You are on page 1of 18

MASUSING

BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO

Inihanda ni:
Lea G. De Guzman
Teaching Intern, BSED

Binigyang-pansin ni:

Bb. Juleah Mara Borillo, MAEd.


Faculty Expert

Pinagtibay ni:

G. John Paul Flores, MAEd.


Supervising Instructor

1|Page
I. LAYUNIN

Pagkatapos ng animnapung (60) minutong talakayan, ang mga mag-


aaral ay inaasahang nakamit ang kahusayan ng mga sumusunod:

1. natutukoy ang kahulugan ng pulong-bayan sa paraang pasalita;


2. nauunawaan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng mga
Tagbanua; at
3. nakalilikha ng isang dula-dulaan na hango sa isang pampamayanang
pulong-bayan.
ng ay may walumpu’t limang bahagan (85%) ng pagkatuto.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pulong-bayan: Marubdob na Usapang
Pampamayanan
Sanggunian: San Juan, Natividad, Martinez, Bulatao,
Loyola, Baltazar, De Jesus, Babasa, Maranan,
Rosales (2018) Kontekstuwalesadong
Komunikasyon sa Filipino pp. 90-91 Mutya
Publishing House, Inc.
Kagamitan: Laptop, mga larawan, stoplight, ATM Machine,
repolyong papel
Pagpapahalaga:
Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang
dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay
naroroon ako sa gitna nila.
Mateo 18:20

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

a. Pagbati
Estratehiya: Kumustahan
Teknik: Babatiin at
kukumustahin ng guro ang
mga mag-aaral.

Magandang umaga klase!


Magandang umaga rin po guro!

Kumusta kaya ang unang


pangkat?
Mabuti po guro!

Ang pangalawang pangkat


kaya, kumusta?
Mabuti rin po guro!

2|Page
Ako ay nasisiyahan dahil
mabuti, naggagandahan, at
naggaguwapuhan ang aking
mga mag-aaral.

b. Panalangin

Estratehiya: “Audio-Visual
Presentation”
Teknik: Panalangin sa
pamamagitan ng panonood
ng AVP.

Bago natin tuluyang


umpisahan ang ating klase,
tayo muna ay tumayo at
yumuko upang hingin ang
presensiya ng ating Poong
Maykapal.

c. Pagtala ng liban

Estratihiya: “Pak! Ganern!”


Teknik: Tatayo ang bawat
grupo at sasabihin ang ”Pak!
Pak! Pak! Guro!” kapag
walang lumiban at “Ganern!
Ganern! Ganern! Guro!” kung
may lumiban.

Ating alamin kung may


lumiban ba sa araw na ito.
Kapag walang lumiban sa
inyong pangkat, ang
sasabihin niyo ” Pak! Pak!
Pak! Guro! ” pero kapag may
lumiban, ang sasabihin niyo
ay Ganern! Ganern!
Ganern! Guro! saka
sasabihin ang pangalan ng
lumiban.

Naintindihan ba?
Opo, Guro!

Atin na itong simulan.


Sa unang pangkat, may
lumiban ba?

3|Page
Pak! Pak! Pak! Guro!
Magaling!

May lumiban kaya sa


pangalawang pangkat?

Pak! Pak! Pak! Guro!


Mahusay! Ako’y nagagalak na
kompleto ang ating klase
ngayong araw.

a. Paglatag ng Alituntunin

Estratehiya: “Stoplituntunin”
Teknik: Pagpapakita ng
stoplight na mayroong tatlong
kulay na sumisimbolo sa mga
alituntunin.

Nais kong ipakita at sabihin


sa inyo ang ating magiging
alituntunin na dapat ninyong
sundin hanggang matapos
ang ating klase.

Bb. Gwen, ano ang nakikita


mong kulay na nasa itaas na
bahagi ng stoplight?

Kulay pula po, guro.

Tama! Kapag nakita niyong


itinaas ko ang kulay pula sa
stoplight, nangangahulugan
ito na kayo ay tumahimik at
makinig ng mabuti.

