Ang tekstong ekpositori ay isinulat upang maglayong
magpabatid, maglarawan, maglahad ng mga impomasyon, gumanyak at iba pang gawaing pagpapahayag na nangangailanagan ng malinaw na pagpapaliwanag. Ang organisasyon o istruktura ng nilalaman ng mga ito ay depende sa anyo o genre ng bawat teksto (jornal, sulat, pitak, edotoryal,brochure, mapa atbp.) Nagmungkahi si Heller (1995) ng mga tekstong ekspositori nararapat linangin sa mga mag-aaral na pinaniniwalaan niyang malaki ang maitutulong sa kanilang proseso ng pagkatuto at sa kanilang mga gawaing pampaaralan. Ang tekstong ekspositoring ito ay ang mga sumusunod: pagbibigay- kahulugan, paghahambing, pagkokontrast, pag-aanalisa, pagtukoy sa sanhi at bunga, at pagtukoy sa problema at solusyon. Mga huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri at Katangian 1. Pagbibigay-kahulugan o Definisyon- launin nitong iugnay ang isang salita sa damdamin at karanasan ng tao. Pag-uugnay din ito ng salita sa bagay at maging sa pangyayari.
Dalawang paraan sa pagbibigay ng definisyon.
a. Formal o Denotasyon. Ito ang palasak na gamitin sa pagbibigay ng kahulugan na itinuturing na isang maka-agham na paraan. Karaniwang makikita ito sa mga diksyunaryo at mga aklat ukol sa terminolohiya. b. Informal o Konotasyon- Ito ang pagbibigay-kahulugan na ginagamitan ng pansariling pananaw na maaring ibatay ayon sa karanasan ng tao o pangkat ng tao. Karaniwang ginagamitito sa mga salitang mahirap bigyan ng kahulugan sapagkat nangangailangan ang mga ito ng malalalim na pagpapaliwanag at ginagamitan ng paghahambing. 2. Pagsusunud-sunod- Naglalayon ito na ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang sekwensyal, kronolohikal at prosejural. 3. Paghahambing at Pagkokontrast- binibigyang diin sa tekstong ito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman, konsepto, pangyayari tao atbp. Karaniwang ginagamitan ito ng paglalarawan ukol sa katangian/kalikasan ng mga pinaghahambing at pinagkokontrast upang malinaw na maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. 4. Sanhi at Bunga- Malinaw na ipinaliliwanag sa mga tekstong ito ang pinagmulan o sanhi ng isang pangyayari at mga magiging bunga o kinalabasan nito.Mabuting gamitin ito sa pag-aanalisa ng paksa sapagkat nasusuri ng isang tagabasa ang relasyon ng mga bahagi sa kabuuan nito, upang malinaw na maiparating ng mga mambabasa ang kabuuan ng mga ideyang tinatalakay. Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa Pagtukoy sa Pangunahing Paksa Isang napakahalagang kasanayan sa pagbasa ang pagtukoy sa paksang pangungusap. Ang paksang pangungusap ay ang tema o pinag-uusapan sa anumang teksto. Ito ang pinakasustansya ng buong aklat sapagkat dito umiikot ang ginagawang pagsalaysay, paglalarawan, paglalahad o pagmamatuwid ng manunulat. Ito ang kumokontrol sa talata sapagkat kinakatawan nito ang sentral na ideya Ang paksang pangungusap ay maaring isinasaad sa isang pangungusap na maaring matagpuan sa simula, gitna o wakas habang ang ibang pangungusap na nakasaad ay nagbibigay ng detalye tungkol dito. Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan Kasama sa pagdedevelop ng kakayahan ng isang indibidwal bilang isang kritikong mambabasa ay ang kanyang kakayahang makilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon lamang. Bilang mambabasa dapat nating tandaan na ang mga katotohanan ay ang mga pahayag na napatunayan na o maaring mapatunayan samantalang ang opinyon lamang ay yaong mga pahayg na bunga lamang ng pananaw ng isang indibidwal. Pagkilala sa Mahalaga at Di-Mahalagang Impormasyon Ang pagkilala sa mahahalaga at di-mahahalagang impormasyon ay makapagpapabilis at makapagpapabuti para sa epektibong pag- unawa ng indibidwal sa kanyang binabasa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabisang kakayahan sa ganitong gawain, ang pangangalap ng mga materyal ay magiging higit na kaaya-aya, maayos at mas madali sa inyong bahagi. Paghinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari Ang bawat ating babasahin ay may simula at wakas. Hindi nakapagtataka para sa isang mambabasa ang gumawa ng mga desisyon tungkol sa kanyang binabasa. Kaaya-ayang gawain ang panghuhula sa magiging wakas ng isang babasahin sa oras na ito ay iyong masimulan. Ang ganitong gawain ay makatutulong para sa paggising at pagpapanatili ng interes ng mambabasa. Pagbibigay ng konklusyon Hindi kataka-taka para sa isang mambabasa ang magbigay ng sariling konklusyon sa anumang teksto na kanyang binasa. Ang pagbibigay ng konklusyon ay ang paglalahad ng sariling palagay sa nilalaman ng akda. Maaaring ito ay gawin sa pamamagitan ng pagbibigay sa tama at lalo pang mabisang wakas sa pagiging natural ng reaksyon ng mga tauhan sa isang piling sitwasyon. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto Natutukoy ng matalinong mambabasa ang layunin ng may-akda ang teksto o seleksyon. Ang akda ay maaring nanlilibang, nagpapaliwanag, nanghihikayat, nagbibigay-impormasyon, nagpapahayag ng opinyon. Magbigay ng pagpapahalaga sa kalagayang pantao (values). Masasabing lubos ang tagumpay ng manunulat kung napahalagahan at naunawaan ng mambabasa ang kanyang layuning nais ipabatid. Paglutas sa Suliranin Ang kasanayan sa pagbasa na kinakailangn para sa mabisang pang-unawa ng nilalaman ng teksto ay ang paglutas sa suliranin. Ang kakayahang ito ay kinakailangan din para sa paglutas sa mga pang-araw-araw na suliranin. Sa ganitong gawain mahalag ang kakayahan ng mambabasa sa pag-alam sa mga paraan para sa pagbubui ng solusyon sa suliranin. Pagbasa ng Mapa, Tsart at Grap May mga pagkakataon na hindi mo maiiwasan ang pagbasa ng mapa, tsart at grap sapagkat ito ay bahagi ng tekstong kailangang basahin. Ang pagbibigay ng kahulugan sa mga ito ay isang matalinong gawain sapagkat dito ay masusubok ang iyong kakayahan sa pagpapaliwanag sa mga basal na impormasyon katulad ng mga simbolo, numero, terminolohiya at direksyon. Ang mapa ay nagtuturo sa mga palatandaan na pagkakakilanlan ng lokasyon ng isang lugar. Ang tsart ay nagbibigay ng mga impormasyong binabalangkas, samantalang ang grap ay may iba’t ibang uri tulad ng bar grap, linya grap, at bilog na grap na isang representasyon ng dalawang pares ng bilang na nagsasaad ng relasyon ng bawat isa at kadalasang maaring magamit upang magpahayagng istadistika. Sa pagbasa ng mapa, tsart at grap ay makatutulong na isaalang-alang ang mga hakbang na sumusunod (Cheek, Jr at Colins, 1985) 1. Basahin muna ang pamagat upang matukoy ang layunin ng mapa, tsart at grap. 2. Tingnan ang panimula sa tsart o gabay sa pagbasa ng mapa o grap. Maaari mong matagpuan ang mga gabay sa gilid at sa ibaba ng grap at mapa na tumutukoy sa yunit ng sukat na ginamit. 3. Sa pagbasa sa tsart at grap, desisyunan kung ano ang mga bagay na inihahambing. 4. Gumawa ng pangkalahatang pahayag tungkol sa takbo o patern na iminungkahi ng tsart at grap. Ang Kalikasan ng Akademikong Pagsulat Ang pagsulat ay isang sosyo-kognitibong proseso. Binibigyang pansin nito ang emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat, maging ng kanyang kognitibong kakayahan sa paglikha ng isang diskurso. Sa pagsusulat ang paligid ng manunulat ay isang mahalagang pinagmumulan ng paksa, karanasan o ideya. Ang pagsulat isang bahagi ng pakikipag-ugnayan. Ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na kasanayan. Ito ay nangangailangan nang masusi at kritikal na pag-iisip. Sinasaklaw ng pagsulat ang iba;t ibang diskurso sa iba’t ibang disiplina. Ang mga sanaysay, ulat, factsheets at iba’t ibang mga nasusulat na teksto sa larangan ng siyensya, teknolohiya, edukasyon, humanidades at agham panlipunan ay sinasaklaw ng akademikong pagsulat. Ang mga kasanayang kritikal ay ang mga kakayahan ng isang manunulat na suriin, balangkasin, ihambing, ibuod, buuin ang mga tesis ng papel. Ang pag-aaral ng proseso at produkto ay nangangahulugan ng pagsusuri sa proseso ng paggawa ng mga siyentipikong papel o mga sanaysay pananaliksik. Mga Salik na Isinasaalang-alang sa Pagsulat 1. Ang manunulat at ang kanyang layunin. Nakasalalay sa kakayahan ng manunulat ang tagumpay ng pagsulat. Ang kanyang kakayahang bumuo ng mga ideya at ilahad ang mga ito, sa pagbuo ng mga ideya, ang manunulat ay dapat na isaalang-alang ang kanyang layunin sa pagsulat. 2. Ang magbabasa at paksa. Isang mahalagang salik ng epektibong pagsulat ay ang pagsusuri sa babasa ng susulating papel. Ang kakayahan ng babasa sa pag-intindi sa lenggwahing ginamit at ang kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto ay mahalagang ikonsidera ng manunulat. Sa akademikong pagsulat, ang lenggwahing gagamitin ay kailangan akma sa lenggwahe ng babasa. Hindi katulad ng masining na pagsulat na maaaring magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon, ang akademkong pagsulat ay kailangan eksplisit at tuwiran ang pagpapahayag. Hindi dapat bubuo ng implicature o inference ang mambabasa na lihis sa ibig ipahayag ng manunulat. Proseso ng Pagsulat 1. Prewriting- lahat ng pagplapanong aktibi, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob dito. Ang Unang Burador, sa punttong ito ang iyong mga ideya ay kailangang maisailalim sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. 2. Revising- Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. 3. Editing- Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.