You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

COMMISSION OF HIGHER EDUCATION


REGION IV-A

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

MGA ARALIN at GAWAIN

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Fil02

ni:

_____________________________________

Ipinasa kay

Bb. Nerzell B. Respeto


PAGSULAT
Mga kahulugan ng pagsulat:

 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang


maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

• Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti), ang pagsasagawa para sa iba’t ibang
layunin. (Bernales, et al., 2002)

• Ayon kina Xing at Jin (1998) pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang


naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba
pang elemento.

• Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan
at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin:

• Ekspresib

• Formulari

• Imaginatibo

• Informatib

• Persweysib

Mga layunin ng pagsulat

Para kay James Kinneavy (1971) may limang kategorya sa pagsulat na naging
rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ekspresiv

Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili

2. Formulari

Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa


negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya

3. Imaginativ

Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng


manunulat sa

pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa

4. Informativ

Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya

5. Persweysiv

Upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya


katibayang ipinahayag.

Gawaing interaktib

Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod na sulatin:


1. Subpoena
2. Thesis
3. iskrip pampelikula
4. Memorandum of AgreementDiary

5. Shopping list

7. Ulat pamanahon

8. Panunumpa sa katungkulan

9. Talumpati ng Kandidato

10. Tula

11. journal

12. Liham pangkaibigan

13. State of the Nation Address

14. Bisnes kontrak

15. mensahe

Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat

Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang
kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa


proseso ng pagsulat.

Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso

• Para kay Badayos, ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binubu ng


sumusunod na proseso:

Bago sumulat

– Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya at pagbuo ng mga


ideya

Pagsulat

– Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak, pagsangguni at pagrerebisa

Paglalathala

• Sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o


kaya’y paglilimbag o paglalathala

Mga mungkahing tanong

• Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

• Ano ang layunin sa pagsulat nito?

• Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?

• Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
• Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

• Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

• Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?

• Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Mga Hakbang sa Pagsulat:

• Prewriting/ Gawain Bago Sumulat

• Pagsulat ng Draft/ Burador

• Revising o Pagbabago

• Editing o Pagwawasto

• Publishing o Paglalathala

Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng


mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.

Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.

Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong


gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

Kalikasan ng Pagsulat ayon kina White at Arndt (1991)

• Paglabas ng Ideya

• Paggawa ng Estruktura

• Paggawa ng Burador

• Pagpopokus

• Pagtataya o Ebalwasyon

• Muling Pagtingin

Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat:

• Kalinawan ( Clarity )

• Kaangkupan ( Appropriateness )

• Kahustuhan ( Completeness )

• May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis )

• Kawastuhan ng Gramar (Gramatical Accuracy )

• May Layunin o Hangarin ( Objective )

• Mababasa at Mauunawaan ( Readability )

Mga dapat itanong sa sarili kung magrerebisa ng isinulat:


• Tama ba ang aking pangungusap?

• Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?

• May pagkakaugnay ba ang aking mga ideya?

• May malabo ang ideya?

• Angkop ba ang ginamit kong salita?

• May kaisahan ba ang bawat talataan ?

• Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?

Mga Uri ng Pagsulat

• Akademik
• Teknikal
• Journalistic
• Referensyal
• Profesyonal
• Malikhain

Teknikal

• Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga


propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri
ng mambabasa

• Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng


kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal

• Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal


na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.

• Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon


sa isang komplikadong suliranin.

• Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang


pampangangalakal.

• Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng


science at technology.

• Nagbibigay bg impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin

• Layunin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng


isang bagay.

• Kasama rito ang proposal at iba pang uri ng propesyonal na dokumeto

Referensyal

• Ang referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong


presentasyon ng paksa.

• Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o


nagsusuri.

• Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, manwal at pagsusuring


pangkasaysayan
• Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa
katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang ito.

• Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at


komprehensibo

• Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang


paksa.

• Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy


ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o
endnotes.

• Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.

• Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

Journalistic

• Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong ng


pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit.

• Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.

• Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang impormasyon ay


isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga

• Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at tuwiran ang istilo ng
pagsulat

• Ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o


journalist.

• Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga pahayagan at magazin.

• Sa jornalistik na pagsulat, isaalang-alang ang mga sumusunod na mungkahi:

• Kunin agad ang punto ng istorya.

• Iwasan ang mahahabang pangungusap hangga’t maari

• Sumulat ng malinaw

Akademik

• Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong


papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.

• Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

• Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga ideyang


pangangatwiranan

• Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o


ng pananaliksik na ginawa.