4|Page
Pangalawa, ano naman kaya
ang kulay na nasa gitnang
bahagi ng stoplight,
G. Andrew?
Ito po ay kulay dilaw.

Magaling! Kapag itinaas ko


ang kulay dilaw, ito ay
nangangahulugan na huwag
mahiyang magtaas ng kamay
kung may nais itanong o
sabihin.

Pangatlo at ang panghuli,


anong kulay ang nasa
ibabang bahagi ng stoplight,
G. Arjay?
Ang nakikita ko pong kulay na nasa
ibabang bahagi ng stoplight ay kulay
berde.

Mahusay! Kapag itinaas ko


ang kulay na berde, ito ay
nangangahulugan na itago
ang anumang bagay na
makasasagabal sa pakikinig.

Maliwanag ba ang lahat ng


mga alituntunin?

Maliwanag po, Guro!

b. Balik-aral

Estratehiya: “Withdraw mo,


Sasagutin ko”
Teknik: Magwi-withdraw ang
tatlo sa mga napiling mag-
aaral ng katanungan sa ATM.
Pipili ang tatlo ng kapwa mag-
aaral na sasagot dito.

5|Page
Para sa ating pagbabalik
tanaw, nais kong ipakita sa
inyo ang ATM na ito. Ang
nawi-withdraw dito ay hindi
pera kundi mga katanungan
noong nakaraang talakayan.
Bago natin simulan ang
pagbabalik tanaw, nais kong
basahin niyo na muna ang
panuto.
Panuto: Pipili ng tatlong mag-aaral
ang guro. Ang mga napili ay
pupunta sa harapan upang mag-
withdraw at basahin ang katanungan
ng malakas upang marinig ito ng
napili niyang kapwa mag-aaral na
sasagot sa tanong.
Ngayon ang tanong ko, sino
ang gustong mag-withdraw sa
ating ATM?
(ang mga mag-aaral ay nagtataas
ng kamay)
Bb. Khate, ikaw ang napili
kong unang magwi-withdraw.

Tungkol saan ang ating aralin noong


nakaraang talakayan?
Ngayon Bb. Khate, sino ang
napili mo upang sumagot sa
tanong?
Ang napili ko po ay si Bb. Chen
Chen
Bb. Chen Chen, maaari ka
bang tumayo at sagutin ang
katanungan.
Ang atin pong tinalakay na aralin
kahapon ay patungkol sa
pagbabahay-bahay.
Tumpak!
Sunod na magwi-withdraw ay
si G. Christian.
Ano ang ibig sabihin ng
pagbabahay-bahay? Ang napili ko
pong sumagot ay si G. Allen.
G. Allen, maaari mo bang
sagutin ang tanong nabinasa
ni G. Christian?
Batay sa ating napag-aralan
kahapon, ang pagbabahay-bahay ay
ang pagdalaw o pagpunta ng isang
tao o grupo sa mga bahay sa isang
pamayanan para maghatid ng
mahalagang impormasyon,
komunsulta sa mga miyembro ng
pamilya hinggil sa isyu o programa
at marami pang iba.

6|Page
Magaling! Bigyan natin sila ng
Winner Clap.
(Winner Clap)

A. PANLINANG NA GAWAIN

a. Pagganyak

Estratihiya: Hularawan
Teknik: Magpapakita ang
guro ng mga larawan at
huhulaan ng mga mga-aaral
kung ano ang mga larawang
ito.

Ngayon naman ay mayroon


akong ipakikitang mga
larawan, nais kong hulaan
niyo kung ano ang nasa
larawan. Ang siyang mauna
sa pagtaas ng kamay ang
maaaring sumagot at bawat
tamang sagot ay may
katumbas na tatlong puntos.
Maliwanag ba klase?
Opo guro.

Narito ang unang larawan.


Ano kaya ito?

Mukhang alam ni Bb. Karen.


Makikita po sa larawan na wari’y
may pagpupulong po na nagaganap.

Tama! Ito ay isang


pagpupulong o meeting sa
Ingles.

Para sa pangalawang
larawan, ano kaya ang
katayuan ng taong nakatayo
sa larawan?

Nagtataas ng kamay si Bb.


