Professional Documents
Culture Documents
PAGTUTURO
Nakatuon ang kabanatang ito tungkol sa katangian ng isang epektibong guro, mga dapat
iwasan ng isang guro at mga paraan kung kung paano nga ba nagagawa ng isang guro na maging
epektibo at malikhain ang gagawing pagtuturo.
Learning Outcomes
Pagkatapos ng kurso ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakalilikha ng mga graphic organizer bilang paglalarawan sa guro
2. Naipapahayag ang sariling saloobin sa kahalagahan ng guro sa buhay ng mag-aaral
3. Nailalarawan ang mga katangian ng epektibong guro sa pamamagitan ng pagguhit.
Introduksyon
Sino ang nasa larawan?
Kailan ba natin masasabing epektibo at matagumpay ang pagtuturo?
Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro para magkaroon ng epektibong
pagtuturo?
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang maging epektibo ang pagtuturo?
Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng WEB, lumikha ng Graphic Organizer na siyang maglalarawan sa
salitang “GURO”.
GURO
Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng Message in a Bottle, sumulat ng mensahe na maglalahad ng
pagpapahalaga ninyo sa mga guro.
Message in a Bottle
Gawain 3
Panuto: Ilarawan ang ng epektibong guro sa pamamagitan ng pagguhit. Sundin ang kriterya sa
pagguhit.
Buod
Tunay ngang kahanga-hanga ang isang guro. Malaking pananagutan ang nakaatang sa
balikat ng isang guro. Maselang tungkulin ang kanyang ginagampan sa paghubog hindi lamang
ng kaisipan at katangiang pisikal ng mag-aaral kundi ng buo nitong katauhan. Ang madalas na
mabasa o marinig na pahayag na ang “pagtuturo ay isa sa pinakadakilang gawain” ay hindi
pagmamalabspagmamalabis na pahayag.