You are on page 1of 2

Mula sa aking ebalwasyon at natatandaan ukol sa Istratehiya at pagtataya sa

pagtuturo ng wikang Filipino ay masasabi kong tunay na may pagkamalikhain ang mga
guro upang ang kanilang mga estudyante ay maging aktibo sa kanilang pakikinig ng
mga aral. Ang aking mga nakalap na impormasyon ay mula sa panonood ng YouTube
at ang aking mga natatandaan noong ako’y elementarya pa lamang.

Ang talakayan ng pag-aaralan ay nag uumpisa


minsan sa isang palaro upang magkaroon ng
sigla ang mga bata sa pakikinig. Ang palaro ay
maaaring kaugnay sa pag-aaralan o hindi.
Madalas na ginagamit namin noong
elementarya ay ang “Pinoy Henyo”, kung saan
hinuhulaan ang mga salita mula sa pinag-aralan
o pag-aaralan pa lamang.

Kasunod ng palaro ay ang talakayan ng


pag-aaralan. Ito ay minsan nilalapatan ng
malikhaing gawain tulad ng paggamit ng
awitin, mga bidyo, dula-dulaan, flashcards,
puppet at mga visual aids gaya ng manila
paper at kartolina.

Sa kalagitnaan ng klase ay minsan


nagkakaroon ng pangkatan na magsisilbing
pagsasama-sama ng impormasyon mula sa
bawat isa upang masagot o makamtan ang
layuning iniatas sa bawat pangkat
nalilinang dito ang kooperasyon ng bawat
isa para sa tagumpay ng lahat.
At sa huli magtatapos ito minsan sa pagbibigay
ng maikling quiz oy pagtataya ng natutunan
upang malaman ng guro kung mayroon nga bang
natutunan ang mga bata sa naganap na
talakayan. Ito ay minsa’y nilalapatan din ng ibang
estratehiya hindi ito minsan basta pagsulat ito ay
pwedeng sa pamamaraan ng pangkatan din.
Kung saan magtatagisan ng talino ang bawat
pangkat at may hihiranging panalo at kung
minsan ay nagbibigay ng papremyo ang guro
upang mas maengganyo ang mga bata sa
susunod.

Ang maging guro ay ang propesyon kung saan ang iyong isipan ay may malawak
na espasyo para sa ikagaganda ng pagkatuto ng bawat bata. Nararapat na ikaw ay
magaling makibagay sa uri ng pagkatuto ng mga bata. Sa bawat estratehiya na iyong
ipiniprisinta ay ang siyang pagkatuto ng mga bata. Sa propesyong iyong tinatahak ay
mas malilinang mo pa ang mga bagay na nakakapagpagaling pa sa iyo, sapagkat ang
pagtuturo ay hakbang hakbang na proseso tungo sa tagumpay na iyong minimithi para
sa mga batang nais matuto.

You might also like