Professional Documents
Culture Documents
IGNACIO
BS CRIMINOLOGY 3 BLOCK 4
Gabay naTanong:
1. Ipaliwanag kung bakit ang pelikula ay tumatalakay sa isyung pangkasarian. Magbigay ng patunay
sa mga eksena ng pelikula na naglalarawan sa isyung nabanggit
Ang pelikula ay tumatalakay sa isyung pangkasarian dahil ang sa kasalukuyang panahon may
transisyon o pagbabago ng papel ng babae ang makikita sa pelikula na tunay na nangyari sa lipunan.
masining na pagkakagawa ng pelikula ay hindi maitatangging ang kalakip na mensahe nito ay ang
pagsasabing ang sining ay likas na amoral o walang kinikilalang moral o imoral. Nakatutok ito sa
estitiko, sa emosyon at hindi naka-angkla sa kung ano pa mang pagpapahalaga bukod sa pagpapahalaga
sa kinikilala nilang “sining”. Ngunit maari sa ring maituring na katanggap-tanggap ang pelikula dahil
nagawa nitong ihain ang mensahe ng hindi kinikiliti ang sensibilidad ng manonood. Hindi rin nito
minamaliit ang lawak ng pang-unawa ng madla.
Ipinakita ang tatlong tauhan sa unang eksena: si Karen (Jean Garcia), guro sa literatura na tinatalakay
sa klase ang tula ni Ruth Elynia Mabanglo na Kinukumutan Ka ng Aking Titig; si Marlon (Rocco
Nacino) na tumititig sa guro at pautal-utal sa pagsagot sa talakayan; at si Dennis (Paulo Avelino) na
tumititig naman kay Marlon. Epektibo ang simula ng kuwento dahil naihain agad ang sari-sariling
problema pati ang karakterisasyon ng bawat tauhan. May pagkiling sa peministang tula at paniniwala
si Karen, balakid kay Marlon ang di niya mahusay na pagkaintindi sa panitikan para magpakitang-gilas
kay Karen, at malayo naman si Dennis kay Marlon.
3. Ano ang iyong pangkalahatang puna sa pinanood at aral na siyang maisasabuhay mo at ng bawat
indibiduwal.
Binigyang dignidad ng pelikula ang karangalan ng isang guro, pati na rin ng mga makata, mga
artista at mga mananayaw…sayang nga lang at hindi malinaw ang lugar ng Diyos na siyang tunay
na may likha ng lahat ng sining at Siyang nagbibigay ng talento na nararapat lamang gamitin sa
kabutihan at sa ikakalaganap ng Kanyang pagmamahal.