You are on page 1of 3

UNANG Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng ( Akademik )

LINGGO Aralin 1: Akademikong Pagsulat

PAGSULAT
➢ Ang kakayahang makapagpahayag ng malinaw sa pamamagitan ng panulat.

Akademikong Pagsulat
• Isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang
akademiko.
• Pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng impormasyon.
• Ang mga salitang ginagamit sa ganitong uri ng sulatin ay kailangang pormal.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Pormal
➢ Kinakailangang maingat na pinipili ang mga salitang gagamitin. Makikita ito sa mga
salitang ginagamit sa pagkakabuo ng mga pangungusap. Hindi maaaring gumamit ng
impormal na salita at tiyak rin ang mga mensaheng nakapaloob.
Malinaw
➢ Ang organisadong pagtatahi ng mga ideya ay kailangang taglay ng sulating akademiko.
Makatutulong ito sa paraan ng pagpapahayag ni mga ideya.
Tiyak
➢ Mahalagang batid ng manunulat kung ano ang tunguhin ng kanyang isinulat.
May Paninindigan
➢ Magagawang panindigan ng manunulat ang kanyang mga isinulat kung sapat ang
kanyang impormasyon at datos na pinaninindigan sa paraang mahusay na
pangangatuwiran.
May Pananagutan
➢ Mahalagang pahalagahan at kilalanin ang may-akda ng tekstong pinaghanguan o
pinagbatayan ng isinusulat na sulating pang-akademiko upang maiwasan ang isyung
may kaugnay sa plagiarism.

Tandaan:
✓ Ang Kritikal na Pagbabasa ay isa ring pangangailangan para makabuo ng isang
mahusay na sulating pag-akademiko.
✓ Ang Pananaliksik ay isang uri ng sulating pang-akademiko. Ito ay pormal at
kinakailangan ng kritikal na pagbabasa at pagsusuri.
✓ Ang paggamit ng Parenthetical Citatons (), sanggunian at bibliyograpiya ay isang
paraan ng pagpapakita ng pagkilala sa mga orihinal na manunulat.

1
UNANG Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng ( Akademik )
LINGGO Aralin 1: Akademikong Pagsulat

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Importatib na Pagsulat

➢ Kilala rin sa pangalan an expository writing. Ito ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag. Ang pukos nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.

Halimbawa: Pagsulat ng report o mga obserbasyon, mga istatistks na makikita sa mga


libro at ensayklopidya, balita o teknikal o business report.

Mapanghikayat na Pagsulat

➢ Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga


mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pukos
nito ay ang mga mambabasa nan nais maimpluwensyahan ng isang awtor.

Halimbawa: Editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel.

Malikhaing pagsulat

➢ Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling


katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang
pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon,
ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito.

Pansariling Pagpapahayag

➢ Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning


ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan.

Halimbawa: Ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat ng Sulating Akademiko

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil lahat ng tao ay may kakayahang lumikha
ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang
magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang
mga dapat tandaan sa pasusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

2
UNANG Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng ( Akademik )
LINGGO Aralin 1: Akademikong Pagsulat

1. Wika
• Dapat matiyak mo kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. narraapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, payak na paraan.

2. Paksa
• Kailangan na magkarron ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang
maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.

3. Layunin
• Ang layunin ang masisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.

4. Pamaraan ng Pagsulat
• May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng
manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat..

Ang Akademikong Pagsulat ay may mga Anyo kagaya ng:

• talumpati • synthesis
• replektibong sanaysay • panukalang proyekto
• posisyong papel • agenda
• lakbay sanaysay • memorandum
• pictorial essay • bionote
• abstrak • katitikan ng pulong

You might also like