You are on page 1of 1

Dalawang Uri ng Komunikasyon:

1) Berbal na Komunikasyon
- gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man.
- Halimbawa:
 Pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala
 Pakikipagtalakayan sa klase
 Paglikha ng blogpost
 Sulatin sa klase

2) Di-berbal na Komunikasyon
- hindi gumagamit ng salita o titik ngunit naipapahayag ang mensahe
sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan at iba pang elemento
- ayon sa pag-aaral, tinatayang 70 porsiyento ng isang karaniwang
kumbersasyon ay binubuo ng di-berbal na komunikasyon.
- Iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon:
a. Kinesika (Kinesics) - tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
b. Proksemika (Proxemics) – tumutukoy sa oras at distansiya sa
pakikipag-usap.
c. Pandama o Paghawak (Haptics) – kadalasang nagsasaad ito ng
positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan
d. Paralanguage – tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng
pagsasalita
e. Katahimikan o kawalang-kibo – lubhang makahulugan na
karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang
sasabihin o kaya upang maiparating ang tampo o sama ng loob
f. Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at
ng kaayusan nito

You might also like