Richelle.

7|Page
Isa po siyang politiko, Guro.
Mahusay! Ito ay larawan ng
isang politiko.

Pangatlong larawan,
mahulaan kaya ito ni Bb.
Gwen?

Ito po ang mga iba’t-ibang ahensiya


sa Pilipinas.
Magaling ang inyong
panghuhula. Bigyan natin sila
ng Wow Clap.
(Wow Clap)

b. Paglalahad

Estratehiya: “Pahiwatig ng
Larawan”
Teknik: Ilalahad ang paksa
batay sa mga larawang
pinahulaan at ang mga
ipinahihiwatig nito.

Natapos na natin ang


tsismisan, umpukan,
talakayan at pagbabahay-
bahay. Sa inyong palagay at
batay na rin sa mga larawang
inyong nakita, ano kaya ang
susunod nating aralin?

Sa akin pong palagay, ito’y may


kinalaman sa pagpupulong na
isinasagawa ng mga politiko at mga
ahensiya ng gobyerno.
May tama ka diyan!
Mayroon nga itong kinalaman
sa pagpupulong na
isinasagawa hindi lamang ng
mga politiko o mga ahensiya

8|Page
ng gobyerno kundi marami
pang iba. Palalimin pa natin
ang inyong kaalaman tungkol
sa tatalakayin nating aralin
ngayong araw na patungkol
sa Pulong-bayan.

c. Pagtatalakay

Estratehiya: Mapa ng
Kaalaman
Teknik: Ipakikita ng guro ang
mapa ng kaalaman na may
limang destinasyon, bawat
destinasyon ay may treasure
chest laman na mga
katanungan na sasagutin ng
mga mag-aaral batay sa
kanilang sariling ideya.

Sa ating pagtatalakay, tayo


ay maglalakbay. Narito ang
mapa ng kaalaman, magiging
gabay natin ito tungo sa
kaalaman. Pakibasa ang
panuto upang mas lalo ninyo
itong maintindihan.
Panuto: Bawat destinasyon sa mapa
ay may treasure chest na
naglalaman ng katanungan.
Babasahin ng mag-aaral ang tanong
at sasagutin batay sa
kanyangsariling ideya. Sa huling
destinasyon ay may naghihintay na
papremyong inyong kagigiliwan.
Tandaan na hindi naman
kailangang tamang-tama o
sakto ang inyong mga
kasagutan. Walang tama o
mali rito, ang kailangan
lamang ay ang bukas na isip
upang makapagbahagi ng
sariling ideya patungkol sa
katanungan.

Handa na ba kayo sa ating


paglalakbay?
Handa na po guro!

Tayo ay pumunta na sa ating


unang destinasyon. Pakibasa
at sagutin Bb. Nicole.
Narito kayo sa una niyong
destinasyon at narito na rin ang
unang katanungan na para sa iyo.
Ano ang pulong-bayan?

9|Page
Batay po sa salitang pulong-bayan,
ang aking hinuha ay patungkol ito sa
pagpupulong na nangyayari sa
bayan.
Tama!
Ang pulong-bayan ay
pagtitipon ng isang grupo ng
mga mamamayan sa
itinakdang oras at lunan
upang pag-usapan nang
masinsinan at pagdesisyonan
ang mga usaping
pangpamayanan. Kadalasang
layon nito ay upang tugunan
ang mga programa, suliranin,
at mga batas na gustong
maisakatuparan.

Sa Pangalawang Destinasyon
naman tayo. Sino ang
gustong magbukas ng
treasure chest?

Bb. Karen ikaw naman.


Nalampasan niyo na ang unang
destinasyon. Narito ang
pangalawang tanong, basahin at
intindihin.
Bukod sa mga layon na nabanggit
ng guro, ano pa kaya ang mga
kasama sa layon ng isang pulong-
bayan?

Bukod po sa mga nabanggit niyo,


maaaring kasama rin sa mga layon
ay ang pagkuha ng desisyon na
kasama sa pulong-bayan.
Magaling!
Tignan natin ang kasagutan
sa likod ng treasure chest.

