You are on page 1of 9

FILIPINO 11 FILIPINO SA AGHAM, MATEMATIKA AT TEKNOLOHIYA

UNANG MARKAHAN
Pangalan________________________________________________
Petsa________________
Seksyon______________________________

Modyul Bilang: 1
Pamagat ng Aralin:

Mapanuring Pagbasa

Bilang ng Pagkikita: 3 araw


Ano ang iyong
matututuhan?
Mga Layunin:
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mapanuring pagbasa;
2. Natutukoy ang mga katangiang dapat taglayin upang maging
mapanuri ang
gagawing pagbabasa;
3. Nailalapat ang kaalaman at kasanayang nakuha sa mga gagawing
pagbabasa;
4. Nabubuo ang mabisang pagsusuri sa akdang napili gamit ang mga
kaalaman
at kasanayang nakuha sa aralin.
I.

Panimulang Gawain
HANDA KA NA BA?

Ilang aklat, magasin, at iba pang babasahin ang iyong nabasa?


Ano-ano ang mga nilalaman ng mga akdang madalas mong nababasa?
Mahalaga ba ang pagbabasa? May makukuha ba tayong kabutihan sa
pagbabasa?

Paano kaya magiging makabuluhan ang ating pagbabasa?


II. Sanligang Kaalaman sa Pagbasa:
A. Pagbasa ng Teksto
a. Pagbasa vs. Mapanuring Pagbasa?
Sa anumang gawain ng tao sa araw-araw ay kailangan ang
pagbabasa. Nasa loob man tayo ng bahay o nasa labas ay may kaakibat
na pagbabasa. Ang pagbabasa ay paraan ng pagkilala ng nakalimbag na
sagisag at pagbibigay-kahulugan nito. (Lapp at Flood, 1978) . Ito ay isang
proseso na nangangailangan ng pag-iisip, pagpapahalaga, pagpapasya,
pagwawangis at paglutas ng suliranin. ( Lalunio, 1985). Ito ay isang tiyak
at madaliang pagkilala ng ayos at pagkakasunud-sunod ng mga salita,
pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan.
( Lorenzo, et. al, 1997). Isinasaad din na ang pagbabasa ay isang proseso
ng pag-iisp at itoy prosesong interaktibo. (Badayos, 1999).
Samakatuwid habang nagbabasa ang isang tao , siyay nag-iisip,
nagsusuri, nagpapahalaga, nagiging kritikal na mga palatandaang siyay
gumagawa ng mapanuring pagbasa.
Ang mapanuring pagbasa ay isang gawain ng pagbabasa na
pinaglilimi at tinitingnang mabuti ang akda, piksyunal man ito o dipiksyunal. Pinag-iisipang mabuti ang nilalaman at mensahe na nais
ipaabot ng manunulat. Tinitingnang mabuti ang bawat detalye o bahagi
ng akda at ang ibubunga nito sa mambabasa kung ang mga
impormasyon o kaisipang nakapaloob dito ay magiging gabay o daan
tungo sa paglawak ng pag-unawa.
Sa mapanuring pagbasa, maaaring ilahad ng mambabasa ang
kanyang pagsang-ayon o kayay pagtutol sa punto ng may-akda. Walang
alinlangang pinag-ukulan niya ng ibayong pag-iisip at lubusang pagunawa ang anumang akdang babasahin na makatutulong sa lalong
ikauunlad ng kaalaman at maging ng panitikan.
Ang mapanuring mambabasa ay malayang nakapaglalahad ng
mga reaksyon at sariling pananaw tungkol sa nais ipabatid ng
manunulat.
Ang isang akda ay mananatiling karaniwang akda lamang ngunit
kung ang mapanuring mambabasa ay naglalahad ng mahusay at kapakipakinabang na reaksyon, ang kathay nagiging kanais-nais at
katangggap-tanggap.
2

