You are on page 1of 19

FIL 1, Unang Semestre 2014-2015

G. Mar Anthony Simon dela Cruz

Sindihan mo na ang kandila para lumiwanag.


Lumiwanag sindihan ang para kandila mo
na.
Naglaro si Agnes sa gitna ng hardin.
Naglaro sa gitna ng Agnes si hardin.
Kumain ng isda ang tatay kahapon.
Kumain ang tatay ng isda kahapon.

Ang sistema ng pagsasama-sama o


pag-uugnay-ugnay ng mga morpema
o salita upang makabuo ng mga
parirala o pangungusap na
katanggap-tanggap sa mga
tagapagsalita ng wika.

Ang sintaks ay tinatawag ding


palaugnayan.

Isang salita o katipunan ng mga salita na


nagpapahayag ng buong diwa.
Magsasayaw sina Thelma at Louise
mamaya.
Magandang gabi po.
Halika.
Ewan.
Aray!

Mga salitang pangnilalaman (content


words)
1. Nominal pangngalan, panghalip
2. Pandiwa
3. Mga Panuring pang-uri, pang-abay
Mga salitang pangkayarian (function
words)
1. Mga Pang-ugnay pangatnig, pang-angkop,
pang-ukol
2. Mga Pananda pantukoy, pangawing na ay
content words + function words = sentence

Paksa Pinag-uusapan o pinagtutuunang-pansin sa


pangungusap. Nasa paksa ang pokus ng sinasabi sa
pangungusap.
1. Paksang pangngalan - Ang pangulo ay nagtalumpati.
2. Paksang panghalip - Natutulog siya.
3. Paksang pang-uri Niligawan niya ang magandang
dilag.
4. Paksang pandiwa Tinawanan nila ang umiiyak na
bata.
5. Paksang pang-abay Isapuso ang maayos na pagawit
ng Lupang Hinirang
6. Paksang pawatas Hilig niya ang magtinda.

Panaguri - Nagbibigay-kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa
1. Panaguring pangngalan Guro ang nanay ko.
2. Panaguring panghalip Sila ang mga doktor.
3. Panaguring pang-uri Makulay ang damit ni Sarah.
4. Panaguring pandiwa Nagpahinga siya sa gilid ng
daan.
5. Panaguring pang-abay Oras-oras ang biyahe ng
bus.
6. Panaguring pawatas Magtinda sa palengke ang
ikinabubuhay niya.

Magkaibigan lamang daw sina Katniss at


Peeta.
Masama ang ugali ni Regina na kilalang
cheerleader.
Pinilit ng barkada na sumali sa kanilang grupo
si Beca.
Nagpunta ang magkaibigang Romy at Michelle
sa kanilang hayskul at doon nagsayaw.
Nag-alaga si Harry ng puting kuwago.
Inalagaan ni Harry ang puting kuwago.

Ilang halimbawa:
1. Eksistensiyal mayroon o wala
- May pasok ngayon.
2. Maiikling sambitla Pagpapahayag ng matinding
damdamin
- Nakupo!
3. Pamanahon Nagsasaad ng oras o uri ng panahon
- Umaaraw.
4. Pormulasyong panlipunan Mga pagbati, paggalang,
atbp. Na
nakagawian na sa lipunang Pilipino
- Tao po.

Karaniwan

Di-Karaniwan

Pangungusap

Panaguri

Naligo sa sapa
Andrew.

