You are on page 1of 2

IKALAWANG Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng ( Akademik )

LINGGO Aralin 2: Lakbay Sanaysay : Elemento at Gabay sa


Pagsulat

Lakbay-Sanaysay
➢ Ay isang uri ng sulatin na ang layunin ay mailahad ng may-akda ang kanyang mga
naranasan at mga natuklasan sa paglalakbay.
➢ Ito ay mas kilala rin sa tawag na travel essay o travelogue na maaaring nasa anyong
pelikula, lathalain, palabas sa telebisyon o anomang anyo ng panitikan na nagpapamalas
ng dokumentasyon hinggil sa mga lugar na napuntahan ng manlalakbay.

Layunin ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


✓ Makapagbigay ng mas malawak na perspektiba sa isang destinasyon at ito’y
pagkakitaan.
✓ Makabuo at makapagbahagi ng gabay o tips sa mga taong nais bumisita sa isang
partikular na destinasyon sa unang pagkakataon.
✓ Makatulong upang higit na mapalalim ang pagkakakilala ng tao sa kanyang sarili.
✓ Makalikha ng dokumentasyon hinggil sa kultura ng isang partikular na komunidad.

Katangian ng Lakbay-Sanaysay
Kawili-wili- Naglalaman ito ng mga paksang nakapupukaw ng interes ng mambabasa. Ang
paraan ng paglalahad ng mga kaalaman at karanasan ay sa pamamagitan ng paggamit ng
simpleng wika at magaan na tono.
Batay sa personal na karanasan- Bagaman ito ay nakasalig sa sariling kuwento ng karanasan,
mababakas pa rin dito ang pagiging makakatotohanan dahil sa mga patunay na ibinahagi ng
may-akda.
Impormatibo- Pangkaraniwang bahagi ng lakbay-sanaysay ang magbigay-aliw sa mga
mambabasa, kasabay rin nito ang ganitong uri ng sulatin ay nararapat na magtaglay ng mga
mahahalagang impormasyong makadaragdag sa kaalaman ng mga mambabasa.
Nagsasalaysay sa unang panauhan- Gumagamit ng mga panghalip tulad ng ako, ko, akin,
kami at tayo sapagkat ito ay mga tala ng pansariling kaisipan at karanasan ng sumulat.
Payak na gamit ng wika- Simple at malinaw ang mga salita, kaisipan at pagpapaliwanag na
gagamitin sa pagpapabatid ng nilalaman ng akda.
Organisadong Istruktura- Mas madaling unawain at basahin ang akda kung ito ay may maayos
na pagkakasunod-sunod at nakapaloob din ang mga bahagi ng pagsulat ng sanaysay tulad ng
may kawili-wiling simula, katawan at wakas.

1
IKALAWANG Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng ( Akademik )
LINGGO Aralin 2: Lakbay Sanaysay : Elemento at Gabay sa
Pagsulat

Bahagi ng Lakbay-Sanaysay
1. Panimula- Mahalagang sa simula pa lamang ay kawili-wili na ang paraan ng paglalahad
upang mapukaw agad ang interes ng target na audience.
2. Katawan/Nilalaman- Ito ang magtatampok ng mga karanasan at pangyayari sa isang akda
kaya’t kinakailangang organisado at maayos ang pagkakasunod sunod ng paglalahad ng mga
detalye upang madaling maunawaan ng mga mambabasa.
3. Kongklusyon- Bilang pagwawakas, mahalagang mailahad dito ang mga positibong naidulot
ng paglalakbay tulad ng mga aral at mga kaisipang napulot mula sa mga naging karanasan na
nagpabago at nagpaunlad ng sarili.

Mga Elemento ng Lakbay-Sanaysay


1. Tema - Ito ang sentral o pangkalahatang ideya kung saan umiikot ang mge detalye sa teksto.
2. Anyo at Istruktura- Inilalahad dito ang maayos at lohikal na pagkakasunod sunod ng mga
pangyayari upang makatulong sa mambabasa na maunawaan ang akda.
3. Kaisipan- Ito ang mga ideyang nabanggit na kaugnay at nagpalinaw sa tema.
4. Wika at Istilo- Tumutukoy ito sa uri, antas at istilo ng pagkakagamit ng wika na nakaaapekto
rin sa pag-unawa ng mambabasa. Higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na
pahayag.
5.Larawan ng Buhay- Sa bahaging ito, inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanan at
masining na pagsasalaysay.
6. Damdamin- Naipahahayag ng may-akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan.
7. Himig- Nagpapahiwatig ito ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, nananabik,
namamangha at iba.

You might also like