You are on page 1of 1

CUE CARDS

KAHULUGAN

Ang cue cards ay kilala rin bilang note cards ito ay mga kard na may nakasulat na mga puntong salita
lamang na makakatulong sa actor at tagapagpasalita na matandaan ang kanilang mga sasabihin.
Karaniwang ginagamit ito sa paggawa ng isang pelikula o palabas sa telebisyon na kung saan
gaganapin na naka off ang camera upang hindi makita ng madla.

Ang cue cards ay isang maliit na piraso ng papel na naglalaman at nagdadala ng mga importanteng
mga impormasyon na gumagabay sa isang tagapagsalita upang maalala niya ang kanyang mga
sasabihin.

Layunin

Makatutulong ito sa sa mga nga-uumpisa pa lamang na maging tagapagsalita, o maging isang guro.

Makakatulong ito sa pag-alala ng isang tagapagsalita kapag nakalimutan niya ang isang pahayag.

Makatutulong din ito para sa isang indibidwal na kabado sa pag-ulat o paghahatid ng impormasyon
sa mga studyante o sa kanyang mga tagapakinig.

Kalakasan

Madaling gawin at magaan lamang

Hindi magastos

Madaling gamitin

Malaking tulong sa tagapaghatid ng impormasyon

Napigilan ang pagkabagabag o labis na paggalaw ng kamay.

Kahinaan

Nagbibigay ng maling impormasyon kapag hindi ka handa sa iyong paksa

Nakakadismaya sa iyong mga tagapakinig sapagkat nagpapakita lamang na hindi ka handa sa iyong
paksa.

Magdudulot ng kamataran sa pag memorya sa lahat ng gagawin kapag nasanay na ang isang
indibidwal.

You might also like