You are on page 1of 13

KAHULUGAN AT PROSESO NG PAGSULAT

Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001) - Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. (Bernales, et al., 2002) - Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Kahulugan ng Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat
Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat


Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip. Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil: kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay. Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.

Mga mungkahing tanong


Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? Ano ang layunin sa pagsulat nito? Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

Mga Mungkahing Tanong


Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa? Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa? Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo nat kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong

mundo.

Proseso ng Pagsulat
Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Actual writing Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

Proseso ng Pagsulat
Rewriting Dito nagaganap ang pageedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

Tapos na po! Maraming salamat.

Sangguinian:
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat sa Filipino 1) nina Lilia F. Antonio, Josefina C. Mangahis, Rhoderick V. Nuncio at Corazon M. Javillo

You might also like