You are on page 1of 8

Ang Pagpaplano sa

Pagtuturo
Ang Pagpaplano sa Pagtuturo

Ano ang Dapat


Kalikasan ng Wika Matutuhan?

Salik sa Epektibong Gaano ang Maaaring


Pagkatuto Matutuhan?

Anu-ano ang
mga Salik sa Paano ang
Mga Hadlang sa Mabisang Pagkakasuno-sunod
Pagkatuto Pagpaplano sa ng hakbang?
Pagtuturo?
Paano ang
Pagpaplano? Paano tatayain at
Mga Kagamitang
pahahalagahan ang
Pampagturo
pagkatuto?

ANG PAGPAPLANO…. PAANO?

Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at


istilo ng isang guro.

Mahalaga ang pagpaplano at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng guro. Bago


pumasok sa klasrum ang isang guro, taglay na niya ang mga ideya kung paano tuturuan
ang kanyang klase. Kaya lang, ang proseso ng pagpaplano at pagbabalik ng mga Gawain
sa pagtuturo ay nakakaiba-iba ayon sa oryentasyon at paniniwala ng isang guro. Bawat
guro ay may sariling paniniwala kung paano ang mabisa at epektibong pagbabahagi ng
pagkatuto. Ang pagkaklaseng walang plano ay maaaring mauwi sa hindi pagkatuto ng mga
mag-aaral. May mga pagpaplanong palipad-hangin lamang dahil kung papasukin mo ang
klasrum ay malabong Makita ang mga inilahad na binalak na mga Gawain.

Makatutulong ng malaki para sa epektibong pagkaklase ang mahusay na


pagpaplano. Maaaring kontrahin ang katotohanang ito lalo na ng mga gurong matagal na
sa pagtuturo. Ang isyu ay hindi tungkol sa kung walang kailangan ba ang pagpaplano
kundi kung paano ang pagpaplano. Walang isang tiyak na sagot sa tanong na ito.

Maraming teknik para sa isang mabisang pagpaplano. Sa malawakang


pagpapakahulugan, ang pagpaplano ay tumutukoy sa mga Gawain na nagbibigay
direksyon sa pagbuo ng ugnayan ng mga gawaing pang mag-aaral at gawain ng guro
(Clark at Yinger, 180). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala sa pagkakaiba-iba ng
personalidad at istilo ng mga guro: pormal, masusing pagpaplano par sa mga gurong
sensitibo sa pangangailangan ng mga mag-aaral at impormal na proseso para sa iba.
Batay sa ganitong pananaw, madali natin makukuro ang isang depinisyon na naglulundo
sa mga pagpaplanong panturo (instructional planning).

Sa anumang pagpa pagpaplanong isasagawa, kailangan bigyang-pansin ang


sumusunod:

1. Ang mga layunin ng liksyon.


2. Ang pamaraan at pagkakasunod-sunod ng mga teknik o istratehiya
3. Pag-aalam sa kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo ng mga lilinanging mga
layunin.

Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga pagpaplanong


isinasagawa ng guro para sa isang pagututuro bagama’t maaaring hindi nabibigyan ng
magkakatulad na atensyon o importansya ang bawat isa. Ang pang araw-araw na
banghay aralin na ginagawa ng guro bilang paghahanda sa pagtuturo ay naaayon sa
kanyang intwisyon at mga desisyong rasyunal tungkol sa mag-aaral, sa nilalaman at
mga kasanayang lilinangin, at mga paraan at mga istratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGPAPLANO

Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring kalalabasan ng
pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakakaimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan
ng isang guro na-

Gamitin ang kanyang kaalaman sa :

 Kalikasan ng wika;
 Pagkatuto ng wika;
 Paano natutuhan ang wika;
 Mga salik sa epektibong pagkatuto;
 Mga sagabal sa pagkatuto;
 Mga kagamitan sa pagtuturo; at
 Mga dulog, pamamaraan at teknik

PAGTIYAK O PAGBUO NG DESISYON TUNGKOL SA:

 Ano ang dapat matutuhan;


 Gaano ang maraming matutuhana sa isang tiyak na panahon;
 Pag-aayaw-ayaw ng mga episodo sa pagtuturo;
 Anong Gawain at materyales ang gagamitin at kung saan episode;
 Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng pidbak; at
 Paano tatayain at pahahalagahan ang pagkatuto;

MGA PANANALIKSIK AT ILANG BATAYANG TEORETIKAL SA PAGPAPLANO


Ang katotohanan na ang epektibong pagpaplano ay mahalaga para sa epektibong
pagtuturo ay hindi na lingid sa kabatiran ng marami. Kakaunti lamang kung mayroon mang
pananliksik sapagpaplano noong mga nakaraan dekada.nito lamang mga huling 15 taon
nagging masigla ang mga pag-aaral at pananaliksik hingil sa pagpaplano. Karamihan sa
mga ito’y mga palarawang pag-aaral( descriptive research). At isinasagawa sa antas ng
elementarya (Kindsvatter,et al., 1996).