Kasama sa maaaring layon


ng isang pulong-bayan ang
pagkonsulta sa mga
mamamayan, paghimok sa
kanila na sumoporta o
sumama, pagpaplano
kasama sila, paggawa ng
isang desisyon na
binalangkas nila, o
pagmomobilisa sa kanila
hinggil sa isang isyu,
problema, gawain o
programang panlipunan.

10 | P a g e
Tayo na’t pumunta sa
kalagitnaan ng ating
paglalakbay, ang pangatlong
destinasyon. Maaari mo bang
basahin at sagutin ang nasa
loob ng treasure chest Bb.
Marianne?
Napakagaling niyo namang
magbigay ng inyong mga ideya.
Narito na kayo sa pangatlong
destinasyon at narito na rin ang
iyong katanungan.
Sino-sino sa palagay mo ang mga
nagpapatawag ng pulong-bayan?

Sa tingin ko, ang mga politiko po


ang karaniwang nagpapatawag ng
isang pulong-bayan.

Mahusay!
Narito ang ilan sa mga
nagpapatawag ng isang
pulong-bayan.
Una sa listahan ay ang Halal
na lider.Katulad ng sinabi mo,
ang mga politiko o mga halal
na lider ang isa sa mga
nagsasagawa ng isang
pulong-bayan na maaaring
mapag-usapan ang
konsultasyon hinggil sa isang
programa o panukalang
batas.

Sino-sino ba ang mga halal


na lider, magbigay ka nga ng
halimbawa, G. Janelle.
Halimbawa po ng isang halal na
lider ay mga Mayor, Kapitan,
Konsehal at marami pa pong iba.
Magaling!

Pangalawa sa mga
nagsasagawa ng pulong-
bayan ay ang mga?
Nongovernment Organization.
Sila ang karaniwang
nagsusulong ng proyekto at
adbokasiya ng isang bayan.

Pangatlo sa listahan ang?


Progresibong Grupo
Ang Progresibong Grupo ay
ang mga karaniwang
nagmomobilisa ng mga tao
laban sa pang-aapi at pang-

11 | P a g e
aabuso ng mga nasa
kapangyarihan o
nagnenegosyo.

Pang-apat ang?
Pribadong Institusyon
Halimbawa nito ay ang mga
kompanya na naniniwalang
ang negosyo ay may kaakibat
na responsibilidad para
tumulong.

Panghuli naman ay ang?


Impormal na Lider
Ito ay isang karaniwang
mamamayan lamang na
nagmamalasakit at
nagtataguyod para sa
kapakanan ng mga
kababayan niya, kumbaga
sila ay mga volunteer.
Pwede siyang maging nanay
niyo, tatay niyo, kapatid,
pinsan o kung sino man ang
gustong magmalasakit sa
komunidad.

Ang pang-apat na
destinasyon ay pupuntahan
na natin. Pakibasa at sagutin
G. Allen.
Ngayon pa lang ay binabati ko na
kayo. Hindi ko na patatagalin pa,
narito na agad ang pang-apat na
tanong.
Ano ang “saragpunan”?
Mayroon ka bang ideya
patungkol sa saragpunan?
Sa katunayan po, ngayon ko lamang
narinig ang salitang iyan.
Maraming salamat pa rin sa
iyong pagtugon.
Narito ang kahulugan ng
Saragpunan, pakibasa klase.
Saragpunan- Ang Saragpunan o
tipunan ng mga Tagbanua ay
nagaganap sa isang malilim na lugar
kung saan may malalaking batong
nakaayos nang pabilog na
nagsisilbing upuan ng mga kalahok
sa pulong.
Naunawaan na ba kahulugan
ng Saragpunan?
Opo guro.

Narito ang isang larawan na


halimbawa ng “saragpunan”.

12 | P a g e
Ano ang inyong napapansin
sa klase ng kanilang
pagpupulong?
Ang mga kasapi po sa pagpupulong
ay nakapabilog.

Tama!
Ano pa kaya?

Puro po matatanda at walang


kabataan.
Ano ang pulong-dulong?
Mahusay ang inyong
obserbasyon.

