You are on page 1of 5

1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari.

Ginamit ito sa
pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.

Halimbawa:

1. Si Anna ay laging naka-pula.


2. Ang kaibigan nyang si Elsa ay matyaga.
3. Si Vincent ay laging lampa sa klase.
4. Si Joseph ay pogi.
5. Si Lourdes ay maganda.
6. Ang nanay ay nagluluto ng Kaldereta.
7. Si Manong Kanor ay isang huwarang mangagawa.
8. Ang mga mag-aaral ay pumila ng tuwid at maayos.
9. Ang papel ay maputi at malinis.
10. Kumalat ang sakit sa buong Metro Manila.

2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.

Halimbawa:

1. Mag-iipon ako ng pera para may maipambili ng gamit sa eskwela sa darating na


pasukan.
2. Ang bag na ito ay pasalubong ni Tiya Isabel mula sa Hongkong.
3. Sinu-sino ang kasama ni Marta pumunta ng Baguio?
4. Bawat tao ay may karapatang maging masaya.
5. Ang pumatay diumano ay isang lalaking may hawak ng baril na tumakas sakay ng isang
motorsiklo palabas ng malaking kalsada.
6. Ganoon na lamang ang panlulumo ng ina ng makita ang nakaratay na anak dulot ng
pagkakasakit.
7. Kata ng mamasyal at maglakad – lakad sa plasa upang makita ang gayak ng kapistahan.
8. Diyan ko na lamang dadalhin ang mga donasyong halaman upang maihanda natin sa
pagtatanim kinabukasan.
9. Alin sa mga gamit na ito ang dadalhin natin bukas sa activity?
10. Pawang kabutihan ang isinukli niya sa kagandahang – loob ng mga mamamayan ng
Cavite.
3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.

Halimbawa:

1. Siya tumakbo sa hallway ng paaralan


2. Si Ben ay nagsulat ng mga halimbawa ng pandiwa.
3. Ako ay nagtanim.
4. Ang aking ina ay naglaba.
5. Si Juan ay mahilig maglaro.
6. Si Ben ay nag-ayos ng kama.
7. Si Mon ay naglalaro ng lupa.
8. Ako ay umalis ng bahay kanina
9. Ang aso ko ay kinuha ang aking tsinelas
10. Si Bon ay bumili sa tindahan.

4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.

Halimbawa:

1. Sasama ka ba o maiiwan nalang sa bahay?


2. Si Ana at ang kanyang pamilya ay dadalo sa pagtitipon sa bayan.
3. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa habang ang kanyang guro ay nagtuturo.
4. Magdala ka ng payong dahil baka umulan mamaya.
5. Nais kong sumamamg mamasyal sa inyo sa mall ngunit kailangan ko pang tapusin ang
aking proyekto.
6. Ang pagkakaroon ng mataas at magandang na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng isang lipunan.
7. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
8. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
9. Naging malinis ang Baragay Dulumpslit dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan.
10. Kailangan nating tulungan si kapitan upang maaayos ang barangay.

5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

Halimbawa:

1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.


2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
6. Sina Angelo at Marco ay aalis mamayang gabi upang pumunta sa kaarawan ng kanilang
kaibigan na si Paolo. Ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang kaibigan sa isang restaurant
sa Maynila.
7. Ang kinain kong pansit kanina ay mula sa pinuntahan kong pyesta sa probinsya. Masarap
ang mga pagkain sa nasabing piging.
8. Ang pagnanakaw sa isang tindahan ay labag sa batas ng bansa at sa batas ng Diyos. Hindi
ito dapat gawin ng sinuman.
9. Nais ni Angeline na mag-aral sa ibang bansa upang makakuha ng magandang edukasyon.
Sa kabila nito, nais din niyang bumalik ulit sa Pilipinas pagkatapos niyang mag-aral sa
ibang bansa.
10. Pumunta si Ariana sa Japan noong buwan ng Disyembre. Nais niyang makakita ng niyebe
sa ibang bansa dahil walang niyebe sa Pilipinas.
11. Dahil Valentine's Day kahapon, bumili ng bulaklak si John para sa kanyang iniibig.
Mahilig ang kanyang iniibig sa mga bulaklak.

6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan


ang pagkakasabi ng pangungusap.

Halimbawa:

1. Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.


2. Masayang naglalaro ang mga bata.
3. Isang masunuring bata si Nonoy.

7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

1. Taglay niya ang magandang tinig.


2. Siya ay isang mabait na bata.
3. Maputi ang kaniyang balat.
4. Makinis ang kaniyang kutis.
5. Ang laki ng kaniyang katawan.
6. Ang buhok niya ay mahaba.
7. Magulo sa kanyang kwarto.
8. Si Linda ay matalino.
9. Si Betty ay mataba.
10. Sina Mia at Jc ay masipag.

8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-aabay.

Halimbawa

1. Tuwing umaga ay nag - iigib sila ng tubig sa balon upang merong magamit sa maghapon.
2. "Mula ngayon dito ka na sa amin maninirahan at sa silid ni Lorie ka rin matutulog."
3. "Manonood kami ng sine bukas ng hapon pagkagaling ni tatay sa trabaho."
4. "Araw - araw akong umaasa sa pagbabalik mo hanggang sa mabalitaan ko na lang na
nakulong ka pala dahil sa pagtatanggol sa sarili mo."
5. Taun - taon ay nagkakaroon ng paliga si kapitan upang mabaling ang atensyon ng mga
kabataan sa isports at malayo sa mga ipinagbabawal na gamot.
6. Taimtim na pinaka kikinggan ang kanyang awitin.
7. Maaga siyang naka rating sa kanilang bahay.
8. Pumunta si elsa sa super market.
9. Tahimik siyang nakikinig nang kanta.-pamaraan
10. Naka punta na siya sa star city
Proyekto sa Filipino
Bahagi ng
Pananalita

Ipinasa ni:
Paul Sander Alamida

Ipinasa ni:
Ma’am Carmela Tigallo
Proyekto sa Filipino
Bahagi ng
Pananalita

Ipinasa ni:
Janine Magbanua

Ipinasa ni:
Ma’am Carmela Tigallo

You might also like