Ano ang mga binabanggit sa ilang pananaliksik tungkol sa aktwal na gawi ng mga
guro sa pagpaplano ng aralin? Natuklasan nina Clart at Yinger(1979) na karamihan sa mga
guro ay hindi matapat na sumusunod sa paglalapat ng mga simulang natutuhan nila sa
mga ekspertong edukador hinggil sa pagpaplanong pampagtuturo. Sa pag-aaral naman
nina Peterson, Marx at Clark(1978), natuklasan nila na mas unang binigyang-pansin ng
mga guro sa pagpaplano ang nilalaman at mga istratehiya sa pagtuturo bago ang mga
layunin.

Sa pag-aaral nila Levin at Long(1981) natuklasan nila na maganda ang kalalabasan


ng pagkatuto kung may kabatiran ang mga mag-aaral hinggil sa mga tiyak na layunin na
lilinangin. Pinatunayan din sa kanilang pag-aaral na ang pagsasabi ng mga layunin sa mga
mag-aaral ay magbibigay ng direksyon at seguridad sa kanilang pagkatuto.

Napagalaman nina Clark at Yinger(1980) na humigit kumulang 12 na oras sa loob


ng isang lingo ang ginugugol ng mga guro sa pagpaplano pampagtuturo. Ang proseso sa
pagpaplano ay karaniwang nagsisimula sa isang ideya at unti-unti itong nagkakahugis sa
pamamagitan ng patuloy na modipikasyon at elaburasyon. Ang inihandang banghay aralin
ay isang maliit na bahagi lamang na kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nsa
isipan ng guro ayon naman kay Earle(1992). Bumubuo ang maraming guro ng mg imahe o
sinaryo sa proseso ng kanilang kabuuang plano sa pagtuturo.

Ayon naman kay Westerman(1991), mas komprehensibo ang pananaw ng mga


bihasang guro sa mga mag-aaral at sa mga kaalamang kanilang ituturo. Ang mga baguhan
naman nakatutok sa pagtatamo ng layunin sa halip na isa-alang alang ang dating alam ng
mga mag-aaral at iuugnay ang mga ito sa mga bagong kaalaman. Natuklasan naman ni
Tyson(1991) nagagawa ng mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang mahahalaga at
mahihirap na bagay ng isang paksang aralin kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin.
Bibihirang nagagawa ito ng mga baguhang guro.

Sinabi ni Copper(1990) na ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa


mga mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik na
inilahad at mga desisyong binubuo sa pag-tiyak ng maaaring maganap sa pagkaklase,
mahirap na isipin na magagawa ng isang epektibong guro ang pagharap sa klase ng
walang malinaw na pagpaplano at desisyon hinggil sa mga layunin, metodo, istratehiya at
ebalwasyon sa isasagawang pagtuturo.

ANG PAGPAPLANO NG ARALIN

Ang pagtuklas kung paano mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang habang
buhay na proseso. Ito ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay matatamo
lamang sa pagkatapos ng maraming taong pagsasanay. Ang mga ibinabahagi rito’y ay ang
pagsisimula lamang ng mga proseso sa pagpaplano. Sisikapin din na tignan ang mga isyu
na dapat isa alang-alang sa pagpaplano ng aralin, bakit mahalaga ang isyung ito? At
paano nito maapektuhan ang pananagumpay o pagkabigo ng isang aralin.
ANO ANG ARALIN/ LIKSYON?

Mahirap bigyang kahukugan kung ano ang aralin. Nangyayari ito dahul sa ibat-ibang
aralin ay may kanya kanyang takdang haba ng oras sa pagtuturo at may ibat-iabng anyo o
hugis. Ang aralin sa pagbasa ay lubhang kakaiba sa aralin sa balarila kung minsan, may
liksyon an binubuo ng maraming episode ngunit kung susuriin ay wala naming kaugnayan
sa isat-asa.

