You are on page 1of 10

WIKA

 Sistema ng mga sagisag na binuuo ng mga tunog o kaya ay


mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmery at Donagby
1981).

 Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na


pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo (nagbago-bago)
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

 Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at


simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa
pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa
komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005)
Daluyan ng pagpapakahulugan ng wika:
 Lahat ng wika ay nagmula sa tunog - mula sa paligid, kalikasan, at tunog
na likha ng pagbigkas ng tao at dito lumutang ang “Ponosentrismo “
(phonocentrism) ma manahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat”.
 Simbolo - binubuo ng biswal na larawan, guhit o hugis na kumakatawan
sa isa o maraming kahulugan. Hal. simbolo ng krus, ahas).
 Kodipikadong pagsulat - hal. sa Cuneiform otableta ng Sumerian,
Papyrus ng Egyptian, Hieroglyph ng sinaunang Ehipto
 Galaw - tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamy, galaw ng
katawan o bahagi ng katawan (Hal. pagkunot ng noo, pagsalubong ng
kilay at pagkaway).
 Kilos - tumutukoy kung ano ang ipinahiwatig ng isang ganap a kilos ng
tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid ng daan)
Gamit na wika:
1. Gamit sa talastasan - pasalita man o pasulat, ang wika ay
pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin.
2. Lumilinang ng pagkatuto - ang mga naisulat nang akda ay
patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon, tulad ng mga
panitikan at kasaysayasn ng Pilipinas na nililinang at sinisuri upang
mapaunlad ang kaisipan
3. Saksi sa panlipunang pagkilos - sa panahon ng Rebulosyon,
mga wika ng rebulosyonaryo ang nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang
nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating
kasarinlan sa tulong ng kanilang mga talumpati, panulat, at ,ga akda.
Gamit ng wika:
• 4. Lalagyan o imbakan - ang wika ang siyang
hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng
isang bansa.
• 5. Tagapagsiwalat ng damdamin - ginagamit sa
pagpapahayag ng nararamdaman. Maaari itong pag-
ibig, pagkagalit o pagkapoot.
• 6. Ginagamit sa imahinatibong pagsulat - kagaya ng
paglikha ng mga tula, kuwento, at iba pang akdang
pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing
imahinasyon.
• Hal.: pagsulat ng kwento sa mga pocketbook o nobela
2 KATEGORYA NG WIKA:
1. Pormal - kinikilala at gunagamit ng higit na nakakarami sa
pamayanan, bansa, o isang lugar na kadalasang ginagamit sa
opisina at paaralan.
a.)Opisyal na wikang pambansa at panturo - ginagamit sa
pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan at siya ring
gingamit na wikang panturo at wikang ginagamit sa buong
bansa.
Hal.: malaya, tahanan, malaki, edukasyon
b.) Wikang pambansa - karaniwang ginagamit sa akdang
pampanitikan. Masining at malikhain ang kahulugan ng mga
salitang ito.
Hal.: haraya, kabiyak, salinlahi
2.) Di-pormal - madalas gamitin sa pang-araw-araw na
Di-pormal
a. Wikang pambansa - mga salitang dayalektal; ginagamit ito sa
partikular na pook o lalawigan: pay pagkakaiba sa tono at
kahulugan sa ibang salita.
Hal. adlaw (araw), balay (bahay), ambot (ewan), gisulti (sinabi)
b.) Wikang balbal ang katumbas ng slang sa Ingles - ito ang
mga nababago sa pag-usad ng panahon. Madalas nating marinig
sa lansangan.
Hal. chicha (pagkain), epal (mapapel), utol (kapatid), sikyu
(guwardiya), askal (asong kalye)
c.) Wikang kolokyal - salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap.
Hal.: ewan, kelan, musta, meron
KOMUNIKASYON

 Ito ang pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng


impormasyon sa mabisang paraan.
 Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipaglagayan, o
pagkakaunawaan.
 Isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap,
nagpapalipat-lipat samga indibidwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at
damdamin na nagbubunga ng pagkakunawaan at
kaulanran ng lipunan.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1) Intrapersonal - nakatuon sa sarili o paraan ng
pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal,
meditasyon, at pagninilay.
2) Interpersonal - nagaganap sa pagitan ng dalawa o gigit
pang kalahok.
3) Organisasyonal - nagaganap sa loob ng isang
organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan,
at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba't ibang
posisyon, obligasyon, at responsibilidad kasama na ang
pakikipagtalastasan nila sa kliyente o mamamayan sa
labas ng kanilang organisasyon.
Modelo ng komunikasyon:

 Tagapagdala (sender) - pinagmulan ng mensahe.


 Dumadaan ang mensahe sa isang tsanel channel) upang
maihatid ito sa patutunguhanng tao o destinasyon.
 Tagatanggap (receiver) - ang tao o institusyong
pinadadalhan ng mensahe
 Tugon o puna o reaksiyon (feedback) - ng
tagatanggap sa mensahe ng tagapagdala bago ito
bumalik sa tagapagdala.
 Ingay - maaaring hindi maintindihan dahil dito na naging
hadlang sa komunikasyon. Ang ingay na likha ng
kapaligiran, tao at bagay.
Tatlong uri ng komunikasyon
1. Komunikasyong pabigkas - pabiggkas o pasalitang
tradisyon tulad ng ritwal ng pananmpalataya, ani, kasal
2. Komunikasyong pasulat - mahalagnag salik ng
kaalaman at edukasyon ng tao.Nakababatay sa alpabeto,
gramatika o estruktura ng wika.
3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
kompyuter(Computer-mediated communication o CMC)
- dulot ng pagpasok ng internet. Pagkakaroon ng aktwal at
tuluyang komunikasyon gamit ang e-mail, chat, messenger,
at social marketing site. Maaaring oral, pasulat, o
kombinasyon ng oral at pasulat ang nagaganap mna
komunikasyon gamit ang Internet.

You might also like