• Maliwanag
– Ang paglalahad ng mga ideya ay dapat malinaw. Ang manunulat ay may
pananagutang gawing malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng
teksto

• May Paninindigan

– Kailangang may sarili kang pagpapasya at paninindigan sa partikular na paksa


na iyong isinulat

• May Pananagutan

– May pananagutan ang manunulat sa pagkilala sa mga awtoridad na ginamit


na sanggunian sa papel na pang-akademiko

Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:

• Pormal

– Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga kolokyal na salita at mga


ekspresyon

• Obhetibo

– Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili. Kaunti lamang


ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa mambabasa

– Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay

• Profesyonal

- Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.

Saklaw nito ang mga sumusunod:

1. police report – pulis

2. investigative report – imbestigador

3. legal forms, briefs at pleadings – abogado

4. patient’s journal – doktor at nurse

• Malikhain

- Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.


- Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
- Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
- Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
- Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang lumikha ng karakter, senaryo
o pangyayari upang bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu
o paksa
- Maaring gumamit ang manunulat ng unang panauhan (pumaloob bilang
karakter) o kaya’y ikatlong panauhan ( bilang tagapagsalaysay)
- Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang format, lengguwahe,
organisasyon ng kanyang sulatin.
Gawaing interaktib

• Ano ang layunin ng akademikong pagsulat?

• Bakit kailangang suportahan ang mga ideya sa akademikong pagsulat?

• Magbigay ng sariling reaksyon kung ano ang kaibahan ng ginagawang pagsulat sa


haiskul at sa kolehiyo?

• Ano ang journalistik na pagsulat?

• Bakit may malaking pananagutan ang sinuman sa pagsulat ng tekstong teknikal?

Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga sumusunod na paksa:

• Ang Mahal Kong Ina

• Ang Pinili Kong Kurso

• Ang Aming Barangay

• Ang Materyal na Mundo

• Ang Aking Pangarap

Gawaing interaktib

• Gumawa ng isang tula laman ng inyong isipan at damdamin.

• Hindi kailangang makinis na makinis, ang mahalaga masabi ang saloobin sa oras na
ito’y sinusulat

• Maaring free verse ang gawin

PANANALIKSIK
-
Isang disiplinang mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa.
-
maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo
-
sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-
aayos,pagoorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng
tao
Aquino – Ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang
impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.

Manuel at Medel – Ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o


impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Parel – Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot


sa mgatanong na ginawa ng mananaliksik.
Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon
sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon.
Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang
matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK


 Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
 Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano
itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula
sa resulta.
 Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na
upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa
lamang ng pagsisiyasat.
 Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
 Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
 Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
 Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may
sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
 Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.
 Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong
pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan,
pangyayaring naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay
tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.
Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang
maging matagumpay sa gagawing pananaliksik.

KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK


 Masigasig – Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang
impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
 Masinop – Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga
impormasyon.
 Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang
lahat ng gagawin niya sa oananaliksik.
 Mapamaraan – Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
 Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.
 May pananagutan – Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi
maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.

RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK


 Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon
kay Atienza atbp., ang plagiarism ay:
 Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan
ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan
 Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan
 Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at
pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang
pinaghanguang datos
 Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi
itinala na salin ang mga ito
 Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi
kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na
siya ang naghagilap ng mmga datos na ito
 Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa
pananaliksik.
 Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong
pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.
 Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.
 Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.
 Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


 KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
 Panimula – mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin.
Binabanggit din sa bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang
pagtutuunan ng pag-aaral.
 Paglalahad ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang
pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na
kailangang masagot sa sulating pananaliksik.
 Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – tinatalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito
sa larangan ng edukasyon at siyensya.
 Batayang Konseptwal/Teoretikal – ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/
konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay
tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at
proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng phenomena sa
pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-
aaralan.
 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan – inilalahad ng mananaliksik sa bahaging
ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at
kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang
bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa resulta ng pag-
aaral na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
 Kahulugan ng mga Katawagan – may dalawang paraan.
 Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.)
matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal
na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
 Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental
at nasusukat.
 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:
 Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa
pananaliksik.
 Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning
sanggunian.
 Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa
paksa.
 PAMAMARAAN
 Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya
sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y
eksperimental. Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng
pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.

 PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


 Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.
 PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON
 Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili
lamang ang mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang
konklusyon sa pag-aaral na ginawa.
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK
 PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na
makatutulong ang paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza atbp.
mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang hind
imaging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito. Batayan
sa Paglilimita ng Paksa:
 Panahon
 Edad
 Kasarian
 Pangkat na Kinabibilangan
 Anyo/Uri
 Perspektibo
 Lugar
 PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON
 GAMIT NG DOKUMENTASYON
 Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon
 Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
 Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
 Pagpapalawig ng ideya
 Content notes – talang pangnilalaman
 Informational notes – talang impormasyonal
Mga Sistema ng Dokumentasyon
 Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang
ginagamit sa larangan ng humanidades at agham panlipunan. Pansining
mabuti ang mga ss:
 Paglalagay ng superscript – Ang superscript ay isang nakaangat na
numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita,
pangungusap o taltang naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang-
diin.
 Pagnunumero ng tala
 Pagbabantas
 Indensyon – limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod
ang isang espasyo at kasunod ang mg impormasyong bibliograpikal
 Unang Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang
kumpletong impormasyong ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss:
o Kumpletong pangalan ng awtor
o Pamagat ng aklat
o Editor/Tagasalin
o Edisyon
o Bilang ng tomo
o Lungsod o bansa ng publikasyon
o Tagapaglimbag
o Petsa ng Publikasyon
o Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
o Pahina

 Muling Pagbanggit sa Sanggunian


o gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng
awtor at pahina
o kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan
ng awtor, pinaikling pamagat at pahina
o kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang
pamagat ng aklat/artikulo at pahina
o kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3
pangalan ng awtor. Kung may higit sa tatlong awtor:
banggitin ang unang pangalan at isunod ng et. al.
o kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan:
banggitin ang unang pangalan o inisyal
o kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming
tomo: isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng
impormasyon
 Pagdadaglat na Latin
o Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang
sanggunian
o Op. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang
sanggunian ngunit hindi magkasunod
o Loc. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang
sanggunian at pahina ngunit may pumapagitnang ibang
sanggunian
 Tala (Endnotes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
 Parenthetical-reference list (Sistemang parentetikal-sanggunian) – paglalagay
ng mga impormasyong bibiliograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto
mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham. Pormat ng Talang
Parentetikal:
 Apelyido o pinaikling pamagat
 Pahina
Iba pang alituntunin:
 Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong
teksto.
 Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
 Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng
una at sundan ng et. al.
 Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at
pahina
 Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo:
banggitin ang tomo (tutuldok ang maghihiwalay sa tomo at pahina)
 Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor:
banggitin na lamang ang akda.
 PAGSULAT NG BURADOR
 PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK

Transcript of Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL

isang uri ng papel-pananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante sa kolehiyo


bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko ang pamanahaong
papel. Ito ay kadalasang nag sisilbing kulminasyon ng mga pasulat ng mga gawain
kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o isang subject sa loob ng isang
panahon o term na kadalasa'y saklaw ng isang semester o trimester

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


1. Fly Leaf- ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel
2. Pamagating Pahina- ang tawag sa pahinang nag papakilala sa pamagat ng
pamanahong-pel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel.
3. Dahon ng Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkapasa ng
mananaliksik at pagkatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
4. Pasasalamat o Pagkilala- tinutukoy dito ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat,
tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung
gayo'y nararapat pasalamatan o kilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman- nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kng saan matagpuan ang
bawat isa.
6..Talaan ng mga Talahayanan at Graph- nakatala ang pamagat ng bawat talahayanan o
graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina king saan matatagpuan
ang bawat isa.
7. Fly Leaf 2 -ay isang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

Kabanata I: Ang Sulinarin at Kaligiran nito


1. Introduksyon- ay isang maiklimg talataang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik.
2. Layunin ng Pag-aaral- inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral- inilalahad ang kalahagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik
na paksa ng pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon- tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda
ang parameter ng pananaliksik.
5. Depenisyon ng mga Terminolohiya- ang mga katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isa'y may kahulugan.

Kabanata II: Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura


- Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang
kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy dito ng mananaliksik kung
sino-sino ang mga may-akda ng naugnang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik
na ginamit, mga layunin at mga resultang pag aaral
-Hanggat maari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong
mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon.
-Hanggat maari rin tiyaking ang mga materya na gagamitin ay nag tataglay ng mga
sumusunod na katangian.
--Objective o walang pagkiling;
--Nauugnay o relevant sa pag-aaral; at
--sapat ang dami o hindi napakaunti o napakarami

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


*Disenyo ng pananaliksik- nilinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral.
*Respondente- tinutukoy ang mga sarbeyor, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
*Instrumento ng pananaliksik- inilalawaranng paraang ginamit ng pananaliksk sa
pngangalap ng mga datos at impormasyon.
*Tritment ng mga datos- inilarawan kung anong istitistikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerikal na datos ay mailalarawan.
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
* Sa kabanatang ito ay inilahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa tektso, inilalahad ng
mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

You might also like