You are on page 1of 35

ANG PAGLALAHAD/EKSPOSITORI

KAHULUGAN AT LAYUNIN
•Ang paglalahad ay isang anyo ng diskors na
may layuning magpaliwanag, magbigay ng
impormasyon, magturo, at magbigay- aliw. Ang
mga ito’y nasusulat sa anyong sanaysay na
maaaring partikular at tiyak ang paksa; at
maaaring seryoso o nakikipag-usap ang himig.
•Layunin ng paglalahad na makapagpaliwanag
nang walang kinikilingan.
•Ang pinakalayunin ng sumusulat o nagsasalita
ay maipaliwanag ang mga bagay-bagay o ang
mga pangyayari na karaniwang nagaganap sa
araw-araw na takbo ng buhay.
KATANGIAN NG PAGLALAHAD
• Malaman sa diwa ang dapat na pagpapaliwanag.
• Kailangang di maligoy
• Gumamit ng simpleng pananalita sa natural na
pamamaraan.
• Isa-isang ipaliwanag ang mga detalye
• Kung pasalita ang pagpapaliwanag, sikaping maging
malinaw ang pananalita at iwasan ang maraming
galaw ng katawan o kumpas ng kamay.
• Kailangang mayaman sa talasalitaan ang
nagpapaliwanag.
PARAAN NG PAGLALAHAD
• Sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan
• Sa pagbanggit ng pagkakapareho
• Sa paghahambing-hambing
• Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at di pagsang-
ayon
• Sa pagtalakay ng sanhi at bunga
• Sa pagbibigay ng kuro-kuro o opinyon
BAHAGI NG PAGLALAHAD
•Simula
•Katawan
•wakas
MGA URI NG PAGLALAHAD
•Balita
•Editoryal –uri ng editorial: nagpapabatid;
nagpapakahulugan; nangangatuwiran;
nanghihikayat; pumupuna; nagpapahalaga;
sumasalungat; nang-uuyam
URI NG PAGLALAHAD
•Suring-basa
•Rebyu
•Sanaysay
•Panuto
•Talumpati
TALUMPATI
•Sining ng pagpapahayag na tumatalakay
sa isang mahalagang paksa na may
layuning magbigay kaalaman, magmulat
at manghikayat
•Uri ng Talumpati
1. Walang paghahandang
talumpati(extemporaneous)
2. Impromtu
3. Talumpating Isinaulo
•Talumpating nagbibigay aliw
•Talumpating nagbibigay kaalaman
•Talumpating nanghihikayat
•Talumpating nagbibigay galang
•Talumpating nagbibigay papuri
MGA DAPAT BIGYANG PANSIN SA
PAGTATALUMPATI
•Tindig
•Galaw
•Kumpas
ANG SANAYSAY
NA FILIPINO
MGA LAYUNIN:
• Naibibigay ang kahulugan ng sanaysay.
• Naipaliliwanag ang kaibhan ng sanaysay sa
iba pang uri ng paglalahad.
• Natutukoy ang kaibhan ng dalawang uri ng
sanaysay.
• Nailalahad ang mga sangkap ng sanaysay.
• Nailalahad ang maikling kasaysayan ng
sanaysay.
KAHULUGAN
•Itinutumbas sa salitang Ingles na “
essay” na nagmula sa salitang
Frances na “essayer” na
nangangahulugang sumubok
(Panday II, 1988).
•Isang uri ng panitikang nasusulat sa
anyong tuluyan na naglalahad ng kuro-
kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,
reaksyon, atbp. ng awtor hinggil sa isang
paksa sa alinmang larangan o kaalaman,
maging pampolitika, panlipunan, pang-
edukasyon, panrelihiyon o maging sa
pang-araw-araw na gawain.
•Sa panitikang Filipino, ang salitang
sanaysay ay nilikha ni A.G. Abadilla mula
sa pariralang “nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
Pinagdugtong niya ang salitang “sanay”
at ang “say” na huling pantig ng salitang
pagsasalaysay.
KALIKASAN NG SANAYSAY
• Naiiba sa iba pang uri ng paglalahad, ito ay
sariling paglalantad ng personalidad,
indibidwalidad, istilo at paraan ng pagsulat,
saloobin, kuro-kuro, kaisipan at damdamin
ng sumulat.
• Magaan, Malaya at personal na pagtalakay ng
awtor ng anumang paksang nais niyang
talakayin sa kanyang mga mambabasa.
•Ang awtor ay nagbibigay ng mga
sariwang kabatiran o kaalaman sa buhay
at higit na mabuting pagkaunawa sa
ating sarili at sa ibang tao.
•Layunin nitong magbigay- kaalaman at
magdulot ng aliw sa mga mambabasa.
URI NG SANAYSAY
1. Pormal
-Tumatalakay sa mga seryosong paksa, gaya ng
sining, agham, pag-unlad, politika, edukasyon, atbp.
- Humihingi ng maringal na paglalahad ng mga
kaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng piling-
piling mga pananalita.
- Inaakay ng awtor ang mambabasa sa malalim na
pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasiya
at kumilos pagkatapos.
- Binibigyang-diin niya ang mga katotohanan
kaya tahas ang tono at malinaw ang
istruktura ng akda.
- Sinusuportahan ng mga patotoo at
istadistika.
- Layunin nito ang maghatid ng mahalagang
kaisipan o kaalaman tungkol sa paksang
tinatalakay.
2. Di-pormal
-Tumatalakay sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang-araw-araw at personal.
-Binibigyang-diin ng awtor ang mga
bagay-bagay, mga karanasan, o isyung
maaaring magpakilala ng personalidad
ng awtor o pakikisangkot ng
mambabasa
-Palagay ang loob ng awtor na parang
nakikipag-usap lamang sa mambabasa sa
tonong pamilyar o palakaibigan.
-Minsan ay nahahaluan pa ng pagbibiro at
kolokyal na pananalita.
-Layunin nitong magbigay aliw o lugod sa
mga mambabasa.
MGA SANGKAP NG SANAYSAY