Ang isang liksyon ay binubuo ng ibat-ibang yugto may simula, gitna at katapusan.
Halimabwa sa pagbasa, may binabanggit tayo nago bumasa, habang bumabasa at
pagtapos bumasa. Gayon din sa pagsulat: bago sumulat, habagn sumusulat at pagkatapos
sumulat. Tatalakayin ang mga terminolohiyang binaggit sa mga susunod na kabanata ng
aklat.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANO NG ARALIN ( BANGHAY ARALIN)

Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin

1. Iba’t ibang bagay ang halos magkakasabay na isinasaalang-alang ng guro sa


pagbabanghay ng isang aralin . sa pagpaplano ng aralin , na nabibigayan ng aralin
upang makapamili siyang mabuti ng mga gawaing ang angkop ilapat sa bawat
episode ng pagkatuto bago ito ilahad sa klase.
2. May dalawang dimension ang mga Gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin: a)
mga Gawain na isinasagawa bago pa man simulan ang pagtuturo, at b) mga gawain
sa loob lamang ng klasrum maisasagawa, napg iisipang mabuti ng guro ang buong
aralin sa tulong ng isang banghay o plano at naihahanda niya ng mas maaga ang
mga kaukulang kagamitang panturo.
3. Nagagawang maihananda ng guro ang kakailanganing software at hardware sa
pagtuturo kung mas maagang mabubuo ang banghay aralin.
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos na Gawain. Ito’y
maaring sangguniin ng guro sa mga darating na araw upang makakuha siya ng mga
impormasyon hinggil sa kung anong mga Gawain ang mabisa o di mabisa sa
pagkatuto ng mga batang kaniyang tuturuan

5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang batayan sa


pagpaplano. Kailangan sa pagpaplano ang pinakamataas na level na pagbuo ng
desisyon.kung ang pagpaplano ay di nagging epektibo, malamang na hindi ito
binigyan ng seryosong atensyon. Ang “ pagwawalang-bahala “na binigyang pansin
ni Silberman (1970, p.10) ay sinang ayunan ni Goodland (1983)ay bunga ng
kawalang ng malasakit ng mga guro sa pagpaplano. Sa tuwing bubuo o magbabalak
ang gurong magbanghay-aralin dapat niyang pag-isipang mabuti ang sumusunod na
mga tanong:

a. Ano ang konsepto, tapik o kasanayan ang mahalagang matututuhan ng mga


mag-aaral sa tiyak na oras sa isang pagkaklase?
b. Dahil sa binubuong silabus, batayang aklat o dating-gawi, possible bang
ipagpatuloy na lamang sa susunod na yunit ang aralin na wala man lamang
pagsaalang-alang kung ito nga ang pinaka angkop na talakayin?
c. May sapat bang kahandaan ang mga mag-aaral para sa pagtatamo ng mga
layunin para sa isang particular nay unit o liksyon?
d. Magbubunga kaya ng mataas na antas ng kawilihan ang mga tapik o yunit?
e. Anong mga istratehiya ang gagamitin sa pagtuturo sa tapik o yunit?
f. Anong mga teknik ang maaaring gamitin sa pagtataya, pormal o di pormal man,
sa mga pagsisikap o pagtatamo ng kaalaman ng mga mag-aaral?

MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG SA PAGBABANGHAY ARALIN

1. Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin na inaasahang


matatamo
 Alamin kung ano ang panlahat na layuning itinakdan para sa aralin. Maaring
ito’y hango sa PELC o PSSLC na ipinalabas ng kagawaran ng edukasyon.
Pagkatapos, alamin din ang mga kasanayang alam na maging dapat pang
linangin upang maisakatuparan ang mga layuning panlahat. Ang
pumapailalim na mga kasanayan ang dapat layunin ng bawat Gawain sa
liksyon o aralin.
 PELC at PSSLC ay talaan ng mga layuning lilinangin sa bawat aralin sa
paaralang elementarya at Sekundarya. Ang PELC ay inihanda ng kawanihan
ng paaralang Sekundarya.
2. Mga Katangian ng mga mag aaral
 Isaalang-alang ang higit na naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Alamin din ang kanilang interest ang antas ng kahusayan sa wikang pag
aaralaan. Ang mga impormasyong ito’y makatutulong sa pagtiyak kung anong
kagamitang panturo,Gawain,istilo sa pagkatuto at pamaraan at teknik ang
gagamitin sa pagtuturo.