Ang mapanuring pagbasa ay isa ring sining sa paggawa ng mga


pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ng mga kanais-nais na
katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang ng isang akda.
Kung mabisa ang ating ginawang pagbasa, makabubuo tayo ng
matalinong paghuhusga sa anumang ating binasa.
b. Ano ba ang Matalinong Pagsusuri?
Ito ang mga batayan sa mabisang pagsusuri:
1. nakapagbibigay ng matalas na komento, opinyon o reaksyon sa
nabasa sa
paraang positibo;
2. nakapagsusuri sa bawat detalye ng binabasa;
3. nakapagbibigay ng balanse at makatwirang paghuhusga sa
pamamagitan ng pagbanggit
ng mga positibo at negatibong punto sa binasa;
4. walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinahahayag
ang pagsang-ayon
at kung nararapat tumutol ay ipinahihiwatig ang pagtutol;
5. pinagtutuunan ng pansin ang nais ipahiwatig ng manunulat;
6. pinahahalagahan ang kalakasan ( strength) ng akda at tinutukoy ang
kahinaan (weakness) ng akda
7. nagbibigay ng mungkahi para sa ikaliliwanag at ikahuhusay ng teksto
c. Proseso ng isang Mabisang Paghuhusga:
Ang mga sumusunod ay dapat sundin sa mabisang paghuhusga:
1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng teksto ang sinusuri. Ito ba ay
isang talumpati,
editoryal, balita at iba pang babasahin.
2.
Basahin ito nang masinsinan at igawa ng lagom ( buod ng
nilalaman), mas maikli lamang
ang lagom kaysa mismong akda.
3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang estilo o
paraan
ng pagkakasulat ng katha.
4. Bukod sa pagbanggit sa kahusayan at kahinaan ng katha, mag-ukol
din ng
karampatang pagpapakahulugan.
5. Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang
panunuri at
samahan ng maikling pagbibigay-katuturan.
6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan nang walang lakip na
batayan o
patunay.
3

7. Ibatay ang anumang pagpapasya sa takdang pamantayan, bagamat


maaaring isama
rin ang sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang
paniniwala.
Ngayon .alam mo na ang mga pamantayan at proseso,
subukin mo ang
iyong kakayahan!
III. Pagbasa ng Teksto
SUBUKIN ANG IYONG
KAKAYAHAN
Basahin nang may
pag-unawa:

Hinggil sa Pluto
(Ramon M. Bernardo, Hulyo,19,2014, Pang-Masa)
NAGING malaking balita nitong nagdaang linggo ang pagdating noong Martes
ng spacecraft na New Horizon ng National Aeronautic and Space Administration
(NASA) sa Pluto na itinuturing na isang dwarf planet. Kasunod nito ang mabagal na
pagdating ng mga litratong nakunan sa Pluto. Ayon sa deklarasyon ng International
Astronomical Union noong 2006, hindi isang ganap na planeta ang Pluto dahil isa
lamang bahagi ito ng mga debris sa may labas ng planetang Neptune na tinatawag na
Kuiper Belt.
Batay sa isang wire report, narito ang ilang kamangha-manghang impormasyon
hinggil sa Pluto at sa New Horizon na siyam na taong naglakbay sa kalawakan para
makarating sa naturang dwarf planet. Kung ang Sun ay kasingtaas ng isang tipikal na
pangharap na pintuan, ang daigdig ay kasinglaki lang ng isang nickel habang ang
Pluto ay kasingliit ng ulo ng isang pin. Ang isang araw ng Pluto ay inaabot ng 153
oras. Ganito katagal ang isang pag-ikot nito. Umaabot naman ng limang oras bago
makarating ang liwanag ng araw sa Pluto.
Ayon pa sa ulat, isang 11 anyos na batang babaing nagngangalang Venetia
Burney ang nagbigay ng pangalang Pluto sa dwarf planet na ito. Iminungkahi niya ang
pangalang Pluto alinsunod sa Roman god of the Underworld dahil ang Pluto ay
itinuturing na madilim at malamig.
Ayon sa NASA, merong heart shape ang Pluto sa surface nito na palatandaan ng
mga nagaganap na proseso sa kalupaan nito. Meron siyang limang buwan na
pinangalanang Charon, Nix, Styx, Hydra at Kerberos. Merong kaugnayan ang kanilang
pangalan sa underworld dahil si Pluto ay kilala bilang Roman God of the Underworld.
Samantala, ang New Horizon ay isang thousand-pound spacecraft na kasinglaki
lang ng isang baby grand piano. Nakakatakbo ito sa kalawakan sa loob ng 31,000
milya bawat oras na dahilan para ituring na pinakamabilis na spacecraft sa
kasaysayan. Naglakbay ito nang halos siyam na taon at sa layong limang bilyong
kilometro. Ang abo ng astronomer na si Clyde Tombaugh na nakatuklas sa Pluto ay
4

isinaboy ng New Horizon sa dwarf planet pagdating doon. Bago siya pumanaw noong
1997, hiniling niyang isama sa paglipad ng New Horizon ang kanyang abo para ilagak
ito sa Pluto.

IV. Pag-unawa sa binasang teksto:


Sagutin sa loob ng isang buong pangungusap ang mga sumusunod:
1. Ano ang pinapaksa ng tekstong binasa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2.