•Tema at Nilalaman
- Nakatutulong sa pagpapayaman ng kaisipan
at pagpapalalim ng pang-unawa
•Anyo at Istruktura
- Maayos at lohikal na paglalahad ng mga
detalte
- Gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag
- Kailangang maging kaakit-akit ang panimula
at bigyang diin ang wakas nito upang
makapag-iwan ng isang impresyon.
•Wika at Istilo
- Hindi kailangang gumamit ng mga salitang
maligoy, malalim at matatayog upang maging
mabisa.
- Gumamit ng simple, natural at matapat na
mga pahayag
- Piling-pili ang mga salitang gagamitin sa
paglalahad ng matataas na kaisipan sa
pinaikli at payak na paraan.
• Ang bawat awtor ay may kaniya-kaniyang
sariling istilo na makikita sa paggamit niya
at pagpili ng mga salitang gagamitin sa
kanyang pagsusulat. Kaya ang istilo ng
manunulat ay salamin din ng kanyang
personalidad. Nakikita sa kanyang
pamamaraan ang kanyang pagiging
mapagbiro, matapat, seryoso, mapang-uyam
at iba pa.
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG
SANAYSAY
• Nagsimula noong huling siglo ng pananakop ng mga
Kastila
• Nagsimula nang lumabas ang mga akda ni
• Modesto de Castro-Ama ng Panitikang Klasiko sa
tuluyan, “Urbana at Feliza” na epistolaryang
sanaysay tulad ng mga sulat ng apostoles sa Bibliya.
• Sumulong ang sanaysay sa panahon ng
himagsikan laban sa mga Kastila at laban sa mga
Amerikano.
• Nanguna si Dr. Jose Rizal “The Indolence of the
Filipino People”, “Sa Mga Kababaihang Taga-
Malolos” at iba pa.
• Si Marcelo H. del Pilar sa kanyang “Caiingat
Cayo” bilang sagot sa Caiingat Cayo ni Padre Jose
Rodriquez, at ang “Dasalan at Tocsohan na isang
panunuligsa sa mga paring kastila.
• Si Emilio Jacinto, “Liwanag at Dilim”, si Andres
Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog” at “Sa Aking Mga Kababayan”
• Sa panahon ng mga Amerikano, pinangunahan ni
Apolinario Mabini, ginamit na sandata ang mga
pahayagan bilang sandata sa pakikibaka sa mga
dayuhan. Mga sanaysay tungkol sa panunudyo at pag-
uudyok sa mga kinauukulan.
• Naging tanyag sina Rafael Palma, Lope K. Santos,
Carlos P. Romulo at iba pa sa panahon ng Amerikano.
•Sa kalahating dekada ng pananakop ng
mga hapon (1941-1945) ang pagsulat ng
sanaysay ay isinagawa sa wikang Tagalog
upang burahin sa isipan ng mga Pilipino
ang anumang impluwensya ng mga
Amerikano. Inilathala sa magasing
Liwayway.
• 1945-1950 patuloy na sumulong ang pagsulat ng sanaysay. Nakilala
sina, Teodoro A. Agoncillo, Alejandro Rufino, Liwayway A. Arceo,
Brigido C. Batungbakal, Manuel Principe Bautista, Genoveva
Edroza Matute, at iba pa.
• Dumami ang napalimbag na sanaysay hanggang sa kasalukuyan na
lumabas sa anyong kalipunan. “Mga Pilipino Sanaysay” ni Alejandro
G. Abadilla, “Sanaysay” ni Gemiliano Pineda, “Buhat Sa Aming
Sulok” ni Parluman Aspiras, “Ako’y Isang Tinig” ni Genoveva
Edroza at iba pa.
• Isinama na rin ang sanaysay sa mga aklat pampaaralan tulad ng
Dwang Ginto, Diwang Kayumanggi at panitikan sa mataas na
paaralan.
• Sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbasa ng sanaysay
ay ginawa ng bahagi ng kurikulum sa mga paaralan.
At upang lalong mabigyan ng halaga ang pagsulat ng
sanaysay, ang Carlos Palanca Awards for Literature
ay nagdaraos taon-taon ng patimpalak sa pagsulat
ng sanaysay. Gayundin ang Surian ng Wikang
Pambansa na ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino
kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika.
GAWAING PAGSULAT
• Gumawa ng isang sanaysay hinggil sa isa sa mga
sumusunod:
1. Ang ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin
sa kapwa mo.
2. Ang Pilipino muna bago ang iba
3. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin
4. Sa bawat pagluha, isang tagumpay

You might also like