You are on page 1of 23

LESSON 1 : AKADEMIKONG SULATIN

o Sanaysay
o Sulat/Liham
o Repleksyon
o Mga akdang Pampanitikan
o Editoryal
o Awtobayograpiya
o Tula
o Project Proposal

“HUSAY SA PAGSULAT, TAGUMPAY ANG KATAPAT”

PAGSULAT:

- Isa sa pangunahing kasanayan na natutuhan at pinauunlad sa loob


ng paaralan.
- Hindi maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng
isang indibidwal.
- Ang WIKA ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na
magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa anumang
isusulat.
- Malaki ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng iyong
saloobin, pananaw, opinion, ideya at anumang naiisip ng tao.
- KAISIPAN + PAGSULAT

KATANGIAN NG MAAYOS NA PAGBUO NG ISANG AKADEMIKONG


SULATIN

KOMPREH
ANGKOP NA
ENSIBON
LAYUNIN
G PAKSA
GABAY NA
HALAGA NG
BALANGKA
DATOS
S
EPEKTIBON
TUGON NG
G
KONKLUSYON
PAGSUSURI

KOMPREHENSIBONG PAKSA

- Batay ito sa interes ng Manunulat. Kung ang pagsulat naman ay


itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung
napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay
sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura at iba pa.

ANGKOP NA LAYUNIN

- Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng


akademikong sulatin.

MAGPAHAYAG NG IMPORMASYON:

- Katotohanan
- Manghikayat
- Magbahagi ng Pananaw
- Lumikha ng panibagong pananaw

GABAY NA BALANGKAS

- Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin.

Tatlong uri ng balangkas:


1. Balangkas na paksa

2. Balangkas na pangungusap

3. Balangkas na talata

HALAGA NG DATOS

- Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos.


- Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng
anumang akda.
- Kung walang datos, walang isusulat, sasaliksikin at susuriin.

Primaryang Sanggunian Sekondaryang


Sanggunian
Reaksyon sa isang :
Talaarawan 1. Aklat
Pakikipanayam 2. Palabas
Liham 3. Manuskrito
Orihinal na pananaliksik 4. Pahayag ng isang tao
Mga isinulat na 5. Buod ng anumang
panitikan akda

EPEKTIBONG PAGSUSURI
- Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri.
- Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin
kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansariling
pananaw ng sumusulat.
- Ang PAGSUSURI ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at
nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa
iniikutang paksa.
- Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim
ng kaniyang ginawang obra o akademikong sulatin.

TUGON NG KONKLUSYON

- Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais


maipahayag ng akademikong sulatin.
- Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinatampok na
katanungan sa isinulat na pag-aaral
- Nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang
kaalaman.

NOTE:
1. HUWAG MAGPASOK NG BAGONG MATERYAL
2. HUWAG PAHINAIN ANG IYONG SULATIN SA PAGHINGI NG
TAWAD SA ISANG BAGAY NA PINALIWANAG MO NA.
3. HUWAG MAGTAPOS SA CLIFF HANGER

Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong


pinagbabatayan.Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang
impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal,
kritikal, maugnayin at malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa
nilalaman.
LESSON 2 : MGA HULWARAN NG AKADEMIKONG SULATIN

- Gumagamit ng mga hulwaran upang maging organisado at malinaw


ang daloy ng mga ideya sa akademikong sulatin.

1. PAGBIBIGAY DEPINISYON

- Pagbibigay katuturan sa konsepto o termino na magbibigay impormasyon


o magpapalawak sa paksa ng sulatin.

Tatlong Bahagi ng Depinisyon:

1. Ang termino o salitang binibigyang kahulugan.

2. Ang uri/class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong


binigyang kahulugan at ;

3. Ang mga natatanging katangian nito/ distinguishing characteristics o


kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri.

Uri ng Pagbibigay-depinisyon:

1. Denotasyon – karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa


diksyunaryo.

2. Konotasyon – Di-tuwirang kahulugan o matalinghagang kahulugan.

2. ENUMERASYON o PAG-IISA-ISA
May dalawang uri ang enumerasyon:
a. Simpleng Enumerasyon
- Pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga
kaugnay at mahalagang salita.

