagdiriwang/

⮚ Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied Subject- Filipino sa

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


7
Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.

⮚ Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Larang- Akademik


(Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang Limbag 2016.

⮚ https://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT.

⮚ “Virgilio S. Almario: Pambansang Alagad Ng Sining Para Sa Literatura.” Web.

⮚ Inakses noong.5.Pebrero.2016.

Inihanda ni:
RO_ FPL: Akademik __Linggo 2
8
ROSEMARIE M. NOCEDO
Amtic NHS, Sangay ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang kalidad:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

RO_ FPL: Akademik __Linggo 2


9

You might also like