You are on page 1of 5

MALA-MASUSING

BANGHAY-ARALIN
SA
FILIPINO 2
(ALAMAT NG SAGING)

Inihanda ni:
CHERRY MAE D. CABUANG
(Teaching Intern)

Inihanda para kay:


Bb. Jerima Ferrer
(Gurong Tagapagsanay)
I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga sumusunod ay inaasahang matatamo ng

mga mag-aaral nang may 75% tagumpay:

1. Naibibigay ang mga pangalan ng tauhan sa kwento;

2. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat;

3.Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng alamat.

II. Paksang-aralin

Paksa: Alamat ng Saging

Sanggunian: Alamat ng Saging, Maestro Valle Rey

Mga Kagamitan: Tsart, kartolina, marker, stik, foulder, coupon, laptop

Pagpapahalaga: Pagbibigay importansya at benipisyo ng mga prutas na ating

kinakain.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtala ng lumiban sa klase

3. Balik-aral

Ano ang maikling kwento?

Magbigay ng halimbawa ng maikling kwento na nabasa?

B. Pagganyak

Itanong ang iba’t ibang klase ng prutas na kinakain ng mga mag-aaral.

Bigyang pansin ang prutas na mangga.

C. Paghawan ng sagabal

Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A na ksingkahulugan ng nasa


Hanay B.

Hanay A Hanay B
______1. Nasambit A. Magaspang

______2. Nakikipagtago B. Ibinaon

______3. Binunot C. Nasabi

______4. Inilibing D. Kinuha

______5. Pinutol E. Tinaga

D. Paglalahad (4Pics1Word)

Gabay na tanong.

1. Ano ang iyong nabuong salita batay sa larawan?

2. Anong uri ang SAGING? Ito ba’y prutas o gulay?

Ang iyong nabanggit ay may kinalaman sa ating tatalakaying paksa na pinamagatang


“Alamat ng saging”. Ang saging ay isa sa mga paboritong prutas ng mga Pilipino. Ito ay
isang uri ng halamang tropiko na tumutubo lang sa mga lugar na nasa rehiyong Tropiko
kung saan kabilang ang Pilipinas. Karaniwang makikita ang puno nito sa mga taniman na
nasa mabababang lugar at maging sa mga bakuran. Ang puno ay mataas, malaki at
maraming dahoon. Dito ay matutunghayan natin kung ano nga ba ang pinagmulan ng
alamat ng mangga.

E. Pagtalakay

Ididikit ng guro ang tsart na naglalaman ng mga pangyayaring naganap sa alamat ng


saging. Bibigyan ng isang minuto ang mga mag aaral upang basahin at unawain ang
alamat na nakapaskil sa harapan. Pagkatapos ng isang minuto ay sasagutan ng mag-
aaral ang ipinagawang pagsusulit.

F. Paglalapat

Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang klase ng prutas. Pagkatapos ay magtatawag ang


guro ng mag-aaral na sasagot sa ilang katanungan.

a. Ano ang paborito mong prutas? At bakit?

b. Ano ba ang mga benipisyong naibibigay ng prutas sa ating

pangangatawan?

c. Sa iyong paglaki, gusto mo rin bang magtanim ng mga prutas sa iyong

bakuran? Anong prutas ito?

d. Sa iyong palagay, ang saging ba ay madaling itanim? Ano ang mga

dapat gawin para maging malago ito?

G. Paglalahat

Gumuhit ng isang prutas na sumisimbolo sa iyong ugali.

IV. Pagtataya

Iguhit ang kung ang pangyayari ay naganap sa alamat at kung hindi.

_______ 1. Si Mang Pedro ang ama ni Juana na tutol sa pag-iibigan ng magkasintahan.

_______ 2. Si Aging ang lalaking iniibig ni Juana.

_______ 3. Dinalaw ng binata si Juana at siya ay pinatuloy sa bah-takotay ng dalaga.

_______4. Naduwag si Aging nang makita niya ang ama ni Juana.

_______5. Tumubo ang isang halaman mula sa buhok ni Juana


V. Kasunduan/Takdang Aralin

Panuto: Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat na kanilang


nalalaman dito sa ating bayan. Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito sa klase.

You might also like