Pangungusap

Paksa

Paksa
Panaguri
si

Si Andrew
sapa.

ay

ay naligo sa

1. Sa pamamagitan ng mga paningit (pa, ba, man,


naman, nga, pala, atbp)
Hal. Ikaw pa lang ang dumating
2. Sa pamamagitan ng komplemento - Tinatawag
na komplemento ang bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
a. Komplementong tagaganap Kung sino ang
gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa
(pananda: ng, ni, nina).
Hal. Itininda ng kaibigang babae ang bestida.

b. Komplementong tagatanggap Kung sino ang


nakikinabang sa kilos ng pandiwa (mga pananda: para sa,
para kay, para kina).
Hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga
bisitang darating.
c. Komplementong ganapan Lugar na ginaganapan ng
kilos ng pandiwa (pananda: sa)
Hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.
d. Komplementong sanhi Kadahilanan ng pangyayari ng
kilos ng pandiwa (mga pananda: dahil, sa, kay)
Hal. Nahuli ng dating si Nora dahil kay Rosa.

e. Komplementong layon Tinutukoy ang bagay


(pananda: ng).
Hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.
f. Komplementong kagamitan Tumutukoy ito sa kung
anong instrumento ang ginagamit para maisakatuparan
ang kilos ng pandiwa (pananda: ng, gamit ang, sa
pamamagitan ng).
Hal. Pinunasan ko ng basahan ang mesa.
g. Komplementong direksiyonal Nagsasaad ng direksiyon
at kilos na taglay ng pandiwa (pananda: sa).
Hal. Nagpunta sila sa Amerika.

3. Sa pamamagitan ng pagtatambal Gamit ang


mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit,
saka at iba pa.
Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang
bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.
4. Sa pamamagitan ng paggamit ng modifier
Hal. Puntahan natin ang nagwawalang mamang
iyon.
5. Sa pamamagitan ng pariralang pang-abay
Hal. Mag-aaral si Larry nang maaga.

Palawakin o pahabain ang mga sumusunod na


pangungusap:
1. Hinablot ang bag. (komplementong tagaganap)
2. Nagluto si Sarah. (komplementong tagatanggap)
3. Naglaro ang magkapatid. (komplementong ganapan)
4. Sumakit ang ulo niya. (komplementong sanhi)
5. Bumili sila kahapon. (komplementong layon)
6. Sinulatan ko ang notbuk. (komplementong
kagamitan)
7. Ipinasyal ko sila. (komplementong direksiyonal)

Ugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

1. Pokus sa tagaganap o aktor Kapag ang paksa ng


pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng
kilos na isinasaad ng pandiwa (panlapi: mag-, um-,
mang-, makapag-, maka-, mag-).
Hal. Magsusulat ng tula si Perla.
2. Pokus sa layon Kung ang paksa ng pangungusap
ay ang layon ng pandiwa (panlapi: i-, -an, ma, ipa-,
-in-)
Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.

3. Pokus sa ganapan Kung ang paksa ay ang lugar


na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa
(panlapi: -an, -han, pag-).
Hal. Pinaglutuan ni Nena ng bigas ang
kawayan.
4. Pokus sa tagatanggap Kung ang paksa ng
pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan
ng kilos (panlapi: ipang-, ipag-, -i).
Hal. Ibinili ko ng kakanin ang lola ko.

5. Pokus sa kagamitan o instrumental Kung ang paksa


ay kagamitan o kasangkapan ng kilos (panlapi: ipang-).
Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang
sampalok.
6. Pokus sa sanhiKung ang sanhi o kadahilanan ng
pangyayari ng kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap (panlapi: ipinag-, i- at in-, ika-).
Hal. Ipinagkasakit niya ang paglalaro sa ulan.
7. Pokus resiprokalKung ang paksa ng pangungusap ay
siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos (panlapi-mag-/nag- at an).
Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.

Tukuyin ang pokus ng pandiwa sa mga sumusunod na


pangungusap:
1. Ikinuha ko ng pagkain si Buffy.
2. Hiniram ni Angel ang payong.
3. Kumain ng suman si Spike.
4. Pinagtamnan ni tatay ng gulay ang bakuran namin.
5. Ipinangkulay ko ang krayola ng pamangkin ko.
6. Nagsuntukan ang magkaibigang Ben at Noel.
7. Ikinatuwa ng guro ang matataas na marka ni
Felicity.

You might also like