You are on page 1of 43

Tekstong

Argumentatibo
ARNOLD V. TUMANG
GURO
“Kapag nasa katuwiran,
Ipaglaban mo!”
Kahulugan
 Isang uri ng akdang naglalayong
mapatunayan ang katotohanan na
ipinahahayag at ipinatatanggap sa
bumabasa ang katotohanang iyon. `

Naglalahad ng mga posisyong


umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan
ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.
Layunin

Hikayatin ang mga


tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang
pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.
Mga Bahagi ng Tekstong
Argumentatibo
1. Panimula

Ipinapakita ang mismong dahilan


kung bakit sinusulat at binabasa
ang isang teksto.
Layunin nito na ihanda ang mga
mambabasa at makuha ang
atensyon at damdamin nila.
2. Katawan

 Magsisilbing dahilan ng mga


mambabasa upang manatiling
tapat sila matapos ang isang
mabisang simula at kung papalarin
ay nakatutok pa rin sa bawat
mensaheng pinararating hanggang
sa mabisang pagwawakas.
3. Wakas/Konklusyon

Kailangang maging tuwiran,


payak, mariin, malinaw at
mabisa.
Kailangang tinitiyak sa
pagwawakas na ang sinumang
maaaring may taliwas na opinyon
ay makukumbinsi ng manunulat.
Mga Elemento ng
Pangangatuwiran
Proposisyon

Ang pahayag na inilalahad


upang pagtalunan o pag-
usapan.
Argumento

 Itoang paglalatag ng mga dahilan


at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri
sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na
argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo

 Mahalaga at napapanahong paksa.


 Maiklingunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa unang talata ng teksto.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan
ng mga bahagi ng teksto.
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.
 May matibay na ebidensya para sa
argumento.
Mga Uri ng Maling Pangangatwiran

1. Argumentum ad hominem
2. Argumentum ad baculum
3. Argumentum ad misericordiam
4. Non sequitur
5. Ignoratio elenchi
6. Maling Paglalahat
7. Maling Paghahambing
8. Maling Saligan
9. Maling Awtoridad
10. Dilemma
Argumentum ad Hominem

 pag atakeng personal na nakakahiya at hindi sa


isyung dapat pagtalunan.

 Halimbawa: Ano ang mapapala ninyong iboto


ang aking katunggali gayong hindi siya naging
pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay
pa kaya? Balita ko’y under de saya pa yata yan.
Argumentum ad Baculum

 Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan


ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento

 Halimbawa: Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak


lang kita at wala kang karapatang magsalita sa
akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang
makita mo ang ang hinahanap mo!
Argumentum ad Misericordiam

 Upang makamit ang awa at pakampi ng mga


nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili
ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa
kaisipan.

 Halimbawa: Limusan natin ang mga kapuspalad na taong


ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na
mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos bilang pantawid-gutom?
Non Sequitur

 Sa ingles and ibig sabihin nito ay it doesn’t follow.


Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.

 Halimbawa: Ang santol ay hindi magbubunga ng manga.


Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong
paligid ang kaniyang kinalakihan. Ano pa ang inaasahan
mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!
Ignoratio Elenchi

 Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang


barberya, wika nga. Ito ang kilala sa ingles na circular
reasoning o paliguy-ligoy

 Halimbawa: Anumang bagay na magpapatunay sa aking


pagkatao ay maipapaliwanag ng aking butihing
maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya
pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak,
kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Maling Paglalahat

 Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na


agad ng isang konklusyon na siyang sumasaklaw sa
pangkalahatan.

 Halimbawa: Ang artistang ito ay naging tiwali sa


kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay
maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito
na tumatakbo bilang konsehal. Huwag nating iboto ang
mga artista!
Maling Paghahambing

 Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang


gintong uri sapagkat mayroon ngang hambingin ngunit
sumasala naman sa matinong konklusyon

 Halimbawa:
(sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?
Kung kayo nga ay gising pa!
Maling Saligan

 Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang nagiging


batayan. Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon
ng konklusyong wala sa katwiran

 Halimbawa: Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang


iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang
na maging tapat at masipag ang mga kabataan.
Maling Awtoridad

 Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa


isyung kasangkot

 Halimbawa: Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng


mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
Dilemma

 Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian


na para bang iyon lamang at wala ng ibang alternatibo.

 Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate,


ganito na lamang ang gawin mo, huwag ka nang
pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad
ng iyong pag-urong
Salamat sa
pakikinig!
Pamantayan / Panukatan

 Kabuluhan ng tekstong ginawa – 20%


 Kawastuhan ng mga salitang ginamit sa teksto– 20%
 Kaugnayan ng paksa sa teksto - 30%
 Pagtangkilik sa tekstong nailathala - 30%
KABUUAN 100%
QUIZ 4.4
Isulat ang tamang sagot
1. Kailangang maging tuwiran, payak, mariin,
malinaw at mabisa.
2. Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan
ang katotohanan na ipinahahayag at ipinatatanggap
sa bumabasa ang katotohanang iyon.
3. Ipinapakita ang mismong dahilan kung bakit
sinusulat at binabasa ang isang teksto.
4. ito ay nag-uugnay sa mga konsepto sa isang
tiyak na sistemang karunungan at pag-iisip upang
ang kinalabasang proposisyon ay mahinuha o
mapatunayan.
5. Magsisilbing dahilan ng mga mambabasa upang
manatiling tapat sila matapos ang isang mabisang
simula
6. ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay at
mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala,
tradisyon at pagpapahalaga.
7. Ito ang paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging makatuwiran ang isang
panig.
8. ito ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan
o pag-usapan.
9. Naghahandog lamang ng dalawang
opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala
ng ibang alternatibo.
10. Sa ingles and ibig sabihin nito ay it doesn’t
follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng
mga walang kaugnayang batayan.
11. pag atakeng personal na nakakahiya at hindi
sa isyung dapat pagtalunan.
12. Naglalahad ng tao o sangguniang walang
kinalaman sa isyung kasangkot
13. Upang makamit ang awa at pakampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang
pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at
hindi sa kaisipan.
14. Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga
usapang barberya, wika nga. Ito ang kilala sa ingles
na circular reasoning o paliguy-ligoy
15. Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon,
nagbibigay na agad ng isang konklusyon na siyang
sumasaklaw sa pangkalahatan.
16.
17. Bahagi ng Tekstong Argumentatibo
18.
19.
Uri ng Tekstong Argumentatibo
20.
21.
Elemento ng Tekstong Argumentatibo
22.
23.
24. Iba’t Ibang Paraan sa Paghahanda ng
Pangangatwiran
25.
26.
27.
28. Uri ng Maling Pangangatwiran
29.
30.
1. Naghahandog lamang ng dalawang
opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala ng
ibang alternatibo.
2. pag atakeng personal na nakakahiya at hindi sa isyung
dapat pagtalunan.
3. Karaniwang tinatawag na usapang lasing ang gintong
uri sapagkat mayroon ngang hambingin ngunit sumasala
naman sa matinong konklusyon
4. Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay
na agad ng isang konklusyon na siyang sumasaklaw sa
pangkalahatan.
5. Sa ingles and ibig sabihin nito ay it doesn’t follow.
Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.
6. Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang
nagiging batayan. Ipinapatuloy ang gayon hanggang
magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran
7. Upang makamit ang awa at pakampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili
ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa
kaisipan.
8. Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang
barberya, wika nga. Ito ang kilala sa ingles na circular
reasoning o paliguy-ligoy
9. Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang
isyu at tuloy maipanalo ang argumento
10. Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman
sa isyung kasangkot
11. Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat
siya’y isang binabae.
12. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral
sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila’y
babagsak.
13. Bakit ninyo ako pauuwiin kung kayo nga ay nandito pa!
14. Para hindi ka mapagod pumasok sa aking klase, ganito ang
gawin mo: sulatan mo itong papel ng iyong pagdrop o huwag
ka na lamang pumasok.
15. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa sa
mga lalaki, kung gayon, sila ay higit na may karapatang
magreklamo sa trabaho.
16. Ang pagbabanta ay maaaring gawin o sabihin sa katunggali sa
isang debate.
17. Ang pag-usisa sa personal na pamumuhay o pagkatao ng isang
tagapagsalita ay kailangan upang magwagi sa isang diskusyon.
18. Marapat lamang na magbigay ng mga impormasyon na
pwedeng dumagdag sa pahayag kahit na ito ay hindi na kaugnay sa
paksa o proposisyon.
19. Kinakailangang laging magmakaawa para makuha ang
simpatya ng mga tagapakinig at pumanig sa iyong adhikain o
katuwiran.
20. Ang paglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa
isyung kasangkot ay maaaring gawin para maging makatotohanan
ang katuwiran

You might also like