Halimbawa ng Simpleng Enumerasyon:

A. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod :


CPU o Central Processing Unit¸ monitor¸mouse¸ keyboard at AVR
o automatic voltage regulator. Ang mga opsyunal na bahagi nito
ay ang printer at scanner. Ibig sabihin¸ maaaring wala ang mga
kagamitang ito.

b. Komplikadong Enumerasyon

- Pagtalakay sa pamamaraang pagtatalata ng


pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw
sa mga paksa.

Halimbawa ng Komplikadong Enumerasyon:

Mga Instrumentong Kahoy na Hinihipan

1. Pikolo at Plawta

Ang pikolo at plawta ay instrumentong hinihipan. Ito ay yari sa parang


tubong kahoy na may butas na ihipan sa isang dulo at may butas na
tinatakpan ng daliri upang lumikha ng iba-ibang nota.

Ang pikolo ay maiksi kaysa plawta at higit na mataas at matinis ang tunog.
Ang pikolo ang pinkamataas na tono sa pangkat ng mga instrumentong
kahoy na hinihipan.

2. Oboe
Ito ay instrumentong dalawang pirasong magkarugtong na ihipan. Ang mga
butas ay natatakpan ng mga espesyal ng ginawang buton na yari sa metal
na pinipindot samantalang hinihipan. Ang hugis nito ay tuwid, payat at
mahaba. Ang karaniwang kulay nito ay itim. Ang tunog ay malamig at
matinis.

3. Karinete

Ito ay kahawig ng oboe ngunit iisa ang tubong ihipan. Ang paraan ng
pagtugtog ay kapareho ng oboe. May mga espesyal na metal diin na
tumatakip sa mga butas kung pinipindot ang button samantalang hinihipan
ito.

Ang isa pang instrumentong katulad ng klarinete ay ang English horn.

4. Basson

Ito ay higit na malaki at katulad ng oboe na may dalawang magkarugtong


na tubong ihipan, Kinakabitan ito ng istrap na isinasabit sa leeg upang ang
posisyon ng pagugtug ay pahilis pababa na kumukrus sa harapan ng
katawan. Ang tunig nito ay mahaba at malamig pakinggan.

3. PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER

May tatlong uri ang pagsusunod-sunod:

a. Sikwensyal
- pagkakasunod-sunod ng panahon o pagkaganap ng pangyayari.
Halimbawa ng Sikwensyal:
- ANG MABAIT NA SAMARITO

b. Kronolohikal
-ang paksa ay tao o anu pa mang mga bagay. Inilalahad sa
isang paraan batay sa isagn tiyak na baryabol tulad ng edad,
distansya,tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, damit
at iba pa.
Halimbawa ng Kronolohikal:
- Mga Naging Pangulo ng Pilipinas

c. Prosidyural
- tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta.
Halimbawa ng Prosidyural:
- Pagluluto ng Egg Souffle (procedure)

4.PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST

o Paghahambing – ipinapakita ang pagkakatulad ng dalawang


bagay.

o Pagkokontrast – isinasaad ang pagkakaiba ng dalawang


bagay o termino

Dalawang anyo:

o Halimbawa ng Halinhinan (Alternate) :

Pagtalakay sa katangian ng dalawang bagay

Halimbawa:

Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan¸ ito ay ang


presidensyal at parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa
presidensyal ay tinatawag na Pangulo samantalang ang sa Parlyamentari
ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman ¸parehong demokrasya ang
pinaiiral na dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng
mamamayan¸kapayapaan at hustisya ay pinangangalagaan din sa
dalawang anyo ng pamahalaan.

o Isahan (block)
Magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang
paksang pinaghahambing at pinagkokontrast.

Halimbawa:

Si Martin ay tinaguriang Concert King, puro ang kanyang awitin na


puno ng emosyon kung saan kakikitaan mo siya ng ekspresyon sa
mukha nakaayon sa mensahe ng kanyang awitin samantalang si
Gary V. ay Mr. Pure Energy sapagkat sa tuwing siya ay kumakanta
ay hinahaliwan niya ng sayaw at indak na para bang hinahayo ka
niyang sumayaw rin sa awitin.

5. PROBLEMA AT SOLUSYON
- Pagtalakay ito sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang
pokus ng hulwarang ito.

6. SANHI AT BUNGA
- (sanhi) - kadahilan ng isang bagay o pangyayari
- (bunga)- mga epekto o resulta nito.

Mga Anyo ng Akademikong Sulatin

1. ABSTRAK
- Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago
ang introduksiyon. Kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang
pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik.

