You are on page 1of 8

PAHIWATIG AT YUPEMISMO SA

KOMUNIKASYONG PILIPINO.

A nomang kaparaanan o gawi sa komunikasyon ay dumaraan sa proseso ng


pagwi-wika na sumasalamin sa isang umiiral na kultura. Nalilikha ang mga
ugnayan at pagpa-pakahulugan sa isang seting ng komunikasyon batay sa
konteksto na nagsisilbing maha-lagang tuntungan ng mensahe. Sa madaling
salita, ang mga taglay na salita at kilos ng isang indibidwal ay maaaring
magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa kulturang pinaglalapatan at
bumabasa rito. Mahalagang maunawaan ang kultura na nagluluwal ng mga
kagawian at kaparaanan sa isang nabubuong ugnayang pangkomunikasyon
upang mabatid ang kabuluhan at bisa ng isang mensahe. Ang likas na
pagiging masayahin ng mga Pilipino ay maaaring basahin sa positibo at
negatibong paraan ng pagiging kuntento o kaya naman ay kawalang
pakialam. Samantala, ang seryosong ekspresyon ng mukha ng karaniwang
mamamayan ng Thailand ay maaaring ipakahulugan ng pagiging masungit.
Sa paraan naman ng pagsasalita, likas sa mga bansang kanluranin ang
pagiging tuwiran at tahas sa pagpapahayag na kabaliktaran sa gawi ng mga
Pilipino.

Sa pag-aaral na “Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino” ni


Melba Padilla Maggay (2002), dinalumat niya ang matalas na paggamit ng
pahiwatig sa kalakaran ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino.
Inilarawan at sinuri niya ang paggamit ng pahiwatig sa karanasan ng mga
Pilipino sa iba’t ibang larangan na maiuugnay sa tradisyon ng
pakikipagkapuwa at makapagpapaunawa sa malalim na ugnayang nabubuo sa
mga pamayanang Pilipino.

ANO NGA BA ANG PAGPAPAHIWATIG?


Ito’y ang di-tuwirang pagpapaabot ng mga mensahe, pang madla man o para
sa kinauukulan, ngunit nagbabatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng
matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga impormasyon; o
ng mga verbal at di-veral na palatandaang kaakibat nito.

Ang salitang ugat na “hiwatig” ay nagmula sa sinaunang Tagalog na


tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng nararamdaman at kaisipan ng isang
tao sa pama-magitan ng pagliligoy sa pagpapahayag.

URI NG PAGPAPAHIWATIG
1.) Intensyonal na pagpapahiwatig
-Direktang nagpapahayag

2.) Di-intensyonal na pagpapahiwatig


-Hindi layunin ang naipahayag / naikilos mula sa tagapagpahayag
ILANG HALIMBAWA NG PAHIWATIG NG MGA PILIPINO

Pagtango ng ulo – pagsang-ayon

Pagkibit-balikat – “bahala na”

Pagkamot ng ulo – “di ko alam eh”

Pagtaas ng kilay – pagbati o pagkainis

Pagkunot ng noo – galit

TAGAPAMAGITAN

Ito’y nagsisilbing tulay sa pagpapaabot ng mga mensaheng alanganin ang


magkabilang panig na sabihin nang harap-harapan

Karaniwang ginagampanan ng isang taong iginagalang ng mga kalahok sa


usapan

DALAWANG URI NG PAGPAPAHIWATIG

BERBAL DI-BERBAL
1. ) Parinig KILOS NG KATAWAN
1.) Pagasasawalang Kibo
2.) Pasaring
- Mga pahaging na puna o pintas na 2.) Paggamit ng tingin
nakatuon hind isa kausap kundi sa
nakakarinig 3.) Pag-ngiti maaring pagtakip sa
pagkahiya, pagpapakita ng giliw o
3.) Paglalangis pagkubli sa kalungkutan.
- Pagpuri o pagsasagawa ng mga
MGAupang
serbisyo na sadyang nakatuon ILANG URI NG PAHIWATIG:
maipahayag sa dulo ang kahilingan
I. Galit o Matinding emosyon
A. Pagsasawalang Kibo
B. Pagtatampo
C. Pagmamaktol
D. Pagdadabog

II. Kahilingan / Nais


A. Parinig

I. Pasaring
II. Pagpapaalala / “tugmang de gulong”

- “God knows Hudas not pay”

- “Salamat po’y magandang pakinggan, ngunit gasolina ay binabayaran.”

B. Paglalangis
Panunuyo sa isang tao upang mapagbigyan

C. Pagbibiro / Pagkakantiaw

- “Joke lang, ah?”