3. Dating kaalaman ng mga mag aaral


 Kailangan ang tiyakng pag-iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ng
mga mag aaral ang kanilang dating kaalaman,tandaan ba ang isang liksyon
ay may isang paksa o tapik (e.g. Mga Halaman), mga Gawain (e.g.
pagsasatao, usapan)
4. Mga Gawain Pagkatuto
 Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral. Kung
maari, maglahad ng mga gawaing magagamit ng mga mag-aaral sa
paglalapat ng mga kasanayang nililinang para sa isang aralin.

5. Mga kagamitang panturo


 Pagtapos Matiyak ang mga Gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mga
angkop na kagamitan (awdyo-biswal) para sa bawat Gawain at kung paano
ito lubusang magagamit para sa isang makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

6. Wikang kailangan sa pagsasagawa mg mga Gawain


 Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamiti’y ay isinasagawa sa dalawang yugto
ng pagpaplano ng aralin.
a. Bago piliin ang mga Gawain – sa yugtong ito’y isinasaalang-alang ang
sumusunod:
 Magagawa ban g mga Gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga mag aaral
na mapagsanayan ang uri ng wikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo ng wika bago isagawa ang Gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?
b. kapag napili at naisaayos na ang mga kagamitan para sa mga itinakdang
Gawain---
 May mga kayarian bang pangwika na maaring hindi binalak ang lumabas sa
pagtuturong isasagawa?
 Kung mayroon, maksasagabal ba ito sa pagkatuto?
 Kung oo, paano mo ito lulutasin?
 Makabubuti ba kung ituturo muna ito sa mga mag –aaral? Kung hindi,kailangan
bang gumawa ng modipikasyon sa mga Gawain? at iba pa.

7. Oras o takdang panahon

Mahalaga ang oras o takdang panagon ayon sa sumusunod na pananaw:

 Kung kailan isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaring makaapekto


ito sa kalidad ng atensyong inaasahan mo sa iyong mag-aaral. Ang isang aralin
na kasabay ng isang klase sa P.E na nasa tapat ng iyong klasrum, ay hindi
maaring maging aralin sa pakikinig. Hindi rin kasiya-siya sa mga mag-aaral ang
pag-aaral ng balarila bilang huling aralin bago ang pag-uwi.
 Kung gaanong oras/panahon ang gugugulin ay kailangang pag isipan din sa
pagbabanghay ng aralin. Kung walang pagsasaalang-alang sa tamang
oras.maaring hindi maisakatuparan ang mga nililinang na layunin.Ang tamang
pagtatakda ng mga Gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagpaplano.
Halimbawa, ang pagbibigay ng mga tanong bago ang pagbasa o pakikinig sa
isang teksto ay maaring makatulong upang malinang sa mga mag-aaral ang
kasanayan sa paghula ng mga pangyayari. O di kaya naman, ang pagbibigay
ng mga tanong pagkatapos basahin ang teksto ay maaring isagawa upang
malinang ang kasanayan sa pag-unawang literal.
8. Partisipasyon guro-mag-aaral
 Kailangang pag-iisipan ding mabuti ng guro s yugto ng pagplano ng aralin ang
haba o tagal ng partisipasyon ng guro at mag-aaral.Dapat niyang isaisip na ang
partisipasyon ng bawat kasangkot sa isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng
klasrum ay naayon sa uri ng liksyon at ng mga layuning nililinang dito.
9. Pababalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga Gawain.
 maisagawa ito ng maayos, Kailangang tiyakin ng guro na ang itinakdang
oras para sa isang Gawain ay layuning nililinang para sa Gawain Minsan,
napahahaba ang talakay sa isang yugto ng aralin at naisasakripisyo tuloy ang
dapat na talakay sa isang mahalagang bahagi ng aralin.
10. Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga Gawain
 Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naayon sa kung ano ang
ituturo, Ang sariling pananaw ng guro sa wika at kung paano ito nattutuhan,
at ang parang kanyang pinananaligan, Gayunman, may ilang tanong na
dapat isaisip ang guro sa wastong pagsunod-sunod at pag-aantas ng mga
Gawain.
 Dapat bang magsimula muna ako sa mga madadaling Gawain bago
magpatuloy sa mga mahirap na Gawain?
 Kailangan ko bang isaisip na ang mga naunang Gawain ay paghahanda
paea sa mga sumusunod pang Gawain?
 Kailangan bang ang mga Gawain ay ugnay-ugnay para sa isang
makabuluhang pagkatuto?

You might also like