Halimbawa:
2. SINTESIS
- Anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikking pamamaraan
upang ang sari-saring datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan ay
mapagsama-sama tungo sa malinaw na kabuuan.

Halimbawa:

3. TALUMPATI
- isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o
tagapakinig. Gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.
- Masining na pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, kaalaman
tungkol sa tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig.

Halimbawa:
4. PANANALIKSIK
- Isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa
layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Halimbawa:

5. PANUKALANG PROYEKTO
- Isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor
na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
particular na problema sa negosyo o oportunidad.

Halimbawa:
6. BIONOTE
- Ang  bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon
ukol sa isang panauhin o awtor ng anumang aklat.

Halimbawa:

7. AGENDA
- Ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay
matupad

Halimbawa:
8. KATITIKAN
- Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na
naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

Nilalaman ng Katitikan:

o Paksa
o Petsa
o Oras
o Pook ng Pagdarausan ng Pulong
o Mga Taong Dumalo at Hindi Dumalo
o Oras ng pagsisimula
o Oras ng Pagtatapos

9. PHOTO ESSAY
- Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na
pagkasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin
at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
Halimbawa:

10. POSISYONG PAPEL


- ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa
at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya
ng isang partido pulitikal

Halimbawa:

11. LAKBAY SANAYSAY


- Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may
akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan,
gabay, o damdamin sa paglalakbay.

Halimbawa:
12. REPLEKTIBONG SANAYSAY
- Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan
o prosa.
- Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at
pananaliksik sa paksa.

Halimbawa:
LESSON 3 : YUGTO SA PAGBUO NG AKADEMIKONG SULATIN

BAGO SUMULAT

- Mas yumayaman ang dating kaalaman at karanasan mula sa


pagbabasa, panonood at pakikinig. Kasama rin ang kahusayan sa
pagmamasid at pakikisalamuha sa iba’t ibang tao bilang kuhanan ng
impormasyong ipapahayag.

o PAGBUO NG UNANG DRAFT


- Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel at panulat o maaaring
gawin na ito sa mismong kompyuter. Sa yugtong ito, matiyagang
iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
Mula sa binalangkas na konsepto na maaaring papaksa o
pangungusap.
- Bukas ang unang draft sa pagbabago upang lalong mapabuti ang
akademikong sulatin.

o PAG-EEDIT AT PAGREREBISA
- Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft . Iwinawasto ang mga
kamalian tulad ng baybay, bantas, at ang mismong nilalaman ng
sulatin.
- Ilalapat ang pagrerebisa upang ayusin, ituwid, at baguhin ang sulatin.

o HULI O PINAL NA DRAFT


- Kitang-kita ang kalinisan at kaayusan ng akademikong sulatin.
Pulidong isinusulat at handang ipasa sa guroat mabasa ng iba upang
ipabatid ang layunin kung bakit isinulat ang akademikong sulatin.

o PAGLALATHALA/PAGPAPALIMBAG
- Ang mataas na uri ng akademikong sulatin ay dapat mailathala o
maipalimbag. Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming
mambabasa ang impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa
produksiyon ng karunungan.
o PAGPAPLANO
- Pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri at
panahon kung kalian sisimulan at matatapos ang akademikong
sulatin.

o PAG-AAYOS
- Paghahanda ng sarili upang maayos ng maisulat ang akademikong
sulatin. Makatutulong ang pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito.

o DRAFTING
- Panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya. Nasa istilo ng
manunulat kung paano lilikhain ang tentatibong sulatin.

o PAGREREBISA
- Mula sa ginawang sariling pagtataya o ng iba ay babaguhin, aayusin
at pauunlarin ang akademikong sulatin.

o PINAL NA PAGBASA AT PAGSULAT


- Mula sa ginawang proofreading maisasapinal ang akademikong
sulatin taglay ang tamang wika at nilalaman ng akademikong sulatin.