Bakit nga ba maligoy tayo? Sinikap ipaliwanag ni Pamela Constantino (2003)
sa kaniyang papel na “Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga
Pinoy”ang karaniwang dahilan ng hindi tuwirang pagpapahayag ng ating
nararamdam na nagreresulta sa paggamit ng pahiwatig o kaya’y yupemismo:
“Ayaw ng Pilipino na mapahiya o kaya’y mawalan ng pag-asa sa partikular
na oras na iyon ang kanyang kausap kaya may paraan siya sa pag-iwas.”
Maaaring masuri na ang ganitong gawi ng mga Pilipino sa komunikasyon ay
upang mapanatili ang mabuting pakikitungo at pagpapanatili ng konseptong
“pakikipagkapuwa” sa sinomang kausap o patutunguhan ng mensahe.

ANO NGA BA ANG YUPEMISMO / EUPHEMISM?

Ito‘y Isang salita o ekspresyon na nagpapagaan sa bigat ng realidad upang


hindi ito lubos na makasakit ng damdamin, makapagpalungkot o
makapagpagalit.

Ginagamit din ito upang bawasan rimarim sa isang masamang pangyayari,


gaya ng lamay, aksidente, breakup, karahasan o namatayan.

MGA HALIMBAWA

Namatay – Sumakabilang-buhay

Mataba – Malusog
Mahirap – Hikahos sa buhay

Maarte – Mapili

Butas ang bulsa – Walang pera

KARAGDAGANG IMPORMASYON

Ang yupemismo, ito’y sinusubukan na suriin ang ideya ng mga Pinoy sa hilig
ng pag-iwas sa pagbigay ng direktang pagpuna patungo sa isang tao o grupo,
ito’y pwedeng sabihin na ang yupemismo ay nasa-dugo na nating, mga Pinoy
at kultura.
Tayong mga filipino ay gumagamit at nakakarinig ng mga salita sa ating
araw-araw nating pakikipag-usap, gaya ng
“Siguro nga” , “Sisikapin ko” , “Pipilitin ko” , “Baka nga” o “Tignan nalang
natin.”

Internasyonalisasyon at pambansang adyenda sa panamaliksik

ay nag sasabi na tayo ay naiisantabi ang halaga ng sari sariling yaman ng


wika at kultura dahil sa may isang pamantayan pandaigdig na nag sisibing
gabay sa ugnayan ng mga bansa

Ayon sa pag papakahulugan ni Daly 1999 ang internasyonalisasyon ay


tumutukoy sa pag papataas ng halaga sa mga pandaigdig kalakaran kasama
na sa ekonomikong palitan,ugnayan,tradato,alyansa at iba pa

Ayon kay renato Constantino 1996


Ay marami nang na ang kababayan natin ang nagaambag ng kaisipan na
hindi man lang binibigyan ng gaano importansya o hindi binibigayan ng
pansin ang dahilan nito ay kawalan ng tradisyong inteletuwal

At dahil sa di binibigyan ito ng importansya ang sarili nating pambansang


kakayahan at diskursong pambansa naisasantabi o hindi nabibigayan pansin
at ang bunga nito ay pakikiangkas at panggagaya dahil sa ipinapataw ng
mga pamantayan pang global at ngayon ay tuluyan na naiisantabi ang pag
papalakas na makalikha na mas marami pang scholar. Mahalaga ang papel ng
scholar at ang kanilang kaisipan na nakaugat o nakaugnay sa pambansang
adyenda.ang pambansang adyenda na pampanaliksik ay tumutukoy sa Mga
paksa,pamamaraan at pananaw na nagtataguyod ng ating pambansa interes
at lumulutas sa ating bansa at sa sariling isyu at suliranin bilang bahagi ng
komunidad,bansa,at digdig.

Naging sunod sunuran ang gawinpampananaliksik sa bansa sa kahingian ng


internasyonalisasyon na may modelomg di pantay ang pagtingin sa pag
kakaiba iba ng mga paksa,dulog,metodo sa pananaliksik ang
halimbawa nito ay pinapanginoon ng mga inibersidad sa bansa panukalang
sistema ang mailathala sa institute for svientific information(ISI) indexed
journals na dominantte sa laranagn ng agham at kakaunti pa laamang ang
aking larangan humanidades at agham panlipunan dahil sa mga gantong
pananaw ng mga unubersidad at hindi nagiging pantay ang pagtingin sa mga
lokal at pambansang publikasyon lalo na sawikang Filipino na makakasapol
sa masalimuot na proseso ng pag buo ng sariling konsepto. bagaman di
sianasabing kapag ang ikawng ingles isinulat ang pag aaral ay wala na itong
kakayahan makapagtampok ng pambansang kalagayan.nais lang ipahiwatig
nito ay idiin na higit pa sa nasasapol ang wikang pilipino at sa katutubong
wika
demeterio(2016) ang mahalgang papel ng wika sa pagtatampok ng
pambansang adyenda sa pananalisik sa proyekto ng internasyonalisasyon sa
larangan ng akademiko

sa gantong punto papalakasin ang mga pamantasan natin sa pamamagitan


ng pananaliksik at lalakas lamang ang pananaliksik natin kung tayo ay
matatag sa wika natin at kung hindi tayo sunod sunuruan lang sa gusto ng
ibang universidad at malaking hamon ito sa mga mananalikik ng ating wika
at kulturang pilipino

You might also like