Paano sinimulan ng may-akda ang kanyang teksto?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ano-anong mga kamangha-manghang impormasyon tungkol sa Pluto ang
natutuhan natin
mula sa teksto?
a. ______________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
c. _______________________________________________________________________
d. _______________________________________________________________________
4. Bakit pinangalanang Pluto ang planetang binanggit sa teksto?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Anong papel ang ginampanan ng New Horizon sa pagkakatuklas ng
mahahalagang impormasyon hinggil sa planetang Pluto?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
6. Paano nagwakas ang teksto?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7. Ano kaya ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng tekstong ito?
Bakit mo nasabi ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
8. Pansinin ang pamagat, may maibibigay ka bang mas mabisa rito? Ano
ito?
_________________________________________________________________________
IV. Paglalapat
5

PAGLALAPAT NG NATUTUNAN

Ang tula ay isang akdang pampanitikan na gumagamit ng malalalim at


matatalinghagang salita gaya ng mga tayutay. Ito rin ay may sukat at
tugma na ikinaiiba nito sa iba pang akdang pampanitikan gaya ng kwento,
sanaysay, anekdota at iba pa.
Narito ang isang tulang iyong susuriin:

Ang Ating Planeta


( Dadong Matinik)
I
Totoo nga kaya sinasabing Big Bang
Kaya ang daigdig biglang isinilang?
Sa lakas ng putok naghiwa-hiwalay
Higanteng buntalang nasa kalawakan?
Kung totoo itoy pagkagandang bola
Ang ating daigdig na naging planeta;
II
Kung kaya nga lang nakapagtataka
Sa lahat ng planeta ang mundoy maganda!
Katakataka ring dito ay may tao
At sa dakong itoy mayrong Pilipino;
Ang mga scientist na ngayoy narito
Ang sinasaliksik ay ang ibang mundo!
III
Nalaman ng tao maraming planeta
Ang planeta natiy hindi nag-iisa;
Kung kaya nga lang waring pambihira
Dito lang may taot ibat ibang bansa!
Kaya nga maraming ngayoy nagtatanong
Sa ibang planeta may tao ba roon?
IV
Sila ba ay taong nasa kathang fiction
At bunga lang kaya ng imahinasyon?
Halimbaway sa Mars mga taoy bughaw
Bakit mukha nilay kaibang nilalang?
V
Sa Plutot Orion anong klaseng buhay
Ang nabuhay rooy kay layo pa naman?
Sa planetang Saturn ang nakapaligid
Ay magandang sinag na di umaalis
Doon bay masaya may tula at awit
Na tulad sa ating may pusot pag-ibig?
VI
Ang araw at buwan oo nga at bilog
Na kung wala sila tayo ay malungkot;
Mainit ang araw na lakas ang dulot
Sa lahat ng dako liwanag ay abot!
VII
At ang buwan naman malamig ang sinag
Sa gabing tahimik parang isang dilag;
Kapag walang ulan at hindi maulap
Ibat ibang hugis bigay na liwanag!
Sa mga planetang nasa kalawakan
Ang ating daigdig kaiba ang galaw;
Itoy may sariling pook na iniikutan
At di bumabangga sa mga meteorite!

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Tungkol saan ang tula?
7

________________________________________________________________________
2. Ano ang sukat ng saknong I ?
_______________________________________________________________________
3. Sa saknong II, anong uri ng tugmaan ang matatagpuan?
________________________________________________________________________
At ang buwan naman malamig ang
sinag,
Sa gabing tahimik parang isang dilag;
4. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludturang nasa loob ng kahon?
Bakit mo nasabi ito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Aling saknong ng tula ang iyong nagustuhan? Bakit mo ito nagustuhan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Anong mensahe ang ipinahahayag ng tulang binasa? Magbigay ng iyong
saloobin sa loob ng 3-5 pangungusap.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
V. Panghuling pagtataya:
A.Bigyang-pansin ang larawan. Anong mensahe ang ipinahahayag nito?
Sumulat ng isang patulang paglalahad na binubuo ng 2-3 saknong upang
ibigay ang iyong saloobin. Isalang-alang ang rubrik na nakalaan para sa
gawain:

Rubrik para sa

gawain

Sukat
Tugma
Tayutay
Nilalam
an

2 pt.
May kaisahan sa sukat
sa bawat taludtod
May
sinusunod
na
tugmaan
ang
taludturan
May 3 at higit pang
tayutay na ginamit
4 pts.
Naipahayag
nang
mabuti ang saloobin
batay
sa
larawang
ibinigay

1 pt.
Paiba-iba ang sukat ng
taludturan
May mga bahaging di
magkakatugma

0
Walang sukat ang
taludturan
Walang tugmaan

May 1-2 tayutay na Walang ginamit na


ginamit
tayutay
2 pts.
1 pt.
Di-gaanong
Malayo sa larawang
naipahayag
ang ibinigay
ang
saloobin
batay
sa pagpapahayag na
larawang ibinigay
ginawa

B. Humandang ibahagi ang nabuong tula sa harap ng klase. Hayaang


magbigay rin ng paghuhusga ang klase sa nabuong tula gamit ang rubrik sa
itaas.

Inihanda ni: Victorina M. Paete


PSHS-EVC

You might also like