GABAY SA PAG-EEDIT

BILAN KODIGO/SIMBOL
KAHULUGAN
G O

1. Mby Mali ang pagkakabaybay.

2. Xs Sobra o ekstrang salita na dapat bawasan

3. Nws Nawawalang salita na posibleng nalimutan.


4. Ms Maling salita

5. Map Maling aspekto/Pokus ng Pandiwa

6. B Pagbabantas

7. ap Anyo ng Pandiwa

8. # Espasyo

9. Mt Malaking Titik

10. mnt Maliit na Titik

Lesson 4: Pagsasalaysay at Paglalarawan bilang Hulwaran sa


Akademikong Larangan
Kahulugan ng Pagsasalaysay
- Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga
pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.
- Ang salitang-ugat nito ay salaysay o kuwento
- Ito ay palasak at madalas gamitin at tinatawag ding genreng Naratib.

Katangian ng Pagsasalaysay

1. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkasunod-sunod.

2. Ginagawa ang pagsasalaysay nang malinaw at may tiyak na kaayusan.

3. Ang binibigyang-pansin lamang ay ang mga pangyayaring totoo at


mahalaga.

4. Gaumagamit ng punto de vista sa pagsasalaysay.

5. Naghahatid ng mahahalagang mensahe.

6. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.

Kahalagahan ng Pagsasalaysay

- Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid at


mapahalagahan ang impormasyon nang may maayos na
pagkasunod-sunod. Dagdag pa na nakagagamit ito ng mabisa,
masining at angkop na wika na makatutulong sa akademikong
sulatin.

Mga Akademikong Sulating Maiuugnay sa Pagsasalaysay at


Paglalarawan

Dyornal
- Isang pansariling tala na naglalaman ng mga obserbasyon, kaisipan
at damdamin ng manunulat.

Repleksyon

- Ito ay personal na pagpapahayag ng tao sa kaniyang mga saloobin.

Talambuhay

- Pansariling tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao.

Dalawang Uri ng Pagsasalaysay

1. Pagsasalaysay na totoo

- Ito ay nakabase sa tumpak, tiyak at tunay na pangyayari.


- Ito ay kapaki-pakinabang na gamit para sa pagsusunod-sunod o
pagsasaayos ng mga detalye o impormasyon sa lohikal na kaayusan,
madalas kronolohikal.
- Ito ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay
tapos na.
- Ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat ditto
nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
- Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari, karanasang magkaugnay gaya
ng pagkukuwento, pasulat man o pasalita

Halimbawa:

 Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang


nababawasan ang mga out-of-school-youth.
 Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo sa ating bansa.

2. Pagsasalaysay na likhang-isip
- kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabola, anekdota, palaisipan,,
maikling kwento at nobela.

Halimbawa:

- Si Malakas at Si Ganda

Elemento ng Mabisang Pagsasalaysay

Panahon

- May tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga pangyayari. Ito


ang nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari.

Kahulugan

- Ito ang siyang diwa ng salaysay. Dito nagmumula ang mga


motibasyon at aksyon ng mga kasangkot.

Kaayusan

- Ang bumubuo sa kasiningan at pagka-epektibo ng salaysay. Ang


hindi paikot-ikot at patalon-talong pagkakaayos ng mga pangyayari
ang nagpapadali sa kabatiran.

Pananaw

- Ito ang bahaging sumasagot sa tanong na, “Sino ang


nagsasalaysay?” at “Ano ang kaugnayan niya rito?”

Dayalogo

- Ito ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nagiging


kabagot-bagot kaya’t isinisingit ang mga salitaan o usapan upang
magkabuhay ang pagsasalaysay.
Kahulugan ng Paglalarawan

- Ito ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o


bumabasa ang nakikita ng mata, ang naaamoy ng ilog,
nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalasahan ng dila o
kaya naman naririnig ng tainga.
- Ito ay pagbibigay hugis, anyo, kulay, katangian sa mga tao, bagay,
lugar o pangyayari. Layunin nitong makapagbigay ng pangkaisipang
imahen.

Dalawang Uri ng Paglalarawan

Karaniwan o Konkretong Paglalarawan

- layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon


sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng
tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal o konkretong
katangian. Higit na bibinibigyang-diin sa paglalarawang ito kung ano
ang nakikita at hindi ang nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng
manunulat.

Halimbawa:

- Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng


mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kaniyang buhok na
umaabot hanggang baywang. Balingkinitan ang kaniyang katawan na
binabagayan naman ng kaniyang taas.

Masining o Abstraktong Paglalarawan

- naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa.


Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita
kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon.

Halimbawa:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo
niyang mukha tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
anak ni Adan. Alon-alon ang kaniyang buhok na bumagay naman sa
kainggit-inggit niyang katawan at itaas.

You might also like