Makikita sa larawan na
pabilog o paikot ang
kaayusan ng pulong ng
konseho ng mga
nakatatanda. Ito ay
kumakatawan sa kanilang
balanse at pantay-pantay na
kapangyarihan bilang mga
hukom at pinuno ng
pamayanan. Bagama’t di
kasali sa pulong, ang mga
kabataan naman ay
pinapayagang mag-obserba
sa gilid upang may matutuhan
at makasunod sila sa mga
tradisyon na ipagpapatuloy
nila kapag sila na ang
namumuno sa pamayanan.

Puntahan na natin ang ating


premyo sa pang-limang
destinasyon. Tara!
(Bubuksan ang baul na may lamang
isang repolyong papel.)

13 | P a g e
d. Paglalahat

Estratihiya: Rolyorepolyo
Teknik: Ipaiikot ang repolyong
papel sa buong klase
kasabay ng isang awit. Bawat
hinto ng awit ay babasahin at
sasagutin ng mag-aaral na
may hawak nito ang tanong
na nasa dahon ng repolyong
papel.

Nakikita niyo ba itong hawak


ko?
Opo guro!

Ito ay isang repolyong papel,


susubukin nito kung
naunawaan niyo ba ang aralin
na ating tinalakay kanina.
Pakibasa ang panuto.
Panuto: Ipaikot ang repolyong papel
sa pamamagitan ng pagpapasa nito
sa kapwa mag-aaral.
Magpapatugtog ang guro ng isang
awit at bawat hinto ng awit ay hihinto
rin ang pagpasa. Pipitasin ng may
hawak ng repolyo ang isang dahon,
babasahin, at sasagutin ang
katanungan na nakapaloob rito.
Handa na kaya ang lahat?
Opo guro!

Simulan na natin ang


pagpapaikot ng repolyong
papel sa unang pangkat.

Bb. Sambrana, dahil nasa iyo


ang repolyong papel ikaw ang
babasa at sasagot sa tanong
na nasa unang dahon nito.

Ano ang pulong-bayan?


Ang pulong-dulong ay pagtitipon ng
isang grupo ng mga mamamayan sa
itinakdang oras at lunan upang pag-
usapan nang masinsinan at
pagdesisyonan ang mga usaping
pangpamayanan.
Tama ka riyan! Bigyan natin
siya ng May Tama Ka Clap

(May Tama Ka Clap)

Sa pagkakataong ito, sa
pangalawang pangkat naman
natin ito ipaiikot.

14 | P a g e
(Ipaiikot muli ang repolyong
papel kasabay ng awit)

Pakibasa ang pangalawang


dahon na makukuha mo sa
repolyo, G. Allen.
Kailan madalas isinasagawa ang
isang pulong-bayan?
Madalas itong isinasagawa kapag
may mga programang pinaplano o
isasakatuparan, may mga
problemang kailangan lutasin, at
mga batas na ipatutupad sa isang
komunidad.

Bigyan naman natin siya


ngayon ng Magaling Clap
(Magaling Clap)

Bumalik tayo sa unang


pangkat.
(Ipaiikot muli ang repolyong
papel kasabay ng awit)

Bb. Chen Chen pakibasa at


sagutin.
Ano-ano ang mga kasama sa
maaaring layon ng isang pulong-
bayan?
Kasama sa maaaring layon ng isang
pulong-bayan ang pagkonsulta sa
mga mamamayan, paghimok sa
kanila na sumoporta o sumama,
pagpaplano kasama sila, paggawa
ng isang desisyon na binalangkas
nila, o pagmomobilisa sa kanila
hinggil sa isang isyu, problema,
gawain o programang panlipunan.

Bigyan natin siya ng Mahusay


Clap. (Mahusay Clap)

Sa pangalawang pangkat ulit.


Bb. Gwen, pakibasa. Magbigay ng mga halimbawa ng
nagsasagawa ng pulong-bayan.

Mga halal na lider, nongovernment


organization, progresibong grupo,
pribadong institusyon at impormal
na lider.

