You are on page 1of 19

Pang-abay

Pang-abay ang tawag sa salitang


naglalarawan sa salitang kilos o pandiwa.

Ang pang-abay na nagsasabi ng pook o


lugar kung saan ginawa o nangyari ang kilos
ay tinatawag na pang-abay na panlunan.
Sumasagot ito sa tanong na saan?
Halimbawa
saan?
1. Si Lucille ay nagtatrabaho sa Makati.
saan?
2. Sa silid-aralan nagpraktis ang mga mag-aaral.
Bilugan ang pang-abay na panlunang nagsasabi
kung saan ginawa o nangyari ang kilos.
1. Ang pamilya namin ay namasyal sa parke.
2. Sila ay pumunta sa lalawigan upang magbakasyon.
3. Ang mga bata ay sa gitna tumayo upang
magehersisyo.
4. Itinago sa kabinet ang bagong biling damit.
5. Sa palengke nagtitinda ang aking Inay.
Bilugan ang pang-abay na panlunang nagsasabi
kung saan ginawa o nangyari ang kilos.
6. Ang mga damit ay sa dulo isinabit.
7. Ang mga magsasaka ay nangingisda sa dagat.
8. Ako ay sasama sa Hongkong upang magbakasyon.
9. Ang mga tao ay nanonood sa plasa tuwing pista.
10. Ang pamilya ay namili sa Supermarket ng pagkain.
Mga Sagot

1. Ang pamilya namin ay namasyal sa parke.


2. Sila ay pumunta sa lalawigan upang magbakasyon.
3. Ang mga bata ay sa gitna tumayo upang
magehersisyo.
4. Itinago sa kabinet ang bagong biling damit.
5. Sa palengke nagtitinda ang aking Inay.
Mga Sagot
6. Ang mga damit ay sa dulo isinabit.
7. Ang mga magsasaka ay nangingisda
sa dagat.
8. Ako ay sasama sa Hongkong upang magbakasyon.
9. Ang mga tao ay nanonood sa plasa tuwing pista.
10. Ang pamilya ay namili sa Supermarket ng pagkain.
Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay
nagsasabi ng panahon o oras ng paggawa ng
kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na
kailan?
Halimbawa

1. Umalis agad ang mga panauhin.

2. Palaging naglalaro sa aming bakuran si Tonton.

3. Tumutulong siya sa nanay tuwing Sabado at


Linggo.
Kahunan ang pang-abay na pamanahon
na ginamit sa pangungusap.
1. Kahapon bumalik mula sa ibang bansa ang pinsan ko.
2. Nag-aaral si Noel ng kanyang leksyon
gabi-gabi.
3. Magdiriwang ng kaarawan ang bunso
sa isang buwan.
4. Sa gabi ka tumawag sa akin.
5. Ipadadala ko ang sulat bukas ng umaga.
Kahunan ang pang-abay na pamanahon
na ginamit sa pangungusap.
6. Naglalakad pauwi si Bing tuwing maliwanag ang
buwan.
7. Dumadalaw siya sa lolo niya tuwing makalawang
buwan.
8. Sagutin mo agad ang liham ko.
9. Sa susunod na taon ako magbabalikbayan.
10. Mag-aani na sila sa Miyerkules.
Kahunan ang pang-abay na pamanahon
na ginamit sa pangungusap.
1. Kahapon bumalik mula sa ibang bansa ang pinsan ko.
2. Nag-aaral si Noel ng kanyang leksyon
gabi-gabi.
3. Magdiriwang ng kaarawan ang bunso
sa isang buwan.
4. Sa gabi ka tumawag sa akin.
5. Ipadadala ko ang sulat bukas ng umaga.
Kahunan ang pang-abay na pamanahon
na ginamit sa pangungusap.
6. Naglalakad pauwi si Bing
tuwing maliwanag ang buwan.
7. Dumadalaw siya sa lolo niya
tuwing makalawang buwan.
8. Sagutin mo agad ang liham ko.
9. Sa susunod na taon ako magbabalikbayan.
10. Mag-aani na sila sa Miyerkules.
Pang-abay na Pamaraan
Pamaraan ang uri ng pang-abay na
nagsasabi ng paraan ng paggawa ng kilos.
Sumasagot ito sa tanong na paano?
Halimbawa
paano?

1. Ang dalawang sisiw ay mabilis tumuka.


paano?

2. Mabagal maghanap ng pagkain ang lalaki at babaeng


manok.
Salungguhitan ang pandiwa. Kahunan ang
pang-abay na pamaraan.
1. Si Miguel ay tahimik na nag-aaral.
2. Paulit-ulit niyang binabalikan ang mga sagot niya sa
math.
3. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang nakababata
niyang kapatid.
4. Siya ay malambing na kinausap nito.
5. Maya-maya pa, masaya nang nagturuan ang
magkapatid.
Salungguhitan ang pandiwa. Kahunan ang
pang-abay na pamaraan.
6. Si Mang Kanor ay masipag magtrabaho sa bukid.
7. Mahusay siyang mag-alaga ng mga pananim.
8. Ang mga halaman ay maingat niyang tinatanggalan
ng mga tuyong dahon.
9. Masinop niyang inaayos ang mga inaning prutas at
gulay sa mga kaing.
10. Ang mga kaibigan ay matapat na humahanga sa
kanya.
Mga Sagot
1. Si Miguel ay tahimik na nag-aaral.
2. Paulit-ulit niyang binabalikan ang mga sagot niya sa
math.
3. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang nakababata
niyang kapatid.
4. Siya ay malambing na kinausap nito.
5. Maya-maya pa, masaya nang nagturuan ang
magkapatid.
Mga Sagot
6. Si Mang Kanor ay masipag magtrabaho sa bukid.
7. Mahusay siyang mag-alaga ng mga pananim.
8. Ang mga halaman ay maingat niyang tinatanggalan
ng mga tuyong dahon.
9. Masinop niyang inaayos ang mga inaning prutas at
gulay sa mga kaing.
10. Ang mga kaibigan ay matapat na humahanga sa
kanya.

You might also like