Tumpak! Bigyan natin siya ng


Tumpak Clap. (Tumpak Clap)

15 | P a g e
(Ipaiikot muli ang repolyong
papel kasabay ng awit sa
unang pangkat)

G.Andrew, basahin at
sagutin.
Ano ang tradisyonal na
“saragpunan”?

Ang Saragpunan o tipunan ng mga


Tagbanua ay nagaganap sa isang
malilim na lugar kung saan may
malalaking batong nakaayos nang
pabilog na nagsisilbing upuan ng
mga kalahok sa pulong.

Bigyan natin siya ng Ang


Galing Mo Clap!
(Ang Galing Mo Clap)

Paikot ulit natin.


(Ipaiikot muli ang repolyong
papel kasabay ng awit)
Bb. Andrea ikaw ang
magbasa at sumagot.
Bakit pabilog o paikot ang kaayusan
ng pulong ng konseho ng mga
nakatatanda kapag nagsasagawa
ng tradisyunal na Saragpunan?

Dahil ang pabilog o paikot na


kaayusan ng pulong ng konseho ng
mga nakatatanda ay kumakatawan
sa kanilang balanse at pantay-
pantay na kapangyarihan bilang
mga hukom at pinuno ng
pamayanan.

Dasurb mo ang Ikaw Na Clap.


(Ikaw Na Clap)

Nasa panghuling dahon na


tayo at alam kong nakikita
niyo na rin kung ano ito. Kaya
ipakot na ulit ang repolyong
papel.

(Ipaiikot muli ang repolyong


papel kasabay ng awit)
Bb. Aiken, pakibasa.
Kasama ba sa Saragpunan ang mga
kabataan? Oo o hindi.Nasaan sila at
ano ang kanilang ginagawa?

16 | P a g e
Hindi kasali ang mga kabataan sa
pulong ngunit pinapayagan silang
mag-obserba sa gilid upang may
matutuhan at makasunod sila sa
mga tradisyon na ipagpapatuloy nila
kapag sila na ang namumuno sa
pamayanan.

Bigyan natin siya ng Winner


Clap.
(Winner Clap)

Napakahuhusay! Talaga nga


namang napatunayan niyo na
nakinig kayo sa ating
tinalakay na aralin.

e. Paglalapat

Estratihiya: Istoryanan
Teknik: Magsasagawa ng
dula-dulaan ang dalawang
pangkat na hango sa mga
nangyayari sa isang pulong-
bayan na pampamayanan.
Pipili ang bawat lider ng
konsepto na nasa sobre at
ito ay itatanghal.

Naghanda ako ng isang


pangkatang gawain. Hahatiin
ko kayo sa dalawang grupo,
magkakaroon kayo ng inyong
sariling bersiyon ng pulong-
bayan. Pipili ang lider ng
bawat grupo ng isang
konsepto na nasa sobre.
Bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto upang
makapaghanda.

Pakibasa ang batayang


pamantayan para sa gagawin
niyong dula-dualaan.
Batayang Pamantayan
Pag-arte 50%
Kooperasyon 35%
Pagka-orihinal 15%
Kabuuan 100%
Naunawaan ba?
Opo guro.

Maaari niyo nang pag-usapan


ang inyong gagawin.
Tandaan na limang minuto
lang ang inyong paghahanda.

17 | P a g e
(Pagkatapos ng limang minuto,
itatanghal na ang kanilang dula-
dulaan)

Napakagaling ng bawat
pangkat. Napakasaya ko sa
ipinakita niyong pagtatanghal.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga maaaring pag-usapang programa


sa pulong-bayan ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaan na kahon.

MGA NAGSASAGAWA NG PULONG- HALIMBAWA NG PROGRAMANG


BAYAN PAG-UUSAPAN

SK Chairman

DPWH

Karaniwang Mamamayan

SM Group of Companies

Alyansa ng mga Magsasaka

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng tradisyunal na


“saragpunan” ng mga Tagbanua. Bigyan ito ng buhay sa pamamagitan ng
paggamit ng kulay.

Batayang Pamantayan

Pagkamalikhain 60%

Kalinisan 40%

Kabuuan 100%

18 | P a g e

You might also like